You are on page 1of 2

Pagbibigay ng Mahahalagang Pangyayari sa Tekstong Napakinggan/Nabasa

I. Basahin mo ang maikling talata at sagutan ang mga gawain sa ibaba. Sagutin ang
mga tanong gamit ang buong pangungusap.

Napag-utusan si Margie na hugasan ang mga plato at lahat ng ginamit sa pagkain at


pinaglutuan nito. Sinalansan ni Margie ang mga baso at pitsel. Pinagsama-sama niya ang mga
kutsara, tinidor at kutsarita. Sinalansan niya ang mga plato at platito ayon sa laki. Pagkatapos ay
inihanay niya ang mga kaldero at kawali. Sa wakas ay inilagay niya ang mga ito sa kani-kanilang
lalagyan, matapos sabunin, banlawan, at patuyuin, ayon sa ayos nito.

1.Ano ang gawain iniutos kay Margie?______________________

2. Isulat ang sunud-sunod na isinagawa ni Margie sa paghuhugas ng plato:

A._________________________________

B._________________________________

C.________________________________

D.________________________________

E._________________________________

II. Basahin at unawain ang maikling balita at sagutan ang pagsasanay sa ibaba.

ALMUSAL PARA SA MAG-AARAL

Magkakaloob ang administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada ng libreng almusal o miryenda


sa mahigit 34,000 mag-aaral sa pampublikong paaralang elementarya. Gagawin ang hakbang na ito
upang maging higit na aktibo at alerto sa pag-aaral ang mga bata. Sa ganitong paraan, mababawasan
at malulutas ang suliranin sa malnutrisyon at paghinto sa pag-aaral ng mga mag-aaral

Nasa lalim ng National Feeding Program ng School Health Nutrition Center (SHNC) ang
programang ito.

Isulat nang malinaw ang mahahalagang detalye o pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay


sa organizer.
Almusal para sa Mag-aaral

Ano? Sino? Kailan? Bakit?

You might also like