You are on page 1of 31

SI SELINA:

ANG BATANG
MATAPAT
Ako ay si Selina, sampung
taong gulang at kasalukuyang
nag-aaral sa isang pribadong
paaralan sa aming lugar.
Masasabi mang kakaiba pero di
gaya ng ibang mga bata,
gustong-gusto ko sa paaralan.
Tuwang-tuwa ako sa mga
makukulay na larawan na
nakasabit sa aming silid-aralan,
sa malawak na hardin ng aming
paaralan, sa mga mababait
kong guro at higit sa lahat sa
aking mga masasayang kamag-
aral.
Ngunit alam niyo na ba na nagkaroon ako ng
isang hindi malilimutang karanasan? Isang
hapon, habang ako ay mabagal na naglalakad
palabas ng aming paaralan, ako ay nakapulot ng
isang itim na pitaka sa damuhan. Lumingon ako
sa paligid ngunit nag-iisa lamang ako. Sinilip ko
ang laman ng pitaka at doon ay nakita ko ang
isanlibong piso ngunit walang anumang
pangalan o palatandaan ng nagmamay-ari. Dahil
dito, mabilis ko itong inilagay sa aking bulsa at
umuwi sa aming bahay.
Pagpasok ko kinabukasan ay
nagulat na lamang ako sa
balita-may magnanakaw raw ng
pitaka. Ang pitaka palang
napulot ko sa damuhan
kahapon ay sa aming guro na si
Ginoong Prospero. Galit na galit
na sinabi niya sa amin na ang
mahuhuling magnanakaw ay
tiyak na dadalhin sa opisina ng
prinsipal. Mabilis akong
lumabas ng aming silid-aralan
at tumakbo sa palaruan.
Sa palaruan, ako ay umiyak nang
tahimik, alam kong hindi ko ninakaw
ang pitaka ngunit natatakot ako na
ako ay maparusahan. Pagkatapos ng
matagal na pag-iisip, nagpasya ako.
Tumayo ako, tahimik na nagdasal at
pagkatapos ay mabilis na pumunta sa
opisina ng aming guro. Sa kanyang
opisina, malinaw kong ipinaliwanag
ang mga pangyayari, natatakot man
ako na hindi niya siya maniwala, alam
ko na ang mga taong tapat ay hindi
pababayaan ng Diyos
Alam niyo ba ang nangyari
pagkatapos? Sa halip na ako ay
pagalitan, niyakap ako ng aking
guro at sinabi na siya ay natutuwa
sa aking katapatan. Sobrang
mahigpit ko siyang niyakap at
nagpasalamat. Kinabukasan,
binigyan ako ng parangal ng aming
guro sa harap ng aking mga
kaklase at sinabi na tularan ang
aking pagiging matapat. Dahil
doon, napatunayan ko sa aking
sarili na ang mga taong matapat
ay sadyang pinagpapala.
WIKA
Mababait na mga guro
Malawak na hardin
Makukulay na larawan
Mahigpit na niyakap
Mabagal na naglalakad
Tahimik na nagdasal
Makukulay na larawan
Malawak na hardin
Mababait na guro
Masasayang mga kamag-
aral
PANG-URI
Mahigpit na
niyakap
Ubod ng lawak na
hardin
Sobrang mabilis na
lumabas
TANDAAN

Ang pang-uri ay salitang


nagbibigay-turing sa pangngalan o
panghalip.
Ang pang-abay ay salitang
nagbibigay-turing sa pandiwa,
pang-uri at kapwa pang-abay.
MGA URI NG
PANG-ABAY
Ako ay nakapulot sa damuhan ng isang
itim na pitaka.
(saan naganap ang pandiwa?)
Pagpasok ko kinabukasan ay nagulat
na lamang ako sa balita.
(kailan naganap ang pandiwa?)
Tumayo ako, tahimik na nagdasal at
pagkatapos ay mabilis na pumunta sa
opisina ng aming guro.
(paano naganap ang pandiwa?)
Paano nagawa, ginagawa o gagawin ang
pandiwa?
PANG-ABAY NA PAMARAAN

Saan ginanap, ginaganap o gaganapin ang


pandiwa?
PANG-ABAY NA PANLUNAN

Kailan ginanap, ginaganap o gaganapin ang


isang pandiwa?
PANG-ABAY NA PAMANAHON
MGA HALIMBAWA:

Ako ay mabagal na naglalakad palabas


ng aming paaralan.
Ang pitaka palang napulot ko sa
damuhan kahapon ay sa aming guro na
si Ginoong Prospero.
Ako ay umiyak nang tahimik sa
palaruan.
MGA HALIMBAWA:

Dahil dito, mabilis ko itong inilagay


sa aking bulsa at umuwi sa aming
bahay.
Sa kanyang opisina ay malinaw kong
ipinaliwanag ang mga pangyayari.
Tumakbo ako papunta sa palaruan.
PAGSASANAY
1. Anong gagawin mo kapag hinabol
ka ng isang aso?
2. Saan ka nagpunta noong bakasyon?
3. Kailan ka huling namasyal kasama
ng iyong pamilya?
4. Paano mo ilalarawan ang iyong
ina?
5. Saan ka kumain ng almusal kanina?
PANGKATANG PAGSASANAY:

Unang Pangkat: Pang-abay na


Pamaraan

Ikalawang Pangkat: Pang-abay na


Panlunan

Ikatlong Pangkat: Pang-abay na


Pamanahon
PAGLALAGOM:

Ang pang-uri ay mga salitang nagbibigay-turing


sa ________________ habang ang pang-abay naman
ay nagbibigay-turing sa _____________________. May
tatlong uri ng pang-abay, ang una ay ang pang-abay na
pamaraan na sumasagot sa tanong na ___________
ginawa ang isang pandiwa. Ang pang-abay naman na
pamanahon ay sumasagot sa tanong na __________ at
nagpapaliwanag _____________________. Ang
panghuli ay ang pang-abay na panlunan na sumasagot
sa tanong _________ at nagpapakita kung saan
naganap, nagaganap at gaganapin ang pandiwa.

You might also like