You are on page 1of 31

PAGTATAYA SA MGA KARANASAN NG MGA MAG-AARAL

SA BAITANG SIYAM NA NAKARANAS NG


DISKRIMINASYON SA MATAAS NA PAARALAN NG
ALITAGTAG
INIHARAP NINA:

IVY DENISE M. DIMAYUGA

JHADE LADIAO

GRADE 10-DIAMOND

ALITAGTAG NATIONAL HIGH SCHOOL

ALITAGTAG DISTRICT

BINIGYANG PANSIN NI:

BB. ROSITA T. ALIVIA


II. PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay taos- pusong nagpapasalamat sa
lahat ng tumulong at naging bahagi upang matapos ang pag aaral
na ito. Sa Panginoon na nagbigay ng kanyang patnubay, kay Bb.
Evangeline Limbo sa pagbibigay ng suporta, sa mga mag-aaral na
nakilahok bilang maging mga respondente sa aming pananaliksik.
Sa aming mga magulang na siya ding gumabay at sumuporta sa
amin sa paggawa nito. Huli, lubos kaming nagpapasalamat kay Bb.
Rosita T. Alivia sa laging paggabay sa amin sa paggawa ng
pananaliksik na ito. Sa mahabang pasensya na meron siya sa
amin sa pagwawasto ng aksyon riserts. At sa mga payo ng
ibinibigay niya sa amin. Maraming Salamat Po!
.

III. ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa mga karanasan ng
mga mag-aaral sa Baitang Siyam na nakaranas ng
Diskriminasyon. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman at
masolusyunan ang diskriminasyon na nararanasan ng mga
mag-aaral sa Baitang Siyam sa Mataas na Paaralan ng
Alitagtag. Nagsagawa ng survey ang mga mananaliksik sa
100 na respondente na nasa Baitang Siyam. Nagbigay rin
ang mga mananaliksik ng mga solusyon sa Diskriminasyon
at rekomendasyon sa mga nakaranas nito.
IV. PANIMULA AT RASYUNALE
Ang diskriminasyon ay isang pagtrato sa isang tao sa hindi
patas at pantay na pamamaraan dahil sa mga taglay nitong
pisikal o mental na kaanyuan na tila naiiba sa karamihan ng mga
tao. Ang mga halimbawa nito ay diskriminasyon sa kabuhayan,
relihiyon, wika, kasarian at lahi.
Ang diskriminasyon ang isa sa dahilan kung bakit laganap ang
galit, inggit at pangmamaliit. Ito ang pumapatay sa saya na dapat
ay nakakamit ng bawat tao. Ito ang naghihiwalay sa ating lahat.
Ayon kay JK Cabresos (2014), Dahil dito napipilipit
ang karapatan ng mga. Lahat ng tao ay pantay pantay sa
mata ng Diyos. Nakakalungkot mang isipin ang
katotohanang ito ay hindi lamang nagpapatunay na
napakasama ng panahong kinabubuhayan natin, kundi
ipinakikita rin nito na talagang hindi perpekto ang tao.
Ayon kay Vendivel (2014) ang bansang hitik sa
diskriminasyon ay isang bansang walang kalayaan.
Kapag ang isang tao ay naiiba para sa kanyang mga
nakakasalamuha, siya ay minamaliit, isasantabi.
Hindi ba natin alam na sa tuwing nagyayari ito ay
nababawasan ang dignidad ng bansa pati narin ang respeto
sa ating mga sarili. Namimili, humuhusga, isinasantabi,
sinasaktan.
Ayon kay Subing (2017) Hindi ito maiiwasan sa mga tao
dahil nagisnan natin ito dati pa at kasali na ito sa ating pag-
uugali. Ang paraan nalang kung paano matigil ito ay
magsimulang respetuhin ang sarili at magkaroon ng bagong
buhay kasama ang Panginoon sa puso.
Hindi lingid sa lahat na madami na ang labis na naaapektuhan
ng diskriminasyon. Ito ay maaaring impluwensya ng kanilang
kapaligiran. Napakalaking suliranin nito para sa mga taong walang
hangad kundi sumaya pero ang natatanggap nila ay pang di-
diskrimina. Sobrang hirap para sa kanila na nakakatanggap sila ng
pambabatikos kahit wala silang ginagawang masama.
Tanggapin natin sa ating puso ang pagmamahal at respeto
dahil makakatulong ito sa lahat ng tao. Kung iiwasan na natin ang
pang di-diskrimina ay sobrang ganda ng magiging bunga nito.
Walang matatakot na tao at ngiti ang makikita sa mukha ng mga
tao.
V. INOBASYON, INTERBENSYON AT
ISTRATEHIYA
Ang pag-aaral na ito ay naglalahad ng masusing inobasyon at interbensyon sa larangan
ng pagtataya ng mga karanasan ng mga mag-aaral sa diskriminasyon sa Mataas na Paaralan
ng Alitagtag.
Sa paggamit ng modyul, magiging bukas ang isipan ng mga mag-aaral tungkol sa
diskriminasyon. Malalaman nila ang mga masasamang epekto nito. Malalaman nila ang mga
masasamang epekto nito. Matuturuan sila na ang diskriminasyon ay isang masamang bagay
at hindi dapat ito gawin. Ang paggamit ng modyul bilang basehan ay magbibigay ng
madaming kaalaman sa mga mag-aaral at mauunawaan nila ng husto at lubos ang
diskriminasyon. Sa katapusan, inaasahan na mahuhubog ang kaisipan at mapupuno ng
kaalaman ang isipan ng mga mag-aaral. Inaasahan na magiging bukas ang isipan ng mga mag-
aaral. Inaasahang mababawasan na ang bilang ng mga mag-aaral na nakaranas ng
diskriminasyon.
VI. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Nakasentro ang pananaliksik na ito sa mga karanasan ng mga mag-aaral sa
baiting siyam na nakaranas ng diskriminasyon sa Mataas na Paaralan ng Alitagtag.
Nais bigyan ng pansin sa pag-aaral na ito ang kasagutan sa mga sumusunod na
katanungan:
 Anu-anong halimbawa ng diskriminasyon ang nararanasan ng mag-aaral sa Baitang
Siyam na nakakaranas ng Diskriminasyon?
 Gaano nakakaapekto sa buhay ng mag-aaral ang nakaranas ng diskriminasyon?
 Anong mungkahing gawain ang isasagawa upang masolusyunan ang nararanasang
diskriminasyon ng mga mag-aaral sa Baitang Siyam sa Mataas na Paaralan ng
Alitagtag?
VII. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pamaraang deskriptibo o pasalarawang
pananaliksik. Sa paraang ito kakalapin ang mga datos upang malaman ang
kasalukuyang katatayuan ng anumang pinag-aaralan. Ang mga datos na kakalapin ay
pagbabatayan ng mga kongklusyon at paglalahat na siya namang pinagbabatayan ng
mga ihahandang hakbang tungo sa pagbabago at pagpapaunlad ng kasalukuyang
katayuan.
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng pormulang:
N= G/O x 100 N = bahagdan
G = bilang ng tumugon
O = bilang ng respondente
VIII. MGA KALAHOK SA PAG-AARAL
Ang mga respondenteng kalahok ay binubuo ng 100 na mag-
aaral sa Baitang Siyam ng Mataas na Paaralan ng Alitagtag.
Paraan ng Pagkalap ng Datos
Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral ay binuong
talatanungan. Nabuo ang talatanungan mula sa mga konseptong
nabasa sa mga babasahin tulad ng mga aklat at iba pang
babasahing may kaugnayan sa pinapaksa ng pag-aaral.
Gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang Likert na kung saan ang
mga respondent ay maglalagay ng tsek (/) sa tapat ng numero na
nagsasaad ng:
4 – Lubos na sumasang-ayon
3 – Sumasang-ayon
2 – Katamtamang sumasang-yon
1 – Hindi sumasang-ayon
PARA SA HALIMBAWA NG DISKRIMINASYON NA NARARANASAN NG
MGA MAG-AARAL, ANG SUMUSUNOD AY GINAMIT:

Iskala Iskalang Saklaw Verbal na


Interpretasyon
4 3.50-4.00 Lubos na Nararanasan

3 2.50-3.49 Nararanasan

2 1.50-2.49 Katamtamang Nararanasan

1 1.00-1.49 Hindi Nararanasan


PARA SA MGA EPEKTO NG DISKRIMINASYON SA BUHAY NG MGA
MAG-AARAL, ANG SUMUSUNOD AY GINAMIT:

Iskala Iskalang Saklaw Verbal na


Interpretasyon
4 3.50-4.00 Lubos na Nakakaapekto

3 2.50-3.49 Nakakaapekto

2 1.50-2.49 Katamtamang Nakakaapekto

1 1.00-1.49 Hindi Nakakaapekto


PARA SA MGA GAWAING ISASAGAWA PARA MASOLUSYUNAN ANG
DISKRIMINASYON, ANG SUMUSNOD AY GINAMIT:

Iskala Iskalang Saklaw Verbal na


Interpretasyon
4 3.50-4.00 Lubos na Sumasang-ayon

3 2.50-3.49 Sumasang-ayon

2 1.50-2.49 Katamtamang Sumasang-ayon

1 1.00-1.49 Hindi Sumasang-ayon


B. PAGSUSURI NG DATOS
Pagkatapos na makalap ang talatanungan, ang mga datos ay sinuri at binigyan ng
interpretasyon. Ginamit ng mananaliksik sa pagsusuri ng mga nakalap na datos ang
payak na istadistika tulad ng:
Ranggo – Ang Ranggo ay ginamit ng mga mananaliksik sa pagsusuri
ng matataas at mababang kalagayan ng Weighted Mean.
Weighted Mean – Ito ay ginamit upang malaman ang halimbawa ng
diskriminasyon na nararanasan ng mga mag-aaral, malaman ang antas o lebel kung
paano nakakaapekto at solusyon laban sa diskriminasyon.
Verbal na Interpretasyon – Ito ay ginamit upang malaman ang katumbas na
interpretasyon sa iskalang saklaw ng bawat tanong na nais sagutin sa pananaliksik.
IX. PRESENTASYON, INTERPRETASYON, AT
REPLEKSYON
I. Anu-anong halimbawa ng diskriminasyon ang nararanasan ng mag-aaral sa Baitang Siyam na
nakakaranas ng diskriminasyon?
Talahanayan 1
(Mga Diskriminasyon Na Nararanasan Ng Mga Mag-aaral)
Tanong Weighted Mean Interpretasyon Ranggo

Nakakaranas ba ng
diskrimnasyon dahil sa:
1. Kasarian? 1.7 Katamtamang 9
Nararanasan
2. Pisikal na Kaanyuan? 2.3 Katamtamang 1
Nararanasan
3. Estado ng Buhay? 1.95 Katamtamang 6
Nararanasan

4. Kultura at Paniniwala? 2.01 Katamtamang 3


Nararanasan

5. Pananamit? 1.96 Katamtamang 5


Nararanasan

6. Trabaho ng Magulang? 1.54 Katamtamang 10


Nararanasan

7. Kapansanan? 2.11 Katamtamang 2


Nararanasan

8. Edad? 1.97 Katamtamang 4


Nararanasan

9. Relihiyong 1.76 Katamtamang 7.5


kinabibilangan? Nararanasan

10. Tradisyon? 1.76 Katamtamang 7.5


Nararanasan
Makikita sa Unang Talahanayan na nakakuha ng pinakamataas
na ranggo ang bilang 2 (Pisikal na Kaanyuan) na may weighted
mean na 2.3. Nakakuha naman ng pinakamababang ranggo ang
bilang 6 (Trabaho ng Magulang) na may weighted mean na 1.54.
Ang bilang 9 (Relihiyong kinabibilangan) at 10 (Tradisyon) naman
ang nakakuha ng 1.76 na weighted mean.
II. Gaano nakakaapekto sa buhay ng mga mag-aaral ang makaranas ng diskriminasyon?

Talahanayan 2
(Epekto Ng Diskriminasyon Sa Buhay Ng Mga Mag-aaral)
Tanong Weighted Mean Interpretasyon Ranggo
1. Nakakaapekto sa Pag- 2.35 Katamtamang 3
aaral Nakakaapekto
2. Naaapektuhan ang 2.15 Katamtamang 6
mental na pag-iisip Nakakaapekto
3. Nagkakaroon ng 2 Katamtamang 8
trauma Nakakaapekto
4. Natatakot makihalubilo 2.28 Katamtamang 4
sa iba Nakakaapekto
5. Natatakot ng magtiwala 1.27 Hindi Nakakaapekto 9
sa iba
6. Mas gusto lagi ang 1.25 Hindi Nakakaapekto 10
mapag isa
7. Maaaring magkaroon 2.09 Katamtamang 7
ng anxiety Nakakaapekto

8. Mataas ang tiyansang 2.41 Katamtamang 1.5


magkaroon ng Nakakaapekto
depresyon

9. Bumababa ang tingin 2.41 Katamtamang 1.5


sa sarili Nakakaapekto

10. May posibilidad na 2.2 Katamtamang 5


idiskrimina ang ibang tao Nakakaapekto

Makikita sa Ikalawang Talahanayan na nakakuha ng pinakamataas na ranggo ang


bilang 8 (. Mataas ang tiyansang magkaroon ng depresyon.) at 9 (Bumababa ang
tingin sa sarili.) na may weighted mean na 2.41. Nakakuha naman ng
pinakamababang ranggo ang bilang 6 (Mas gusto lagi ang mapag-isa) na may
weighted mean na 1.25. Ang bilang 1 (Nakakaapekto sa Pag-aaral.) naman ang
nakakuha ng 2.35 na weighted mean.
III. Anong mungkahing Gawain ang isasagawa upang masolusyunan ang nararanasang
diskriminasyon ng mga mag-aaral sa Baitang Siyam sa Mataas na Paaralan ng Alitagtag?

Talahanayan 3
(Mga gawaing isasagawa para masolusyunan ang diskriminasyon)
Tanong Weighted Mean Interpretasyon Ranggo

1. Gumawa ng mga islogan 3.1 Sumasang-ayon 6

na nagpapakita ng mga

epekto ng diskriminasyon.

2. Gumawa ng mga poster 2.96 Sumasang-ayon 8

na nagpapakita ng mga

epekto ng diskriminasyon.

3.Ipangalap sa social media 2.8 Sumasang-ayon 9.5

ang masamang epekto nito.


4. Ituro ang masamang 3.22 Sumasang-ayon 3

epekto nito.

5. Magkaroon ng mga 2.8 Sumasang-ayon 9.5

paligsahan na may kaugnayan

sa diskriminasyon

6. Ibahagi sa mga kamag-aral 3.14 Sumasang-ayon 5

ang kaalaman dito.

7. Maging mabuting halimbawa 3.4 Sumasang-ayon 1.5

sa kapwa kabataan.

8. Makiisa sa mga programang 3.21 Sumasang-ayon 4

may kaugnayan sa

diskriminasyon.
9. Maglunsad ng mga 3.04 Sumasang-ayon 7

programang may kaugnayan

sa diskriminasyon.

10. Mag-aral ng mabuti upang 3.4 Sumasang-ayon 1.5

maging instrumento sa pagtigil

ng diskriminasyon balang

araw.

Makikita sa Ikatlong Talahanayan na nakakuha ng pinakamataas na ranggo ang bilang 7 (Maging


mabuting halimbawa sa kapwa kabataan.) at 10 (. Mag-aral ng mabuti upang maging instrument sa pagtigil
ng diskriminasyon balang araw.) na may weighted mean na 3.4. Nakakuha naman ng pinakamababang
ranggo ang bilang 3 (.Ipangalap sa social media ang masamang epekto nito.) at 5 (Magkaroon ng mga
paligsahan na may kaugnayan sa diskriminasyon) na may weighted mean na 2.8. Ang bilang 4 (Ituro ang
masamang epekto nito.) naman ang nakakuha ng 3.22 na weighted mean.
X. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Batay sa mga resultang nakalap, ang sumusunod na konklusyon ay inihahain o
idinudulog
1.Para sa mga biktima ng diskriminasyon, huwag maniniwala sa sasabihin ng iba. Maaaring
masasakit ang mga salitang kanilang binibitawan pero ang mga ito ay hindi totoo. Ang kanilang mga
salita ang hindi nagpapakita kung sino ang tunay na ikaw. Kumapit at magdasal lagi sa Panginoon.
Huwag mawalan ng pananampalataya sa kaniya.
2. Para sa mga magulang ng mga nabibiktima ng diskriminasyon, proteksyunan ang inyong mga
anak. Ipaglaban ang kanilang karapatan.Iparamdam ang pagmamahal na dapat ay natatanggap nila.
Gayundin ay maging bukas lagi sa kanila at laging kamustahin para sila ay may mapagsasabihan ng
kanilang problema. Turuan ang anak na kahit nakakaranas ng diskriminasyon ay huwag itong
ibabalik sa kapwa.
3. Para sa mga kaibigan ng mga biktima ng diskriminasyon, kamustahin lagi sila at
huwag hahayaan na nalulungkot. Iparamdam sa kanila ang pagmamahal. Tulungan na
makabangon sila mula sa mga pangungutya at pang diskrimina ng iba.
4. Para sa mga mag-aaral ng Grade 9, maging bukas sa mga ganitong klase ng isyu.
Alamin ang mga masasamang epekto ng diskriminasyon sa isang tao. Huwag
babalakin na mang diskrimina ng ibang tao bagkus ay tumulong sa pagbawas ng
diskriminasyon.
5. Para sa mga guro, ituro sa mga mag-aaral ang kagandahan ng isang mundo kung
saan walang nabubuhay na diskriminasyon. Gabayan ang mga mag-aaral sa daan kung
saan mahuhubog ang kanilang respeto at pagmamahal sa isang kapwa. Tulungan
silang maging mabuting halimbawa para sa lahat.
XI. PLANO NG AKSYON
Petsa Layunin Gawain Awtput Taong
Kasangkot

• Nobyembre- • Makapagsumit • Pagpapasagot • Pananaliksik • Tagasuri


Disyembre e ng ng na papel • Mag-aaral
2019 isinagawang talatanungan. • Oral na • Mananaliksik
pag-aaral sa pagrerepresen
Asignaturang ta ng
Filipino. pananaliksik.
• Disyembre • Matataya • Pagsasag • Malinang, • Tagasuri
2019 ang awa ng mataya at • Mag-aaral
pagkatuto interbensy masuri • Mananalik
on sa ang sik
survey pagkatuto
• Enero 2020 • Maidepensa • Pagpresenta • Natapos na • Tagasuri
ang ng Pananaliksi • Mananaliksi
isinagawang isinagawang k k
pananaliksik pananaliksik • Presentasy
on sa
Powerpoint
.
XII.TALASANGGUNIAN

[1] https://www.wattpad.com/story/8542284-mga-dahilan-kung-bakit
[2] https://vendivelvtm-guido.tumblr.com/post/98388919811/talumpati-sa-
diskriminasyon/amp
[3]https://www.google.com/search?q=denise+subing&rlz=1C1CHBF_enPH
843PH843&oq=denise+subing&aqs=chrome..69i57j0.3875j0j7&sourceid=ch
rome&ie=UTF-8
XIII.TALAAN NG PINAGKAGASTUSAN
Aytem Halaga

1. Long Bond Paper P185.00

2. Brown Envelope P5.00

P185.00
Kabuuan

You might also like