You are on page 1of 3

In the classroom…

Teacher (Jermaine): Good morning class!


Students (All): Good Morning Cher!
Teacher (Jermaine):: Dahil malapit na ang pasko, may ongoing project ang school
ngayon kung saan matutulungan ninyo ang inyong mga kapwa bata. Sila ang mga
batang iniwan o kaya minaltrato ng kanilang mga magulang o kamag-anak at walang
matirhan kaya naging pakalat kalat sila sa kalsada, alam nyo ba yon?
Student 1 (Jana): Opo cher! Yan yung nakita ko diyan sa school gate ng school na
malaking box, pwede daw kami maglagay ng mga laruan at damit na hindi ginagamit
para ipamigay sa iba.
Student 3 (Danica): Ah oo! Yan yung Objects for a Cause! Madami na akong
nakita na nakalagay dun. Tara magbigay din tayo.
Student 2 (Kite): (Alanganin ang itsura)
Student 4 (Noell): Bro bat ganyan mukha mo?
Student 2 (Kite): Ayoko ibigay ang mga laruan ko, kahit luma na ang mga iyon,
mga paborito ko iyon. Kayo nalang ang magbigay.
Student 5 (Gianne): Luh! Masama ang maging madamot! Malulungkot si Papa
Jesus niyan. Isa pa marami tayong mapapasayang mga bata sa gagawin natin, halika
sama tayo sa araw ng pamimigay nila. Siguradong masaya iyon!
Student 4 (Noell): Oo nga bro! Sama tayo! Lahat kami sasama at magbibigay di ba
guys?
Janna/Danica/Gianne: Yah!
Student 2 (Kite): Sige na nga mukhang masaya iyon, dadalhin ko bukas yung mga
laruan ko para malagay sa box, sasama na din ako.
Student 5 (Gianne): Yan ang (ano name ng group)! Magaganda at gwapo na,
mababait at matulungin pa! (kikindat)
**Magtatawanan ang buong klase
Teacher (Jermaine)::Ok class kung wala na kayong ibang tanong, aasahan ko ang
inyong buong suporta sa proyektong ito. Thankyou and see you tom! Bye!
Students (All): Bye teacher! See you tom!
Kinabukasan…
**Jermaine will play the song while the students will put all the toys in the box

In Bahay Ampunan…
Coordinator (Jermaine): Okay kids! Enjoy yourselves, magpakilala kayo sa isa’t
isa, pede kayo magkwentuhan at maglaro, sa ngayon pede nyo na ibigay ang mga
regalo nyo sa kanila.
Jana will give toy to Noell
Kite will give toy to Danica
**Makikita ni Kite si Gianne na nagtatago pero nakasilip kaya lalapitan nya ito
Student 2 (Kite): Hi ako si Kite anong pangalan mo?
Bata sa Ampunan (Gianne): Hello ako si Gianne
Student 2 (Kite): Anong nangyari sa iyo, bat nandyan ka lang? Halika sama ka
samin, may ibibigay kaming regalo sayo.
Bata sa Ampunan (Gianne): Nahihiya kasi ako. Wala na akong mga magulang,
sina tiyo at tiya naman sinasaktan ako kaya umalis nalang ako sa kanila at napunta sa
kalsada. Buti nalang at nakita ako ni sister kaya andito ako ngayon.
Student 2 (Kite): Nakakalungkot naman pala ang nangyari sa iyo, simula ngayon
magkaibigan na tayo. Halika laro tayo! Papakilala kita sa mga iba ko pang kasama.
Bata sa Ampunan (Gianne): Sige! Thankyou!

In school…
Teacher (Jermaine): Good morning class! Kamusta ang experience ninyo sa
bahay ampunan?
Student 4 (Noell): Masaya po!
Student 1 (Jana): Masaya sa pakiramdam po na makatulong sa iba at mapasaya
sila.
Student 2 (Kite): Narealize ko po na masuwerte pala ako dahil may tirahan at
magulang ako, kaya mas maganda ishare ko kung anong meron ako sa kapwa ko
Student 5 (Gianne): Tama Kite! Diba sabi sayo masaya iyon, nakatulong kana,
nagkaroon pa tayo ng bagong kaibigan.
Student 3 (Danica): I agree! Like what the others are always saying, Sharing is
Caring!
Teacher (Jermaine): Mabuti naman may natutunan kayo at naging masaya kayo.
Tama lahat ng sinabi ninyo. Kaya dapat wag tayo mag dalawang isip na tumulong at
magkaroon ng malasakit sa ating kapwa. That’s all for today, thankyou class! See you
tom!
Students (All): Thankyou cher!
All the characters: At diyan po nagtatapos ang aming kwento!

Introducing the characters while the music is playing..


I’m Jermaine Exconde as teacher and coordinator
I’m Janna De Castro as student 1
I’m Kite Abanilla as student 2
I’m Danica Hidalgo as student 3 and bata sa ampunan
I’m Noell Aguilar as student 4 and bata sa ampunan
I’m Gianne Papa as student 5 and bata sa ampunan

All the characters: Thankyou for listening to our story that is named: Salamat sa
Pag-mamalasakit. (Everyone will bow)

You might also like