You are on page 1of 15

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 13:


Wastong Gamit ng Pang-ukol
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 13: Wastong Gamit ng Pang-ukol
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Irene T. Cababat
Editor: Ramon S. Gravino Jr., Gemma M. Gutierrez
Tagasuri: Vicente A. Pines Jr., Iris Kristine A. Mejos, Neil Edward D. Diaz
Tagawasto: Gemma G. Daño, Merla Silva, Myleen C. Robiños,
Tagaguhit at Tagalapat: Marco Rigor A. Jumawan, Lee Wilson C. Precellas, Greco N.
Dasmariñas, Demosthenes O. Cajes, Roel S. Palmaira
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 13:
Wastong Gamit ng Pang-ukol
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o
kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito.
Malalaman mo rito ang gamit ng mga pang-ukol.

Handa ka na ba?

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


 nakagagamit nang wasto ng pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa,
tungkol sa, tungkol kay, para kay at ayon kay) sa pangungusap.

Subukin

Piliin mo ang angkop na pang-ukol sa loob ng panaklong. Isulat ang iyong


sagot sa papel.

1. Ang mga opisyal ng PHIVOLCS ay may ulat (laban sa, para sa, tungkol sa)
pag-aalboroto ng Bundok Apo.

2. (Para sa, Ayon sa, Ukol sa) PHIVOLCS, may posibilidad na pumutok ang
Bundok Apo anumang oras.

3. Pinalikas ang mga residente (laban sa, para sa, ayon sa) kanilang
kaligtasan at seguridad.

4. Ang paglikas ng mga mamamayan ay (ukol sa, para sa, tungkol kay) utos
ng lokal na pamahalaan.

5. Naghanda ng mga kagamitang pamproteksyon ang mag-anak (tungkol sa,


ukol sa, laban sa) lindol.

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
Aralin
Wastong Gamit ng
1 Pang-ukol

Balikan

Basahin ang pangungusap at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

Bumili ng regalo si Aling Susan para sa kaniyang anak na si Obet


sapagkat nakakuha ito ng mataas na marka sa pagsusulit.

1. Sino ang bumili ng regalo?


______________________________________________
2. Para kanino ang biniling regalo?
______________________________________________
3. Bakit binigyan siya ng regalo?
______________________________________________

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
Tuklasin

Basahin ang comic strips at pansinin ang mga salitang may salungguhit.

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
Suriin
Balikan ang comic strips na iyong binasa. Sagutin ang sumusunod na mga
katanungan. Isulat sa papel ang iyong sagot.

1. Ano-ano ang mga salitang nakasalungguhit?


2. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
3. Kailan ginagamit ang mga salitang laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa, at
tungkol sa?
4. Kailan ginagamit ang mga salitang tungkol kay, para kay at ayon kay?

Pagtalakay sa Aralin
Ngayon ay pag-aaralan mo ang kahulugan ng pang-ukol at kung paano ito
gagamitin sa pangungusap.

Pang-ukol
Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.
Ito ay ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay
ang mula sa tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng
isang kilos, gawa, balak,
ari o layon.

Dalawang pangkat ng Pang-ukol


A. Ginagamit na pag-ugnay sa pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa,
ayon sa, tungkol sa at para sa.

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
Halimbawa:
1. Ukol sa kalusugan ang paksa ng usapin.
2. Ang mga aklat na ito ay para sa mayayaman.

B. Ginagamit na pang-ugnay sa ngalan ng tanging tao o pantangi - ang


gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao, tulad ng tungkol kay,
para kay at ayon kay.

Halimbawa
1. Para kay Berto ang pagkaing ito.
2. Ayon kay Manuel, ang pananaliksik ay
nagdaragdag sa ating kaalaman.

Pagyamanin
Piliin mo sa loob ng kahon ang wastong pang-ukol na ipupuno sa
patlang ng bawat bilang upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa papel
ang iyong sagot.

tungkol kay ayon sa tungkol sa


laban sa para sa

1. Ang mga sariwang gulay ay _____________ nanay.


2. Ang paksa ng usapan sa kanto ay ___________ kalamidad
ng bansa.
3. ____________ mapanirang hayop ang ginawa kong panangga.
4. ____________ gobyerno, maraming napinsalang ari-arian dulot ng lindol.
5. ____________ Berto ang pinag-usapan ng pamilya.

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
Isaisip

Dugtungan ang pahayag ayon sa iyong natutuhan sa paksa.

Ang ____________ ay mga ____________ o salitang nag-


uugnay sa isang _________________ sa iba pang salita sa pangungusap.

Isagawa

Batay sa larawan, bumuo ka ng tatlong pangungusap gamit


ang mga pang-ukol. Isulat ang iyong sagot sa papel.

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________

Tayahin
Punan mo nang angkop na pang-ukol ang bawat patlang
upang mabuo ang pangungusap.

ayon kay ukol sa para sa


tungkol sa tungkol kay laban sa

1. _____________ bagyo ba ang inyong pinag-usapan?


2. Kailangan nating magtanim ng mga puno _____________
posibleng pagbaha dulot ng malakas na ulan.
3. ”Ligtas ang may Alam”____________ Kuya Ramon.
4. Nais kong mamigay ng mga pagkain at damit ___________
mga taong nasalanta ng lindol.
5. _____________ Senador Fernando ang balita sa diyaryo.

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
Karagdagang Gawain
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pang-
ukol. Isulat sa papel ang iyong sagot.
1. laban sa
2. ayon sa
3. para kay
4. ukol sa
5. tungkol sa

Susi sa Pagwawasto

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
9

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
Sanggunian
Balarila Revised 2015

10

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

11

CO_Q3_Filipino 1_ Module 13

You might also like