You are on page 1of 31

Mga Layunin:

A. Nakapagbibigay ng hinuha hinggil sa larawang


nakita
B. Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang
napakinggan at naibibigay ang sariling opinyon
tungkol sa mga ito
C. Nakabubuo ng posibleng daloy ng programang
panradyong mapapakinggan
d. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa programang
panradyong nabasa
e. Napag-iiba ang katotohanan (facts), sa hinuha
(inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng
kausap
f. Nailalahad ng maayos at wasto ang mga pansariling
pananaw, opinyon at saloobin
g. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit
sa radio broadcasting
h. Nakapagpapahayag ng konsepto o pananaw ukol sa
paksa
i. Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong
panradyo
TANIKALA
Ang radio ay itinuturing na “go-anywhere medium”
ng pamamahayag sapagkat ito ay naririnig ng mga tao
kahit habang sila ay naglalakad, nagbibiyahe,
nagmamaneho, o namimili.
Anong huling balita sa radyo ang inyong
napakinggan at ano naman ang huling balitang
napanood mo rin sa telebisyon? Ano ang kaugnayan sa
isa’t-isa ng mga balitang itong iyong napakinggan?
Balitang Napakinggan Balitang Napanood

Sa Aming Opinyon ang mga Balitang ito ay:


TANIKALANG
LAGOT
oBakit mahalagang makalaya ang isang tao sa mga
tanikala ng buhay na gumagapos sa kanya tulad
ng bisyo, kahirapan, o maging ang ang
pagkakaroon ng mga negatibong ugali?
oMasasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng
kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng
pagpapalaganap ng panitikang popular? Bakit?
“Anumang gapos ng sumpa sa ating
buhay ay maaaring mawala, kung ito ay
isusuko sa Diyos at sa Kanya ay
ipagkakatiwala”
PAGSULAT NG ISKRIP NG
PROGRAMANG PANRADYO
Manuskrito
Nakatitik na bersiyon ng mga salitang
dapat sabihin
Naglalaman ng mga mensahe ng
programang dapat ipabatid sa mga
nakikinig
PORMAT NG ISKRIP
Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat
ng Diyalogo
Isulat sa malalaking titik ang musika,
epektong pantunog, at ang emosyonal na
reaksiyon ng mga tauhan
Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC
(music)
Kailangang may dalawang
espasyo(double space) pagkatapos ng
bawat linya sa iskrip kapag minakinilya o
kinompyuter
Lagyan ng numero ang bawat linya.
Ilagay ang numero sa kaliwang bahagi
bago ang unang salita ng linya
Ang mga emosyonal na reaksiyon o
tagubilin ay kailangang isulat sa
malaking titik
Gumamit ng mga terminong madaling
maintindihan sa pagbibigay ng
indikasyon kung sino ang nagsasalita at
anong uri ng tinig ang maririnig
Isusulat ng malaking titik ang posisyon
ng mikropono na gagamitin at ilagay ito
sa parenthesis
Maglagay ng tutuldok (:) o kolon
pagkatapos isulat ang SFX o MSC
Sa panibagong pahina ng iskrip,
umpisahan ang paglalagay ng numero sa
bawat bilang.

You might also like