You are on page 1of 26

Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental,

Sosyal at Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral

Cristina L. Dela Cruz

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R. Apigo

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Marso 15, 2014


Kabanata I

Panimula

Ang unang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman ng mga suliranin, balangkas,

metodolohiya at iba pang mga detalye na naglalarawan sa paksa ng pag-aaral.

Introduksyon

Mula sa mga sinusubaybayang teleserye sa telebisyon, mga napapanood sa mga

pelikula, mga babasahing libro, sa mga balita at pahayagan hanggang sa sariling karanasan,

ang “bullying” ay siguradong hindi lingid sa kaalaman ng lahat. Ang “bullying” ay isang uri

ng karahasan laban sa mga bata. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, matatawag na bullying

ang paulit-ulit na pangungutya, pananakit nang pisikal o pagbibitiw ng masasakit o

mapanirang salita sa isang indibidwal.

Kadalasang biktima ng “bullying” ang mga mag-aaral na nasa elementarya at

sekondarya. Ang mga naaaping ito ay kadalasang mahina, tahimik, mahiyain, may

kapansanan, at hindi marunong lumaban na nagtutulak sa mga bully na apihin sila dahil alam

nilang hindi sila lalabanan nito. Sa pamamagitan ng pambu-bully, maaaring maapektuhan ang

biktima nito sa kaniyang pisikal, emosyonal, sosyal at/o moral na aspeto kung saan maaari

silang humantong sa matinding depresyon at kung malala pa’y umaabot pa ito sa kanilang

kamatayan.

Kaya naman, isinagawa ang pananaliksik na ito upang makapagbigay-impormasyon

ukol sa mga epekto ng pambu-bully at mahikayat ang ilang mga “bully” na tigilan na ang

kanilang masamang gawain.

Layunin

Ang papel pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang mga epektong naidulot ng

pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga may karanasang mag-aaral
na nasa unang taon sa kolehiyo. Layunin din nitong tukuyin ang mga dahilan sa likod ng

pambu-bully sa pananaw ng mga biktima nito, pag-alam sa uri ng pambu-bully na kanilang

naranasan, at pati na rin ang pagtukoy sa mga paraang isinagawa ng mga biktima sa paglaban

dito.

Suliranin

Upang maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral, humahanap ang pag-aaral na ito ng

mga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang epektong naidulot ng pambu-bully sa aspetong:

1.1. pisikal?

1.2. mental?

1.3. sosyal?

1.4. moral ng mga mag-aaral?

2. Anong uri ng pambu-bully ang kanilang naranasan o nararanasan?

3. Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng biktima ng bullying?

4. Anong mga pamamaraan ang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang

bullying?

Pagpapalagay

1. Ang pambu-bully ay nakaaapekto sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto ng

isang indibiduwal.

2. Ang karaniwang uri ng pambu-bully na nararanasan ng mga mag-aaral ay sa

paraang berbal.

3. Ang isang indibiduwal ay nambu-bully dahil may personal itong problema.

4. Malalabanan o maiiwasan ang pambu-bully kung hindi na lamang ito papansinin.


Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pambu-bully na karaniwang nararanasan

ng mga mag-aaral. Sakop nito ang mga epekto ng bullying sa pisikal, mental, sosyal, at moral

na aspeto ng mga mag-aaral, mga dahilan ng pambu-bully, uri ng pambu-bully na

nararanasan ng mga mag-aaral at ang mga pamamaraang isinagawa ng mga biktima upang

malabanan ito.

Ang pag-aaral na ito ay nilimitahan lamang sa pitumpu’t limang (75) piling mag-aaral

na nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na may karanasan sa

pambu-bullybilang mga tagatugon. Sila ang pinili ng mananaliksik dahil sila ang lubos na

makatutulong at makatutugon sa mga suliranin ng pag-aaral. Sa pamamagitan din ng mga

respondenteng ito, magiging instrumento sila sa katagumpayan ng pananaliksik na ito.

Teoretikal na Balangkas

Bilang batayan sa konsepto ng pag-aaral na ito, nilahad ng bahaging ito ang mga

teoryang may kaugnayan at magiging basehan sa daloy ng pag-aaral.

Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner (1977, 1979) na “ecological systems”,

isinasaad na ang isang mag-aaral ay nasa sentro ng kaniyang panlipunang kapaligiran na

kinabibilangan ng kanyang grupo, pamilya, paaralan, komunidad, at kultura. Nagkakaroon ng

pakikipag-ugnayanang mga tao sa pamamagitan ng “reciprocal interaction” kung saan

maaaring maging salik ito ng pag-uugali ng isang indibiduwal, partikular sa mga mag-aaral

bilang sentro ng lipunan. Bilang paglilinaw, ang mga “social system” na nabanggit ay

kinabibilangan ng mga indibiduwal na makaiimpluwensya sa mga mag-aaral at lugar na kung

saan ang bata ay isang aktibong kalahok, tulad sa tahanan at paaralan, at sa iba pang mga

kapaligiran na maaaring magkaroon ng di-tuwirang epekto sa mga bata.


Mula naman kay Pellegrini, ang kabataan ay ang panahon na kung saan mataas ang

bilang ng pambu-bully. Ang nasabing pagtaas na ito ay ipinaliliwanag ng “dominance

theory”. Ayon sa teoryang ito, ang bullying ay isang agresibong pamamaraan na may

layuning makakuha at mapanatili ang “dominance” ng taong nambu-bully (Pellegrini &

Bartini, 2001). Ang “dominance” ay isang salik ng pakikipag-ugnayan kung saan ang mga

indibiduwal ay nakaayos sa isang herarkiya ayon sa kanilang kakayanan o

kapangyarihan(Dunbar, 1988). Ayon pa sa teoryang “dominance”, ang mga kalalakihan na

gumagawa ng agresibong gawain na ito ay lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong

kinabibilangan at mas “appealing” sa mga grupo ng kababaihan.

Sinasaad naman sa teoryang “attraction” ni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng mga

kabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay naaakit sa ibang mga kabataang

nagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan, (hal. pagpapabaya, pagka-agresibo,

at pagsusuway) at hindi naman sila gaanong naaakit sa mga kabataang nagtataglay ng mga

katangiang higit na naglalarawan ng pagkabata o “childhood”, (hal. pagkamasunurin)

(Bukowski et al., 2000, Moffitt, 1993). Ayon sa mga may-akda, naiimpluwensyahan ng mga

“peer group” ang mga kabataan sapagkat naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito.

Konseptwal na Balangkas

Nabuo ang konsepto ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbatay sa mga

ginamit na teoryang nakalap ng mananaliksik. Ayon sa teoryang “ecological systems” ni

Bronfenbrenner, ang isang mag-aaral ay nasa pinakasentro ng lipunang kanyang

kinabibilangan kung saan malaki ang posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga

indibiduwal na nasa kaniyang kapaligiran. Ang mga kagawian o kaugalian na makukuha

niya rito ay maaaring magdulot sa kaniya ng mga tuwiran o mga di-tuwirang epekto.

Nahinuha ng mananaliksik na isa iyon sa mga dahilan kung bakit may mga batang nambu-
bully at nabu-bully kaakbay na rin ng teoryang “dominance” ni Pellegrini at teoryang

“attraction” ni Bukowki.

Kaya naman, nagtulak ito sa mananaliksik na alamin ang mga epektong dulot nito sa

iba’t ibang aspeto ng isang indibiduwal partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral. Nais

din ng mananaliksik na tukuyin ang mga dahilan sa pananaw ng mga biktima at ang mga

pamamaraang isinagawa nila upang maiwasan ito. Kung kaya’t naghanda ang mananaliksik

ng isang bukas na talatanungang sarbey na magdidikta sa mga sagot sa suliranin ng pag-aaral.

Metodolohiya ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodo sa kwantitatibong uri sa

pangangalap ng datos. Ang metodong ito ang siyang maglalarawan sa pangkasalukuyang

kondisyon ng paksa ng pag-aaral at siya ring makatutulong sa pagtugon ng mga suliranin ng

pag-aaral na ito. Bumisita naman ang mananaliksik sa mga iba’t ibang mapagkakatiwalaang

websayt sa internet upang makangalap ng mga mahahalagang impormasyon na may

kaugnayan sa pag-aaral.

Bukas na talatanungano open-ended survey ang ginamit ng mananaliksik bilang

instrumento ng pag-aaral sa pagkuha ng mga datos. Ang nasabing talatanungan ay

naglalaman ng apat (4) na katanungan na ibinahagi sa pitumpu’t limang (75) “bullied” na

mga mag-aaral na nasa unang taon sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa Santa

Mesa, Maynila bilang mga respondente. Masasabing malawak ang saklaw ng mga

respondente sapagkat hindi nakasisiguro ang mananaliksik na mayroong pitumpu’t lima o

higit pa ang nakaranas ng pambu-bully sa isang departamento o kolehiyo lamang.Sa PUP

naman ang napiling lugar ng mananaliksik dahil sa aksesibilidad at sa dali na

makapagsagawa ng sarbey. Makikita ang sampol ng sarbey sa huling pahina ng bahaging ito.

Dahil bukas na talatanungan ang isasagawang sarbey, pagsasama-samahin ng

mananaliksik ang mga magkakaugnay na sagot na respondente, kahit na hindi eksakto ang
itinugon ng respondente hangga’t sa ito’y nagsasaad ng kaparehong ideya, isasama na iyon sa

iba pang kaugnay na sagot.

Ang mga nasabing magkakaugnay na kasagutan at ang tanong sa Bilang 2, kung saan

ito’y isang tseklis, ay susukatin sa pamamagitan ng istatistikal na paraan sa ibaba.

Ang pormulang ito ang siyang gagamitin sa pagkuha ng bahagdan ng mga tugon ng

mga respondente, kung saan: ang P ay tumutukoy sa porsyento o bahagdan; f para sa

frikwensi o bilang ng sumagot; at N para sa kabuuang bilang ng mga respondente.)


d. MORAL (pag-uugali)

Pangalan Edad

Kurso at Baitang Petsa

BULLYING: EPEKTO NITO SA PISIKAL, MENTAL,


SOSYAL AT MORAL NA ASPETO NG MGA MAG- 2. Anong uri ng pambu-bully ang iyong naranasan?
AARAL (Lagyan ng tsek () ang kahon)
 Pisikal (pananakit sa katawan)
Magandang araw! Ako po ay kasalukuyang nagsasagawa
ng pananaliksik ukol sa paksang nasa itaas at kung maaari  Berbal (panunukso, masasakit na salita, atbp.)
po lamang ay masagutan ninyo ang sarbey na ito ng
maayos at matapat. Maaasahang ang inyong profayl ay  Di-tuwiran (pantsitsismis, pamamlastik, atbp.)
mananatiling konfidensyal. –Cristina Dela Cruz, BSA 1-31
 Intimidasyon (paggawa ng ‘di kagustuhan,
1. Bilang isang biktima ng pambu-bully, ano ang paghingi ng pera)
naging epekto nito sa iyong aspetong:
a. PISIKAL (pangangatawan)  Social Alienation (pagturing na ‘di kabilang sa
grupo)

3. Sa iyong pananaw, ano ang dahilan ng pambu-bully


sa’yo?
b. MENTAL (pag-iisip)

4. Anong pamamaraan ang ginawa mo upang


c. SOSYAL (pakikipagkapwa) malabanan ang pambu-bully sa iyo?
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga iba’t ibang literatura at pag-aaral mula sa lokal at

internasyonal na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik.

Kaugnay na Literatura

Isang artikulo mula sa websayt ng DepEd Nueva Ecija na pinamagatang “Pang-Aapi (Bullying)... Dapat

Maiwasan” na kung saan binanggit ng may-akda ang ilang kadahilanan kung bakit may nagaganap na pambu-

bully sa mga paaralan.

“Biktima ng pang-aapi kadalasan ang mga maliliit, mahihina at mga may kapansanan na
walang kakayahang lumaban at ipangtanggol ang sarili mula sa mas malalaking kaklase na kadalasan
din mapang-api dahil sa pag-aakalang takot sa kanila ang mga kamag-aral. Ayon sa aking
pagsasaliksik at base sa aking nakikita, ang mga mapang-api ay mga batang kulang sa pansin (KSP) na
sabik sa atensyon at pagmamahal ng magulang at hindi masyadong nagabayan kaya sa ganitong
paraan nila inilalabas ang kanilang saloobin upang makakuha ng atensyon.Kung minsan napabayaan
na nga ng magulang ang kanilang mga anak, bayolente pa ang pagtrato at pagdisiplina kaya naman
nakuha nila ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang.Patunay lamang na tama ang kasabihang
“kung ano ang ginagawa ng mas nakatatanda ang siyang ginagaya ng mga bata.”
(Vicencio, 2012)
Dagdag pa niya, dapat mabantayan at magabayan mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo

na sa pagdidisiplina sa mga ito upang maiwasan ang mga ganitong uri ng senaryo sa mga paaralan.

(http://www.depedne.net/?page=news&action=details&categ=Articles&code01 =AP121 20001

&CMonth=12&CYear=2012)

Sa isang artikulo naman sa onlayn na pahayagan na “Balita.net”, isang bata ang naiulat na namatay dahil

sa pambu-bully ng mga kamag-aral. Ayon dito, napikon umano ang siyam na taong gulang na bata matapos

itong asarin ng 12 kamag-aral niya at nauwi ito sa matinding pag-aaway laban sa 2 kamag-aral niya sa bakuran

ng paaralan nila sa San Jose, Pili, Camarines Sur. Namaga umano ang braso ng bata hanggang sa makaramdam

ito ng labis na sakit kung kaya’t dinala ito sa pagamutan matapos ang tatlong araw at dito’y nasawi ang bata sa

cardiac arrest. (Taboy, 2013) ( http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9-anyos-patay-sa-bullying/)


Mula naman sa isang literatura na may titulong “Bullying and Harassment at Schools”, kung saan

isinaad na ang pambu-bully at karahasan ay hindi na bagong isyu sa mga mag-aaral at paaralan. Ayon pa rito,

dahil sa kaalaman ng lahat na ang pambu-bully ay kadalasang nagaganap sa mga paaralan, nagiging banta ito sa

mga mag-aaral at ang paniniwalang ang bullying ay isang “developmental stage” na kung saan lahat ng mga

kabataan ay pagdaraanan ito (Ross, 2002, p.107). (http://umanitoba.ca/faculties/education/media/Bennett-

09.pdf)

Kaugnay na Pag-aaral

Isang pag-aaral naman ang isinagawa ng ahensyang Plan Philippines noong 2008 ukol sa bullying sa

Pilipinas na pinamagatang “Toward a Child-Friendly School Environment: A Baseline Study on Violence

Against Children in Schools”. May tatlong (3) layunin ang kanilang pag-aaral.Una, mailarawan ang isyung mga

karahasan sa mga paaralan mula sa mga persepsyon ng mga bata, magulang, paaralan at ang mga kawani nito sa

mga piling lugar sa bansa. Pangalawa, matukoy ang mga salik sa mga karahasang ito sa mga bata sa paaralan sa

mga piling lugar. At pangatlo, makapagrekomenda ng mga polisiya at programa sa mga paaralan laban sa mga

karahasan upang maging “child-friendly” ang mga paaralan. Ayon sa Plan Philippines, “ang bullying ay isang

karaniwang ‘behavior’ na sa mga eskwelahan sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang bullying ay nakaka-apekto na

sa maraming mga estudyante sa mga pribado at pampublikong paaralan (2008).” Ayon sa pag-aaral na ito na

ginawa sa 58 na pampublikong eskwelahan, “ang mga ‘peers’ mismo ng mga estudyante ang gumagawa ng

iba’t-ibang uri ng karahasan sa kapwa estudyante. Ang pamamahiya at pangungutya ang pinaka-komon na

gawain. Halos 50 porsyento ng mga bata sa Grades 1 hanggang 3 ay nagging biktima nito at 67 porsyento

naman ng mga bata sa Grades 4 hanggang 6. Sa high school, 65 porsyento ng mga estudyante ay nagging

biktima na rin ng pangungutya at pamamahiya. Dahil sa bullying, maraming mga bata ang nagging mahiyain at

lagi na lamang natatakot, at nawalan ng gana sa pag-aaral.


(Sors:http://www.studymode.com/essays/Philippines-Toward-a-Child-Friendly-Education-Environment-
1870111.html)

Isang sarbey sa buong kapuluan naman ang isinagawa ni Miguel-Baquilod na kawani ng Kagawaran ng

Kalusugan noong 2004 ukol sa kalusugan ng mga sekondaryang mag-aaral. Kabilang sa nasabing survey ay ang

karahasan laban sa kabataan. Naipakita sa sarbey na halos kalahati ng mga respondente ay sangkot sa pisikal na

pang-aaway at ang mga “sophomore” ay mas nasasangkot at nabibiktima kaysa sa mga “juniors” at “seniors”.

One-third na mga mag-aaral ay na-bully na nang higit pa sa isang beses sa loob ng isang buwan, at halos 3 sa 10

mga nabikitima ay na-bully nang pisikal. Isinaad din sa pag-aaral na mas nasasangkot ang mga kalalakihan sa

mga ganitong uri ng karahasan kumpara sa mga kababaihan.

(Sors:http://safeschoolenvironment.blogspot.com/2007/06/bullying-in-philippine-setting.html)

Sa isang pag-aaral naman na isinagawa nina Jean Sunde Peterson at Karen Ray na may titulong

“Bullying and the Gifted: Victims, Preprators, Prevalence, and Effects (2006)” na kung saan pinag-aralan nila

ang patuloy na paglaganap ng “bullying”at mga epekto nito sa mga biktima at ang pagiging isang “bully” sa

kindergarten hanggang sa ika-walong baitang. Sa 432 na kalahok sa isinagawang sarbey, 67 porsyento ang

nakaranas ng 1 sa 13 uri ng pambu-bully na nakalista sa sarbey, mas marami sa ika-anim na baitang kaysa sa

ibang baitang, at 11 porsyento naman ang nakaranas ng paulit-ulit na pambu-bully, at ang nalalabing porsyento

ay mga nakaranas ng iba pang uri ng pambu-bully na may malaking impak sa emosyonal na aspeto ng mga

mag-aaral. Sa ika-walong baitang, 16 na porsyento ang mga “bully”, at 29 na porsyento naman ang may

marahas na kaisipan. Sa lahat ng baitang,mula kindergarten hanggang ika-walong baitang, malaking bahagdan

ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan ang mga biktima ng pambu-bully, na-bully ng higit sa sampung

beses, at mga bully.

(Sors:https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20%20Spring%202006.pdf)
KABANATA III

Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos

Ang bahagi ng pag-aaral na ito ay naglalaman ng resulta ng mga impormasyong nakalap mula sa

isinagawang sarbey ukol sa mga epekto ng pambu-bully sa pisikal, mental, sosyal, at moral na aspeto ng mga

mag-aaral at ang interpretasyon ng mga datos ayon sa pagsusuri.

Sa isinagawang sarbey na ipinamahagi sa pitumpu’t limang (75) mag-aaral na nasa unang taon sa

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, sa hindi inaaasahang pangyayari, ay animnapu’t pitong (67) tugon

lamang ang bumalik sa mananaliksik. Kung kaya’t ang 67 respondenteng tumugon sa sarbey ang siyang

gagamitin upang mailahad ang resulta ng buong pananaliksik.

Unang Suliranin

Sab-suliranin 1

Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal na Aspeto ng mga Mag-aaral

Kabuuang Bahagdan
Mayroong epekto
49% 51% Walang epekto

Grap 1. Kabuuang bahagdan ayon sa epekto

Ipinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 49% o 33

respondente ang walang epekto at 51% o 34 na respondente naman ang sumagot ng may epekto sa iba’t ibang

kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 34 na respondente.


TALAHANAYAN BLG. 1

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Pamamayat 5 15%

Pananakit ng katawan 9 26%

Natutong mag-ayos ng sarili 3 9%

Naging konsyus 4 12%

Tinamad pumasok 1 3%

Na-stress 5 15%

Nagkaroon ng pasa, sugat o galos 7 20%

KABUUAN 34 100%

Ipinapakita sa talahanayan na higit na nangingibabaw ang “pananakit ng katawan” na may 26% o 9

respondente. Sumunod naman ang tugon na “nagkaroon ng pasa, sugat o galos” na may 20% o 7 respondente;

15% o 5 respondente naman sa parehong tugon na “pamamayat” at “na-stress”; 12% o 4 na respondente naman

sa “naging konsyus”; 9% o 3 respondente sa “natutong mag-ayos ng sarili”; at 3% o 1 respondente sa tumugon

ng “tinamad pumasok”.

Sab-suliranin 2

Epekto ng Pambu-bully sa Mental na Aspeto ng mga Mag-aaral


Kabuuang Bahagdan
36%
Mayroong epekto
Walang epekto

67%

Grap 2 Kabuuang bahagdan ayon sa epekto

Ipinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 36% o 24

respondente ang walang epekto at 67% o 43 na respondente naman ang sumagot ng may epekto sa iba’t ibang

kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 43 na respondente.

TALAHANAYAN BLG. 2

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Bumaba ang tingin sa sarili 7 16%

Nag-iisip palagi 4 9.5%

Na-stress 1 2%

Na-depress 5 12%

Nawawala sa sarili o
3 7%
pagkalutang

Hindi makapag-isip ng
1 2%
maayos

Natatakot/nato-trauma 10 23%

Naging emosyonal at sensitibo 1 2%

Nakatulong sa paghubog ng 4 9.5%


aspetong mental (pagiging

aware, matured at wais)

Naisipang lumaban 2 5%

Naging paranoid 5 12%

KABUUAN 43 100%

Makikita sa talahanayan na higit na nagingibabaw ang tugon na “natatakot o nato-trauma” na may 23%

o 10 respondente. Sinundan ito ng tugon na “bumaba ang tingin sa sarili” na may 16% o 7 respondente; 12% o 5

respondente sa parehong tugon na “na-depress” at “naging paranoid”; 9.5% o 4 respondente sa parehong tugon

na “nag-iisip palagi” at “nakatulong sa paghubog ng sarili”; 7% o 3 respondente sa tugon na “nawawala sa

sarili”; 5% o 2 respondente sa tumugon na “naisipang lumaban”; at 2% o 1 respondente sa parehong tugon na

“na-stress” at “di makapag-isip ng maayos”.

Sab-suliranin 3

Epekto ng Pambu-bully sa Sosyal na Aspeto ng mga Mag-aaral

Kabuuang Bahagdan
10%

Mayroong epekto
Walang epekto

90%

Grap 3 Kabuuang bahagdan ayon sa epekto


Ipinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 10% o 7 respondente

ang walang epekto at 80% o 60 na respondente naman ang sumagot ng may epekto sa iba’t ibang kasagutan.

Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 60 na respondente.

TALAHANAYAN BLG. 3

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Nahihiya o nahihirapan makisalamuha 22 37%

Nililimitahan ang pakikisalamuha 11 18%

Hirap magbigay ng tiwala sa tao 5 8%

Naging tahimik o mapag-isa 2 3%

Naging maingat sa pagpili ng tao 7 12%

Naging plastik 2 3%

Natatakot o umiiwas sa nambully 3 5%

Takot o ilag sa tao 6 10%

Mas nagtiwala sa sarili 2 3%

KABUUAN 60 100%

Makikita sa talahanayan na may 37% o 22 na respondente ang sumagot na sila’y nahihiya o nahihirapan

makisalamuha bilang epekto sa kanilang pakikipagkapwa; 18% o 11 na respondente naman ang sumagot na

nalimitahan na ang kanilang pakikisalamuha sa kapwa; 12% o 7 respondente naman ang sumagot na naging

maingat na sa pagpili ng tao; 10% o 6 respondente naman ang sumagot na takot o ilag sila sa kapwa; 8% o 5

respondente ang sumagot na hirap na sila magtiwala sa tao; 5% o 3 respondente naman ang sumagot na

natatakot sila makita ang mga nambully sa kanila; at 3% o 2 respondente sa parehong mga tugon na naging

tahimik at mapag-isa, naging plastik, at gayundin sa mga sumagot na mas nagtiwala pa sa sarili.

Sub-suliranin 4

Epekto ng Pambu-bully sa Moral na Aspeto ng mga Mag-aaral


Kabuuang Bahagdan
27%

Mayroong epekto
Walang epekto

73%

Grap 4 Kabuuang bahagdan ayon sa epekto

Ipinapakita sa grap na ito ang samari o buod ng kasagutan sa tanong. Nakakuha ng 27% o 18

respondente ang walang epekto at 73% o 49 na respondente naman ang sumagot ng may epekto sa iba’t ibang

kasagutan. Makikita sa talahanayan sa ibaba ang kasagutan ng 49 na respondente.

TALAHANAYAN BLG. 4

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Pagbaba ng kumpiyansa sa sarili 4 8.5%

Naging mahiyain 7 14%

Naging matapang 4 8.5%

Naging bully 10 20%

Naging tahimik 5 10%

Nag-iba ang ugali (kabaliktaran ng dati) 4 8.5%

Naging madamdamin 2 4%
Naging masungit o magagalitin 5 10%

Naging palaaway 4 8.5%

Hindi agad nagtitiwala 2 4%

Naging mapagtimpi 1 2%

Natutong rumespeto 1 2%

KABUUAN 49 100%

Makikita sa talahanayan na nakahihigit ang sagot na “naging bully” na may 20% o 10 respondente; 14%

o 7 respondente naman ang naging mahiyain; 10% o 5 respondente naman sa parehong tugon na “naging

tahimik” at “naging masungit o magagalitin”; 8.5% o 4 na respondente naman ang sumagot sa parehong mga

tugon na “pagbaba ng kumpiyansa sa sarili”, “naging matapang”, “nag-iba ang ugali” at gayundin sa “naging

palaaway”; 4% o 2 respondente naman ang sumagot sa parehong tugon na naging madamdamin at ang ugaling

hindi na agad nagtitiwala sa iba; at 2% o 1 respondente sa parehong tugon na naging mapagtimpi at natutong

rumespeto.

Ikalawang Suliranin

TALAHANAYAN BLG. 5

Uri ng Pambu-bully na Naranasan ng mga Mag-aaral

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Pisikal 13 13%

Berbal 55 82%
Di-tuwiran 32 48%

Intimidasyon 2 3%

Social Alienation 15 22%

Makikita sa talahanayan na higit na nangingibabaw ang berbal na uri na may 82% o 55 respondente.

Nangangahulugan lamang ito na malaking porsyento ng mga mag-aaral ang nakararanas ng pambu-bully sa

paraang berbal. Sinundan naman ito ng “di-tuwiran” na uri na may 48% o 32 na respondente; 22% o 15 na

respondente sa “social alienation” na uri; 19% o 13 na respondente sa “pisikal” na uri; at 3% o 2 respondente

naman sa “intimidasyon” na uri.

Ikatlong Suliranin

TALAHANAYAN BLG. 6

Dahilan ng Pambu-bully sa Pananaw ng mga Biktima

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Hindi alam 8 12%

Mahina 2 3%

Inggit 17 25%

Kulang sa pansin 3 4.5%

Masama talaga ang ugali (bully) 4 6%

Pisikal na kaanyuan 10 15%

Masyadong mabait 4 6%

Naiiba sa kanila 3 4.5%

May nakitang mali o katawa-tawa 6 9%

Walang magawa sa buhay 4 6%


Pinagkakatuwaan 3 4.5%

Patunayan na mas mataas sila 2 3%

Naging biktima rin ng pambu-bully 1 1.5%

KABUUAN 67 100%

Makikita sa talahayanan na may 25% o 17 na respondente ang sumagot ng “inggit”. Sinundan ito ng

15% o 10 respondente na sumagot na dahil ito sa “pisikal na kaanyuan”; 12% o 8 respondente naman ang

sumagot ng “hindi alam”; 9% o 6 na respondente ang sumagot na “may nakitang mali o katawa-tawa sa

kaniya”; 6% o 4 na respondente sa parehong mga tugon na “masama talaga ang ugali ng bully”, “masyadong

mabait” at gayundin ang “walang magawa sa buhay”; 4.5% o 3 respondente naman ang sumagot sa parehong

mga tugon na “kulang sa pansin”, “naiiba siya sa kanila” at gayundin ang “pinagkakatuwaan”; 3% o 2

respondente naman sa parehong tugon na “mahina” at “gustong patunayan na mas mataas sila”; att 1.5% o 1

respondente naman ang tumugon na maaaring naging biktima rin sila ng pambu-bully.

Ika-apat na Suliranin

TALAHANAYAN BLG. 7

Pamamaraan ng mga Biktima upang Malabanan ang Pambu-bully

MGA SAGOT BILANG NG SUMAGOT BAHAGDAN

Hindi pinansin 35 52%

Kimompronta o kinausap 2 3%

Lumaban 8 12%

Naging matatag 4 6%

Sinangguni sa guro o magulang 5 7.5%

Umiwas 8 12%

Nagdasal 1 1.5%
Nakisakay na lamang 4 6%

KABUUAN 67 100%

Makikita sa datos sa talahanayan na nakahihigit ang tugon na “Hindi pinansin” na may 52% o 35 na

respondenteng tumugon. Nangangahulugan lamang ito na malaking porsyento ang gumagawa ng gayong

paraan. Sinundan naman ito ng mga tugon na “lumaban” at “umiwas” na may parehong 12% o 8 respondenteng

sumagot; 7.5% o 5 respondente naman ang sumangguni sa kaniyang guro o magulang; 6% o 4 na respondente

naman ang parehong tugon na “naging matatag” at “nakisakay na lamang”; 3% o 2 respondente naman ang

sumagot na “kinomprota/kinausap”; at 1.5% o 1 respondente naman ang sumagot na nagdasal na lamang siya.

KABANATA IV

Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang huling kabanata ng pag-aaral na ito ay naglalahad ng mga natuklasan at konklusyon mula sa

sinuring datos sa isinagawang sarbey at ang rekomendasyon na mula naman sa kabuuang pag-aaral ng

pananaliksik.

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Epekto ng Pambu-bully sa Pisikal, Mental, Sosyal, at Moral na

Aspeto ng mga Mag-aaral” ay naglalayong matuklasan ang mga kasagutan sa mga sumusunod na suliranin: (1)

Ano ang epekto ng pambu-bully sa aspetong: pisikal? mental? sosyal? moral ng mga mag-aaral?; (2) Anong uri

ng pambu-bully ang narasan o nararanasan nila?; (3) Ano ang dahilan ng pambu-bully sa pananaw ng mga

biktima?; at (4) Ano ang pamamaraang ginawa ng mga biktima upang malabanan ang pambu-bully?

Natuklasan

Ang mga suliranin sa pag-aaral na ito ay natugunan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey ng

mananaliksik. Bilang resulta nito, natuklasan ng pag-aaral ang mga sumusunod na pangungusap.
Sa unang suliranin ng pag-aaral, natuklasan na ang pananakit ng katawan ang pangunahing epekto ng

pambu-bully sa pisikal na aspeto. Nakakuha ito ng 26% o 9 respondente ayon sa 51 porsyento na nakapagsagot

ng mayroon itong epekto. Sa mental na aspeto naman, ang pagkakaroon ng takot o trauma ang dulot ng pambu-

bully. Nangangahulugan itong nag-iiwan ng marka sa isip ang mga karahasang nararanasan ng mga mag-aaral.

Nakakuha ito ng 23% o 10 respondente ayon pa sa 64% na nakapagsagot na may epekto ang pambu-bully sa

kanilang mental na aspeto. Ang mga mag-aaral naman ay nagiging mahiyain na at nahihirapan sa

pakikisalamuha sa mga tao bilang epekto ng pambu-bully sa kanilang aspetong sosyal na nakakuha ng 37% o

22 respondente ayon sa 80% na sumagot na may epektong dulot ang pambu-bully sa kanilang moral na aspeto.

Nangangahulugan itong mababawasan na ang mga taon kanilang makikilala sa kanilang buhay. Sa moral na

aspeto, ang pagiging isang bully din ang pangunahing naging epekto ng pambu-bully sa mga mag-aaral na

nakakuha ng 20% o 10 respondente ayon sa 73% na sumagot na may epekto sa ang pambu-bully sa kanilang

aspetong moral. Nangangahulugan itong naimpluwensyahan ang mga mag-aaral sa mga gawaing ginawa sa

kanila. Masasabing naiugnay ito sa teoryang “ecological systems”.

Sa ikalawang suliranin, natuklasan ng mananaliksik na pambu-bully sa paraang berbal ang

pinakanararanasan ng mga mag-aaral. Nakakuha ito ng 82% o 55 tugon mula sa mga respondente.

Nangangahulugan ito na madalas silang tuksuhin, asarin o ‘di kaya’y pagsalitaan ng masakit ng mga nambu-

bully. Pumapangalawa naman ang di-tuwirang uri na may 48% o 32 respondente kung saan ang mga mag-aaral

ay maaaring pinagtsi-tsismisan, tinatraydor o ‘di kaya’y pinaplastik lamang.

Sa ikatlong suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang mga mag-aaral ay binu-bully marahil dahil sa

inggit. Ito ay nakakuha ng 25% o 17 respondente. Nangangahulugan itong may ideya ang mga mag-aaral na

mayroon silang kakayahan na maaaring kainggitan sa kanila ng mga tao na naging dahilan kung bakit sila binu-

bully. Pumangalawa naman ang pisikal na anyo bilang dahilan ng pambu-bully sa kanila. Nakakuha ito ng 15%

o 10 tugon mula sa mga respondente.


Sa ikaapat at huling suliranin, natuklasan ng mananaliksik na ang hindi pagpansin sa pambu-bully sa

kanila ang nagsilbing pamamaraan ng mga mag-aaral upang maiwasan at malabanan ito. Nakakuha ito ng 52%

o 35 na tugon mula sa mga respondente. Nangangahulugan itong magsasawa at titigil din ang mga nambu-bully

kung hindi na lamang ito papansinin.

Konklusyon

Ang pag-aaral na ito ay nagbigay-kaisipan sa mananaliksik na nagtulak upang makabuo ng konklusyon.

Nabuo sa isipan ng mananaliksik na malaki ang epektong naidudulot ng pambu-bully sa iba’t ibang

aspeto ng mga mag-aaral partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral na aspeto nila. Magkakaroon lamang

ng epekto sa kaniyang pisikal na aspeto kung siya ay binu-bully ng pisikal. Maaari siyang magtamo ng

pananakit ng katawan at kung malala pa’y mga sugat at mga pasa na ang kaniyang makuha sa karahasang

dinaranas niya. Nag-iiwan din ng marka sa isipan ng isang mag-aaral ang pambu-bully sa kaniya dahil sa takot

na siya’y masasaktan. Ang “trauma” na ito ay may malaking epekto sa kaniyang pakikipagkapwa. Siya ay

magiging mahiyain at mahihirapang makisalamuha sa iba, magiging mapili sa tao at kung lalala pa doo’y

magiging takot o iwas siya sa tao sa pag-aakalang sasaktan o ibu-bully rin siya ng bawat makakasalamuha

niyang tao. Nakahahawa din ang pagiging isang “bully”. Maaari itong makuha ng isang mag-aaral mula sa mga

taong nambully sa kaniya sa dahilang gusto niyang gumanti sa iba o ‘di kaya nama’y nagustuhan din niya ang

pananakit sa ibang tao.

Kadalasang panunukso, pang-aasar at pagsasabi ng masasakit na salita ang kadalasang nararanasan ng

mga mag-aaral. Minsa’y biro lamang ito sa mga nambu-bully ngunit hindi nila alam na nakasasakit na sila ng

tao. Ang pambu-bully sa berbal na uri ay kadalasang bunga ng “immaturity” ng mga bully. Masaya sila na

nang-aasar ng mga tao na parang mga bata.

Ang bawat mag-aaral ay may mga bagay sa kanilang sarili na maaaring ika-inggit ng iba. Ito ang isa sa

mga dahilan na pinaniniwalaan ng karamihan kung tatanungin ang panig ng biktima. May ugali, kadalasan, ang
mga nambu-bully na kapag mayroon silang nakitang wala sa kanila at nakita nila ito sa iba, nakararamdaman

sila ng yamot at inggit kung kaya’t gusto niyang nasasaktan ang kinaiinggitan niya. Ilan din sa mga dahilan

kung bakit mayroong mga bully ay dahil ninanais nila na magkaroon ng kapangyarihan na mapasunod ang iba o

ang pagiging mataas kaysa sa ibang tao (teoryang dominance) at dahil sa pag-adap nila sa parehong gawain ng

nasa kaniyang kapaligiran (teoryang ecological systems), nagiging kaaakit-akit sa kanila ito at nagkakaroon sila

ng kuryosidad ukol sa pambu-bully kung kaya’t nagagamit nila ito sa pakikisalamuha sa ibang tao (teoryang

attraction)

Naiiwasan naman ang “bullying” ngunit nakadepende na rin iyon sa pamamaraan ng biktima. Maaari

itong maiwasan ng biktima sa pamamagitan ng hindi pagpansin sa mga nambu-bully dahil hangga’t pinapansin

niya ito at nagpapaapekto siya rito, lalong hindi titigil ang mga tao na i-bully siya. Hangga’t maaari rin ay

panatilihing umiwas sa mga nambu-bully at mas makabubuti kung sumasangguni ang mga mag-aaral sa

kanilang mga guro, lalo na kung ang pambu-bully ay nasa loob lamang ng paaralan, at sa kanilang mga

magulang.

Bilang kabuuang resulta ng pag-aaral na ito, walang alinlangang pagpapalagay ng mananaliksik na

walang mabuting dulot ang pambu-bully sa isang tao. Isa itong uri ng karahasan na dapat matigil at masugpo.

Maaaring sa panig ng nambu-bully ay may maganda itong naidudulot dahil ito’y kanilang kasiyahan ngunit isa

naman itong pagkakasala sa kanila. Samantala, tama ang tatlo sa apat na pagpapalagay ng mananaliksik sa

magiging resulta ng pananaliksik na ito. Ito ay dahil na rin sa kaalaman ng mananaliksik ukol sa paksa kung

saan nakasaksi at nakaranas siya nito.

Rekomendasyon

Batay sa kabuuang pag-aaral na isinagawa ng mananaliksik, nakabuo at nakapagbigay ito ng ilang

rekomendasyon. Sa mga mag-aaral na kasalukuyang nabu-bully, iminumungkahi ng mananaliksik na huwag

gumawa ng reaksyon o magpakita ng nararamdaman kapag ikaw ay nabu-bully dahil mawawalan sila ng gana

kapag wala kang pakialam. Ayon na rin sa Kawikaan 29:11, “Siyang marunong ay nagpapanatili nitong
mahinahon hanggang sa huli.” Maaari rin kausapin o sagutin ang mga nambu-bully sa paraang hindi nila

inaasahan dahil ayon sa Kawikaan 15:1, “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit.” Huwag

din naman gaganti sa mga nambu-bully dahil lalong lalala ang sitwasyon kapag lumaban pa pabalik. At mula na

rin ito sa Roma 12:17, “Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama.” Magkaroon din naman kayo ng

kumpiyansa sa sarili dahill alam ng mga nambu-bully kapag kinakabahan kayo at maaari nila iyong

samantalahin upang sirain ang natitira mo pang kumpiyansa. Hangga’t maaari rin ay umalis ka at iwan mo sila.

Ang pagtahimik ay nagpapakitang “matured” ka at mas matatag kaysa sa nang-iinis sa’yo. Pigilan din ang iyong

sarili dahil iyon ang isa sa mga ugaling wala sila. Huling rekomendasyon ng mananaliksik ay ang

pagsusumbong. Ito na rin ang pinakamabisang paraan upang matigil ang pambu-bully sa inyo. Mas may

kakayahan ang mga pagsusumbungan mo kaysa sa mga nambu-bully sa’yo.

Sa mga nambu-bully, inirerekomenda ng mananaliksik na itigil na ang pang-aapi sa ibang tao dahil

maaari itong makaapekto sa kaniyang buhay. Maaaring magdulot ito ng kasiyahan sa inyo ngunit tandaan ninyo

na iyo’y panandalian lamang at dapat ninyon haraping ang kasalanan ninyo sa Kanya.

Sa mga guro at magulang, ninanais ng mananaliksik na mas pagtibayin pa ang atensyon at paggabay sa

inyong mga anak upang walang karahasang nangyayari. Hindi man sa inyo nakukuha ng inyong mga anak ang

pambu-bully ngunit nararapat na bigyan ng pansin ang mga kagawian ng inyong mga anak lalo na sa paaralan.

Lubos na naiimpluwensyahan ang inyong mga anak sa mga gawain na nakikita at nakakasalamuha niya sa

kapaligiran (teoryang ecological system)

Sa mga iba pang mag-aaral at mananaliksik, lubos na iminumungkahi ng mananaliksik na magsagawa

pa ng ilang pag-aaral ukol sa “bullying”. Bagama’t marami na rin ang mga pag-aaral na nagsasagawa nito,

ninanais ng mananaliksik na tumuon pa sa iba pang aspeto ng isang indibidwal na maaaring maapektuhan ng

pambu-bully. Maaari rin na magsagawa ng isang pag-aaral ukol sa pagsugpo ng pambu-bully kahit na maiisip

ng karamihan na imposibleng matigil ang karahasang ito. Marami pang hindi napapatunayan at hindi

natutuklasan kung kaya’t lubos na nirerekomenda ng mananaliksik ang mga nabanggit.


Referensya
Bennett, C. (2009). Literature Review of Bullying at Schools. http://umanitoba.ca/faculties/
education/ media/ Bennett-09.pdf
Espelage, D.L. & Swearer, S.M. (Ed.) (2004). Bullying in American Schools: A Social-
Ecological Perspective on Prevention and Intervention. Mahwah, New Jersey: Routledge.
O’Connor, JA. (2012). An Examination of Bullying Within Middle School Physical Education.
(Doctoral dissertation) https://www.ideals.illinois.edu/bitstreamz/handle/2142/31044/ OConnor
_Jamie.pdf
Peterson, J.S. & Ray, K.E. (2006). Bullying and the Gifted: Victims, Perpetrators, Prevalence,
and Effects. https://www.nagc.org/uploadedFiles/GCQ/GCQ_Articles/Bullying%20% 20Spring
%202006.pdf
Taboy, F. (2013, Agosto 15). 9-anyos, patay sa bullying. http://www.balita.net.ph/2013/08/15/9-
anyos-patay-sa-bullying/
Vicencio, C. B. (2012). Pang-Aapi (Bullying) Sa Paaralan… Dapat Maiwasan. http://www.
deped-ne.net/?page=news&action=details&categ=Articles&code01=AP12120001& CMonth=
12&CYear=2012
Bullying in the Philippine Setting (2007, Hunyo 30). http://safeschoolenvironment.blogspot.com/
2007/06/bullying-in-philippine-setting.html
Mga Saksi ni Jehova. http://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/pamilya/tin-edyer/tanong/binu-bully/
Philippines Toward a Child-Friendly Education Environment. (2013, Agosto). http://www.
studymode.com/ essays/Philippines-Toward-a-Child-Friendly-Education-Environment-1870111.html
“Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit.” (Kawikaan 15:1)
“Huwag ninyong gantihin ng masama ang masama.” (Roma 12:17)
“Siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.” (Kawikaan 29:11)

You might also like