You are on page 1of 40

ANG ATING

PANITIKANG
FILIPINO
Pangkat A

PANIMULA
Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na
nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay
nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat
na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod
sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang
salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na
literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na
litera na ang kahulugan ay letra o titik.

ANO ANG PANITIKANG FILIPINO?


Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat
ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, paguugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at
pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

MGA URI NG PANITIKAN


1. Panggawaing Panitikan
2. Masining na Panitikan
3. Malikhaing Panitikan

Panggawaing Panitikan
Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap
ang kaalamannkol sa gayo't ganitong uri ng gawain at
karunungan.

Masining na Panitikan
Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag
na masining na panitikan.
Ang masining na panitikan ay may kambal na layunin
a. pukawin ang guniguni't gisingin ang damdamjn; at
b. magturo o maghikayat,

Malikhaing Panitikan
Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang
pukawin ang ating guniguni at damdamin na nakakakita ng saya
sa isang paraluman (ideal). Ito binansagang gayon sapagkat:
a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi
pangyayaring binigyang-kulay ng isang maalab na damdamin at
muling hinubog guniguni ng kumatha.
b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o
damdamin; iyon ang pangitain ukol sa kahulugan ng buhay para
sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon.

Malikhaing Panitikan
c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa
gayong paraay gisingin sa ating mga puso ang damdaming
nag-uudyok dito upang lumikha at maghandog sa
mambabasa.
d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay
nagdudulot ng isang kagalakang nagtataas sa ating
kalagayan sa buhay.

ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG


PAG-AARAL NG ATING SARILING PANITIKAN
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at
pag-uugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang
lalong mapayabong.
5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

MGA PARAAN AT HANGARIN NG


PANITIKAN
Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay
ayon sa hinihingi ng hangarin:
1. Paglalahad - kung nais magpaliwanag.
2. Paglalarawan kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay, at
iba pa.
3. Pagsasalaysay kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari.
4. Pangangatwiran kung nais magpaniwala, manghikayat, o mag-paganap.

MGA KALAGAYANG
NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN
1. Klima
2. Gawaing Pang-araw-araw
3. Kinatitirahan
4. Lipunan at Pulitika
5. Relihiyon at Edukasyon

DALAWANG ANYO NG PANITIKAN


Ang panitikan ay may dalawang anyo: Patula at Tuluyan.

PANITIKANG PATULA
Ang panitikang patula ay masining na pagsasama-sama
ng mga piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat at
tugma o malayang taludturan.

PANITIKANG TULUYAN
Ang panitikang tuluyan naman ay gumagamit ng payak
at direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag na
pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng
pangungusap.

MGA URI NG TULA


1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
2. Tulang Pasalaysay
3. Tulang Patnigan
4. Tulang Pandulaan

Tulang Liriko o Tula ng


Damdamin
Ito ay matatawag ding tula ng puso. Nagsasaad ito ng
marubdob na karanasan, guniguni, o damdamin ng mayakda.
1. Dalit - tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.
2. Soneto - tulang may labing-apat na taludtod at
nagsasaad ng mga aral sa buhay.

Tulang Liriko o Tula ng


Damdamin
3. Elehiya - ang paksa nito ay ang alaala ng isang namatay,
Ito ay isang uri ng panaghoy o panangis,
4. Oda - tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang
nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
5. Awit ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pagasa, kaligayahan, at iba pa.

Tulang Pasalaysay
Ito ay tulang may kUwcnto at may mga pangunahing tauhang
gumagalaw. Ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma ang
paksa nito.
1. Epiko - mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng
isang bayani sa mga kaaway. Ito ay may mga tagpong
kababalaghang hindi kapani-paniwala.
2. Awit at Korido - mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran
ng mga kilalang tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke,
prinsipe, at prinsesa. Ang awit ay may labindalawang pantig
samantalang ang korido ay may wawaluhing pantig.
3. Balad - tulang inaawit habang may sumasayaw

Tulang Patnigan
1. Karagatan - paligsahan sa tula na nilalaro bilang
parangal sa isang patay.
2. Duplo - paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa
ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos
mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila nito.
3. Ensileda - isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa
bilang pang-aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabigabi hanggang sa ikasiyam na gabi.
4. Balagtasan isapang tagisan ng talino sa pamamagitan
ng palitan ng katwiran sa pamamaraang patula,

Tulang Pandulaan
Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-moro
at komedya.

MGA URI NG TULUYAN


1. Maikling Kuwento
2. Sanaysay
3. Talambuhay
4. Dula

Maikling Kuwento
Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang
pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang
takdang panahon.

Sanaysay
Ito ay naglalahad ng kuru-kuro at pansariling kaisipan
ng manunulat hinggil sa anumang paksa.

Mga Uri ng Sanaysay


1. Pormal o maanyo
2. Impormal o personal

Pormal o Maanyo
- seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at
lumalayo sa katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw
na balangkas at ginagamitan ng maingat na mga salita at
mabisang pangungusap.

Impormal o Personal
- nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi
seryoso ang pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal na
pakikipag-usap lamang ng awtor sa mambabasa. Ito ay
tinatawag na malayang sanaysay.

Talambuhay
Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may-akda o
buhay ng isang tao na isinulat ng iba.
Mga Uri ng Talambuhay
1. Maikli pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may
tema bilang pokus sa lahat ng gagamiting mga pangyayari.
2. Mahaba lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ayisinasama. Ito
ay nagsisimula sa kapanganakan ng isang tao, sa kanyang
pakikipagsapalaran, at maging hanggang sa kanyang pagpanaw.

Dula
Ang dula ay isang uri ng akda na naglalarawan ngbuhay
o ugali ng mga tao sa pamamagitan ng mga usapn o
dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan
na ginaganap sa isang tanghalan.

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGPAPAKILALA


NG KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG BANSANG
PINANGGALINGAN
1. Banal na kasulatan mula sa Palestina at Gresia
2. Koran mula sa Arabia
3. Uncle Toms Cabin mula sa Estados Unidos
4. Noli Me Tangere at El Filibusterismo mula sa Pilipinas
5. Sanlibot Isang Gabi mula sa Arabia at Persia
6. Canterbury Tales buhat sa Inglatera
7. Iliad at Odyssey mula sa Gresia
8. El Cid Campedor mula sa Espanya

MGA PANAHON NG PANITIKANG


FILIPINO
Panahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)
Ibanahon ng mga Kastila (1565-1898)
Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa rnga, Kastila (18721898)
Panahon ng mga Arnerikano (1899-1941)
Panahon ng Hapones (1942-1945)
Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)
Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)
Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)
Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986)

Panahon Bago Dumating ang mnga


Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)
Pagaling-bibig lamang ang panitikan sa panahong ito at
may impluwensiyang kaisipang Malayo-lndoncsyo, Ang
panitikan ng panahong ito ay nasa anyo ng alamat,
kuwentong-bayan, kantahing-bayan, epiko, at mga
karunungang-bayan.

Ibanahon ng rnga Kastila (15651898)


Naging panrelihiyon ang paksa ng panitikan ng panahon
ng rnga Kastila, Ang layunin ng panitikan sa panahong ito
ay ang palaganapin ang Kristiyanisrno. Karamihan ga roga
akda ay isinulat ng mga prayle, Ito ay panahon ng
panunulat at pagkabaguhan ga kaigipang kanluranin.

Panahon ng Propaganda at
Himagsikan Laban sa rnga, Kastila
(1872-1898)

Naging makabayan at mapanghirnagsik ang panitikan sa


panahong ito.

Panahon ng mga Arnerikano (18991941)


Ang panitikang Fil spino ga panahong ito ay rnay
impluwensya ng kaisipang demokratiko.

Panahon ng Hapones (1942-1945)


Nakilala sa panahong ito ong molayang tula. Tinularan
ng ilang makatang Pilipino ang tulang llapon na hoccu o
haiku, Pagpapaimbabaw at pagdagsa ng henyong
pampanilikan ang nangyari sa panahong ito.

Panahon ng Bagong Kalayaan


(Simula 1946)
Naging masiglang muli ang panitikan sa panahong ito
pagkatapos ng liberasyon ng Pilipinas. Maraming
manunulat ang nagsisulat sa mga wikang Filipino at Ingles.

Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)


Sa panahong ito'y naging maiinit ang paksa ng
panitikan, na kinapalooban ng mga tinig at titik ng
protesta o paglaban sa pamahalaan o awtoridad.

Panahon ng Bagong Lipunan (19721986)


Sikil ang mga panulat sa panahong Vito. Limitado ang
mga paksang matatalakay. Ang mga manunulat ay hindi
malayang magpahayag ng mga sariling damdamin at
kanilang mga kaisipan.

Panahon ng Bagong Demokrasya


(Simula 1986)
Sumigla ang pamamahayag, Malaya ang mga
mamamahayag at mga mamamayan na tumalakay at
tumuligsa sa mga pangyayari sa bayan. Nagsimula ito sa
isang mapayapang rebolusyon na humantong sa pagsigla
ng panitikan sa iba't ibang larangan.

Panitikan

URI
1. Panggawaing Panitikan
2. Masining na Panitikan
3. Malikhaing Panitikan
MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN
Paglalahad
Paglalarawan
Pagsasalaysay
Pangangatwiran

MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN


Klima
Gawaing Pang-araw-araw
Kinatitirahan
Lipunan at Pulitika
Relihiyon at Edukasyon

ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL NG ATING


SARILING PANITIKAN
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at paguugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang
lalong mapayabong.
5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

DALAWANG ANYO NG
PANITIKAN
Panitikang Patula
Panitikang Tuluyan

You might also like