You are on page 1of 15

BALIK- ARAL:

Magbigay ng halimbawa ng simbolo


na ginamit sa akdang binasa,
“Indarapatra at Sulayman” at bigyan
ito ng kahulugan.

Hal. Korona- simbolo ng kapangyarihan


Ilaw- simbolo ng liwanag o pag-asa
Obserbahan ang larawan at bumuo ng pangungusap
batay sa inyong obserbasyon.

LARAWAN 1
Obserbahan ang larawan at bumuo ng pangungusap
batay sa inyong obserbasyon.

LARAWAN 2
Obserbahan ang larawan at bumuo ng pangungusap
batay sa inyong obserbasyon.

LARAWAN 3
1. Ano ang inyong napansin sa mga larawan na
nasa kaliwang bahagi ? Ang mga larawan na
nasa kanang bahagi?
2. Ano ang mga salitang inyong ginamit upang
mabuo ang kumpletong ideya ng
pangungusap?
Pagbabasa ng balita:

“Itinatayong flyover sa Cavite, bumagsak”


https://balita.definitelyfilipino.com/posts/2018/05/itinatayong-
flyover-sa-cavite-bumagsak/
Bumagsak ang itinatayong flyover sa panulukan ng Aguinaldo Highway at Daang Hari Road sa
Imus, Cavite noong gabi ng Sabado, ika-19 ng Mayo.
Masuwerte namang walang nasaktan sa nasabing insidente dahil mabilis na nakatakbo ang
tatlong traffic enforcers at ilang tauhan ng JBL William Uy Construction, ang contractor ng
proyekto, bago pa tuluyang gumuho ang ginagawang flyover.
Isang truck ng contractor at isang motorsiklo ng traffic enforcer ang nawasak matapos
madaganan ng mga mabibigat na semento.
Batay sa imbestigasyon, ikinakabit umano ang pang-anim na girder o beam support ng flyover
nang tumagilid iyon at tumama sa iba pang beam support kaya nagkaroon ng domino
effect at bumagsak ang flyover.
Ayon sa Facebook post ng Radyo DZBB, sinabi umano ni Imus Mayor Emmanuel Maliksi na
aabutin ng ilang araw bago maalis ang mga nakahambalang sa daanan kaya sigurado
umanong malaki ang epekto nito sa daloy ng trapiko sa lugar.
Inanunsiyo naman ang mga alternative route na maaaring daanan ng mga apektadong
motorista.
Pinabulaanan ng Department of Public Works and Highways ang mga bintang na sub-
standard ang mga ginamit na materyales sa proyekto. Tinatayang aabot sa P20 milyon
ang halaga ng pinsala sa naturang insidente
PAG- ISIPAN AT PAG-USAPAN:
1. Saan tungkol ang balitang ating binasa?
2. Ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng
flyover?
3. Mayroon bang mga taong nasaktan sa
insidente? Paano sila nakaiwas dito?
PAG- ISIPAN AT PAG-USAPAN:
1. Saan tungkol ang balitang ating binasa?
2. Ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng
flyover?
3. Mayroon bang mga taong nasaktan sa
insidente? Paano sila nakaiwas dito?
GAMIT NG PANG- UGNAY SA PAGPAPALIWANAG
SA SANHI AT BUNGA
Ang pang-uugnay ay mga kataga na bahagi ng
pananalitang matatagpuan sa loob ng pangungusap at talata.
Karaniwan itong nag-uugnay ng mga sugnay na makapag-iisa
at di makakapag—iisa sa loob ng pangungusap.
Ang mga pangatnig ay halimbawa ng mga pang-ugnay.
Ang mga katagang sapagkat, dahil, kasi, ngunit, at iba pang
katulad nito ay mga pangatnig sa ilalim ng pang-ugnay.
Maaaring gamitin ang mga pang-ugnay na dahil, kasi,
ngunit, at iba pang katulad nito sa pang-uugnay ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari.

Halimbawa: Bumaha sa Bacoor dahil sa malakas na pag-ulan sa


buong maghapon.
GAWAIN 4:
Basahin ang seleksiyon sa ibaba, tukuyin ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari. Salungguhitan ng isang beses ang mga pariralang nagsasaad
ng sanhi. Salungguhitan naman ng dalawang beses ang mga pariralang
nagsasaad ng bunga. Bilugan ang mga pang-ugnay na ginamit.

Seleksiyon

“Napapansin kong lagi na lang akong pinagagalitan ni Inay, lalo


na’t kung natatalo siya sa sugal. Noong isang araw, halos
mabuwal ako sa daan nang maitulak niya ako dahil sa
panggigigil, muntik rin akong masagasaan ng paparating na
sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ganoon si Inay. Kanina,
natalo na naman siya sa sugal kaya galit na naman siyang
umuwi sa amin. Naghahanap siya ng makakain ngunit hindi
pa naman ako nakapagsaing, wala naman kasing iniwang
pera si Itay. Tiyak mabubugbog na naman ako ni Inay, kaya
parang gusto ko na lang umalis, gusto kong takasan si Inay.
Dali-daling binalot ko ang mga gamit ko, aalis ako dahil hindi
ko na kaya ang ginagawa sa akin ni Inay. Paalam Inay, sana’y
hindi ka na matalo sa sugal dahil wala na ako, wala na ang
malas sa buhay ni Inay.”
Dugtungan ang sumusunod na pahayag, magbigay ng posibleng
maging bunga ng mga pangyayari. Tiyaking gumagamit ng mga
angkop na pang-ugnay.
1. Umulan nang malakas kahapon
_____________________________________.
2. Naglunsad ng programang OPLAN-Sagip Kalikasan ang
pamahalaang pambarangay
_____________________________________.
3. Maraming nagtatapon ng basura sa ilog
________________________________________.
4. Sama-samang naglinis ng pamayanan ang mga mamamayan ng
Brgy. 164 _____________.
5. Dumarami na ang mga nangangaso sa gubat
_____________________________________.
TAKDANG ARALIN #3:
Panoorin sa internet ang buog patalastas o ang
unag episode ng isa sa mga palabas sa telebisyon
tungkol sa pagtatanggol ng lahi tulad ng Amaya,
Urduja, Panday, Sugo at Engkantadia. Pumili ng
tatlo sa mga tauhan at ipaliwanang ang iyong
sariling pagpapakahulugan sa representasyon ng
kanilang karakter. Ipaliwanag din ang kahalagahan
ng napiling tauhan p karakter sa ikinaganda ng
istorya.
MARAMING SALAMAT!

You might also like