You are on page 1of 3

CHEATING IN A TEST

NARRATOR ( JUDY): Once upon a time merong magkakaibigan na nakaupo sa likod na palaging hindi nakikinig sa klase.
Palagi silang nagbabangayan, nagseselpon at nagkwekwentuhan kahit na may nagtuturo na guro sa kanilang harapan. One day
pagkatapos mag discussed ang kanilang guro ay bigla itong nagbigay ng annunsyo na magkakaroon sila ng mahabang pagsusulit
tungkol sa kanilang tinalakay nung araw na yon.

TEACHER WILLYN (ADVISER): Okay class quiet please, we’ll have a test tomorrow so study and be prepared . Goodbye
class!

NARRATOR ( JUDY): Pagkatapos umalis ng kanilang guro ay kanya kanyang reklamo ang magkakaibigan.

STUDENT 1 (MARY): Omg pano yan hindi tayo nakinig sa tinuro ni ma’am kanina.

STUDENT 2 ( RISH): Kayo kasi eh ang ingay ingay nyo, yan tuloy hindi natin alam kung ano isasagot natin sa ating pagsusulit
bukas.

STUDENT 3 ( ELIMAR): Wait guys, may naisip akong solusyon sa ating problema para bukas hihi

STUDENT 4 ( KIMBERLY): Ayan kana naman Elimar, siguraduhin mo ha? Ano ba iyon?

STUDENT 3 ( ELIMAR): What if gumawa tayo ng kudigo?

STUDENT 5 ( LIAMAY): What do you mean? Mag checheat tayo ganon ba?

STUDENT 6 ( ELIMAR): Yup, mapapadali pa ang ating buhay dba? HAHAHA

STUDENT 7 ( BICO): Oo nga no? Ang talino mo talaga pre! HAHAHA

STUDENT 8 ( ADRIAN): Baliw! Pano kung mahuli tayo? Malalagot tayo nyan!

STUDENTS 9 ( KYLE): Hindi yan,basta kami bahala.

STUDENTS 10 ( RISH): Oh sige tara na at gumawa ng kudigo para bukas.

NARRATOR ( JUDY): Pagkatapos nilang mag usap-usap, magplano, at gumawa ng magiging kudigo nila ay umuwi nadin agad
sila.

(KINABUKASAN)

NARRATOR ( JUDY): Kinabukasan pagkadating ng pagkadating ng mga magkakaibigan sa kanilang silid-aralan ay nag usap
agad sila tungkol sa kanilang pinagplanuhan kahapon.

STUDENT 3 ( ELIMAR): So guys okay na ba yong pinag usapan natin kahapon?

STUDENT 9 (KYLE): Oo pre okay na, planado na lahat.

STUDENT 10 (RISH): So okay na ha? Alam niyo na mga dapat niyong gawin mamaya.

STUDENT 1 ( MARY): Okay bahala na si batman satin mamaya!

NARRATOR ( JUDY): Pagkatapos nilang mag usap ay dali dali narin silang bumalik sa kani-kanilang upuan dahil dumating na
ang kanilang guro.

TEACHER WILLYN ( ADVISER): Good morning class! Please prepare a 1 whole sheet of pad paper and pass this test paper to
your seatmate.

NARRATOR ( JUDY): Then after that nagsimula na silang sumagot ng kanilang pagsusulit at habang nagpapakasakit ng ulo ang
mga kaklase nila sa pagsagot nito, ang magkakaibigan nmn ay isinagawa na ang kanilang masamang plano na mag cheat o kudigo.
At habang ginagawa nila ito ay hindi nila namalayan na nakapunta na pala sa harapan nila ang kanilang guro at nakita nito ang
kanilang masamang ginawa.
TEACHER ( WILLYN): What’s the meaning of this students at the back?!! I will not tolerate this kind of behavior! Go to
guidance office now!

NARRATOR (JUDY): Nang malaman ng kanilang guro ang kanilang masamang ginawa ay yuko lng sila ng yuko dahil sa
kahihiyan hanggang papunta sa guidance office.

(GUIDANCE OFFICE)
NARRATOR (JUDY): Pagkadating nila sa guiadance office ay kinausap agad sila ng kanilang Guidance teacher at Adviser at
tinanong kung bakit nga ba nila ito nagawa.

GUIDANCE TEACHER ( ZYRELL): So students please sit down,we will talk about this problem with your adviser.

TEACHER WILLYN ( ADVISER): So tatanungin ko kayo ngayon, bakit nyo ba talaga ito nagawa?

STUDENTS: (YUMUKO LAHAT)

STUDENT 4 ( KIMBERLY): Kasi po ma’am hindi kami nakinig sa itinuro mo kahapon ma’am at kami ay tinatamad ng
magreview kaya po namin iyon naisip at nagawa po. ( SABAY YOKO)

GUIDANCE TEACHER ( ZYRELL): Alam niyo ba dahil sa ginawa niyo ay pwede kayong ma suspend sa inyong klase dahil ito
ay masamang gawain.

STUDENT 3 ( ELIMAR): Sorry po talaga ma’am, hinding hindi na po talaga namin ito gagawin pa. Makikinig nadin kami po
lagi sa klase at magrereview na din palagi po.

STUDENTS: Oo nga ma’am, sorry po talaga

GUIDANCE TEACHER ( ZYRELL): Mabuti at nagkakaintindihan tayo.

TEACHER WILLYN (ADVISER): Okay students wag na wag niyo na ulit gagawin iyon ha?

STUDENTS: Yes ma’am, sorry po ulit ma’am.

GUIDANCE TEACHER ( ZYRELL): Okay then problem solve, thank you for your cooperation students, I hope it will not
happen again, you can go back now to your classroom.

NARRATOR (JUDY): At nong natapos na ang pag uusap o pagdidisiplina sa kanila ay natauhan at namulat sila sa katotohanan
na hindi nga talaga mabuti ang kanilang ginawa, kaya ipinangako nila sa kani-kanilang sarili na hinding hindi na nila ito gagawin
pa. Kaya
simula nung araw na iyon ay palagi na silang nakikinig sa klase at nag aaral nadin silang mabuti at naging mabuting mga
estudyante.

GROUP 4 MEMBERS:
MARY MARIEL CATAHAY
JUDY ANN PANES
ZYRELL BAYONA
KIMBERLY DIALOGO
LIAMAY ORDES
IERRIS DELA CRUZ
WILLYN MAE OBAMOS
KYLE ADRIANE ABANGGAN
ELIMAR BARCELONA
ADRIAN ESTILO
KENNETH JOHN BICO

You might also like