You are on page 1of 2

Pangalan: Lee Robin B.

Duquiatan Petsa: Pebrero 03, 2024


Paksa: FIL 321 Code: 8507

1. Ano-ano ang mga kagamitang panturo sa panitikan? Ipaliwanag ang bawat isa at ang gamit
nito.

Sagot: Ang mga kagamitang panturo sa panitikan ay tumutukoy sa mga tool o paraan na
ginagamit ng mga guro upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng
panitikan. Mga ginawang kagamitan ay ito ginagamit natin sa pagtuturo. Ang mga pitong
kagamitan ay ang Wall display, bigbook, storyboard, banghay aralin, flashkards, visual aids at
modyul. Isa isahin natin bigkasin ang mga ginagawang kagamitan.
Wall display - Ang "wall display" ay isang anyo ng kagamitang panturo na tumutukoy sa mga
visual na materyal na ipinapakita sa pader ng silid-aralan. Ito ay naglalaman ng mga larawan,
grafiko, chart, at iba pang visual aids na naglalayong magbigay suporta o ilahad ang mga
konsepto at kaalaman sa isang partikular na paksa.
Bigbook – Ito ay isang konteksto ng kagamitang panturo ay isang malaking aklat o libro na
karaniwang ginagamit sa pangunahing edukasyon, lalo na sa mga pang-akit na oras para sa
mababang antas ng paaralan.
Storyboard - Ang storyboard ay isang visual na representasyon o serye ng larawan, dibuho, o
imahe na naglalarawan ng sunud-sunod na pangyayari o kwento.
Banghay aralin - Isang detalyadong plano ng pagtuturo na naglalaman ng mga layunin,
estratehiya ng pagtuturo, kagamitang panturo, at iba pang mahahalagang elemento para sa
isang partikular na leksyon o aralin.
Flashkards – Ito ay karaniwang ginagamit ito para sa pagsasanay at pag-memorize ng mga
konsepto, bokabularyo, formula, at iba pang mahahalagang impormasyon. Ang flashcards ay
maaaring maging epektibong paraan ng pagtuturo at pag-aaral dahil sa kanilang simpleng
istruktura at kakayahang mapabilisang pagpasa ng impormasyon.
Visual Aids - Ito ay naglalayong mapadali ang pag-unawa at pagtangkilik ng mga mag-aaral sa
iba't ibang disiplina. Ang mga visual aids ay maaaring binubuo ng mga larawan, chart, graph,
mapa, diagram, at iba pang visual na elemento.
Modyul - Ang modyul sa kagamitang panturo ay isang sistematikong organisasyon ng mga
paksa at gawain na naglalaman ng mga layunin, pagsasanay, at iba't ibang kagamitan na
ginagamit para sa pagtuturo at pag-aaral.
2. Bakit kailangan angkop ang kagamitang panturo sa paksa na iyong ituturo? Ibigay ang
kahalagahan ng gagamitang panturo.

Sagot: Angkop na kagamitang panturo ay mahalaga sa pagtuturo dahil ito ay nagbibigay ng


masusing suporta sa layunin ng pagtuturo at nagtataguyod ng masigla at makabuluhan na pag-
aaral. Sa pangkalahatan, ang angkop na kagamitang panturo ay nag-aambag sa masusing pag-
unawa, masigla at makabuluhan na pag-aaral, at mas mataas na antas ng engagement mula sa
mga mag-aaral. Ito ay nagtataguyod ng epektibong pagtuturo at pagkatuto, na nagreresulta sa
masiglang klase at tagumpay sa pag-aaral. Para sa akin ang kahalagahan sa kagamitang
panturo ay ang MODYUL dahil ang modyul ay nagbibigay daan sa balanced na pag-aaral ng
mga aspeto ng isang tiyak na paksa. Ito ay maaaring maglaman ng iba't ibang uri ng
pagsasanay at aktibidad na nagtataguyod ng masusing pag-unawa.

You might also like