You are on page 1of 77

BAHAGI NG

PANANALITA
Pangngalan
Panghalip
Pandiwa
Pang-uri
Pang-abay
Pantukoy
Pangatnig
Pang-ukol
Pang-angkop
Pandamdam
PANGNGALAN
Kahulugang Pansemantika : Ang
pangngalan ay pasalitang simbolong
ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay,
pook, pangyayari, atb.

BalarilangTradisyunal: Ang
pangngalan ay ngalan ng tao, hayop,
bagay, pook, pangyayari, atb.
MGA HALIMBAWA:
1. Mga Pangngalang Ngalan ng Tao
Mando ama guro
Bonganak manananggol
 

2. Mga Pangngalang Ngalan ng Hayop


Tagpi aso tandang
Muning pusa katyaw
 
3. Mga Pangngalang Ngalan ng Bagay
Mongol lapis pagkain
Bagong Balari- aklat laruan
lang Filipino

4. Mga Pangngalang Ngalan ng Pook


Pilipinas lungsod kaparangan
Bundok ng Apo bundok Kamaynilaan
 
5. Mga Pangngalang Ngalan ng Katangian
bait kabaitan pagkamabait
tapang katapangan pagkamatapang
 
6. Mga Pangngalang Ngalan ng Pangyayari
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
kasalan pulong
pag-aaway suntukan
 Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng
salita at iba pang yunit ng wika.

 Ang anumang salitang maaaring isunod sa


ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong
maramihan ng mga ito, ay isang
pangngalan o dili kaya ay isang salitang
gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.
Halimbawa:
 Nakatapos sa pagdodoktor ang anak na
matiyaga.
 Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng
mga magulang.
 Hindi matatapatan ng salapi ang pagtingin
ng magulang sa anak.
 Anganyong maramihan ng ang/si ay ang
mga/sina; ang maramihan ng ng/ni ay ng
mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay
sa mga/kina.
HALIMBAWA:

ang mga anak


ng mga anak
sa mga anak
nina Maria
kina Maria
sina Maria
MGA
KLASIPIKASYON
NG PANGNGALAN

Mga Uring
Pansemantika
1. Pangngalang Pantangi : ang pangngalan
kung tumutukoy sa isang tanging tao, hayop,
bagay, pook, o pangyayari.

Halimbawa:
 Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng na
Tao
Miguel Bb. Luz de Guzman
Carisa Dr. Villaroman
 
 Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng ng
Iba’t Ibang Uri ng Hayop
Tagpi Spot
Muning Brownie
 
 Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng
Iba’t Ibang Bagay
Bic Bagong Balarilang Filipino
Mongol Magasing Panorama
 Mga Pangngalang Partikular na Ngalan ng
Pook
Talon ng Maria Cristina Ilog Pasig
Bundok ng Makiling Baguio
 
 Mga Pangngalang Partikular na Pangyayari

Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975


Unang Pambansang Kilusan sa Pagpaplano ng
Pamilya
 
2. Pangngalang Pambalana : ang mga pangngalang
tumutukoy sa pangkalahatang diwa.

Halimbawa:
 
 Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng
Tao
bata guro
lalakiabogado
 Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan
ng Hayop
aso baka
pusa insekto
 
 Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan
ng Bagay
lapis radyo
bahay relo
 Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan
ng Pook
ilog bulubundukin
kapatagan lungsod
 
 Mga Pangngalang Pangkalahatang Ngalan
ng Pangyayari
sayawan kantahan
gulo banggaan
 
ISA PANG PAG-UURING
PANSEMANTIKA NG
PANGNGALAN
1.TAHAS : ANG PANGNGALANG HINDI
TUMUTUKOY SA BAGAY NA MATERYAL.

Halimbawa:
tao puno pagkain
hayop gamut kasangapan
DALAWANG URI NG TAHAS

Palasak : ay tumutukoy sa pangkat ng iisang uri


ng tao o bagay.
Halimbawa:
buwig hukbo tumpok
kumpol lahi tangkal
 
Di- Palasak : ay tumutukoy lamang sa ga bagay na
isinasaalng-alang nang isa-isa.
Halimbawa :
saging sundalo kamatis
bulaklak tao manok
MGA URI NG
PANGKAYARIAN
1. PANGNGALANG PAYAK : KUNG ITO
AY ISANG SALITANG UGAT LAMANG

Halimbawa:
asin balak
bunga diwa
2. PANGNGALANG MAYLAPI O HINANGO : KUNG
BINUBUO ITO NG SALITANG-UGAT AT PANLAPING
MAKANGAAN.

Halimbawa:
kaklase pagbasa
kabuhayan dinuguan
Dalawang Paraan ng Pag-uulit
3. PANGNGALANG INUULIT : KUNG ANG KABUUAN NITO O BAHAGI NITO AY INUULIT.

 Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na


parsyal ay yaong bahagi lamang ng
salitang ugat ang inuulit.
Halimbawa:
bali-balita dala-dalawa
sali-salita bali-baligtad
 Pag-uulit
na Ganap : pag-uulit sa buong
pangngalan.

Halimbawa:
kuru-kuro buhay-buhay
bayan-bayan sabi-sabi
2. PANGNGALANG TAMBALAN :
BINUBUO NG DALAWANG
MAGKAIBANG SALITANG PINAG-ISA

Dalawang Uri ng Pagtatambal ng


Pangngalan
 
1. Malatambalan o Tambalang Di- Ganap :
yaong nananatili ang kahulugan ng
pinagsasamang salita.

Halimbawa:
balikbayan dalagang-bukid (tao)
alay-kapwa bahay-kalapati
2. Tambalang Ganap : yaong nagkakaroon ng
bagong kahulugan ang mga pinagtatambal
na salita.

Halimbawa:
kapitbahay hampaslupa
bahaghari dalagambukid (isda)
MGA KAKANYAHAN NG
PANGNGALAN
1. KAUSAPAN O PANAUHAN NG PANGNGALAN :
ANG NAGSASABI KUNG ANG PANGNGALAN AY
TUMUTUKOY SA TAONG NAGSASALITA, TAONG
KUMAKAUSAP, O TAONG PINAG-UUSAPAN.

Halimbawa :

Ako si Don Diego.


Ikaw si Don Diego.
Siya si Don Diego.
PANGNGALAN AY TUMUTUKOY SA
ISA, DALAWA O HIGIT PANG TAO,
HAYOP, BAGAY, POOK, O PANGYAYARI.
ITO AY MAAARING ISAHAN,
DALAWAHAN, MARAMIHAN O
LANSAKAN.

Halimbawa:
Isahan : kapatid
Dalawahan : kambal
Lansakan : kawan
Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarian
3. KASARIAN NG PANGNGALAN : PANGNGALANG MAY SEKSO AT WALANG SEKSO.
 

 Mga Pangngalang may Kasarian


Tiyak na Kasarian
Panlalaki
Pambabae
Di-tiya na Kasarian

 Mga Pangngalang Walang Kasarian


HALIMBAWA:

Mga Pangngalang Tiyak na Panlalaki


Mario kuya
Ginoong Ramos tandang
Don Jose ninong
 
Mga Pangngalang Tiyak na Pambabae
Maria Ana ate
Gng. Ramos dumalaga
Donya Perez ninang
 
Mga Pangngalang Di-Tiyak ang Kasarian
estudyante kapatid
guro manok
manananggol kalabaw
 
Mga Pangngalang Walang Kasarian
Bibliya diwa
Bulking Mayon aklat
Maynila laro
4.KAUKULAN NG PANGNGALAN :
ANG TAWAG SA KAKANYAHAN NG
PANGNGALANG NAGPAPAKITA NG
GAMIT NITO SA PANGUNGUSAP

Dalawang Uri ng Kaukulan ng


Pangngalan:
1. KAUKULANG PALAGYO : KUNG
GINAGAMIT ITONG SIMUNO, PAMUNO SA
SIMUNO, PANGNGALANG PATAWAG,
KAGANAPANG PANSIMUNO, O PAMUNO SA
KAGANAPANG PANSIMUNO.

Halimbawa:

•Simuno gamit ang pangngalan


Si Rizal ay Dakilang Malayo

•Pamuno sa Simuno ang gamit ng pangngalan


Si Rizal, ang bayani, ay Dakilang Malayo.
•Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalan
Carisa, alagaan mo si Choy.

•Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan


Si Mabini ay Dakilang Lumpo.

•Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit ng


pangngalan
Ang dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.
2. KAUKULANG PALAYON : ANG
PANGNGALAN KUNG GINAGAMIT NA LAYON
NG PANDIWA O LAYON NG PANG-UKOL O
KUNG PAMUNO SA ALINMAN SA DALAWA.

Halimbawa:

•Layon ng pandiwa ang gamit ng


pangngalan.
Ang masipag na ama ay nagsisinop ng
kanilang bakuran
•Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan
Ibigay mo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos ang
para sa Diyos.

•Pamuno sa layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan


Ang mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga,
isang ipinagmamalaking bungang-kahoy natin.

• Pamuno sa layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan


Igalang mo ang ukol sa relihyon, ang tagapag-ugnay natin
sa ating Panginoon.
 
PANGHALIP
Pananaw na Pansemantika : ang panghalip
ay salita o katagang panghalili sa ngalan.

Pananaw na Istruktural : and panghalip ay


maikilala dahil sa impleksyon o
pagbabagong- anyo.
Uri ng Panghalip

1. MGA PANGHALIP NA PANAO : AY


PANGHALILI SA NGALAN NG TAO.
 
Panauhan Anyong ang Anyong ng Anyong sa
(palagyo) (paukol) (paari)
Isahan
Una Ako Ko Akin
Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo
Ikatlo Siya Niya kanya
Dalawahan
Una *(kata) *(nita) *(kanita)
Kita, tayo Natin Atin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
Maramihan
Una Kami Naming Amin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
2. MGA PANGHALIP NA PAMATLIG :
HUMAHALILI SA SA NGALAN NG TAO, BAGAY,
ATB. NA ITINUTURO O INIHIHIMATON.

I. Pronominal
Anyong ang (Paturol)
*ire (ibang anyo : yari)
ito
iyan (ibang anyo : yaan)
iyon (ibang anyo : yaon)
 
Anyong ng (Paari)
*nire (ibang anyo : niyari)
nito
niyan
noon (ibang anyo: niyon, niyaon)
 
Anyong sa (Paukol)
*dine
dito
diyan
doon
II. Panawag-pansin o Pahimaton
1. *(h) ere
2. (h) eto
3. (h) ayan
4. (h) ayun

III. Patulad
*ganire
ganito
ganyan
ganoon (ibang anyo: gayon)
IV. Palunan
*narini (ibang anyo : nandini)
narito (ibang anyo : nandito)
nariyan (ibang anyo : nandiyan)
naroon (ibang anyo : nandoon)
3. PANGHALIP NA PANAKLAW : SUMASAKLAW SA KAISAHAN, DAMI, O
KALAHATAN NG TINUTUKOY.
 

Halimbawa:
isa anuman magkanuman
iba alinman kuwan
balana sinuman
lahat ilanman
tanan kailanman
madla saanman
pawa gaanuman
 
4. PANGHALIP NA PANANONG : YAONG MGA
PANGHALILI SA NGALAN NG TAO, BAGAY, ATB. NA
GINAGAMIT SA PAGTATANONG.

Halimbawa:
Isahan Maramihan
sino sinu-sino
ano anu-ano
alin alin-alin
kanino kani-kanino
ilan ilan-ilan
PANDIWA
Pansemantika : ang pandiwa ay salitang
nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang
lipon ng mga salita
 
Istruktural : ang pandiwa ay nakikilala sa
impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto
ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito.
Kayarian ng Pandiwa

Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa


pamamagitan ng pagsasama ng isang
salitang-ugat at ng isa o higit pang
panlapi.
Kaganapan ng Pandiwa

Ang tawag sa bahagi ng panaguri na


bumubuo o nagbibigay ng ganap na
kahulugan sa pandiwa at magagawang
paksa ng pangungusap kung babaguhin
ang pokus ng pandiwa.
Pitong Uri ng Kaganapan ng Pandiwa
 kaganapang tagaganap
 kaganapang layon
 kaganapang tagatanggap
 kaganapang ganapan
 kaganapang kagamitan
 kaganapang sanhi
 kaganapang direksyunal
MGA POKUS NG PANDIWA

1. kaganapang tagaganap - panaguring nasa


pokus sa tagaganap ang pandiwa + paksa

Halimbawa :
 Kinain ng bata ang suman at manggang hinog.

 Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.
 (Ang bata ay kumain ng suman at manggang
hinog.)
2. kaganapang layon - panaguring nasa
pokus sa layon ng pandiwa + paksa

Halimbawa :
 Kinain ng bata ang suman at manggang
hinog. –
 Kumain ng suman at manggang hinog ang
bata.
 (Ang suman at manggang hinog ay kinain
ng bata.)
3. kaganapang tagatanggap – panaguring nasa
pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa

Halimbawa:
 Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan
kong nagbalikbayan. –
 Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan kong
nagbalikbayan.
 (Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili
ko ng ilaw na kapis.)
4. kaganapang ganapan - panaguring nasa
pokus sa kaganapan ang pandiwa + paksa

Halimbawa:
 Nagtanim ng gulay sa bakuran an gaming
katulong. –
 Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong
ang bakuran.
 (Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng
aming katulong.)
5. kaganapang kagamitan – panaguring nasa
pokus sa kagamitan ang pandiwa + paksa

Halimbawa:
 Pinunsan ko ang mga kasangkapan (sa
pamamagitan) ng basahang malinis. –
 Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang
basahang alinis.
 (Ang basahang malinis ay ipinampunas ko
ng mga kasangkapan.)
6. kaganapang sanhi – panaguring nasa
pokus sa sanhi ang pandiwa + paksa

Halimbawa:
 Nagkasakit siya dahil sa labis na paghithit
ng opyo. –
 Ipinagkasakit niya ang labis na paghithit
ng opyo.
 (Ang labis na paghithit ng opyo ay
ipinagkasakit niya.)
7. kaganapang direksyon - panaguring nasa
pokus sa direksyon ang pandiwa + paksa

Halimbawa:
 Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin
kong kabilang sa Peace Corps. –
 Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing
kabilang sa Peace Corps ang Tagaytay.
 (Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking
mga panauhing kabilang sa Peace Corps.)
MGA ASPEKTO NG PANDIWA

 Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na


nagsasaad kung naganap na o hindi pa
nagaganap ang kilos at kung nasimulan na o
natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa
ang pagganap.
1. ASPEKTONG PANGNAKARAAN O PERPEKTIBO
: KILOS NA NASIMULAN NA AT NATAPOS NA.

Halimbawa :
Anyong Pawatas Aspektong Pangnakaraan
 magsaliksik nagsaliksik

 manghakotnanghakot

 maunawaan naunawaan

 umunlad umunlad
 alatan inalatan

 sabihan sinabihan
 matamaan natamaan
2. ASPEKTONG PERPEKTIBONG KATATAPOS :
KILOS NA KAYAYARI O KATATAPOS LAMANG
BAGO NAGSIMULA ANG PAGSASALITA.

Halimbawa :
Anyong Pawatas Aspektong Katatapos
 tumula katutula
 uminog kaiinog
 masulat kasusulat
 makalibot kalilibot
 makaamin kaaamin
 maglakbay kalalakbay
3. ASPEKTONG PANGKASALUKUYAN O
IMPERPEKTIBO : KILOS NA NASIMULAN NA
NGUNIT DI PA NATATAPOS AT KASALUKUYAN
PANG IPINAGPAPATULOY.
Halimbawa :
Anyong Pawatas Aspektong Pangkasalukuyan
 magsaliksik nagsasaliksik
 manghakotnanghahakot
 umunlad umuunlad
 alatan inaalatan
 sabihan sinasabihan
 pagtawanan pinagtatawanan
4. ASPEKTONG PANGHINAHARAP O
KONTEMPLATIBO : KILOS NA HINDI PA
NASISIMULAN.

Halimbawa :
Anyong Pawatas Aspektong Panghinaharap
 magsaliksik magsasaliksik
 maghakot maghahakot
 umunlad uunlad
 yumuko yuyuko
 alatan aalatan
 sabihan sasabihan
 pagtawanan pagtatawanan
PANG-URI
GAMIT NG PANG-URI

1. Panuring Pangngalan

Mararangal na tao ang pinagpapala.


Panuring Panghalip
Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.
2. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan
Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.

 
3. Pang-uring Kaganapang Pansimuno
Mga madasalin ang mga Pilipino.
KAYARIAN NG PANG-URI
1. Payak : kung binubuo ng likas na salita
lamang o salitang walang lapi.

Halimbawa :
 Maiinit ang ulo ng taong gutom.
 Huwag kang makipagtalo sa sinumang
galit.
2. Maylapi : kung binubuo ng salitang-ugat
na may panlapi.

Halimbawa :
 kalahi kayganda
 mataas makatao
 malahininga
3. Tambalan : kung binubuo ng dalawang
salitang pinag-iisa.
Halimbawa :
 Karaniwang Kahulugan
 taus-puso biglang-yaman
 bayad-utang hilis-kalamay

Patalinghagang Kahulugan
 kalatog-pinggan ngising-buwaya
 bulang-gugo kapit-tuko

 
KAILANAN NG PANG-URI

May tatlong kailanan ang mga pang-uri :


isahan, dalawahan, at maramihan.

Halimbawa:
 Kalahi ko siya. (Isahan)
 Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan)
 Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)
KAANTASAN NG KASIDHIAN NG
PANG-URI
IBA’T IBANG ANTAS NG KASIDHIAN
ANG PANG-URI:

1.Lantay o Pangkaraniwan – karaniwang


anyo ng pang-uri tulad ng mayaman, pang-
araro, palabiro, atb.
2. Katamtamang Antas – naipapaita ito sa
paggamit ng medyo, nang bahagya, nang kaunti
atb., o sa pag-uulit ng salitang-ugat o dalawang
unang pantig nito.

Halimbawa :
 Medyo hilaw ang sinaing.
 Labis nang bahagya ang pagkain.
 Mapurol nang kaunti ang kutsilyong ito.
 Masarap-sarap na rin ang ulam na niluto ni
Aling Maria.
3. Pinakamasidhi – naipapakita ito sa
pamamagitan ng pag-uulit ng salita, paggamit ng
mga panlaping napaka-, nag-, -an, pagka-, at
kay- ; at sa paggamit ng salitang lubha,
masyado, totoo, talaga, tunay, atb.
Halimbawa :
 Mataas na mataas pala ang Bundok Apo.
 Napakalamig pala sa Lalawigang Bulubundukin.
 Talaga naming napakalinis ngayon ng Rizal
Park.

You might also like