You are on page 1of 27

ARALIN 4:

ANG PANAGINIP
NG HARI
SAKNONG BILANG 28-45

Pag-uulat ni: Joshua Rafael T. Dela Cruz


7-Sampaguita
28
Ang kanilang kaharian
ay lalo pang nagtumibay,
walang gulong dumadalaw,
umunlad ang kabuhayan.
29
Kasayaha’y walang oras
sa palasyo’y may halakhak,
ibong laya’t walang hirap,
ang lahat na ay pangarap.
30
Ngunit itong ating buhay
talinhagang ‘di malaman,
matulog ka ng mahusay,
magigising nang may lumbay.
31
Ganito ang napagsapit
ng Haring kaibig-ibig,
nang siya ay managinip
Isang gabing naiidlip.
32
Diumano, si Don Juang
bunso niyang minamahal
ay nililo at pinatay,
ng dalawang tampalasan.
33
Nang patay na’y inihulog
sa balong ‘di matarok;
ang Hari sa kanyang tulog
nagising na ng may lunos.
34
Sa laki ng kalumbayan
‘di na siya napahimlay,
nalimbag sa gulamgulam
ang buong napanagimpan.
35
Mula noo’y nahapis na
kumain man ay ano pa!
Luha at buntunghininga
ang aliw sa pag-iisa!
36
Dahil dito’y nangangayat
naging parang butu’t balat
naratay na’t nababakas
ang dating ng huling oras.
37
Nagpatawag ng mediko,
yaong marunong sa reyno
‘di nahulaan kung ano
ang sakit ni Don Fernando.
38
Kaya ba ang mga anak
pati na ng Reynang liyag,
dalamhati‘y ‘di masukat
araw-gabi’y may bagabag.
39
Sa kalooban ng Diyos
may nakuhang manggagamot,
ito nga ang nakatalos
sa sakit ng haring bantog.
40
“Sakit mo po, Haring mahal
ay bunga ng panagimpan,
mabigat man at maselan,
may mabisang kagamutan.
41
“May isang ibong maganda
ang pangalan ay Adarna,
pag narinig mong kumanta,
sa sakit ay giginhawa.
42
“Ibong ito’y tumatahan
sa Tabor na kabundukan,
kahoy na hinahapuna’y
Piedras Platas na makinang.
43
“Kung araw ay wala roo’t
sa malayong mga burol,
kasama ng ibang ibong
nangagpapawi ng gutom.
44
“Gabi nang katahimika’t
payapa sa kabundukan
kung umuwi at humimlay
sa kahoy na kanyang bahay.
45
“Kaya, mahal na monarka,
iyon po ang ipakuha’t
gagaling na walang sala
ang sakit mong dinadala.”
Paglinang ng talasalitaan
•Humalaw ng mga
salita mula sa mga
salitang nasa loob
ng bilog.
KAHARIAN
KASTILYO

BAHAY NAKATIRANG
KAHARIAN HARI

PALASYO
TAHIMIK
MATAIMTIM

SIMBAHAN WALANG
TAHIMIK KIBO

WALANG
INGAY
Maikling Pagsusulit
-ibigay ang kaluhugan ng salitang italisado sa bawat
pangungusap. Piliin sa panaklong ang tamang sagot
1. May mga talinghaga siyang sinabi kanina
na hindi ko maunawaan.
(malalim ang kahulugan, mababaw
ang kahulugan, walang kahulugan)
2. Bagabag ang magkakapatid nang
magkasakit ang kanilang ina.
(balisa, nagdiwang, nagsaya)
3. Ang agila ay mahirap makita dahil ito ay
tumatahan sa tuktok ng bundok.
(natutulog, kumakain, tumitira)
4. Pagkatapos ng bagyo,
karaniwang payapa ang
karagatan.
(maingay, tahimik, masaya)
5. Paglaki niya, nais niyang
maging isang tanyag na mediko.
(mekaniko, manggagamot,
masahista)
Salamat sa pakikinig :)

You might also like