You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII - EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF MAASIN CITY

DIVISION MOCK TEST FOR NAT G12


SY: 2022-2023

FILIPINO:

PANGALAN: _________________________________ MARKA: _________________


PANGKAT: __________________________________ PETSA: __________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang


tama at pinakamainam na sagot. Itiman ang titik ng piniling sagot sa
sagutang papel.

55. Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na


karanasan at sinuri ang nagiging epekto ng mga karanasang iyon sa
manunulat.

A. Lakbay sanaysay
B. Replektibong sanaysay
C. Akademikong sanaysay
D. Personal na sanaysay

56. Tukuyin kung anong bahagi ng replektibong sanaysay ang mga


sumusunod na pangungusap o talata.
Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng problema? Sapagkat
nakapag-iisip ang isang tao ng mapagkakaabalahan niya nang hindi
nakapagninilay ng mga kalalabasan ng piniling aksyon. Napansin kong
pinipili at nangyayari ito sa mga taong maraming biyayang natanggap at
hindi nagamit nang wasto.
A. panimula
B. katawan
C. konklusyon
D. lagom
57. Isang uri ng sining na maituturing na kakikitaan ng katatasan at
kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan ang
kanyang pangangatuwiran sa paksang tinalakay.
A. Dula
B. Tula
C. Sanaysay
D. Talumpati

58. Isang paglalahad o pagtatalumpati nang biglaan o walang paghahanda.


Kaagad ibinigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
A. Impromptu
B. Manuskrito
C. Isinaulong talumpati
D. Pagbasa ng papel sa panayam

59. Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkabibigkas ng talumpati


upang mauunawaan sa tagapakinig. Ang salitang sinalungguhitan ay
nangangahulugang;
A. Kawastuan
B. Kahusayan
C. Kaisahan
D. Kalinawan

60. Sa pagsulat, gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o


paliwanag para sa paksa. Ang pahayag ay naglalayong;
A. Maiwasto
B. Manghikayat
C. Mag-ugnay
D. Magbigay-linaw
61. Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
resume maliban sa:

A. Isama lahat ng impormasyong tungkol sa edukasyon, karanasan, at


kasanayan upang ipaalam sa tatanggap na marami kang alam at
kayang gawin at mahihikayat sila
B. Gamitin ang mga ready-made na resumé na pwede mong irecycle, i.edit
na lamang kung maaari.
C. Hindi na isinasama ang mga parangal ng hayskul at elementarya
maliban na lamang kung kinakailangan
D. Ilagay ang iyong mga malalapit na kaibigan sa sanggunian

62. Ito’y sulating tumatalakay sa mga natuklasan ng manunulat tungkol sa


lugar na pinuntahan niya, sa mga taong nakasalamuha niya, at higit sa
lahat tungkol sa kaniyang sarili.

A. Lakbay sanaysay
B. Replektibong sanaysay
C. Posisyong Papel
D. Larawang- sanaysay

63. Ito’y sanaysay na naglalahad ng mga opinyon sa partikular na paksa o


isyu na naglalayong makaimpluwensiya sa pananaw o paniniwala ng mga
mambabasa.

A. Lakbay sanaysay
B. Replektibong sanaysay
C. Posisyong Papel
D. Larawang- sanaysay

64. Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa sarili na nagpapakita at


nagpapatunay ng;

A. Nakatuon sa lugar na pupuntahan at ang paghahambing nito sa lugar


na pinanggalingan
B. Kumikilala sa ibang kultura at pagtangkilik sa kagandahan ng lugar
na dinarayo
C. Pagkilala at pagdiskubre sa mga taong nakasama sa paglalakbay at
mga nakasalamuhang lokal o residente
D. Pagtuklas sa sariling kakayahan, ugali, mga pinapahalagahan, at mga
nabago o naimpluwensiyahang pananaw
65. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang posisyong papel, maliban
sa;

A. Pagsusuri sa mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon


maging ang sa kabilang panig.
B.Paggamit ng mga datos o impormasyong mula sa mga sagguniang
mapagkakatiwalaan
C. Gumamit ng mga personal na atake upang panghinaan ang nasa
kabilang panig
D. Gumamit ng mga estatistika, petsa, o mga pangyayari upang
mapagtibay ang pundasyon ng mga inilatag na argumento

66. Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng liham


aplikasyon, maliban sa;

A. Ilahad ang posisyong inaaplayan at kung saan ito nabasa o nakita.


B. Gawing maikli ngunit siksik sa impormasyong.
C. Gumamit ng pormal na lengguwahe at tono.
D. Ilahad ang petsa at oras na nanaisin mong ika’y mainterbyu

67. Isaayos ang wastong ayos sa pagsulat ng isang larawang sanaysay

A. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes


B. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
C. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing,
komposisyon, kulay, at pag-iilaw.
D. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
E. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong
sanaysay.

A. BDCE B. BACDE C. ABCDE D. DABCE

68. Isinusulat ang pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o


kagawaran. Gayundin ang petsa, lokasyon at maging ang oras ng
pagsisimula ng pulong.

A. Heading
B. Mga Kalahok o Dumalo
C. Action Items
D. Patalastas
69. Nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.

A. Sanaysay
B. Abstrak
C. Posisyong-papel
D. Lagom

70. Ito ay elemento ng isang tekstong naratibo na tumutukoy sa


pinakasentrong ideya kung saan umiikot ang pangyayari.

A. Tauhan
B. Paksa
C. Tagpuan
D. Banghay

71. Siya ang nagsasalaysay sa teksto ngunit wala siyang relasyon sa mga
tauhan nito.

A. Unang Panauhan
B. Ikalawang Panauhan
C. Ikatlong Panauhan
D. Kombinasyong Pananaw

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na talata at sagutin ang mga


tanong sa bawat bilang.

DIABETES

Ano ang diabetes? Ang diabetes o diabetes melitus ay isang sakit na


dulot ng kawalan ng kakayahan ng katawang gamitin ang asukal (tinatawag
na glucose) mula sa pagkain, sa ilalim ng normal na kondisyon. Nagiging
resulta ito ng mataas na level ng asukat sa daloy ng dugo.

Ang blood sugar level na lumalagpas sa normal value na 3.3-6.6


mmoL/.1 ay maaaring makasama sa mga himaymay ng katawan at sa
kalaunan ay magiging sanhi ng malawakang pagkasira ng tissue.

Ang uri ng diabetes ay dalawa. Una, umaasa sa insulin na karaniwang


matatagpuan sa bata o adolescent, ang timbang ay karaniwang normal o
mababa sa normal at kumakatawan sa 15 porsyento ng mga diabetic.
72. Tungkol saan ang talatang binasa?

A. Ang mga sintomas ng sakit na diabetes


B. Ang mga maaaring lunas ng sakit na diabetes
C. Mga sanhi ng malawakang pagkasira ng tissue
D. Ang diabetes at ang resulta nito

73. Alin ang hindi hiram na salita?

A. porsyento
B. diabetes
C. normal
D. kawalan

Basahin ang salaysay. Sagutin ang mga tanong para sa bilang 20-24

Ang Alamat ng Litson

Noong panahon na bata pa ang sibilisasyon, ang magkauring tao


ay namumuhay ng sama-sama sa isang tribu. May isang pamayanan ng
mga Intsik na namumuhay nang masaya at mapayapa. Ang bawat isa sa
kanila ay nagtutulungan at nagbibigayan. Makikita mo sa kanila ang
kasipagan. Ang pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop ang pangunahing
hanapbuhay ng mga Intsik sa pamayanang iyon.Bawat pamilya ay
nagtatanim ng iba't ibang uri ng gulay, gayundin ang pag- aalaga ng iba't-
ibang uri ng hayop tulad ng baka, manok at baboy. Ang mga Intsik ay
mahilig sa baboy kaya minabuti nilang mag-alaga ng maraming baboy.
Hanggang sa dumating ang araw na ang tribu ay dumami ang mga alagang
baboy. Napagkaisahan ng kanilang pinuno na gumawa ng malaking
kulungan at pagsama- samahin ang mqa alagang baboy.

Isang araw nasira ang kulungan. Maraming baboy ang nakatakas


at tumakbo palayo. Nagkagulo ang mga tao sa nakawalang mga alaga. Sa
pagmamadaling iyon, isang ginang ang nakaiwan ng kanyang lutuin na
lumikha ng sunog sa buong tribu. Kasama sa naabo ay ang mga naiwan
pang baboy.Nanlumo ang mga tao ng magbalik sa kanilang tribu. Naging
abo ang kanilang mga tahanan. Wala kahit ano man, liban sa mga nahuli
nilang baboy. Maya-maya'y may naamoy sila, isang napakasarap na amoy.
Sinundan nila ang pinagmulan ng amoy at namangha ang lahat nang
malaman nila na sa nasunog na baboy pala galing ang katakam-takam na
amoy.
May isang matabang babae ang hindi nakapagpigil. Kumuha ito ng
kapirasong balat at laman ng nasunog na baboy. Ganoon na lang ang
kanyang katuwaan nang matikman niya ang katakam-takam na lasa nito.
Nahikayat din ang iba na tumikim, hanggang ang lahat ay nakatikim.
Simula noon, ang tribung iyon ay naging masayang muli.Ipinagbili
nila sa ibang12 tribu ang mga baboy na nasunog. Simula noon, ang
pagbebenta na ng lutong baboy ang malakas na pinagkakakitaan ng pera
para sa mga Intsik.Di nagtagal, lalo pang umasenso ang tribu. Hanggang
ngayon ayon sa marami, hindi raw kumpleto ang handaan kapag walang
nakahain na letchon.

74. Sa naunang sibilisasyon, ang magkauring tao ay namumuhay nang


sama-sama sa isang tribu. Ano ang ibig sabihin ng nakaitalisadong salita?

A. Ito ay ang pangkasaysayan o pangkaunlarang tawag bilang isang


pangkat na panlipunan.
B. Ito ay tawag sa pangkat na walang karaniwang kaugnayan sa dugo
C. Ito ay ang tawag sa mga taong naninirahan malapit sa
dalampasigan.
D. Wala sa nabanggit

75. Mapapatunayan ang suliranin o tunggalian sa kwentong nabasa sa


pangyayaring?

A. Sa dami ng alaga, kinatay nalang ang mga alagang baboy ng mga tao
sa pamayanan
B.Isang araw, nasira ang kulungan. Maraming baboy ang nakatakas at
tumakbo palayo
C. Maliit lamang ang ginawang kulungan kung kayat nasira ang mga ito
D. Nasunog ang lahat ng alagang baboy at ganoon na lang ang kanyang
katuwaan ng matikman niya ang napakalinamnam na lasa nito

76. Ang mga pantulong na kaisipan ay mahalaga sa paglalahad ng anumang


teksto o lathalain sapagkat;

A. Ito ang suportang ginagamit upang mapalitaw ang pangunahing


kaisipan.
B. Dito matatagpuan ang problema sa kwentong binasa
C. Ito ang kasukdulan ng kwentong binasa
D. Ito ang sentro o pangunahing tema sa talatang nabasa
77. Ang sumusunod ay mga babasahing di-piksyon: talambuhay, balita, at
artikulo sa magasin. Ang mga di-piksyong babasahin ay kakikitaan ng mga
katangiang panliteratura;

A. tumutukoy sa mga uri ng literatura na nagsasaad ng mga totoong


pangyayari sa buhay ng isang tao
B. binubuo ng hindi makatotohanang mga pangyayari sa totoong
buhay. Gawa-gawa lamang ito ng tao, base sa kanilang imahinasyon
C. Ito ay maaring may katoohanan at minsan ay pawang
imahinasyon lamang
D. wala sa nabanggit

78. Ito ay isang uri ng teksto na naglalahad ng serye o mga hakbang sa


pagbuo ng isang gawain upang matamo ang mga inaasahan.

A. Tekstong Argumentatibo
B. Tekstong Naratibo
C. Tekstong Prosidyural
D. Tekstong Impormatibo

79. Sa akin lupain doon nagmula


Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa

Ano ang ipinahiwatig ng saknong?

A. Lahat ng pagkain ay sa magsasaka nagsimula


B. Lahat ng magsasaka ay may lupang sinasaka
C. Lahat ng tao’t bagay ay galing sa lupa
D. Lahat ng umaasa sa biyayang galing sa magsasaka

80. Isa sa makatwirang tugon hinggil sa kahalagahan ng pagkakaroon ng


wikang pambansa ang sumusnod na pahayag;

A. Nagpapaunlad ng pagkatuto sa pamamagitan ng interaksyon ng


guro at mag-aaral
B. Nagbibigay-daan sa epektibong pagpapalitan ng mga kaisipan at
impormasyon
C. Nagbibigay- daan upang magkaroon ng interaksyon ang mga ito
D. Lahat ng nabanggit

81. Ang iyong local na diyalekto ay ______________ Ingles at Filipino.

A. di-gaanong singhalaga ng
B. mas mahalaga kaysa
C. singhalaga ng
D. dapat mapalitan na ng

82. Kailan maituturing na bilingguwal ang isang tao?

A. Kung siya ay may iisang wika na ginagamit sa pagsasalita


B. Kung magagamit niya ang ikalawang wika nang mataas sa lahat ng
pagkakataon
C. Kung natutunan niya ang labindalawang local o panrehiyon na wika
D. Kung ginagamit niya ang Ingles na may pag-unawa

PANUTO: Basahin ang nakasulat na teksto at sagutin ang mga tanong na


nasa ibaba.

Itigil niyo na yan! Patuloy na pinagtatalunan ang pagbabawal sa


pagpapalabas ng mga malalaswang pelikula sa lahat ng sinehan na pag-aari
ng SM. Ayon sa tagapamahala ng SM ang mga ganitong uri ng pelikula ay
hindi makatutulong sa pagpapataas ng uri ng industriya sa pelikula
manapa’y lalo lamang bababa ang tingin sa ating mga Pilipino ng mga
dayuhan. Ito’y sinang-ayunan ng higit na nakararaming Pilipino.
Sa aking pananaw, tama lang ang naging desisyon ng SM
Management dahil ang mga ganitong klase ng pelikula ay talagang
nakapagpapababa ng ating moralidad. Ang mga kabataang bagama’t nasa
hustong gulang pag nakapanood ng ganitong pelikula ay nakapag-aasawa
nang wala sa oras. Nagiging dahilan din ito para makalikha ng krimen ang
ibang tao. Panahon na upang baguhin ang imahe ng industriya ng
pelikulang Pilipino Ngunit sa kabila ng magandang hangaring ito ng SM
Management, maraming artista ang tumutol dito. Paano nga naman,
mawawalan ng kita ang mga artistang hindi naman bihasa sa pag-arte at
tanging pagbibilad lamang ng katawan ang alam na gawin. Dahil din dito ay
mapipilitan din ang mga prodyuser na gumawa ng pelikulang de kalibre at
may makabuluhang istorya.
Kung magkagayo’y lalaki ang gastos nila sa bawat pelikulang
gagawin. Hindi nila masang-ayunan na sila’y gumastos nang malaki dahil
sa pangambang kumita lamang sila nang maliit. Tama na yan! Kung gusto
ninyo talagang kumita hindi na kailangan pa ang paghuhubad sa pelikula.
Dapat ay gumawa ng mga pelikulang makapagpapabago ng masamang pag-
uugali at mag-aangat sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino.

83. Ano ang isyung inilahad sa teksto?

A. Ang pagbabawal sa pagpapalabas ng malalaswang pelikula sa mga


sinehan ng SM
B. Masamang dulot ng malalaswang pelikula.
C. Kawalan ng kita ng mga prodyuser.
D. Ang malaking gastos sa gagawing pelikula

84. “Tama lang ang desisyon ng SM Management dahil ang ganitong


pelikula ay nakapagpapababa ng ating moralidad.” Ang pahayag ay;

A. pagsang-ayon
B. pagtutol
C. pag-aalinlangan
D. wala

Para sa bilang 85-93, basahin ang salaysay at sagutin ang mga tanong
ukol dito.

Paikot-ikot si Allan sa higaan. Hindi siya makatulog. Nag-aalala siya


sa mahigpit na bilin ng kanyang ama kaninang umaga. “Allan, nais kong
magtapos ka ng pag-aaral at maging isang mahusay na engineer tulad ko”
sabi ng ama na si Engr. Arnold Reyes. Tanging opo lang ang naisagot ni
Allan sa kanyang ama.
“Mama ang gusto ko po ay maging isang pulis at hindi ang kursong
pinili ni papa.” “Bakit hindi mo sabihin sa ama mo ang iyong gusto?” “Kilala
po ninyo si papa, kung ano ang sabihin niya ay siyang masusunod.” “Gusto
mo bang kausapin ko siya?” “Huwag na po ako na lang.”
Maliit pa si Allan ay hilig na niya ang pupulis. Sa kanilang bakuran
ay malimit siyang nakikipaglaro ng baril-barilan sa kanyang mga kababata.
Mahusay siyang humawak ng baril. Astig ang kanyang tikas. Gusto niyang
makatulong at mapaglingkuran ang kapwa. Ipinangako niya sa sarili na
magtatapos siya ng Criminology. Buo na ang kanyang loob na kausapin ang
ama pagdating nito sa bahay. “Pa, alam ko po kung gaano ninyo ako
kamahal at ayaw ko po kayong bigyan ng sama ng loob. Nakahanda na po
ako sa parusang ibibigay ninyo sa akin, at patawad po.”
“Anak, ang mga magulang ay naghahangad lamang ng mabuti para sa
mga anak. Ngunit kung hindi mo ito gusto at makasisira lamang kung
ipagpipilitan ko, sundin mo kung ano ang nais mo. Magsikap ka at
pagbutihin mo at hangad ko ang iyong tagumapay.”
“Maraming salamat pa. Magsisikap po ako at magiging isang mahusay
na pulis balang araw!”

85. Ano ang paksang diwang nakapaloob sa kwento?

A. Ang pagdedesisyon ni G. Reyes sa anak.


B. Ang matibay na ugnayan at unawaan ng buong pamilya.
C. Ang malayang komunikasyon ng mag-anak.
D. Ang pagtatanggol ni Allan sa kanyang prinsipyo at paninindigan.

86. Dahil mahusay humawak ng baril si Allan, astig ang kanyang tikas at
gusto niyang makatulong at mapaglingkuran ang kapwa, masasabi nating si
Allan ay isang batang ________.

A. determinado at matulungin sa kapwa


B. matapang at palakaibigan
C. matiyaga at malaro
D. matalino at maprinsipyo

87. Pansinin ang bahagi nga talatang may salungguhit, anong katangian ng
ama ang mahihinuha?

A. matalino
B. maunawain
C. maawain
D. Mapagbigay
88. Alin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa akda?

1. Pagbabalak ni Allan na kausapin ang ama.


2. Pag-aalok ng tulong ng in ani Allan sa kanya.
3. Pag-aalala ni Allan sa bilin ng kanyang ama.
4.Masinsinan at madamdaming pag-uusap ng mag-ama.
5.Masusing paglalahad kung bakit nanindigan si Allan sa kursong
pinili.

A. 1,4,2,3,5
B. 2,3,1,4,5
C. 3,1,2,5,4
D. 3,2,1,5,4
89. Anong kabutihan ang idinulot ng pakikipag-usap at paghingi ng tawad
ni Allan sa ama?

A. Lalong nauunawaan ng ama ang anak.


B. Naging mapagkumbaba ang ama sa anak.
C. Nakaramdam ng pagmamalaki ang anak.
D. Higit na tumibay ang pagsasamahan ng mag-ama.

90. Bakit hinikayat ng ina si Allan na kausapin ang kanyang ama?

A. Para siya ay maging masaya sa piniling kurso.


B. Upang siya ay higit na mauunawaan ng kanyang ama.
C. Upang siya ay maging isang ganap na pulis balang araw.
D. Para siya ay isang maging isang mahusay na inhenyero tulad ng
ama

91. Ano ang maaaring mangyari kay Allan pagkatapos mapagbigyan sa


kanyang kahilingan?

A. Matutupad ang kanyang pangarap na maging isang pulis.


B. Makakatulong siya sa mga magulang sa pagpapatakbo ng negosyo.
C. Magkaroon siya ng construction firm.
D. Makapagtrabaho siya sa ibang bansa at kumita ng malaking
halaga.

92. Alin ang nagpapatunay na may paninindigan si Allan?

A. Humingi siya ng payo sa kanyang ina.


B. Alam niyang mahusay siya humawak ng baril.
C. Buo ang loob na kinausap ang ama.
D. Nagmatigas siya na di kausapin ang ama.

93. Anong mahalagang aral ang makukuha natin mula sa kwento?

A. Magdasal para matupad ang mga gusto.


B. Manindigan sa mga pangarap sa buhay.
C. Sumalungat sa mga magulang kapag kinakailangan.
D. Humingi ng payo sa ina.
Basahin ang sitwasyon at sagutin ang bilang 94-96.

BIO-DATA

Pangalan:________________ Edad:______ Kasarian:_______


Tirahan:______________________ Kaarawan: _________________
Lugar ng Kapanganakan: _____________________
Estado Sibil: ______________
Mga Magulang: ____________________

94. Nag-aaplay ka ng mapapasukang trabaho at ang kinakailangan nila ay


walang asawa at anak. Sa iyong bio-data form, ano ang angkop na ipuno
sa bahagi tungkol sa estado sibil?

A. Biyudo/ Biyuda
B. May-asawa at pamilya
C. Hiwalay sa asawa
D. Binata/ Dalaga

95. Nakatanggap ka ng isang malaking bagahe o balikbayan box na galing


sa iyong pinsan mula sa ibang bansa at nabasa mo ang salitang ganito:

FRAGILE
Ano ang nais ipahiwatig ng paalalang ito?

A. Mag-ingat sa mahalagang bagay


B. Mag-ingat may basag
C. Ingatan mahalaga
D. Ingatan babasagin

96. May nakita kang babala sa isang parke na pinasyalan mo, ganito ang
nakalarawan:
Ano ang ibig sabihin nito?

A. Bawal magtinda ng sigarilyo sa parke.

B. Bawal manigarilyo sa parke.

C. Para sa nagtitinda ng sigarilyo sa parke.

D. Para sa mga naghahanap ng sigarilyo sa parke.

97. Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal


na binuo ni dating Pangulong Corazon Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ang
probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:

“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang


nililinang ito, ay dapat payabungin at pagyamanin ang iba pang wikang
nakilala sa bansa.”

Bilang isang mamamayang Pilipino, paano mo mapayaman at


mapausbong ang iyong sariling wika?

A. Maglakbay sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas


B. Gamitin, tangkilikin at pag-aralan ang sariling wika sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
C. Sikaping makapagtrabaho sa ibang bansa.
D. Turuan ang mga dayuhang turista na magsalita ng wikang tagalog.

98. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang dahilan kung bakit


kinakailangang magkaroon ang Pilipinas ng isang wikang mauunawaan
at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino?

A. Dahil ang mga Pilipino ay likas na matatalino.


B. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t-ibang
pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba’t-ibang wika at
diyalekto.
C. Dahil ang mga Pilipino ay mahilig gumaya sa iba’t-ibang wika ng
ibang bansa.
D. Dahil maraming turista na dumadayo sa Pilipinas taon-taon.
99. “Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang
isda.” ay isang tanyag na kataga mula kay_______.

A. Manuel L. Quezon
B. Andres Bonifacio
C. Emilio Aguinaldo
D. Jose P. Rizal

Para sa bilang 100-106, basahin ang lathalain at sagutin ang mga tanong
ukol dito.

Maraming nangyayaring bullying sa mga paaralan at hindi agad ito


nalalaman ng mga magulang ng mga bata. Marami sa mga bata ang
nananahimik na lamang kaya lalo namang nagpapatuloy ang bullying. May
mga bullying na humahantong sa pananakit gaya nang ginawa ng isang
mag-aaral mula sa Ateneo Junior High School sa kanyang kaklase na
nakunan ng video at pinagmulan ng outrage na mababasa sa mga
pahayagan. Naniniwala ang karamihan na kung hindi nakuhanan ng video
ang pangyayari, maaaring manahimik na lamang ang estudyanteng binully
at magpapatuloy ang pambu- bully sa kanya ng kaklase na isa umanong
blackbelter Taekwondo champion. Ang paaralan ang nararapat na
manguna sa pagsugpo ng bullying sa kanilang nasasakupan. Sang-
ayon sa ipinatutupad ng pamahalaan na Anti- bullying Act. Dapat nalalaman
nila kung may nangyayaring pambu-bully at umaksiyon agad bago pa
lubusang lumala ang ginagawa ng “sangganong estudyante”. Mga paaralan
ang nararapat maging alisto sa mga estudyanteng may sintomas ng pambu-
bully. Dapat mahigpit na ipatupad ang Anti -bullying at madebelop ang
psychosocial interventions sa biktima at sa nambu-bully. Kung nangyayari
ang pambu-bully sa mga sikat na pribadong paaralan, mas lalong
nangyayari ito sa mga pampublikong eskuwelahan na mas marami ang
“sangganong estudyante “. Maging mapagmatyag at alerto naman ang mga
magulang sa kanilang mga anak at baka nabu-bully ito o nambu-bully.

100. Batay sa teksto, anong isyung panlipunan ang tinalakay dito?

A. Psychosocial Interventions
B. Bullying
C. Anti- bullying Act
D. pagkalat ng maling video
101. Paano nalantad ang problemang ito ayon sa talata?

A. sa tulong ng mga saksi


B. sa tulong ng mga nakuhang video
C. sa tulong ng mga pulis
D. sa tulong ng barangay

102. Ayon sa pagsusuri, ang pambubully ay karaniwang nagaganap sa


________.
A. tahanan
B. tambayan
C. pamayanan
D. paaralan

103. Alinsunod sa ipinatupad na Anti-Bullying Act, sino ang dapat


manguna sa pagsugpo ng bullying?

A. gobyerno
B. magulang
C. estudyante
D. guro

104. Alin kaya sa mga sumusunod na pagpipilian ang aral o mensahe na


nais ipabatid ng teksto sa mga mambabasa?

A. Alamin ang mga kasong pambubully sa paaralan.


B. Iwasang humantong sa pananakit ang uri ng pambubully.
C. Sumang-ayon sa Anti-Bullying Act ng gobyerno.
D. Maging mapagmatyag, alerto at huwag manahimik kung
nabubully.

105. Mula sa binasang talata, anong uri ito ng teksto?

A. tekstong impormatibo
B. tekstong deskriptibo
C. tekstong prosidyural
D. tekstong naratibo
106. Kung ang tekstong deskriptibo ay naglalarawan tungkol sa isang tao,
bagay o pangyayari, ano naman ang layunin ng tekstong
argyumentabo?

A. Ilahad ang wastong pangkasunod-sunod ng mga pangyayari.


B. Patunayan ang pinaniniwalaang tamang pahayag o panig.
C. Magbigay ng sapat na impormasyon sa mga mambabasa.
D. Maglahad ng mga hakbang o tunguhin na dapat sundin.

107. Alin sa mga halimbawang babasahin ang naglalaman ng tekstong


naratibo?

A. manwal
B. leaflets at flyers
C. recipe/cooking book
D. Talaarawan

108. Sa pangungusap na ito, Ang kanyang bangkay ay natagpuan sa dating


lagusan. Alin dito ang katumbas ng salitang sinalungguhitan?

A. daanan
B. eskina
C. palikuran
D. kusina

You might also like