You are on page 1of 2

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

I. LAYUNIN

a. Natutukoy ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran


b. Nakapagbibigay ng sariling ideya ukol sa pambansang kaunlaran
c. Nakapaglalahad ng mga kaparaan upang makatulong sa pambansang kaunlaran
II. NILALAMAN

A. Paksa: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran

B. Sanggunian: Ikaapat na Markahan - Aralin 1 pahina 340 - 362

C. Kagamitan: Laptop, TV, Powerpoint, Mga larawan

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Panimulang Gawain
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Silid-aralan
4. Pagtala ng lumiban sa klase
5. Balik-aral - Magpapanood ang guro ng isang youtube video na may kaugnayan sa
nakaraang aralin at sa araling ngayong araw
6. Pagganyak - Gamit ang larawan ay ipapasuri ng guro sa mga mag-aaral kung ano ito at
ipapasagot ang mga katanungan

a) Ano ang napapansin mo sa larawan?


b) Paano mo masasabi na maunlad ang isang bansa?

B. Panlinang na Gawain

a. Paglalahad ng Aralin
Gamit ang Powerpoint presentation, ilalahad ang kahulugan ng salitang Kaularan at mga
gawain upang makamit ang Pambansang Kaularan
b. Pagtalakay sa Aralin
1. Introduksyon sa Konsepto ng Pagunlad at mga Palatandaan ng Pagunlad
2. Pagtatalakay sa Konsepto ng Pagunlad at paghahambing sa salitang Pagunlad at Pagsulong
3. Gamit ang isang video matutunan ang Human Development Index at ang kahalagahan nito

Mga Gabay na katanungan:

1. Paano nyo bibigyang kahulugan ang salitang Kaunlaran?


2. Ano ang kaibahan ng pagsulong sa pagunlad?
3. Ano ang aspektong sinusukat ng Human Development Index?

C. Pangwakas na Gawain

a. Paglalahat - Tungkol saan ang ating aralin sa araw na ito? Paghambingin ang pagunlad at
pagsulong. Ipaliwanag kung ano ang pagkakapareho at pagkaka-iba nila
b. Paglalapat - Bilang isang mag-aaral, anong ambag ang maari mong maibigay para sa
kaunlaran ng iyong kinabibilangang pamayanan?
c. Pagpapahalaga- Bakit mahalagang mapagaralan ang Konsepto at Palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran?

IV. PAGTATAYA

Tama o Mali

Panuto isulat T kung tama ang pahayag at M naman kung mali

_________1. Si Amartya Sen ang may akda ng “Development as Freedom”

_________2. Uunlad ang isang bansa kung hindi tayo magbabayad ng tamang buwis

_________3. Ang pagsulong ay isa lamang aspeto ng pag-unlad

_________4. Sa aklat ni Hev Abi na Economic Development malinaw nyang inilahad ang
pagkakaiba ng pagsulong at pagunlad

_________5. Ang Pambansang Kaunlaran ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na


masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao sa iba’t ibang aspeto.

V. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik ng isang programang pangkabuhayan ng mga naging Pangulo ng Pilipinas.


Ipaliwanag kung paano ito nakatulong sa pagunlad ng bansa. Isulat sa AP notebook

You might also like