You are on page 1of 1

St.

Paul College Pasig


Departamento ng High School

<Petsa ng pagsulat>

<PANGALAN NG SUSULATAN>
<Posisyon sa organisasyon/propesyon>
<Pangalan ng organisasyon o kompanya>

Mahal na <Pangalan ng susulatan G./Gng./Bb.>:

Pagbati sa ngalan ng kapayapaan!

Kami po ay mga mag-aaral mula sa Baitang 10 Silid <1> ng paaralang St. Paul College Pasig. Kasalukuyan
po naming binabalangkas ang aming adbokasiya bilang bahagi ng higit na pag-unawa sa mga naging
pagtalakay namin sa klase alinsunod sa paksang El Filibusterismo at higit na pagbibigay ng tuon sa mga
suliraning panlipunan na nabakas sa nakaraan ngunit patuloy na umuusbong sa kasalukuyan.

Ninanais po sana naming lumikha ng ilang hakbang lumikha ng hakbang kung di man tapusin ang mga
suliraning panlipunang natukoy ay maibsan man lamang ang mga ito sa tulong ng aming nililikhang
adbokasiya na nakatuon sa <pagpapaliwanag sa nabuong adbokasiya>.

Kaugnay nito, lumalapit po kami sa inyo upang kayo po’y maging kabahagi ng higit naming pag-unawa sa
paksang aming nais na bigyan ng pansin at ganoon din po’y kunin ang inyong opinyon kaugnay ng aming
binubuong adbokasiya. Naniniwala po kami sa inyong malawak na kaalaman at kahusayan sa paksang
<suliraning panlipunang nais na talakayin> na makatutulong sa pagtamo ng layunin ng aming gawain.

Upang maisakatuparan po ito, nais po naming maisagawa ang panayam sa <petsa> sa ganap na <oras>.

Pauna na po ang pasasalamat sa inyong magiging malaking bahagi sa katagumpayan ng aming gawain.

Kalakip po ng liham na ito ang mga tanong na siyang gagamitin sa panayam.

1. (Tanong tungkol sa pagpapakilala ng kinakapanayam, trabaho/propesyon/ kinalaman ng gawain


o organisasyon sa paksa)
2. (Tanong tungkol sa pananaw ng kinakapanayam tungkol sa isyung panlipunang nakatalaga/pinili
ng pangkat)
3. (Tanong tungkol sa suhestiyon ng kinakapanayam sa posibleng gawain o hakbang na maaaring
gawin ng mga mag-aaral upang matugunan ang suliraning panlipunan na magiging bahagi ng
adbokasiya)
4. (Tanong tungkol sa layunin at maaaring kalabasan ng gawaing iminungkahi ng kinapanayam)
5. (Tanong tungkol sa mga hakbang sa pagsasagawa ng gawaing iminungkahi ng kinapanayam)

Lubos na gumagalang,

<Pangalan ng miyembro ng pangkat>

You might also like