You are on page 1of 29

Medida

Tusukan ng aspile
Aspile
Karayom
Sinulid
Tela
Didal
Tailor’s Chalk
Pantastas
Threader
Gunting
Kahong panahian
Batayang
Kasanayan
sa Pananahi
sa kamay
Layunin:
Nalalaman ang basic stitches sa
pananahi.
Naisasagawa ang basic stitches sa
pananahi.
Mapahalagahan ang kaalaman at
kasanayan sa pananahi.
Pagsisinulid ng karayom
1
a)Isuot ang sinulid sa karayom
b)Sukatin ang sinulid na abot siko
lang ang haba.
c)Gamit ang gunting, gupitin nang
palihis ang dulo ng sinulid.
Paggawa ng buhol 2
a. Hawakan ang dulo ng sinulid.
b. Ikapit ang dulo sa bahaging dulo ng karayom
c. Pigilan ang karayom at sinulid ng kanang hintuturo
d. Dahan-dahang ipaikot ang sinulid sa katawan ng
karayom.
e. Dahan-dahang ibaba ang sinulid na napaikot sa
karayom hanggang mailabas ang buhol na nagawa.
Mga uri ng Tahing Kamay 3
a.Tahing patutos
b.Tahing pabalik
c.Tahing lilip
d.Tahing blanket
e.Tahing overcasting
Tahing patutos
Sa pagsusulsi. Pagtatagpi at paghihilbana, tahing patutos
ang angkop na tahi.
Ito ay parang puto-putol na linyang tuwid
a) Itusok nang paloob at palabas ang karayom nang paulit-
ulit pakanan at pakaliwa.
b) Tuwid na linyang tahi ang mabubuo na magkatulad ang
hitsura sa karagdagan at kabilang tela
c) Haplusin ng hintuturo ang ang linyang tahi upang lumapat
sa hibla ng tela.
d) Itrangka ang tahi bago gupitin ang sinulid
Tahing patutos
Tahing Pabalik
Isa itong matibay na tahi na halos hawig ng
tahing makina.
Angkop ito sa natastas na dugtungan,
pagkabit ng zipper, at pagsasama ng mga
walang sukat na pahina ng kwaderno
Ginagawa ito mula sa kanan pakaliwa.
Dapat walang puwang sa bawat tahi.
a. Itusok ang karayom pabalik sa dulo ng
naunang tahi at ilabas pasulong sa
pinanggalingang tahi.
Tahing pabalik
Tahing lilip
Ang tahing ito ay angkop gamitin sa tastas na laylayan
ng manggas, palda, pantalon at bestida
a. Sa loo ng nakatuping laylayan ng liliping damit, unang
itusok ang karayom.
b. Ibalik ang karayom sa pinanggalingan nito at itusok
nang palihis papunta sa kasunod na bahagi ng
nakaluping laylayan upang magawa ang susunod na tahi.
c. Ulit-ulitin ang pananahi hanggang sa dulo ng laylayan.
Tahing lilip
Tahing blanket
Ginagamit ang tahing blanket upang maitago
ang mga himulmol sa gilid ng tagiliran ng damit
at dugtungan ng kilikili.
a. Tiyakin na ang karayom at gilid ng tela na
nakatupi sa likod ay nakaharap sa tinatahi.
b. Ang pananahi ay sinumulan sa kaliwa pakanan.
c. Ipalusot ang karayom sa sinulid na ang silo
mula sa natapos na tahi ay nasa loob
Tahing blanket
Tahing Overcasting
Ang mga tastas na bahagi ng kilikili at
kuwelyo ay tinatahi gamit ang overcasting at
blanket.
Ang tahing overcasting ay binubuo ng
maikling tahing palihis mula sa dulo ng
dugtungan payungo sa ibabaw ng hugpungan,
kaliwa pakanan, hanggang matapos ang
tinatahi.
Tahing overcasting
Pag-uugnayan
• Gamit ang puting retaso, ipakita ang iba’t-
ibang tahing kamay
• pamantayan Kategorya Puntos
Paraan ng pananahi 5
Kumpletong kagamitan 3
Oras ng pagpasa 2
Kabuuan 10

You might also like