You are on page 1of 4

Sinesosyedad Pelikulang Panlipunan (SINESOS) Pahina 1 ng 4

Pelikulang Hinggil sa Isyung Pag-ibig

Paksa: Pelikulang Hinggil sa Pag-ibig


Subtopiko: Isyung Pag-ibig

MAGANDANG BUHAY!

I. Panimula:

Pagsuri sa isang pelikula ang magiging sentro ng kabanatang ito. Ipakikilala ang isang usapin na
noon pa man ay malaking isyu na sa Pilipinas.

Sa modyul na ito, susubukin ang lahat ng natutuhan ninyo mula sa mga nagdaang talakayan.
Hahasain ang inyong kakayahan sa panunuri gamit ang isang pelikulang pumapatungkol sa isyung
migrasyon. Gamit ang inyong sariling kaalaman at karanasan, talakayin sa mas malalim na konteksto ang
napapanahong isyu.

II. Layunin:

Inaasahan ang mga mag-aaral ay:

1. Nakasusuri ng pelikula tungkol sa usaping pag-ibig


2. Naibabanghay ang pelikulang sinuri
3. Nakasasagot sa mga katanungan kaugnay sa pelikulang sinuri
Sinesosyedad Pelikulang Panlipunan (SINESOS) Pahina 2 ng 4
Pelikulang Hinggil sa Isyung Pag-ibig

IV. Pagtatalakay

Ano ang kahulugan ng Pag-ibig

Ang salitang pagibig ay maaring maugnay sa iba't ibang konteksto subalit iisa
lamang ang kahulugan. Marahil sa ibang mga wika, iba ang pagbigkas ngunit sa
nararamdaman ng puso, iisa lamang ito. Isang salita lamang ngunit napakalalim na
pakiramdam.
 Ang pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting
ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay
(pagkabayani).
 Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito,
isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas
na tumutukoy ito sa puppy love o interpersonal na pagmamahal.
 Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining.
Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at
tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.
 Sa relihiyon, partikular na sa Kristiyanismo, ang pag-ibig ang pinakadakilang
biyaya o regalo ng Diyos sa tao; ayon sa Bibliya walang tao ang nabubuhay ng
walang pag-ibig.

Ayon sa aklat ni San Pablo sa kaniyang Unang Sulat sa mga Taga-Corinto 13: 1-13:
"Ang pag-ibig ay matiisin... may magandang loob;... Ang pag-ibig ay handang ibuwis
ang kanyan buhay para sa Kanyang mianmahal... hindi nananaghili, hindi
nagmamapuri, hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal, di naghahanap ng
para sa sarili, di nagagalit, di nag-iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit
ikinagagalak ang katotohanan..." Idinagdag pa niyang "Ang pag-ibig ay di kailanman
magmamaliw..." Ayon pa rin kay San Pablo, may tatlong bagay na mananatili:
ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito
ang pinakahuli: ang pag-ibig.

Mayroong limang na uri ng pag-ibig, ito ay ang mga sumusunod:

1. Eros - Ito ay ang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa taong ninanais makasama


panghabang buhay. Ito ay nararamdaman ng dalawang taong magsing-irog na nais
Sinesosyedad Pelikulang Panlipunan (SINESOS) Pahina 3 ng 4
Pelikulang Hinggil sa Isyung Pag-ibig
makasama ang isa't isa hanggang sa huli.

2. Philia - Ito ay ang uri ng pagibig na nararamdaman sa isang kaibigan. Ang


pagmamahalan ng isang magkaibigan ay puno ng pagtitiwala sa isa't isa.

3. Storge - Ang uri ng pag-ibig na nararamdaman sa bawat miyembro ng pamilya. Lukso


ng dugo ang nararamdaman ng bawat isa.

4. Agape - Ang pag-ibig sa Diyos na kung saan hindi naghahanap ng kapalit at ito ay
walang kapantay.

5. Filial - nagmamahal sapagkat siya rin ay minamahal bilang kapalit.

Mga wika ng pag-ibig

1. Word affimation – sa wikang ito, nagiging


makahulugan ang pagmamahal para sa’yo kapag pinupuri
ka ng iyong karelasyon. Sinasabihan ka ng mga
magagandang salita.Tulad ng; “Proud ako sa’yo.” “Ang
gwapo/ ganda mo naman.” “Mahal kita!” I love you!”
“Bagay sa’yo ang suot mo.”
Sa kabilang banda, tila winawasak ang iyong puso kapag
sinabihan ka naman ng hindi magagandang salita o pang-
iinsulto.

2. Gifts – Ang pagbibigay sa’yo ng regalo, nahahawakan


man o hindi, ay nagbibigay sayo ng pakiramdam na ikaw
ay ispesyal. Tulad ng; bulaklak, tsokolate, sapatos atbp.
Subalit, masakit na pakiramdam naman kung
nakakaligtaan ito lalo na sa mga mahahalagang araw
kagaya ng anibersayo o kaarawan.
Sinesosyedad Pelikulang Panlipunan (SINESOS) Pahina 4 ng 4
Pelikulang Hinggil sa Isyung Pag-ibig

3. Act of services – Nagiging masaya ka kapag


tinutulungan ka o pinagsisilbihan ka sa ilang bagay
katulad ng pagluluto ng iyong almusal, pagbili ng
mga kailangan mo sa iyong trabaho, pagmasahe
sa iyong paa’t binti atbp. Kung ito ang iyong wika
ng pag-ibig, mabigat para sa’yo ang hindi
pagbibigay ng suporta o tulong.

4. Quality Time – Mas ninanais mo na


magkaroon ka ng mga oras na ginagawa ang
mga gusto niyong gawin kagaya ng panonood
ng sine, paglalakad sa parke, pagkain sa labas
atbp. Nalulungkot ka naman sa tuwing may mga
distruksyon sa inyo habang magkasama tulad ng
may ibang pinagkakaabalahan kagaya ng
trabaho, laro at iba pang bagay.

5. Physical Touch – Nakararamdam ka ng kilig


sa tuwing minamasahe niya ang iyong likod,
hinahawakan ang iyong mga kamay, niyayakap,
hinahalikan atbp. Kaya kung wala ang mga
nabanggit, nagdudulot ito sa’yo ng pakiramdam
ng pag-iisa.

Mahalagang malaman mo ang iyong wika ng pag-ibig para na rin sa iyong pansariling
kasiyahan. Subalit, higit na mas importante ang pagkilala rin sa wika ng pag-ibig ng iyong
karelasyon upang mas maging maayos ang iyong pagsasama. Dahil ang relasyon ay
hindi lang tungkol sa’yo, kundi sa inyo. Kung Act of service ang wika ng pag-ibig mo, ito
rin ba ng ibibgay mo? Dapat hindi, dahil hindi nangangahulugang ito rin ang gusto ng
iyong karelasyon.

You might also like