Miyembro: Pelayo, Kiazen D. Doma, Mark Benedick Satura, Ansley Ray Sagabaen, Rochelle Guiwa, Emmanuel Batalla, Ryan Valdez, Jam Regine Marcos, Samantha Casimiro, Reynante Galangan, Angelico Lemuel 1954 – Proklama blg 12
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay
na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa. 1955 Set. 23 – Proklama blg 186
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay
ang Proklama blg. 186 na naglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa sa ika 13-19 ng Agosto taun-taon. 1959 – Kautusang Pangkagawaran blg. 7
Nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at
itinatagubilin na kailanman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag. 1962 – Kautusang Pangkagawaran blg. 24
Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at
nag-uutos na simulant sa taong –aralan 1963-1964. Ang mga sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na sa Wikang Filipino. 1963 – Kautusang Tagapagpaganap blg. 60
Nilagdaan ng Pangulong Diosdado
Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino. 1967 – Kautusang Tagapagpaganap blg. 96
Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos
at nagtatadhana na ang lahat ng edispisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino. 1968 - Memorandum Sirkular blg. 172
Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael
Salas at ipinag-uutos na ang mga “letterheads” ng mga tanggapan ng pamamahalan ay isulat sa Filipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-uutos din na ang mga pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Filipino gagawin. 1968 - Memorandum Sirkular blg. 199
Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa
Filipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok linggwistika ng kapuluan. 1969 – Kautusang Tagapagpaganap blg. 187
Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-
uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalan na gamitin ang wikang Filipino hanga’t maari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon. 1970 – Rebolusyon blg. 70
Ang wikang pambansa ay magiging wikang
panturo sa antas ng elementarya. MARAMING SALAMAT PO