You are on page 1of 4

BANAAG AT SIKAT ni

LOPE K. SANTOS
Ang Banaag at Sikat[1] ay isa sa mga isinaunang mahabang
salaysaying pampanitikan na isinulat ni Lope K. Santos sa wikang
Tagalog noong 1906.[2] Bilang isang aklat na tinaguriang “bibliya ng
mga manggagawang Pilipino”[2], umiinog ang mga dahon ng
nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa kaniyang pag-ibig sa isang
dalagang anak ng mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang
tinatalakay din ni Lope K. Santos ang mga paksang panlipunan: ang
sosyalismo, kapitalismo, at mga gawain ng mga nagkakaisang-
samahan ng mga liping manggagawa.[3], nasa wikang Ingles, Mga
Lathalain Hinggil sa Kalinangan at Sining, Tungkol sa Kalinangan at
Sining, nccang ang akdang ito ni Lope K. Santos ito ang “nagbigay-
daan para maisulat ang iba pang mga nobelang nasa wikang
Tagalog”[4] na may pinagsanib na mga paksang hinggil sa pag-ibig,
pangkabuhayan, at sa makatotohanan at gumagalaw na katayuan ng
lipunan.[5][6] Bagaman isa ito sa pinakaunang mahabang salaysayin
sa Pilipinas na nakaantig ng damdamin ng lipunan, sinasabi na
naging pamukaw-kasiglahan din ito ng kilusang Hukbalahap o Hukbo
ng Bayan Laban sa Hapon.[7]
ISANG PUNONG KAHOY ni
JOSE CORAZON DE JESUS
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako’y tila isang nakadipang kurus,
sa napakatagal na pagkakaluhod,
parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
Organong sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian
habang ang kandila ng sariling buhay,
magdamag na tanod sa aking libingan…
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis;
sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
ANG PANDAY
• Ang Panday
• Kaputol na bakal na galing sa bundok,
• Sa dila ng apoy kanyang pinalambot;
• Sa isang pandaya’y matyagang pinukpok;
• At pinagkahugis sa nasa ng loob.
• Walang anu-ano’y naging kagamitan.
• Araro na pala ang bakal na iyan;
• Ang mga bukiri’y payapang binungkal,
• Nang magtaniman na’y masayang tinamnan.
• Ngunit isang araw’y nagkaroon ng gulo
• At ang boong bayan ay bulkang sumubo,
• Tanang mamamaya’y nagtayo ng hukbo,
• Pagka’t may laban nang nag-aalimpuyo!
• Ang lumang araro’y pinagbagang muli
• At saka pinanday nang nagdudumali,
• Naging tabak namang tila humihingi,
• Ng paghihiganti ng lahing sinawi.
• Kaputol na bakal na kislap ma’y wala,
• Ang kahalagahan ay di matingkala —
• Ginawang araro, pambuhay ng madla
• Ginawang sandata, pananggol ng bansa!
• Pagmasdan ang panday, nasa isang tabi,
• Bakal na hindi man makapagmalaki;
• Subalit sa kanyang kamay na marumi,

You might also like