You are on page 1of 16

QUIRINO STATE UNIVERSITY

DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Masusing Banghay – Aralin sa Kulturang Popular

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Naiisa-isa ang mga layunin ng mga Patalastas o Advertisement;
b) Nakapagsusuri ng mga positibo at negatibong epekto ng isang patalastas o
advertisement; at
c) Nakagagawa ng isang Patalastas o Advertisement sa pagpapayaman sa
kulturang Pilipino.
II. Nilalaman
A. Paksa: Patalastas o Advertisement

B. Sanggunian: Modyul sa Kulturang Popular

C. Kagamitan: Laptop, Powerpoint, Biswal aid, Rolling Telebisyon, Tsart


III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN

1. PANALANGIN

Bago tayo magtungo o magsimula sa


ating gawain ngayong araw. Nais kong
lahat tayo ay tumayo at tayo ay
manalangin na pangungunahan ni Bb.
Angel Del Rosario.
Panginoon, maraming salamat po sa
ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto.
Gawaran mo kami ng isang bukas na
isip upang maipasok namin ang mga
itinuturo sa amin at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa amin sa
2. PAGBATI pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

Magandang umaga mga mag-aaral. Ako


nga pala si Bb. Babilyn M. Alcesto ang
inyong guro sa Asignaturang Kulturang
Popular. Magandang umaga din po ma’am.

Bago kayo umupo, mangyaring pakiayos


ang inyong mga upuan at ihanda ang
( pagsasaayos ng mga upuan)
inyong mga sarili sa pakikinig.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

3. PAGTALA NG LUMIBAN

Para sa pagtala ng lumiban ay may


inihanda akong mga produkto na
nakalakip sa inyong mga pangalan
kunin ito at kung may maiiwan na
produkto sa kalakip na pangalan ay
nagpapatunay itong may lumiban sa
klase naunawaan ba mga mag-aaral? Opo ma’am

Ngayon maaari na ninyong kunin ang (pagtayo ng mga mag-aaral at pagkuha


mga produktong ito na nakakabit sa ng mga produkto na nakakabit sa
inyong mga pangalan. kanilang mga pangalan)

Ako ay natutuwa at walang lumiban sa


ating klase nagpapatunay lamang na
sabik na sabik kayong malaman ang
ating bagong aralin

4. PAGBIBIGAY PANUNTUNAN

Bago tayo magpatuloy atin munang


alamin ang mga panuntunan o mga
kailangan nating tandaan kung
magsisimula na ang ating klase
mangyaring pakibasa ang panuntunan
PANUNTUNAN SA KLASE
na dapat tandaan Bb. Chloe
1. Umupo ng maayos at makinig ng
mabuti kapag may nagsasalita sa
harapan.
2. Magtaas lang ng kamay kapag
gustong sumagot o may katanungan.
3. Magkaroon ng partisipasyon at
makilahok sa mga pinapagawang
aktibidades.

4. Huwag makipagdaldalan sa katabi.

Opo ma’am
Maliwanag ba mga mag-aaral?

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

B. BALIK-ARAL

Ngayon bago tayo magtungo sa ating


bagong paksang-aralin ay balikan muna
Ma’am tungkol po sa Panitikan sa
natin ang ating tinalakay noong
Panahon ng Hapon
nakaraan. Tungkol saan ito?

Ma’am ito po ay ang mga akdang tulad


Batay sa ating pinag-aralan ano-ano ang
ng Maikling Kwento, Dula, Tula at hindi
mga panitikan na umusbong sa panahon
po gaanong napayabong ang Nobela sa
ng Hapon?
panahong ito sapagkat salat po ang mga
manunulat sa materyales na kanilang
gagamitin.

Ako ay nagagalak at may naiwan pa sa


inyong mga isipan.
C. PAGGANYAK

Bago tayo dumako sa ating paksang-


aralin ay may inihanda akong mga
gawain na siyang makakatulong sa
inyong pag-unawa sa ating bagong aralin
na kung saan may ipapakita akong mga
larawan gamit ang ating munting
telebisyon at inyong huhulaan ito
pagkatapos ng pagpapasahan ang bolang
aking inihanda na pinamagatan kong
“IPASA KO, HULAAN MO”

PANUTO

Narito ang mga panuto


mangyaring 1. Ang guro ay may inihandang gawain
pakibasa ang nasa iskrin Bb. Carol na siyang huhulaan ng mga mag-aaral at
ang guro ay mayroong hawak na bola na
siyang ibibigay sa isang mag-aaral.

2. Kapag may ipinakita na ang guro ay


magsisimula na ang pagpapatugtog ng
musika at dito na rin pagpapasahan ang
ibimigay na bola ng guro

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

3. At kapag nahinto na ang musika ay


kung sino ang nakahawak sa bola ay
siyang huhula sa ipinakita ng guro.

Opo ma’am

Naunawaan ba ang panuto mga mag-


aaral?

Kung gayon, ay batid kong handa na


kayo sa inyong gawain.

(pagpapakita ng guro sa mga sikat na


linya at mga larawan )

(pagpapasahan ang bola ng mga mag-


aaral dahil pinatunog na ng guro ang
musika)
Anong uri ng linyang ito klas na nakikita
Ma’am ito po ay yung sikat na patalastas
sa telebisyon?
para sa mga gamot na abot kaya o mas
kilala sa tawag na Ritemed.

Tignan natin kung tama ang iyong


kasagutan

Tumpak! Ito ay Ritemed sunod naman


na larawan anong uri ng linyang ito

(pag-papasahan ng mga mag-aaral ang


Itong larawan na ito naaalala niyo pa ba
bola )
ito? Anong produkto ang pinapakitang
hawak niya?
Ma’am ang larawang iyan ay iyong
produkto na Fita

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Tama ito ay Fita

Sunod naman na larawan sa ating


telebisyon

(pag-papasahan ng mga mag-aaral ang


bola )
Sikat na sikat iyan sa mga bata noon na
makikita sa telebisyon ano sa palagay
Ma’am ang produktong pinapakita ay
niyo ang produktong ginamit sa
ang “lucky me noodles”
larawang iyan?

Tignan natin kung tama ang iyong


kasagutan.
Tumpak ito ay produkto ng Lucky me

( patuloy na pagpapakita ng mga guro sa


mga sikat na larawan ng mga artista
makikita sa telebisyon).

Mukhang ganadong-ganado ang lahat sa


ating aktibidad ngayong araw.

D. PAGLALAHAD
Batay sa inyong ginawang aktibidad ano
Ma’am sa palagay ko po ay patungkol sa
sa palagay niyo ang ating tatalakayin
mga sikat na produkto na ating
ngayong araw? Sino ang may ideya sa
ginagamit
ating bagong paksang aralin?

Ma’am sa palagay ko po ay patungkol sa


mga patalastas na ginagamit upang
Magaling! Ito ay mga sikat na produkto.
makapanghikayat ng mga mamimili
Sino pa ang makapagdaragdag ng
batay sa kanilang produkto.
kanyang mga kasagutan?

Tumpak! Ito ay patungkol sa mga

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

patalastas na ginagamit upang


makapanghikayat ng mga mamimili sa
kanilang produkto.
Ang ating tatalakayin ngayong araw ay
tungkol sa Patalastas o Advertisement.
E. PAGTALAKAY Opo ma’am
Alam kong lahat kayo ay pamilyar na sa
salitang Patalastas o Advertisement
hindi ba? ( pagtataas ng kamay ng mga mag-aaral)

Sino ang makapagbibigay ng sariling Ma’am ang patalastas po ay ginagamit


pagpapakahulugan tungkol sa ng mga tao upang makapanghikayat ng
patalastas o advertisement. mga mamimili sa isang produkto.

Mahusay! At ang Patalastas ay isang


paraan ng pagpapaabot ng impormasyon
sa mga tao upang maka enganyo,
makahikayat, at pag anunsyo tungkol sa
isang produkto,
Upang mas maintindihan natin ang
kahulugan ng patalastas ay sumangguni
tayo sa opinyon ng isang eksperto.
Mangyaring pakibasa Bb. Joylyn ang Ayon kay Courtland L. Bovee, ang
opinyon ng ekspertong si Courtland L. kanyang paniniwala sa kahulugan ng
Bovee. advertising ay isang di-personal na
komunikasyon na karaniwang
binabayaran at nakahihikayat sa
kalikasan tungkol sa isang produkto,
serbisyo, o ideya mula sa isang sponsor
na ilathala sa pamamagitan ng iba't
ibang media.

Batay sa ekspertong si Bovee sino ang Ma’am ayon po sa kanya ang patalastas
makapagbibigay ng ideya patungkol sa ay isang paraan ng pagbibigay ng
kanyang opinyon tungkol sa patalastas. impormasyon upang manghikayat kahit
na hindi nag-uusap ang dalawang tao sa
pagitan ng personal na pag-uusap.

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Magaling! Ayon sa kanya ang patalastas


ay kahit na hindi nag-uusap ang
dalawang tao sa personal ay
nagkakaroon ng komunikasyon sa
pamamagitan ng media.
Opo ma’am
Nauunawaan ba mag-aaral kung ano
ang patalastas para sa ekspertong si
Bovee?

Kung gayon ay atin ng alamin ang mga


layunin ng isang Patalastas o
advertisement.

Ang mga layunin ng advertisement ay


Mga layunin ng Patalastas o
ang mga sumusunod mangyaring
advertisement
pakibasa G. Jerwin
1. Magbigay ng impormasyon sa
publiko tungkol sa isang produkto
o produkto ng serbisyo, tatak,
kumpanya, o isang ideya.
2. Ginagamit ng advertising ang
mapanghikayat na wika sa
pamamagitan ng pag-highlight ng
mga pakinabang ng produkto o
serbisyo na inaalok.
3. Ang pag-impluwensya sa ibang mga
tao na target market upang
magamit at bumili ng mga
produkto o serbisyo na inaalok sa
kanila.

Sa pangkalahatang ideya batay sa iyong Ma’am sa pangkalahatang ideya po ng


binasa ano ang iyong naunawaan mga layunin ay ginagamit ito upang
tungkol sa layunin ng isang patalastas o makapanghikayat ng isang tao.

advertisement?

Tumpak! Sa pangkalahatan, ang layunin


ng patalastas o advertising ay upang
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

hikayatin ang iba na maging interesado


sa paggamit ng isang produkto o Opo ma’am
serbisyo. Naunawaan ba mag-aaral
kung ano nga ba ang layunin nito?

Kung gayon, Dumako naman tayo sa


Epekto ng Patalastas sa Mamimiling
epekto ng Patalastas sa mamimiling
Pilipino
Pilipino mangyaring pakibasa G. Wenbell
1. Makikita sa pag-alala ng mga tao sa
tatak ng produkto at paggamit nito
bilang pangalan ng produkto mismo,
kahit na ito ay ibang tatak.
2.Isa pang epekto ng patalastas na
iniulat ni Nofuerte (1976) ay ang ilusyon
ng industriyalisasyon.

Bakit natin nasasabing nagiging epekto Ma’am sa tingin ko po tinitignan ito


ng patalastas sa mamimiling Pilipino upang sila ay magkaroon ng benta sa
ang pag-alala ng mga tao tungkol sa kanilang produkto at mas tinatangkilik
tatak ng produkto? ng mga mamimili ang ibang produkto
dahil kung saan ang mas abot-kaya ng
bulsa ay doon sila bumibili.

Tumpak! Mas tinatangkilik ng Opo ma’am


nakararami ang isang produkto lalo na
kung ito abot-kaya sa bulsa hindi ba?

Kaya kahit na iba yung tatak ng


produkto ay mas pinipili din nila ito. Opo ma’am

Naunawaan ba ang epekto nito sa mga


mamimili?

At batay sa epekto nito sa mamimili ay


may mga “gimmick” ang patalastas Mga “Gimmick” ng Patalastas
upang makapanghiyat mangyaring Dalawang paraan ng presentasyon ng
pakibasa Bb. Lyka patalastas. (Schultz, 1979)
Positive Appeal – Ipinakikita ang
magandang mangyayari kapag ginamit
ang produkto.
Negative Appeal – Ipinakikita ang
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

masamang mangyayari kapag hindi


gumamit ng produktong yaon.

Kapag sinabi natin na Positive appeal


Ma’am ang positive appeal po ay yaong
ano ito sino makapagbibigay ng kanyang
magaganda lamang ang ipinapakitang
ideya tungkol sa positive appeal ?
magiging epekto para sa mga mamimili.
Nakatuon lamang sa mga kagandahan
ng isang produkto

Tama! Sinasabi lang dito na ang


kagandahan ang inuuna ng positive
appeal upang makahikayat ng mamimili.

Naunawaan ba kung ano ang positive Opo ma’am


appeal?

Kapag sinabi naman nating negative


appeal ano ang ipinapakita nito sa mga Ma’am ang negative appeal naman po ay

mamimili sino ang makapagbibigay ng ang ipinapakita ay ang halos hindi

kanyang ideya? magandang epekto nito kapag hindi mo


ginamit ang isang produkto.

Tumpak! Ang negative appeal ay


ipinapakita upang mas mahikayat ang
mamimili sa tuwing ito ay bibili. Opo ma’am

Naunawaan ba ang pagkakaiba ng


dalawa klas?

Magbigay nga ng isang halimbawa ng Ma’am halimbawa na lamang po sa isang


ganitong sitwasyon klas na napapansin brand ng shampoo sa positibong appeal
niyo sa isang patalastas ay nagiging madulas ang buhok at
naiiwasan ang paglagas ng buhok at sa
negatibo naman po ay nagiging parang
isang tali ang buhok na nagkakabuhol
na. Pero sa tunay na pangyayari po ay
hindi naman po tunay na nangyayari

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

Tama! Hindi lahat ng nakikita sa isang


patalastas ay katotohanan bagkus ay
hindi naman natin alam kung ano ang
kahihinatnan ng ating pagtangkilik sa
isang produkto. Naunawaan ba klas ang
Opo ma’am
dalawang gimmick ng isang patalastas
klas?

Kung gayon ay dumako na tayo


patnubay para sa mamimiling Pilipino
tungkol sa pagsuri sa patalastas.
Narito ang mga batayan sa pagsusuri ng
mga mamimili batay sa patalastas Batayan sa pagsusuri ng patalastas
mangyaring pakibasa Bb. Merliel 1. Huwag seryosohin ang patalastas;
pinakamagandang katangian lamang
ang ipinapakita sa patalastas;
2. Bigyan ng pansin ang mga bagay na
hindi sinasabi;
3. Timbangin mabuti kung ano talaga
ang sinasabi;
4. Alamin kung anong damdamin ang
nilalayong pukawin ng patalastas;
5. Paghambingin ang patalastas ng iba’t-
ibang marka ng isang uri ng produkto;
6. Alamin ang mga bagong pangyayari sa
paligid kaugnay ng produkto.

Batay sa binasa ni G. Wenbell ano ang


inyong naunawaan tungkol sa pagsusuri
Batay po sa aking opinyon kailangan po
ng isang patalastas?
dapat mapanuri ang isang manonood o
mamimili hindi lamang ang tinitignan ay
ang kagandahan ng isang produkto
sapagkat ito lamang ang magsisilbing
gabay mo upang tangkilikin ang isang
produkto.

Tama! Sa pagbabasa at panonood ng


isang patalastas ay dapat na alamin din

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

natin ang positibo at negatibong epekto


ng isang patalastas o advertisement.
Huwag lamang nakatuon sa kagandahan
ng sinasabi sa isang patalastas at hindi
dahil idolo mo ang nag-endorse ay bibili
ka na agad.

Ganoon ba kayo mamili ng produkto


dahil lamang ba sa patalastas na
Hindi po ma’am
inendorse ng inyong idolo ay kala ninyo
maganda ang kalidad ng isang
Ma’am sa pagpili po ng produktong
produkto?
aking tinatangkilik ay batay lamang po
Sa anong paraan kayo pumipili ng isang sa aking kagustuhan at batay rin po sa
produkto? kaya ng aking bulsa.

Tumpak! Sa pagpili ng iyong gagamitin


ay nakabatay lamang sa isang
produktong abot-kaya huwag tayong
tumingin sa isang brand ang mahalaga
ay may gagamitin tayo

Naunawaan ba ang ating talakayan mag- Opo ma’am


aaral tungkol sa Patalastas?
Wala na po ma’am

Wala na bang mga katanungan?

Kung gayon, dumako na tayo sa aking


inihandang pangkatang gawain

F. PANGKATANG GAWAIN
Papangkatin ang klase batay sa mga
produktong hawak nila at ang bawat
pangkat ay magtatalaga ng mga
Opo ma’am
kinatawan at pumunta sa harapan
upang bumunot. Handa na ba klas ?

Panuto: Papangkatin ang klase sa


Kung gayon mangyaring pakibasa ang
dalawang pangkat batay sa kanilang
panuto Bb. Enjel
hawak na produkto at bawat pangkat ay

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

may kanya-kanyang gawain na naitalaga


ang bawat pangkat ay mayroon lamang
limang minuto na preparasyon sa
kanilang gawain

ENDORSER NA PANGKAT
Mamili ng isang bagay na nakikita sa
loob ng klase na isa sa mga
pangangailangan ng isang mag-aaral.
Batay sa napiling produkto, gawan ito ng
patalastas upang mahikayat ang mga
mamimili na tangkilikin o bilhin ito.

PANGKAT PALENGKERA
Magsadula ng isang pangyayari tungkol
sa pamimili ng mga produkto sa
palengke.

Opo ma’am

Naunawaan ba ang panuto klas ?

Kung gayon, narito ang pamantayan sa


paggagrado bago kayo magsitungo sa
(ang mag-aaral ay nagsitungo sa
inyong mga grupo
kanilang mga pangkat at naghahanda sa

Pamantayan sa pagbibigay ng marka kanilang presentasyon)


Nilalaman-15%
Kaayusan-10 %
Pagkamalikhain-15%
Impak-10%
Kabuuan- 50%
Opo ma’am
Handa na ba ang inyong presentasyon
klas ?
(aktibong isasagawa ang gawain ng mga
Kung gano’n ay tumungo na tayo sa
mag-aaral)
presentasyon ng unang pangkat

(pagpapalak ng mga mag-aaral)


Mahusay! Palakpakan natin ang unang
pangkat para sa kanilang presentasyon.

Syempre hindi papatalo ang ikalawang Opo ma’am

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

pangkat para sa kanilang presentasyon (presentasyon ng ikalawang pangkat )


handa na ba ang ikalawang pangkat ?

Intelehente! Palakpakan natin ang


huhusay!

Natutuwa ako sa inyong mga ipinakitang


presentasyon ngayon naman ay akin ng
ibibigay ang grado ng bawat pangkat.

(pagbibigay ng grado sa bawat pangkat )

Ang huhusay ng inyong ginawang (Klap klap)


aktibidad palakpakan naman ninyo ang
inyong mga sarili.

G. PAGLALAHAT
Batay sa ating tinalakay kanina tungkol
sa patalastas sino ang makapagbibigay Ang layunin po ng patalastas ay
kung ano ang panguhaning layunin ng makapagbigay ng impormasyon at
isang patalastas makapanghikayat.

Ma’am ito po ay ang positive at negative


Ano ang dalawang gimmick na appeal
isinasagawa ng Patalastas

H. PAGPAPAHALAGA

Sa inyong palagay gaano nga ba


kahalagang alamin ang positibo at Ma’am sa pamamagitan po nito mas
negatibong epekto ng isang patalastas sa napapanatili natin ang kaalaman kung
isang mamimili ito po ba ay magiging maganda o mas
epektibo sa isang mamimili ang isang
produkto.

Mahusay!

Ngayon batid kong handa na kayo sa


VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

aking inihandang maikling pagsusulit.

IV. EBALWASYON
Upang lubos na masukat ang inyong
kaalaman sa ating ginawang talakayan
ay maglabas ng isangkapat na bahagi ng
Maraming Pagpipilian
papel at sagutan ang mga sumusunod
na katanungan. PANUTO: Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
1. Ang mga layunin ng patalastas ay ang
mga sumusunod maliban sa isa;
a) Magbigay ng impormasyon sa
publiko
b) Makapang-aliw
c) Ginagamit ng advertising ang
mapanghikayat
d) Maka-impluwensya sa ibang mga tao
na target market upang magamit at
bumili ng mga produkto.
2. Ang lahat ay hindi kabilang sa epekto
ng patalastas sa mga pilipino maliban
lamang sa isa;
a) ilusyon ng industriyalisasyon.
b) Maraming nagsusulputang produkto
c) Maraming mga pamilihan
d) Nakapagbibigay ng impluwensiya
3. Ayon sa kanya ang Patalastas ay isang
di-personal na komunikasyon na
karaniwang binabayaran at
nakahihikayat sa kalikasan tungkol sa
isang produkto, serbisyo, o ideya mula
sa isang sponsor na ilathala sa
pamamagitan ng iba't ibang media.
a) Courtland l. Bovee c) Koltler
b) Renald Khasali d) Schultz
4. Ipinakikita ang magandang
mangyayari kapag ginamit ang produkto.
a) Negative appeal
b) Positive appeal
c) Positive at negative appeal
d) Wala sa nabanggit
5. Ipinakikita ang masamang
VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

mangyayari kapag hindi gumamit ng


produktong yaon.
a) Negative appeal
b) Positive appeal
c) Positive at negative appeal
d) Wala sa nabanggit

6. Ito ay isang paraan ng pagpapaabot


ng impormasyon sa mga tao upang maka
enganyo, hikayat, at pag anunsyo
tungkol sa isang produkto, pangyayari,
tao, at iba pa sa pamamagitan ng iba’t-
ibang plataporma.
a) Pasalaysay c) Patalastas
b) Pasalita d) Pagbabasa
7. Ayon sa kanya may dalawang paraan
ng presentasyon sa patalastas
a) Schultz c) Bovee
b) Khalis d) Kholtler
8. Ang lahat ay mga patnubay para sa
mamimiling Pilipino tungkol sa pagsuri
sa patalastas maliban sa isa.
a) Bigyan ng pansin ang mga bagay na
hindi sinasabi
b) Huwag seryosohin ang patalastas;
pinakamagandang katangian lamang
ang ipinapakita sa patalastas
c) Timbangin mabuti kung ano talaga
ang sinasabi
d) Wala sa nabanggit

9-10. Ibigay ang dalawang uri ng


gimmick ng isang Patalastas

MGA KASAGUTAN

1. B
2. A
3. A
4. B
5. A

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”


QUIRINO STATE UNIVERSITY
DIFFUN CAMPUS
Diffun, 3401 Quirino

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Bachelor of Secondary Education

6. C
7. A
8. D
9. Positive appeal
10. Negative appeal
V. TAKDANG GAWAIN

Para sa inyong takdang -gawain

Gumawa ng isang produktong ibebenta at mag-isip ng paraan kung paano


mo hihikayatin ang mamimili upang tangkilikin ang iyong produkto

Inihanda ni:

BABILYN M. ALCESTO
BSED 4A FILIPINO

Iwinasto ni

Gng. RHEA JOY D. MARQUEZ


Cooperating Teacher

VISION MISSION
The leading center for academic and technological excellence Develop competent and morally upright professionals and generate
and prime catalyst for a progressive and sustainable Quirino appropriate knowledge and technologies to meet the needs of Quirino
Province and Southern Cagayan Valley. Province and Southern Cagayan Valley.

“Molding Minds, Shaping Future”

You might also like