You are on page 1of 28

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Migrasyon: Konsepto at Konteksto
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Migrasyon: Konsepto at Konteksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas


T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Amabhelle R. dela Merced
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD
Virgilio L. Laggui PhD
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD
Romeo P.Lorido /Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit: Vincent D. Robles
Tagalapat: Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ii
10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Migrasyon: Konsepto at Konteksto

Paunang Salita
iii
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Migrasyon: Konsepto at Konteksto.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Migrasyon: Konsepto at Konteksto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

iv
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Subukin Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
Pagyamanin iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling
tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon

Ang modyul na ito ay nahati sa tatlong aralin:


• Leksyon 1: Kasaysayan ng Migrasyon
• Leksyon 2: Perspektibo at Pananaw
Leksyon 3: Uri ng Migrasyon

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nauunawaan mo ang kahulugan at konsepto ng migrasyon;
2. Natatalakay ang iba’t ibang perspektibo ng migrasyon; at
3. Napahahalagahan ang mga sakripisyo ng mga migrante dulot ng
globalisasyon.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na
gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
Subukin

1
Tara, Subukin Mo ito!

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin at isulat


ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel

1. Si Caslita De Castro ay isang Pinay Overseas Filipino Worker na


naghahanapbuhay sa Hongkong bilang isang domestic helper. Ito ay isang uri
ng _______________.
a. temporary migrants
b. refugees
c. irregular migrants
d. permanent migrants

2. Isang konsepto na ang layunin ay lumipat ng ibang lugar o bansa upang doon
manirahan o maghanapbuhay.
a. globalisasyon c. adaptasyon
b. migrasyon d. asimilisasyon

3. Sa panahon bago ang pananakop, pinaniniwalaan ang mga Pilipino ay


palipatlipat ng kanilang tirahan, sa anong kadahilanan.
a. Upang sila ay makahanap ng kanilang makakain.
b. Upang ang kanilang pamayanan ay hindi masakop ng ibang komunidad.
c. Upang sila ay may bagong kapaligiran.
d. Upang sila ay makahanap ng matatabang lupa na mapagtatamnan at
mapangangasuhan.

4. Ito ang krisis na naganap noong dekada 30 at naging dahilan upang mawalan
ng trabaho ang mga Pilipinong migrante sa Hawaii.
a. Cold War c. Great Depression
b. Industrial Revolution d. Recession

5. Ang mga mamamayang napilitang lumikas dulot ng krisis, kalamidad, rebelyon


at isyung politikal ay mga migranteng ______________.
a. forced migrants c. irregular migrants
b. temporary migrants d. permanent migrants

6. Ayon sa State of the Philippine Population Report 4 (SPPR4), maraming mga


batang Overseas Filipino Workers ay nagmumula sa rehiyon ng _____________.
a. Zamboanga Peninsula c. Central Luzon
b. National Capital Region d. Eastern Visayas

7. Bilang ng mga nandarayuhan na naninirahan o nanatili sa bansang nilipatan.


a. flow c. immigrants
b. stocks d. outflows
8. Ayon sa State of the Philippine Population Report 4 (SPPR4), maraming Filipino
nurses ang naghahanap ng trabaho sa bansang __________.
a. United Kingdom c. Singapore

2
b. Canada d. Kuwait

9. Si Mang Delfin at ang kanyang pamilya ay nagdesisyon umuwi ng probinsya


upang doon na manirahan. Anong uri ng migrasyon ang tawag dito?
a. Pamprobinsyang migrasyon c. Panlabas na migrasyon
b. Panloob na migrasyon d. Pambayang migrasyon

10. Pangunahing ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga Overseas Filipino


Workers (OFW).
a. Philippine Overseas Employment Agency
b. Overseas Worker Welfare Administration
c. Department of Foreign Affairs
d. Philippine Overseas Labor Organization

11. Si Phenny Villanueva ay isang migrante sa bansang Australia sa loob ng matagal


na panahon kaya nagdesisyon siya na kuhanin ang kanyang pamilya sa Pilipinas
at sa bansang Australia na rin manirahan, ano ang tawag sa nabanggit na
migrasyon?
a. Family Reunification Migrants c. Return Migrants
b. Permanent Migrants d. Relative Overseas Migrants

12. Tumutukoy sa bilang o dami ng mga nandarayuhang pumapasok sa loob ng


bansa sa loob ng takdang panahon.
a. stocks c. flow
b. departures d. mobility

13. Ito ay nagaganap kung nagiging destinasyon ng mga manggagawa at refugees


ang mga lugar na hindi karaniwang pinagmumulan ng mga nandarayuhan.
a. population transition c. labor migration
b. migration transition d. economic migration

14. Ano ang pangunahing layunin sa pagkakatatag ng Kabuhayan 2000.


a. Maprotektahan ang karapatan ng mga migrante.
b. Kumita ng malaking pera ang mga pribadong sektor.
c. Magtayo ng negosyo sa Pilipinas ang mga nandarayuhan.
d. Mangutang sa mga bangko ang mga nandarayuhan.

15. Ayon sa State of the Philippine Population Report 4,ang bansang ______________
ang pangunahing destinasyon ng mga OFW.
a. Japan c. Korea
b. Saudi Arabia d. United Arab Emirates

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay madali


mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa naman ang
nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan pa ang
aralin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

3
Aralin
Migrasyon: Konsepto at
1 Konteksto
Mahusay! Ako ay lubhang nasisiyahan sapagkat natapos mo ang ikaapat na bahagi
ng modyul 2.Ngayon naman ay dumako tayo sa ika-limang paksa sa Ikalawang
Markahan, ang migrasyon. Ang migrasyon ay may malaking bahaging
ginagampanan sa buhay ng mga Pilipino. Kung ako ay iyong tatanungin ng paano at
bakit ay hindi kita sasagutin sapagkat nais kong ikaw ang makatuklas nito sa
pamamagitan ng ating aralin. Handa ka na ba? Kung ang iyong sagot ay oo, ikaw ay
maaaring ng mag-umpisa ngunit kung hindi ang iyong sagot ay ipikit ang iyong
mata at humingi ng malalim upang maging handa ang iyong isipan sa talakayin.

Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang mga kinakaharap na suliranin


ng mahahalagang sektor ng ekonomiya: agrikultura, industriya at serbisyo. Upang
lubusan nating masubok ang iyong naging kaalaman, magbigay ng tatlong suliranin
at tatlong solusyon sa bawat sektor. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

SEKTOR SULIRANIN SOLUSYON

1. 1.

AGRIKULTURA 2. 2.

3. 3.

1. 1.

INDUSTRIYA 2. 2.

3. 3.

1. 1.

SERBISYO 2. 2.

3. 3.

4
Tuklasin

Larawang Suri.

Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga nakalaang
katanungan ukol dito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang isang mahalagang salita ang ipinahihiwatig ng larawan?

2. Batay sa iyong pagmamasid, paano nakaaapekto ang migrasyon sa buhay ng


isang pamilya?

3. Paano naman makatutulong ang migrasyon sa ekonomiya ng bansa?

Suriin

MIGRASYON
Ang salitang migrasyon ay mula sa salitang Latin “migr” nangangahulugang
lumipat o umalis. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng isang
mamamayan mula sa kanyang lugar papunta sa ibang destinasyon na maaaring
panandalian o permanente.

5
BALANGKAS NG KASAYSAYAN NG MIGRASYON
A. Bago dumating ang mga mananakop (1525-1526) - Ang ating mga ninuno ay
nagpapalipat-lipat ng kanilang mga lugar na paninirahan sapagkat naghahanap
sila ng lugar kung saan matataba ang lupa na kanilang mapagtatamnan at sa
kanilang pangangaso. Gayundin, ninais nilang maging mapayapa at ligtas sa mga
pananakop.

B. Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol o Kastila (1526-1898) - Ang mga


Pilipino ay sapilitang dinala sa Mexico upang maglingkod bilang aliping
manggagawa sa mga mission settlement tulad ng San Luis Obispo at Los Angeles.
Habang ang ilan naman sapilitang pinaglingkod sa mga sasakyang pangdagat
bilang mga seaman. Ngunit may mga
ilang Pilipino na seaman na tumakas
hanggang makarating sila sa Louisiana
USA at doon nanirahan na tinatawag na
Filipino Village.

C. Panahon ng Pananakop ng mga


Amerikano (1898-1945) - Matapos
matalo ng mga Amerikano ang mga
Kastila sa ating bansa ay lumaganap ang
kawalan ng hanapbuhay sa bansa kayat
nagdesisyon ang mga pamahalaang kolonyal ng sistematikong pagluwas ng mga
manggagawang Pilipino papuntang Hawaii. Ang mga manggagawang Pilipino ay
pinagtrabaho sa mga plantasyon ng Olaa Plantation at Hawaiin Sugar Planters
Association. Ngunit sa panahon ng Great Depression (1930) ay pinagtatanggal sa
trabaho ang mga Pilipino at sapilitang pinauwi upang mabawasan ang gastusin
ng mga kompanya samantalang ang iba ay nagpunta sa bahagi ng mainland US,
sa California at sa Alaska upang doon ay maghanapbuhay.

Sa pagkakapasa ng Batas Tydings - McDuffie (1934), panandaliang napigilan ang


dami ng mga nandarayuhan sapagkat nagpatuloy ang pagiging migrante ng mga
Pilipino matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang digmaan ay naging
daan upang maraming Pilipino ang mag-asawa ng mga Amerikanong sundalo,
mga manggagawa na nagnais maghanap-buhay sa Amerika at nagnais doon na
manirahan.

Nagpatuloy ang krisis ng kapitalismo hanggang sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig (1935–1949).Ang agawan at paligsahan ng mga malalaking kapitalistang
bansa sa pandaigdigang pamilihan ay nagbunsod upang bumaba ang halaga ng
lakas paggawa at hilaw na sangkap sa merkado.

D. Panahon ng Republika ng Pilipinas (1960- Kasalukuyan)

6
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mas maraming Pilipino ang
naghangad na mangibang-bansa.

• 1960-1970. Karaniwan sa mga nandarayuhan


ay kabilang sa mga propesyonal at
nakakapagsasalita ng wikang Ingles. Ninais
nilang permanenteng manirahan sa Canada,
Australia at mga bansa sa rehiyong Gulf.

• 1980. Sa panahon na malapit ng bumagsak ang


rehimeng Marcos, muli na naman lumakas ang pwersa ng migrasyon sa Pilipinas.
Maraming Pilipino ang naghangad maghanap-buhay sa Middle East.

• 1982. Itinayo ni Pangulong Marcos ang Philippine Overseas Employment


Adminsitration (POEA) upang may mangasiwa sa mga migranteng mamamayan
ng bansa.

• 1986-1992. Sa panahon ng rehimeng Aquino, ang Labor Export Program (LEP) ay


tinawag na 5–Year Economic Recovery Program na ibig sabihin ay muling
pagbangon mula sa pagkalugi dulot ng panahon ng diktadura. Tinawag ang mga
nandarayuhan bilang mga bagong bayani. Sa panahon
ding ito, naging pangunahing kita ng bansa ang mga
remittances mula sa mga OFW kayat inayos at
itinataas ang mga ligal na bayarin sa mga paliparan
tulad ng travel tax, double taxation scheme bukod dito
ay nagkaroon din ng Mandatory Insurance and
Repatriation Bond (MIRB). Itinayo rin ang Overseas
Worker Welfare Administration (OWWA) sa ilalim ng
pamamahala ng Department of Labor and Employment
(DOLE). Ngunit ang mga membership fee at mga
bayarin ng mga migrante ay hindi napakinabangan sa
panahon ng Gulf War sapagkat hindi ito ginamit upang ilikas ang mga
nandarayuhan. Isa pang isyu sa rehimeng ito, ayon sa tala ng POEA, sa rehimeng
Aquino, umabot ng 2.25 milyong katao ang naghanapbuhay sa ibang bansa.

• 1992-1998. Sa panahon ni Pangulong Ramos, ang kanyang Philippine 2000 o


Medium Term Philippine Development ay ipinatupad ang General Agreement on
Tariff and Trade-World Trade Organization (GATT-WTO) at Asia Pacific Economic
Council (APEC). Nagtuloy-tuloy ang mga programa para sa nandarayuhan at mga
nagnanais mangibang bansa tulad ng Kabuhayan 2000, ang pagkakaroon ng mga
pagsasanay tulad ng kompyuter, pagpapatakbo ng mga maliliit na negosyo at iba
pa. At ang Magna Carta for Overseas Filipino Workers (1995) para sa mga
migranteng naabuso.

• 2003. Nakipagkasundo sa pamamagitan ng bilateral agreement ang Pilipinas sa


mga bansang Iran (1975), Cyrpus (1984), Liberia (1985), Bangladesh (1989),
Vietnam (1992), Norway (1999), Netherlands (2000) at Brunei (2003).
Sa kasalukuyan, marami pa ring Pilipino ang naghahangad na mangibang-
bansa upang makahanap ng mas magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya
at sa kanilang sarili.

7
URI NG MIGRASYON
1. Panloob na Migrasyon (internal migration) – ang migrasyon sa loob lamang ng
bansa. Maaaring magmula sa isang bayan, probinsya o ibang rehiyon.

- Karaniwang nagaganap ang ganitong uri ng migrasyon sa mga estudyanteng


naglalakas loob na mag–aral sa ibang probinsya o sa syudad ng Metro
Manila.

- Hangad din ng ibang nandarayuhan na makahanap ng hanapbuhay sa ibang


bayan o probinsya.

2. Panlabas na migrasyon (international migration) – nagaganap kung ang isang tao


ay lumilipat ng ibang bansa upang doon
maghanapbuhay o manirahan.

Dalawang mahalagang termino na isinasaalang –alang


sa migrasyon:

a. Flow – bilang o dami


ng mga nandarayuhang
pumapasok sa bansa sa loob ng takdang
panahon na karaniwan ay isang taon. Ito
rin ay maaaring tawaging entries, inflow
o immigration. Mahalagang maunawaan
ang flow upang makita at masuri ang mobility ng pandarayuhan.

b. Stocks – bilang ng nandarayuhan na naninirahan sa bansang


nilipatan. Ito ay nakatutulong na masuri ang matagalang epekto ng
migrasyon sa pagdami ng populasyon.

PERSPEKTIBO AT PANANAW
1. Globalisasyon ng mga migrasyon

Maraming mga Pilipino ang naghahangad na makahanap ng magandang


kinabukasan para sa kanilang pamilya, isang paraan na nakikita ng mga Pilipino ay
subukang mangibang bansa.

Ilan sa mga lugar o probinsya na pinagmumulan ng mga migranteng Pilipino


ay ang sumusunod:
• NCR • MIMAROPA • Northern Mindanao
• CAR • Bicol • Davao
• Ilocos • Western Visayas • SOCCSKSARGEN
• Cagayan Valley • Central Visayas • ARMM
• Central Luzon • Eastern Visayas • CARAGA
• CALABARZON • Zamboanga Peninsula
Ayon sa sarbey ng Philippine Statistics Authority (2018) ang mga bansang
destinasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay nanatiling Saudi Arabia
(96.2%), Hongkong (6.3%), Kuwait (5.7%), Taiwan (5.5%) at Qatar (5.2%).

8
- Ang Middle East ang pangunahing rehiyon na maraming OFW.

- Maraming mga batang OFW ay nagmumula sa Zamboanga Peninsula.

2. Mabilis na paglaki ng migrasyon

Patuloy ang pagtaas ng antas o dami ng mga nandarayuhan sa iba’t ibang panig
ng daigdig. Malaki ang epekto ng mga batas at polisiya na ipinatutupad ng mga
bansa. Katulad ng bansang Japan at Korea na nagbukas ng kanilang pintuan para
sa mga kababayan nating Pilipino maging ito ay isang turista o manggagawa.

3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon

Maraming uri ng migrasyon ang nararanasan ng mga bansa sa usaping ito.

URI NG NANDARAYUHAN O MIGRANTE

Migrante - tawag sa mga taong lumilipat ng lugar

1. Permanent Migrants (permanenteng pandarayuhan) - Ito ang pandarayuhang


hangad na manirahan sa bansang kanyang nilipatan.

2. Irregular Migrants - mga nandarayuhang nagtungo sa ibang bansa na hindi


dokumentado,walang permit para magtrabaho o overstaying sa bansang
pinuntahan.

3. Temporary Migrants - mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may


kaukulang permiso at papeles upang doon magtrabaho o manirahan sa takdang
panahon.

Ngunit may iba pang itinuturing na uri ng migrante tulad ng

a. forced migrants - mga mamamayan na lumipat ng lugar dulot ng sigalot,


problema sa kapaligiran, problemang politikal, mga sakuna at iba pang
dahilan . Karaniwang tinatawag na refugees o asylum.

b. family reunification migrants – mula sa isang miyembro ng pamilya ng


isang OFW na nandarayuhan upang doon na sila permanenteng manirahan.

c. return migrants – mga nandarayuhan na bumalik sa bansa o lugar na


kanyang pinagmulan.

Dalawang klase ng migrasyon ayon sa uri ng hanapbuhay

a. land-based–uri ng hanapbuhay na nakabase sa lupa tulad ng kasambahay,


manggagawa sa pabrika at iba pa.

b. sea-based–mga hanapbuhay na nakabase sa tubig tulad ng seaman, cruise


ship crews at iba pang empleyado ng mga barko at iba pang sasakyang
pandagat.
4. Pagturing sa migrasyon bilang isyung politikal

9
- Isa sa dahilan ng migrasyon ay dulot ng usaping politikal na lubhang
nakaapekto sa mamamayan. Isang pangyayari sa kasaysayan ay noong
naganap ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig at sa kasalukuyan
naman ay ang alitan sa pagitan Estados Unidos at Iran noong Enero 2005
hinggil sa presyo ng langis .

5. Paglaganap ng migration transition


- Ang mga bansang karaniwang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay isa
na ring lugar na pinupuntahan ng mga nandarayuhan at mga refugees. Ilan
sa bansang ito ay South Korea, Spain, Domican Republic, Turkey at marami
pang iba.

6. Peminisasyon ng migrasyon
- Sa ating bansa, karaniwan ang kalalakihan ang nagpupunta sa ibang lugar,
probinsya o ibang bansa upang maghanap ng trabaho para sa kanyang
pamilya ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbubukas ng pinto para
sa migrasyon ang mga kababaihan.

- Kapag ang ama ang nangibang bansa, hindi gaanong apektado ang pamilya
sapagkat nariyan ang ina na siyang gagabay para sa kanilang mga anak. Mas
tanggap natin na ang breadwinner ay ang lalaki o ama na siyang haligi ng
tahanan. Ngunit kapag ang babae ang siyang lumayo upang buhayin ang
pamilya, mas malaki ang pagbabago sa pamilya: maaaring kumuha ng
kasambahay upang makatulong ng ama sa pag-aayos ng bahay o kaya naman
ay ihabilin sa mga lolo at lola ang mga anak na siyang magiging katuwang ni
tatay mag-aasikaso sa mga anak at sa kabahayan. Ang ama ng tahanan ay
nagiging “househusband” sa terminong Pilipino.

MGA BANSA NA PINUPUNTAHAN NG MGA BABAENG OFW


HANAPBUHAY BANSA
kasambahay Saudi Arabia, Hongkong, Kuwait,
(domestic helper) Singapore, Italy, United Arab Emirates,
Brunei Darussalam, Bahrain, Malaysia
entertainer Japan
nurse/medical aid assistant United Kingdom
factory workers Taiwan
Sanggunian: State of the Philippine Population Report 4 (2002)

- Itinuturing na ang pagdami ng mga babaeng OFW ay nagsimula noong 2004.


Karaniwang ang mga babae ay nakahahanap ng trabaho bilang clerk, sales
agent at laborer.

Mahusay ang ipinamalas mong pagtitiyaga upang matapos ang nilalaman ng


aralin.Ang susunod na pahina ay makikita mo ang mga gawain at pagsusulit na
inihanda upang subukin kung iyong naunawaan lubos ang ating aralin.

Handa ka na ba? Simulan mo na ang mga pagsasanay. Huwag kalimutang


basahing mabuti ang panuto sa bawat pagsasanay.

10
Pagyamanin

A. Tsart Ng Migrasyon

Panuto: Buoin ang graphic organizer na nagpapakita ng mahahalagang


impormasyon tungkol sa migrasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

MIGRASYON

URI NG URI NG LUGAR NA PANGUNAHING


MIGRASYON MIGRANTE PINAGMUMULAN DESTINAYON NG
NG OFW SA OFW UPANG
1. 1. PILIPINAS MAGHANAP-BUHAY
2. 2. 1. 1.
3. 2. 2.
3. 3.

4. 4.

5. 5.

B. Wasto O Di Wasto

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang salitang WASTO
kung ito ay nagpapakita ng tamang pahayag at kung mali ang pahayag ay isulat ang
salitang nagpamali sa pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_________ 1. Ang flow ay mahalaga upang malaman ang kalagayan ng mobility ng


pandarayuhan sa bansa.

_________ 2. Hindi maituturing na migrasyon ang paglipat ng isang bayan patungo


sa ibang bayan.

_________ 3. Ang kababaihan ang nagsimula ng migrasyon sa bansa.

_________ 4. Si Pangulong Fidel Ramos ang nagpanukala ng pagtatatag ng POEA.

_________ 5. Tinatawag na remittances ang mga perang padala ng mga Overseas


Filipino Workers.

_________ 6. Ang mga refugees ay mga migrante na napilitang umalis sa kanilang


bansa o bayan.

11
_________ 7. Ang Saudi Arabia ay ang pangunahing destinasyon ng mga OFW.
_________ 8. Ang mga temporary migrants ay ang mga migranteng
pansamantalang naghahanap-buhay sa isang bansa sa takdang panahon.

_________ 9. Ang bansang Japan ay madalas puntahan ng mga Pilipinong domestic


helper.

_________ 10. Maraming Pilipinong ang nagtatrabaho sa mga pabrika sa bansang


Taiwan.

_________ 11. Ang mga OFW ay maaaring maging residente ng kanilang bansang
pinuntahan.

_________ 12. Ang mga irregular migrants ay mga nandarayuhan na may working
visa.

_________ 13. Ang pangunahing dahilan ng pandarayuhan ay upang mabigyan ng


magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.

_________ 14. Ang mga haligi ng tahanan ay tinatawag na househusband kapag ang
ilaw ng tahanan ang siyang naghahanapbuhay para sa pamilya.

_________ 15. Ang mga Overseas Filipino Workers ay tinatawag din Overseas
Contract Workers.

C. Venn Diagram

A. Panuto: Paghambingin ang pangunahing uri ng migrante. Sumulat lamang ng


tatlong pangungusap sa bawat bilog. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel

TEMPORARY PERMANENT
MIGRANTS MIGRANTS

IRREGULAR
MIGRANTS

B. Paghahambing #2. Magbigay ng mga hanapbuhay na kabilang sa land-based


at sea-based na klase ng migrante. Sa gitna naman ay ipaliwanag ang dalawang

12
klase ng hanap-buhay ng mga nandarayuhan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

D. Letrang Magulo, Ayusin!

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ano ang
terminolohiyang ipinakikilala sa bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Ito ang salitang nangangahulugang lumipat o umalis. GRIM

2. Pangunahing destinasyon ng mga Filipino entertainer. PAJAN

3. Ito ang tawag sa mga migranteng bumalik sa kanilang bayan o bansa. NERUTR

STIGMARN

4. Ang salapi o pera na ipinapadala ng mga OFW sa kanilang mga pamilya.


TITCESMANRE

5. Pangunahing pinagmumulan ng mga Filipino OFW. CRN

6. Ang rehiyon sa Pilipinas na kakaunti lamang ang mga nagnanais na maging


OFW. GARACA

7. Ito ay ginagamit sa panlabas na migrasyon upang masukat ang dami ng mga


nandarayuhan. WOLF

8. Isang uri ng migrasyon na nagaganap sa loob ng bansa. PLOOBAN NA


MISONGRAY

9. Ang proseso ng paglipat ng isang lugar mula sa kanyang pinagmulan patungo


sa ibang lugar o bansa. RASMYONIG

10. Ito ang bansang unang pinagdalan sa mga manggagawang Pilipino sa panahon
ng mga Kastila. ICOMEX

11. Pangunahing rehiyon na destinasyon ng mga OFW. LIDMED SEAT

12. Isang uri ng pandarayuhan na nagaganap kapag lumalabas ng bansa ang isang
manggagawa. BASAPLAN NA RAGYONMIS

13
13. Isang bagong katawagan sa mga lalaking nananatili sa bahay upang gampanan
ang gawain ng maybahay. BANUSHEHSUDO

14. Dahilan kung bakit walang permanenteng tirahan ang mga ninuno natin noon.
ISULAT ANG DAHILAN

15. Bilang ng mga nandarayuhan na nananatili sa bansa. CKOTS

E. Slogan

Panuto: Gumawa ng isang slogan. Ipakita mo na ikaw ay bilib sa ating mga OFW,
ang itinuturing na mga bagong bayani ng ating bansa. Isulat ang slogan sa iyong
sagutang papel.

Rubrics para sa Slogan


Di- gaanong Nangangailangan
Napakahusay Mahusay
Kraytirya mahusay ng Pagpapabuti
(4) (3)
(2) (1)
May kaisahan ang
Naipakita nang spoken poetry
buong husay ang ngunit may isa Di maayos ang
1. Pagkakabuo hanggang May 2-3 talata na
organisasyon ng organisasyon ng
(organisasyon ideya sa dalawang talata hindi maayos ang
ideya, walang
ng ideya) pagbubuo ng ang di naipakita pagka-organisa
kaisahan
spoken poetry ang organisasyon
ng ideya
May katuturan
Walang
May katuturan, ngunit kulang
May katuturan at katuturan, di
may paghamon sa kung kayat
napapanahon, napapanahon,
2. Nilalaman kaisipan subalit kakaunti lamang
may paghamon sa hindi
hindi ang paghamon sa
kaisipan mapanghamon sa
napapanahon kaisipan at hindi
kaisipan
napapanahon
Di gaanong
Lubhang malinaw Naging malinaw
malinaw ang Walang
ang pagbigkas at ang pagbigkas at
pagbigkas, kalinawan ang
paghahatid ng paghahatid ng
walang gaanong spoken poetry,
3. Pagsasalita at mensahe, may mensahe, medyo
mensahe ang walang mensahe,
pagbigkas magandang boses hindi maganda
talumpati, at halos lahat ng
at tama ang ang boses at may
karamihan ay di salita ay mali ang
pagbigkas ng mga ilang di tama ang
tama ang pagbigkas
salita bigkas
binigkas na salita
Maayos ang galaw
ng katawan may May mabibilang Walang tamang
Maayos at angkop
4. Galaw ng 1-2 kilos na na di galaw sa katawan
ang bawat galaw diangkop sa
katawan kaangkupang at malikot habang
ng katawan paggalawa ng galaw sa katawan bumibigkas
katawan

14
F. Balikan ang Kasaysayan

Panuto: Muling balikan ang maikling kasaysayan ng migrasyon sa bansa. Tukuyin


ang pagkakasunod–sunod ng mga pangyayari batay sa ating kasaysayan. Gumamit
ng bilang 1-15 sa pagsusunod-sunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Lumilikas ang ating mga ninuno kapag may mga komunidad na nais silang
sakupin.

_____ 2. Nagkaroon ng Filipino Village sa Louisiana, USA.

_____ 3. Ang pakikipagkasundo ng Pilipinas sa bansang Netherlands tungkol sa mga


produkto ng bawat bansa.

_____ 4. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at pinauwi sa bansa habang ang
iba ay tumakas papuntang California at Alaska upang doon magtrabaho at
manirahan.

_____ 5. Nagkaroon ng iba’t ibang pagmamaltrato sa mga OFW tulad nina Maricris
Sioson, isang entertainer at Flor Contemplacion na napagbintangan na
pumatay sa kanyang amo at sa batang inaalagaan niya.
_____ 6. Sa panahon ng mga Kastila, ang mga lalaking manggagawa ay dinala sa
Mexico upang sapilitang magtrabaho bilang mga alipin at manggagawa ng
mga sasakyang pandagat.
_____ 7. Sa panahon ni Pang. Marcos, maraming Pilipino ang nandayuhan sa Middle
East.

_____ 8. Ang mga Pilipino ay dinala sa Hawaii upang magtrabaho sa mga plantasyon
ng Hawaiin Sugar Planters Association.

_____ 9. Itinatag ang OWWA para sa kapakanan ng mga OFW.

_____ 10. Mas dumami ang nagnais manirahan sa mga bansang Canada, Australia
at mga rehiyong Gulf.

_____ 11. Maraming Pilipino ang narekrut ng Amerikano upang maging sundalo ng
Estado Unidos.

_____ 12. Nagtuloy-tuloy ang mga programa para sa nandarayuhan at mga


nagnanais mangibang bansa tulad ng Kabuhayan 2000, ang pagkakaroon
ng mga pagsasanay tulad ng kompyuter, pagpapatakbo ng mga maliliit na
negosyo at iba pa.

_____ 13. Itinayo ang POEA upang mangalaga sa mga OFW.

_____ 14. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng antas ng mga Pilipinong


nagnanais na mangibang bansa para sa magandang kinabukasan.

_____ 15. Kilala ang sinaunang Pilipino sa pagiging lagalag upang makahanap ng
matabang lupain na maaari nilang pagtaniman upang mabuhay.

15
Isaisip

Bakit at Paano nga ba?

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Magbigay ng 2 hanggang 3 pangungusap sa bawat kasagutan.
1. Ipaliwanag ang kaibahan ng panloob at panlabas na uri ng migrasyon.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sa iyong pananaw, dapat bang palawakin ang konsepto ng peminisasyon sa
pandarayuhan. Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Bilang kabataan, ninanais mo bang maghanapbuhay din sa ibang bansa?


Ipaliwanag ang iyong tugon.
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Isagawa

I-ugnay Mo!

Panuto: Muling balikan ang mga perspektibo ng migrasyon. Bigyan ng katwiran ang
mga ito batay sa sitwasyon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nakatapos ng 2-year course si Anne Gonzales at pinangarap niyang


makapagabroad. Dahil dito ay nag-apply siya ng trabaho sa Australia bilang isang
sales clerk sa isang bakery. Paano nakaapekto ang kanyang pangarap sa desisyon
niyang maging isang sales clerk?

2. Paano naapektuhan ng pandemya ng COVID-19 ang mga turista sa bansang


Pilipinas?

3. Humanap ng balita na nagpapakita ng pagtaas ng antas ng pandarayuhan dulot


ng pagbabago ng polisiya ng isang bansa. Idikit ito sa iyong activity notebook.

16
4. Halimbawa ang iyong ina ay isang OFW, paano mo ito tatanggapin?

5. Kailan posibleng maganap ang migration transisyon? Magbigay ng bansa na


nakakaranas nito.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ano ang
hinihingi ng bawat katanungan o pahayag sa bawat bilang. Isulat ang malaking titik
ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa sa loob ng 6 hanggang 2 taon


ay ____________.
A. Irregular migrants C. forced migrants
B. temporary migrants D. permanent migrants

2. Ano ang pangunahing layunin sa pagkakatatag ng Kabuhayan 2000?


a. Magtayo ng negosyo sa Pilipinas ang mga nandarayuhan.
b. Maprotektahan ang karapatan ng mga migrante.
c. Kumita ng malaking pera ang mga pribadong sektor.
d. Mangutang sa mga bangko ang mga nandarayuhan.
3. Si Caslita De Castro ay isang Pinay OFW na naghahanap-buhay sa Hongkong
bilang isang domestic helper. Ito ay isang uri _______________
A. permanent migrants C. irregular migrants
B. refugees D. temporary migrants

4. Sa panahon bago ang pananakop, pinaniniwalaan na ang mga Pilipino ay


palipatlipat ng kanilang tirahan, sa anong kadahilaan?
A. Upang sila ay makahanap ng kanilang makakain.
B. Upang ang kanilang pamayanan ay hindi masakop ng ibang komunidad.
C. Upang sila ay makahanap ng matatabang lupa na mapagtatanim at
mapangangasuhan.
D. Upang sila ay may bagong kapaligiran at bagong aalagaang lugar.

5. Isang konsepto na ang layunin ay lumipat ng ibang lugar o bansa upang doon
manirahan o maghanap-buhay.
A. globalisasyon C. adaptasyon
B. asimilisasyon D. migrasyon

6. Isang krisis na naganap noong dekada 30 at naging dahilan upang mawalan ng


trabaho ang mga Pilipinong migrante sa Hawaii.

17
A. Great Depression C. Cold War
B. Recession D. Industrial Revolution

7. Ang mamamayang napilitang lumikas dulot ng krisis, kalamidad, rebelyon at


isyu pulitikal ay mga migranteng ______________.
A. permanent migrants C. temporary migrants
B. forced migrants D. irregular migrants

8. Ayon sa State of the Philippine Population Report 4 (SPPR4), maraming batang


Overseas Filipino Workers ang nagmumula sa rehiyon ng _____________.
a. Zamboanga Peninsula C. Central Luzon
b. National Capital Region D. Eastern Visayas

9. Bilang ng mga nandarayuhan na naninirahan o nanatili sa bansang nilipatan.


A. Flow B. immigrants C. stocks D. outflows

10. Ayon sa State of the Philippine Population Report 4 (SPPR4), maraming Filipino
nurses ang naghahanap-buhay sa bansang __________.
A. Canada B. United Kingdom C. Kuwait D. Singapore

11. Ang Pamilya Santos ay nagdesisyon lumipad ng Canada upang doon


permanenteng manirahan kasama ang kanilang panganay na anak. Anong uri
ng migrasyon ang tawag dito?
a. Permanent Migrants C. Relative Overseas Migrants
b. Family Reunification Migrants D. Return Migrants

12. Pangunahing ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga Overseas Filipino


Workers.
A. Philippine Overseas Labor Organization
B. Overseas Workers Welfare Administration
C. Philippine Overseas Employment Agency
D. Department of Foreign Affairs
13. Si Phenny Villanueva ay isang migrante sa bansang Australia sa loob ng matagal
na panahon at piniling manirahan kasama ang kanyang asawa at dalawang
anak. Ano ang uri ng migrasyon?
A. Family Reunification Migrants C. Temporary Migrants
B. Return Migrants D. Permanent Migrants

14. Ang mga mamamayan na nagtutungo sa ibang bansa na walang papeles, walang
visa na magtrabaho at overstaying ay tinatawag na ________.
A. irregular migrants C. permanent migrants
B. temporary migrants D. refugees

15. Ito ay nagaganap kung nagiging destinasyon ng mga manggagawa at refugees


ang mga lugar na hindi karaniwang pinagmumulan ng mga nandarayuhan.
A. migration transition C. population transition
B. labor migration D. economic migration

18
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang ikalimang
paksa sa ating ikalawang modyul. At handa ka na para sa susunod na paksa. Subalit
kung iyong nanaiisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa karagdagang
gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

A. Spoken Poetry

Panuto. Gumawa ng isang spoken poetry tungkol sa ating mga Bagong Bayani, ang
mga OFW. Isulat ang spoken poetry sa iyong sagutang papel.

Di – Kahanga – Katanggap – Pagtatangka


Kraytirya
Pangkaraniwan 4 hanga 3 tanggap 2 1
1. Paksa Angkop na May May maliit na Walang
angkop at kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang paksa
kaugnayan sa
paksa
2. Pagkamalikhain Gumagamit ng Gumamit ng Makulay subalit Hindi makulay
maraming kulay kulay at hindi tiyak ang
at kagamitan na iilang kaugnayan
may kaugnayan kagamitan na
sa paksa may
kaugnayan sa
paksa

3. Takdang Oras Nakapagsumite sa Nakapagsumit Nakapagsumite Higit sa isang


mas mahabang e sa tamang ngunit huli sa linggo ang
oras oras itinakdang oras kahulihan
4. Kalidad ng ginawa Makapukaw Makatawag- Pansinin ngunit Di - pansinin,
interes at pansin di makapukaw di- makapukaw
tumitimo sa isipan ng interes at
isipan isipan
5. Kalinisan Maganda, malinis Malinis Ginawa ng Minadali ang
at kahanga – madalian ngunit paggawa at
hanga ang di - marumi marumi
pagkagawa
B. Parangal sa mga Bagong Bayani.

Panuto. Gumawa ng isang video clip na naglalaman ng pagpaparangal sa mga


bagong bayani mula sa awiting “Babalik Ka Rin” ni Gary Valenciano. Maaaring
ipadala ang iyong sagot sa group message ng iyong klase.

19
RUBRIC SA PAGSUSURI NG VIDEO CLIP

Di- Katanggaptanggap
Kraytirya Pangkaraniwan Kahanga-hanga Pagtatangka

Tiyak na tiyak May kaugnayan May kaunting


ang kaugnayan kaugnayan ang Walang
ngunit di-tiyak
ng ginawang ginawang kaugnayan sa
1. Tema ang ginawang
pagsusri sa tema pagsusuri sa tema napanood na
pag-susuri sa
ng pelikula ng pelikula pelikula
tema ng pelikula
Maayos ang
organisasyon ag May konting Maraming mali sa
Maayos ang
pagkakasunod-su organisasyon paggamit ng mga
pagkakasunod-
2. Organisasyon od ng mga subalit di maayos pananalita sa
sunod ngunit may
pangyayari mula ang bawat
ilang kulang
sa simula pagkakasunodsunod pangungusap
hanggang wakas
Malimit ang Madalas ang
Walang mali sa Maaraming mali
pagkakamali sa pagkakamali sa
3. Wastong paggamit ng mga paggamit ng sa paggamit ng
paggamit ng mga
Gamit ng pananalita sa pananalita sa
pananalita sa pananalita sa bawat
Salita bawat pangungusap bawat
bawat
pangungusap pangungusap
pangungusap
Gumamit ng
Maliwanag ang Limitado ang
malawak na
mga detalye at bokabularyong
bokabularyo at Medyo limitado ang ginamit, di-
makabuluhan ang
4. Antas ng maliwanag ang bokabularyo at di
paglalarawan makabuluhan
Interes mga detalye makabuluhan ang
dahil gumamit ng ang paglalarawan
ngunit di- paglalarawan
malawak na at hindi malinaw
makabuluhan
bokabularyo ang mga detalye
ang paglalrawan

Sanggunian

2017. Psa.Gov.Ph. https://psa.gov.ph/content/2017-survey-overseas-filipinos


results-2017-survey-overseas-filipinos.

2019. Peac.Org.Ph. https://peac.org.ph/wp-content/uploads/2019/10/APGR10


Q2- Lesson-3.pdf.

"2017 Survey On Overseas Filipinos". 2017. Results From The 2017 Survey On
Overseas Filipinos.

20
"Ang Migrasyong Pilipino". 2011. Komiti Sa Edukasyon At Impormasyon Ugnayan Ng
Manggawan Migrante.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10.. 2017. 1st ed. Pasig City:
Department of Education.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga


Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. 1st ed. Pasig City:
Department of Education.

"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource


Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like