You are on page 1of 17

Motibasyon

• Maipapaliwanag ang Kasawian sa Pag-ibig ni


Florante sa pinakamamahal niyang si Laura na
siyang nagbigay ng kanyang lakas, pag-asa at
kasawian. Dito rin maiintindihan ang mga
daing ni Florante kay Laura dahil nakita niya
na nasa sinapupunan siya ni Adolfo na
nagbigay sa kanyang matinding kapighatian.
At totoong napakasakit na pangyayari sa isang
buhay ng tao ang mapagliluhan nang
minamahal sa buhay.
26 “Kung siya mong ibig na ako’y magdusa
Langit na mataas, aking mababata,
Isagi mo lamang sa puso ni Laura,
Ako’y minsan-minsang mapag-alaala.

27 “At dito sa laot ng dusa’t hinagpis,


Malawak na lubhang aking tinatawid
Gunita ni Laura sa naabang ibig,
Siya ko na lamang ligaya sa dibdib
28 “Munting gunamgunam ng sinta ko’t mutya
Nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa,
Higit sa malaking hirap at alita
Parusa ng taong lilo ’t walang awa

29 “Sa pagkagapos ko’y kun gunigunihin


Malamig nang bangkay akong nahihimbing
At tinatangisan ng sula ko’t giliw,
Ang pagkabuhay ko’y walang hangga mandin
30 ‘Kung apuhapin ko ang sariling isip,
Ang suyuan namin ng pili kong ibig,
Ang pagluha niya kung ako’y may hapis,
Nagiging ligaya yaring madlang sakit

31 “Ngunit sa aba ko! Sawing kapalaran!


Ano pang halaga ng gayong suyuan,
Kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan
Ay humihilig na sa ibang kandungan?
32 “Sa sinapupunan ng Kondeng Adolfo
Aking natatanaw si Laurang sinta ko;
Kamataya’y nahan ang dating bangis mo
Nang di ko damdamin ang hirap na ito?”

33 Dito hinimatay sa paghihinagpis,


Sumuko ang puso sa dahas ng sakit,,
Ulo’y nalungayngay, luha’y bumalisbis,
Kinagagapusang kahoy ay nadilig.
34 Magmula sa yapak hanggang sa ulunan,
Nalimbag ang bangis ng kapighatian,
At ang panibugho’y gumamit ng asal
Ng lalong marahas, lilong kamatayan.

35 Ang kahima’t sinong hindi maramdamin,


Kung ito’y makita magmamamhabagin,
Matipid na luha ay pagusin
Ang nagparusa ma’y pilit hahapisin
36 Sukat na ang tingnan ang lugaming anyo
Nitong sa dalita’y hindi makakibo;
Aakaying biglang umiyak ang puso
Kung wala nang luhang sa mata’y itulo.

37 Gaano ang awang bubugso sa dibdib


Na may karamdamang maanyong tumindig,
Kung ang panambita’t daing ay marinig
Nang mahimasmasan ang tipon ng sakit!
38 Halos buong gubat ay nasabugan
Ng dinaing-daing ng lubhang malumbay,
Na inuulit pa at isinisigaw
Sagot sa malayo niyang alingawngaw.

39 “Ay, Laurang poo’y bakit isinuyo


Sa iba ang sintang sa aki’y pangako,
At pinagliluhan ang tapat g psuo,
Pinaggugulan mo ng luhang tumulo?
40 “Di sinumpaan mo sa harap ng Langit
Na di maglilo sa aking pag-ibig?
Ipinabigay ko naman yaring dibdib
Wala sa gunita itong masasapit!
Buod
• Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng
kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama. Alam
niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t
nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana,
maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip
niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na
rin siyang nagkaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit
ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang
baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang
pagmamahal ni Laura.
Talasalitaan
• lilo - taksil
• apuhapin - hanapin
• humihilig - sumasandal
• sinapupunan - kandungan
• bumalisbis - dumadaloy
• nalimbag - nasulat
• kapigbatian - kalungkutan
• panibugho - pagseselos
• bubugso - dadaloy
• panambita't - pinaghihinagpis
• pinagliluhan - pinagtaksilan
Tayutay
• Kung siya mong ibig na ako'y magdusa
Langit na mataas, aking mababata

• kamataya'y nahan ang dating bangis mo


nang di ko damdamin ang hirap na ito?

• sumuko ang puso sa dahas ng sakit


Katanungan
• Patunayan ang binatang nakatali ay may
hinanakit sa kasintahang si Laura.
• Kung ikaw ang nasa kalagayan ng binatang
nakatali mawawalan ka ba ng pag-
asa?Katwiranan.
• Makatwiran ba sa isang lalaki ang lumuha sa
kanyang masamang kapalaran?
Gawain

• Pumili ng isang saknong na


naiibigan sa teksto at magbigay
ng sariling interpretasyon.

You might also like