You are on page 1of 15

MGA URI NG PANLAPI

Unlapi
• Ito ay mga panlapi na ikinakabit sa unahan
ng salitang-ugat

Mga Halimbawa:
um + asa = umasa
mag + aral = mag-aral
mang + isda = mangisda
ma + ligo = maligo
Gitlapi
• Ito ang mga panlaping isinisingit sa pagitan ng unang
katinig at kasunod nitong patinig.
• Ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat.
• Nagagamit lamang ang gitlapi kung ang salitang-ugat ay
nagsisimula sa katinig.

Mga Halimbawa
-um- + basa = bumasa
-in- + sulat = sinulat
-um- + punta = pumunta
-in- + biro = biniro
Hulapi
• Ito ay mga panlaping matatagpuan sa Tandaan:
hulihan ng salitang-ugat. Mapapansin na ang hin at
han ay hinunhulapi lamang
sa mga salitang nagtatapos
Halimbawa: sa patinig. Samantalang ang
-in at -an ay hinuhulapi sa
-hin + basa = basahin mga salitang nagtatapos sa
-an + gupit= gupitan katinig at sa impit na tunog
na itinuturing din na isang
-in + sulat = sulatin ponemang katinig.
-han + una = unahan Halimbawa:
- in + basa/basa?/
=basain, hindi basahin
Kabilaan
• Kapag dalawang panlapi ang idinaragdag sa
salitang-ugat, ang uri ng panlaping ito ay tinatawag
na kabilaan

Halimbawa:
Ka- -an + laya = kalayaan
Mag- -an + mahal = magmahalan
Pala- -an + baybay = palabaybayan
Tala- -an + araw = talaarawan
-in- -an + bawas = binawasan
-in- -an + balita= binalitaan
Laguhan
• Laguhan ang tawag sa mga
panlaping nasa unahan, gitna
Pansinin: Ang /o/ ay
at hulihan ng salitang-ugat. nagiging /u/ kapag
hinuhulapian.
Pansinin rin kung
Halimbawa: saan inilalagay ang
mga gitling ayon sa
Pag- -um- -an + sikap = uri ng panlaping
pagsumikapan tinutukoy.
Mag- -in- -an + dugo =
magdiniguan
Mag- -in- an + bagoong=
magbinagoongan
Paraan ng Paglalapi
Ito ay tumutukoy sa paglalagay ng o mga panlapi sa salitang ugat.
Pag-uunlapi
• Paglalagay ng panlapi sa unahan ng salitang
ugat

sing- + bango = simbango


magsing- + puti = magkasimputi
pang- + linis = panlinis
labing- + siyam = labinsiyam
Tandaan:
Ang mga panlaping nagtatapos /ng/. Ang ng ay
nagiging m kung ang kasunod na tunog ay /p at
b/, naging n naman kung ang kasunod na tunog
ay /d, l, r, s, t/ at nanatiling ng kung ang mga
tunog wala sa nabanggit sa mga tunog na ito
Paggigitlapi
• Paglalagay ng panlapi sa gitna ng salitang-
ugat

- in- + sariwa = sinariwa


-in- + bagoong = binagoong
-um- + ligaya = lumigaya
-um- + takbo = tumakbo
Paghuhulapi
• Paglalagay ng panlapi sa hulihan o
katapusan ng salitang-ugat

-in + sariwa = sariwain


-an + alis = alisan
-hin + takbo = takbuhin
Pag-uunlapi at Paghuhulapi
• Ang panlapi ay ikinabit sa unahan at hulihan
ng salitang-ugat

ka- -an + lagay = kalagayan


pa- -hin + sigla = pasiglahin
ma- -an + tanim = mataniman
Pag-uunlapi at Pagigitlapi
• Ang panlapi ay ikinakabit sa unahan at sa gitna
ng salitang-ugat

Mag- -um + sikap = magsumikap


I- -in + kuha = ikinuha
Paggigitlapi at paghuhulapi
• Ikinakabit ang panlapi sa gitna at sa hulihan ng
salitang-ugat

-in- -an + tabas= tinabasan


-in- -an + walis = winalisan
Pag-uunlapi, Paggigitlapi at
Paghuhulapi
• Ang mga panlapi ay ikinakabit sa unahan, gitna at
sa hulihan ng salitang-ugat.

Pag- -um- -an + sikap = pagsumikapan


Ipag- -um- -an + sigaw = ipagsumigawan
Mag- -in- -an + dugo = magdinuguan

You might also like