You are on page 1of 3

Cayanan, Tristan Khiel E.

ICT – 12 Farnsworth

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang dalawang uri ng abstrak at paano ito nagkakaiba?


- Ang dalawang uri ng abstrak ay deskriptibo at impormatibo. Ang deskriptibo ay
nilalarawan kung tungkol saan ang teksto, ang impormatibo naman ay
nagpapahayag ng mga mahalagang impormasyon sa teksto.
2. Bakit kailangang basahing Mabuti ang buong papel-pananaliksik bago isulat ang
abstrak?
- Ang abstrak ay ang introduksyon o buod ng pananaliksik, dahil dito hindi
makakasulat ang isang tao ng abstrak ng hindi ba pa nababasa ang buong
papel-pananaliksik.
3. Bakit mahalagang maunawaan ang pagkakaugnay-ugnat ng mga bahagi ng papel-
pananaliksik sa paksa o tema nito? Ano ang nagagawa nito sa pagsulat ng abstrak?
- Mahalagang maintindihan ang pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi ng papel-
pananaliksik dahil ito ay magbibigay ng mas malinaw at organisadong structure
sa iyong papel-pananaliksik.
4. Bakit mahalagang isaalang-alang ang iyong kawilihan sa paksa kung ikaw ay
magsasagawa ng pagsulat ng isang abstrak ng papel-pananaliksik?
- Ang iyong kawilihan sa paksa ay mahalaga sa pagsulat ng abstrak ng papel-
pananaliksik dahil ito ay magiging gabay sa pagsulat ng maikling buod ng iyong
papel-pananaliksik. Ang abstrak ay naglalayong maipakita sa mambabasa ang
kabuuang nilalaman ng papel-pananaliksik sa isang maikling pahayag.
5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng abstrak?
- Mahalagang matutuhan ang pagsulat ng abstrak dahil ito ay isang mahalagang
bahagi ng pagsulat ng anumang uri ng papel o pananaliksik.
II. Isabuhay Mo na

Basahin at unawain ang papel-pananaliksik ni Graziel Ann Ruth Latiza (2015) ng Unibersidad
ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod Quezon na may pamagat na: “Internship:
Kwentong Loob ng tagalabas.”s Pagkatapos,, suriin at iulat ang mga detalye tungkol dito ayon sa
balangkas sa kabilang pahina.

Abstrak

Tinututukan sap ag-aaral na ito ang proseso ng paghahanap ng koneksiyon ng medesina


at panitikan kung saan ang proseso ng pagbuo at pagsulat ng piksiyon ay ginagamit bilang pamalit
sa dyornalistikong pananaliksik at pamamahayg. Sentral na paksa sa pag-aaral ang etika ng mga
doctor na ginamit ng awtor bilang lunsaran ng mga kwento ng kaapihan, katiwalian, at korupsiyon
sa loob ng tipikal na ospital sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon. Sa ganitong sitwasyon ay
sinusubukan ng awtor ang pagtatampok sa Kulturang Pilpino, particular na sa kaugaliang
“pakikipagkapwa-tao,” bilang suhestiong solusyon sa problemang etikal na nabanggit.
Sa nobela, isang doktora ang nagtapos ng kanyang internship sa panggobyernong ospital
na naging semi-private na. Kasabay ng kanyang trabaho ay ang pagkamulat niya sa mga hindi
etikal na gawain ng kanyang mga kapwa doctor sa mga pasyente at maging sa mismong mga
kasamahan nila sa propesyon. Kasabay rin ng trabaho niya ay ang pag-intindi sa lumalalang
kondisyon ng kalusugan ng ama kung kaya mapipilitan siyang tumaliwas sa kanyang panininiwala
upang maabot lamang ang pangangailangan niyang personal.
Sa kabila ng katotohanang hindi isang estudyante ng medisina ang awtor at ang kaalaman
niya sa teknikal na bahagi ng panggagamot ay natutulad sa karaniwang tao, sinubukan ng awtor
ang paggamit sa nabanggit na limitasyon bilang kalakasan upang ilapit sa karaniwang tao ang
doctor at ipakita ang pagkatao nito na nakadarama pa rin ng lungkot, takot, kaapihan, at
nalalagay pa rin sa mga alanganing sitwasyon tulad ng pangangailangn ng kabuhayan.
Bagaman isang sensitibong paksa rin sa mga doctor na naniniwala pa rin sa pagiging una
ng sinumpaang tungkulin higit sa lahat sa pamamagitan ng panitikan-ang tinuturing na katibayan
ng kultura na yumayaman sa pagdaan ng panahon.

Pamagat ng Paksa: “Internship: Kwentong Loob ng tagalabas.”


Mananaliksik: Graziel Ann Ruth Latiza (2015)

Institusyon: Unibersidad ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Diliman, Lungsod Quezon

Mahahalagang Impormasyon ng Pag-aaral: Pinakita rito ang kahalagahan ng etika sa


propesyong medisina, pinapakita na ang etika ay mahalaga sa pagpapanatili ng integridad ng
mga doktor at ng propesyon ng medisina.

Kahalagahan ng Pag-aaral: Itong pagaaral ay mahalaga dahil pinagsasama nito ang larangan
na medisina at pagsusulat para mapakita ang kahalagahan ng etika sa larangan ng medisina.
___________________________________________________________________________

You might also like