Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 12 - Q1 - Mod7 - Akademik
FILIPINO 12 - Q1 - Mod7 - Akademik
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com
Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Istilo at Teknikal na
Pangangailangan ng Talumpati
Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Modyul 7
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.
1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.
BAHAGI NG MODYUL
2
Aralin Istilo at Teknikal
na Pangangailangan
1 ng Talumpati
Inaasahan
Unang Pagsubok
3
4. Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon.
A. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
B. Talumpating Pagbibigay-galang
C. Talumpating Panlibang
D. Talumpati ng Papuri
5. Layunin ng talumpating ito na ipabatid sa mga tagapakinig ang tungkol sa
isang paksa, isyu o pangyayari.
A. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon
B. Talumpati ng Panghihikayat
C. Talumpating Panlibang
D. Talumpati ng Papuri
Balik-tanaw
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Uri ng Talumpati
▪ Talumpating Panlibang. Kadalasang binibigkas ito sa mga salo-salo at
pagtitipong sosyal. Nagpapatawa ang nagtatalumpati kaya naman
kailangang samahan ito ng mga birong nakatatawa kaugnay sa
paksang tinatalakay.
▪ Talumpating Panghikayat. Ilan sa mga halimbawa nito ay tulad ng sa
simbahan, sa kongreso, sa kampanya ng mga politiko gayundin ang
talumpati ng abogado sa panahon ng paglilitis sa hukuman.
Hinihikayat nito ang mga tagapakinig na paniwalaan ang
mananalumpati sa pamamagitan ng pangangatwiran at pagpapakita ng
mga ebidensya.
▪ Talumpating Pagpaparangal. Hinahanda ito upang bigyang parangal
ang isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa
nito.
▪ Talumpating Pagbibigay-galang. Matatawag din itong talumpati ng
pagbati, pagtugon o pagtanggap. Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang
bilang pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa isang bagong
kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay.
▪ Talumpating Pampasigla. Karaniwang binibigkas ito sa araw ng
pagtatapos sa mga eskwelahan at pagdiriwang ng mga anibersaryo ng
isang samahan. Ito ay pumupukaw sa damdamin at nakapagbibigay ng
insiprasyon sa mga tagapakinig.
▪ Talumpating Pangkabatiran. Ginagamit ito sa mga kumbensyon,
panayam, at pagtitipong pansiyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa. Kalimitang makikita sa mga talumpating
ito ang mga kagamitang pantulong upang maliwanagan at ganap na
maunawaan ang paksang tinatalakay.
5
Klasipikasyon ng Talumpati
▪ Biglaan (Impromptu). Ito ay binibigkas na walang ganap na
paghahanda. Nalalaman lamang ang paksang tatalakayin sa oras ng
pagtatalumpati.
▪ Daglian o Maluwag (Extemporaneous). Binibigkas ito na may maikling
panahong paghahanda. Ang mananalumpati ay nakapaghanda lamang
ng balangkas upang maging patnubay sa kanyang pagtatalumpati.
▪ Manuskrito. Kinakailangan ng matagal na panahon ng paghahanda at
pag-aaral sa ganitong paraan ng pagtatalumpati sapagkat ito ay
ginagamit sa mga kumbensyon, seminar at programang pagsasaliksik.
Binabasa lamang ang manuskrito kaya’t nawawala ang pakikipag-
ugnayan ng tagapagsalita sa mga tagapakinig.
▪ Handa o Isinaulo (Prepared o Memorized). Talumpating binibigkas na
may mahabang panahon ng pagsulat, organisasyon at deliberasyon.
Ngunit isa sa mga kahinaan nito ay ang pagkalimot sa nilalaman ng
talumpating ginawa.
6
▪ Paninindigan. Sa bahaging ito ipinahahayag ang katwiran hinggil sa
isyu. Layunin nito na hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig.
Nakapaloob ito sa katawan ng talumpati.
▪ Konklusyon. Sa bahaging ito inilalahad ang lagom sa mensahe o
pagganyak sa mga tagapakinig na gumawa ng aksyon. Maaaring
muling banggitin ang mga pangunahing puntos upang maliwanagan
ang mga tagapakinig sa paksang tinatalakay.
7
Gawain 1
8
bansa na kailanman ay hindi nagpaunlak sa English, ay hindi naman nabadsyat sa
modernisasyon at globalisasyon at sila pa nga itong nangunguna. Oo kailangang
makaunawa at magsalita ng English ngunit hindi sa paraang ito na ang paiiralin at
gagamitin ng sambayanan sa lahat ng pagkakataon. Paano na ang karamihan nating
mamamayan na hindi marunong nito, na sila ang pangunahing kailangan ng bansa
sa pag-unlad at sila rin ang bumubuo ng malaking bahagi ng lipunan at kabuhayan.
Ang kailangan ay mapaunlad at ma-intelektwalisa ang wikang Filipino
sapagkat dito tayo nagkakaunawaan. Dapat mapalawak ang pagkakaunawa ng
sambayanan sa wikang Filipino na magsisimula ang pagtutulungan sa pamilya,
paaralan, kanayunan at pamahalaan na paiiralin naman sa lipunan. Kung ganap
ang pagkakaunawa sa wika ay mas higit na magkakatulungan. Bigyang bisa at
dangal ang Wikang Filipino, magtulungan tayo sa aspektong kung papaano
mapauunlad ito, lahat ng mga salita maging banyaga man o bagong katawagang
likha ng modernong panahon o teknolohiya ay kailangan nating maisalin o
maunawaan sa wikang Filipinong batay sa Tagalog, English, Espanyol o sa kung
anong wika sa siyudad, kanayunan o maging katutubo man. Sikapin nating
maihanap ng kahulugan o katumbas na salita sa ating wika ang mga salitang
banyaga. Mayaman sa wika ang ating bansa na matatagpuan sa iba’t ibang
lalawigan, kadalasan pa nga’y maraming salita sa daigdig ang hinango sa ating mga
salita o wika. Ang wikang Tagalog na noon ay kilala sa tawag na “Tagala-
Australeanous” ay isa sa kauna-unahang wika sa daigdig na dinala ng mga Negritos
sa Pilipinas noong 25,000.000 BC mula pa sa Malayo Polenesyo. Kaya hindi na
mahirap para sa atin na ihanap ng katumabas na mga salita ang mga wikang
banyaga sa ating mga salita sa modernong panahon, ngunit kung talagang wala
tayong panumbas sa mga salitang dala ng makabagong teknolohiya o sa mga
salitang internasyunal na hindi na nababago o naisasalin saan mang wikang umiiral
dito sa bansa ay hiramin natin ang mga ito nang tuwiran at bigyan na lamang natin
ng sapat na salitang gabay o susing pangungusap ang mga nabanggit na banyagang
salita upang lubos na maunawaan ng sambayanan. Kung mangyayari ito mas
makakaharap na tayo sa pagpapaunlad ng lipunan sa modernong panahon at
makakasabay na tayo sa globalisadong sambayanan.
Magkakaisa at magkakaunawaan ang samabayanang Pilipino, kung ano ang
mayroon ang ibang bansa ay magagawa natin na hindi na kinakailangan pang sirain
ang wikang Filipino na sumasagisag sa ating lahing Pilipino, kaakuhan at
pagkakaisa. Sama-sama nating ipagmalaki sa buong mundo na higit kailanman at
saan mang pagkakataon iba pa rin ang Pinoy, hindi magpapahuli at lalong hindi
padadaig. May sarili tayong husay, deskarte at pagkakaisa na mahaharap natin ang
modernong lipunan tungo sa kaunlaran.
Mabuhay ang Lahing Pilipino at Bansang Pilipinas!
Gabay na Tanong:
1. Anong uri ng talumpati ang narinig/binigkas?
2. Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa talumpating iyong
napakinggan?
3. Kakikitaan ba ito ng mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang
talumpati? Ipaliwanag.
4. Sa anong bahagi ng talumpati napukaw ang iyong interes? Bakit?
9
Gawain 2
Tandaan
Pag-alam sa Natutuhan
10
makatutulong sa iyo upang makabuo ng isang talumpati na iyong gagamitin sa
susunod nating pagtalakay.
Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at bumuo ng isang hulwaran o balangkas
ng talumpating nais na isulat ayon sa paksang napili. Maaari kang
magsaliksik gamit ang ilang babasahing makatutulong sa pagpapatibay o
pagpapaliwanag ng iyong talumpati.
Mga Paksang Pamimilian:
▪ Edukasyon
▪ Kalusugan
▪ Kabataan
▪ Kalikasan
______________________________
PAMAGAT
A. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
B. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
C. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
D. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
E. ________________________________________________________
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
11
Rubrik sa Pagmamarka
20 15 10 5
Organisado, Hindi gaanong Ang nabuong Ang nabuong
maingat na organisado, ang balangkas ay hindi balangkas ay hindi
naisulat, wasto, naisulat na organisado, naisulat gaanong sunod-
at angkop ang balangkas, nang may bahagyang sunod, maraming
wikang ginamit. subalit wasto, at kaingatan, may salita ang hindi
angkop ang kawastuhan, at may wasto, at hindi
wikang ginamit. kaangkupan ang angkop na nagamit.
wikang ginamit.
Pangwakas na Pagsusulit
12
5. Isa pa sa mahahalagang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati upang
mahusay na maunawaan ang pagkakasunod-sunod ng paksang tinatalakay.
a. Hulwaran o Balangkas
b. Tema o Paksa
c. Tagapakinig
d. Kasanayan
Papel sa
para
Replektibong
sa Replektibong
Pagkatuto
PagkatutoPagkatutoRepleksiyon
Kumpletuhin ang pangungusap upang ipahayag ang bagong kaaalaman.
Sa bagong aralin natutuhan ko na__________________________________________
____________________________________________________________________________
Sanggunian
13
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12, Piling Larang (Akademik)
Unang Markahan-Ikapitong Linggo,
Modyul 7
Gawain 2/Pag-alam sa
Natutuhan
Magkakaiba-iba ng sagot
depende sa pagkatuto
14