You are on page 1of 3

FAQs re PGS PNP P.A.T.R.O.L.

Plan 2030

Ano ang PGS?

Ang Performance Governance System (PGS) ay isang balangkas na


sumusukat sa performance o pagganap sa tungkulin ng kapulisan at kung gaano
kaepektibo ang mga inisyatibo at programa nito.Ito ay isang management tool na
nagbibigay ng mga parameter upang masukat at matiyak na ang PNP ay nasa
tamang landas tungo sa pagpapatupad ng PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030.

Ano ang PGS Governance Pathway?

• Ang PGS Governance pathway ay nahahati sa apat (4) na yugto, katulad ng: a.
INITIATION STAGE; b. COMPLIANCE STAGE; c. PROFICIENCY STAGE; at d.
INSTITUTIONALIZATION STAGE. Dapat sumunod ang PNP sa mga tiyak at
konkretong hakbang na nakapaloob dito at sa mga aksyon na kinakailangan sa
bawat yugto.

Sorsogon PPO Conferment Dates:

Initiation Stage - May 7, 2014


Compliance Stage - March 9, 2016
Proficiency Stage - December 10, 2018
Institutionalization - On process

Ano ang PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030?

Ang PNP P.A.T.R.O.L Plan 2030 o PNP Peace and Order Agenda for
Transformation and Upholding of the Rule of Law ay ang adaptasyon ng PNP sa
Performance Governance System (PGS) na naglalayong isulong ang pagbabago sa
PNP upang magkaroon ng sapat, karapat-dapat, pinaka-epektibo at
pinakamaaasahang serbisyo ng pulisya upang ang komunidad ay magkaroon ng
isang ligtas at mapayapang pamumuhay at aktibong kalakalan. Ang pagtalima ng
Pambansang Pulisya sa konsepto ng Performance Governance System (PGS) ang
naging daan sa pagbuo ng PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030 at ang naturang
transformation agenda ay nakapaloob sa PNP Charter Statement.

Ito ay isang estratehikong pamamahala at kasangkapan sa pagsukat ng pagganap


upang matamo ang pananaw ng PNP. Ang agenda ng pagbabagong ito ay
nakapaloob sa PNP Charter Statement.

Ang PNP P.A.T.R.O.L. PLAN 2030 ay resulta ng pagsusuri sa mga nakaraang plano
at programa ng PNP, mga isyu salik at input kapwa mula sa panloob at panlabas na
stakeholder na nagsilbing batayan ng TWG sa pagbubuo nito ng Transformation
Roadmap 2030.

Ano ang Charter Statement?

Ang Charter Statement ay isang biswal na paglalarawan ng pangkalahatang


stratehiya ng isang organisasyon. Ito ay nagsisilbing “roadmap” na gagabay sa PNP
upang matupad nito ang minimithing layunin na sa taong 2030, ang kapulisan ay
maging “Capable, Effective at Credible”. Ang Charter Statement ay binubuo ng apat
(4) na perspektibo:

1. RESOURCE MANAGEMENT – nakatuon sa epektibong paggamit at


transparency ng lahat ng pinansyal at logistical resources;
2. LEARNING AND GROWTH – nakatuon sa pagbuo ng may kakayahan,
motibasyon, nakatuon sa pagpapahalaga, tumutugon at mataas ang
propesyonal na organisasyon ng pulisya at mag-recruit ng mga de-kalidad na
aplikante;
3. PROCESS EXCELLENCE – tumutukoy sa mga proseso at kasanayan na
ginagamit ng PNP upang maisagawa ang misyon nito nang epektibo at
episyente. Ito ay partikular na nakatuon sa crime prevention, crime solution,
improved human rights, community service-oriented policing at public safety
and internal security.
4. COMMUNITY – tumutukoy sa pamayanan na pinaglilingkuran ng mahusay at
epektibong kapulisan na tiyak na makakamtan dahil sa matatag na
kolaboratibong pakikiapag-ugnayan na ibinibigay ng mamamayan sa
kapulisan.

Ano ang tungkulin ng mga stakeholder sa PNP P.A.T.R.O.L. PLAN 2030?

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga stakeholder sa


matagumpay na pagpapatupad ng PNP PATROL Plan 2030. Ang kanilang
pakikipagtulungan at kooperasyon sa PNP sa pamamagitan ng pampublikong
impormasyon at diyalogo ay magbibigay ng kinakailangang feedback sa pagganap
ng PNP sakanilang tungkulin. Kasabay nito, ang pamayanan ay makapagbibigay ng
suporta upang tulungan ang PNP sa pagsulong patungo sa bisyon nito sa 2030.

Sino ang tatlong Strategy Partners ng PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030?

1. Police Strategy Management Unit (PSMU) – ang yunit na responsable sa


pamamahala at pagpapatupad ng PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030 sa antas ng
yunit.

2. Technical Working Group (TWG) – binubuo ng mga pangunahing tauhan ng


police station or unit na nagre-review at nagrerekomenda ng pag-apruba ng
mga resolusyon (mga patakaran) na inihain ng Advisory Group.
3. Advisory Group (AG) – na binubuo ng mga sektoral na indibidwal na kilala
sa kanilang integridad, katapatan at pamumuno. Bilang katuwang ng PNP
organization, ang advisory ay opisyal na inimbitahan at nanumpa na tutulong
sa pagkamit ng agenda ng PNP PATROL Plan 2030. Sila ay walang
administrative or operational authority sa police unit or station at pawang
gumaganap bilang advisor ng kapulisan sa mga stratehiya at program ana
may kaugnayan sa pagtupad ng adhikain ng PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030.

Ano ang Scorecard/Dashboard?

Ang Scorecard ay isang sukatan ng pagganap na ginagamit upang tukuyin,


pagbutihin, sukatin at pamahalaan ang iba't ibang mga functions ng organisasyon at
pag-aralan ang mga resulta ng inisyatibo nito.

Levels ng scorecards: D Staff/NSUs/PROs: Strategic Scorecard


PPOs/CPOs: Operational Dashboard
MPSs/CPSs: Tactical Dashboard
PNP Personnel: Individual Scorecard

You might also like