You are on page 1of 23

PARABULA NG

ALIGBUHANG ANAK
Inihanda niL

G. Richard Abordo Panes


“ Igalang mo ang
iyong ama at ina.
Tiyak, buhay mo ay
giginhawa at lalawig
ang iyong buhay rito
sa lupa”
1.

“ Para sa inyo, ano


ang katangian ng
isang mabuting anak?
Bakit ?
2. 3.
Pamilyar ba sa
inyo ang
Parabulang “ Ang
Alibughang Anak”
Mahahalagang Tanong
1.Bakit dapat igalang ang iyong ama at ina?
2.Bakit kailangang maging maingat sa pagpapahayag
ng emosyon at damdamin?
3.Ano ang kahalagahan ng pagiging
mapagkumbaba?
4.Bakit hindi dapat husgahan ang tao batay sa
kanyang kaanyuan, kasarian, at kalagayan sa buhay?
PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN
Panuto: Kilalanin ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit mula sa iba pang
salita sa loob ng pangungusap.
1.Sa kanilang tahanan ay labis pa ang mga
pagkaing inilaan para sa mga katulong, sa sobrang
dami ay hindi nila ito nauubos.
2.Nilustay niya sa mga walang kabuluhang bagay
ang kayamang kahit kalian ay hindi winaldas ng
kanyang ama.
3.Lubhang nahabag ang ama nang makita ang anak,
naawa ito sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na
anak.
4. Natanaw ng ama ang papalapit na anak, siya ay
napabalikwas ng nasilayan ito.
5.Nalaman ng ama na ang kanyang anak ay nagdalita
matapos maubos ang pera nito, sadyang naghirap siya.
Pagpapabasa ng Parabula ng
Aligbuhang Anak
Panuto: Buksan ang aklat sa pahina 292-294
Sagutin Natin
1.Paano mo ilalarawan ang ama sa akdang
binasa?
2.Ano ang naging hamon sa ama sa umpisa ng
parabula?
3.Kung ikaw ang ama sa parabula, ibibigay mo
ba ang hinihingi ng iyong anak kahit ikaw ay
buhay pa?
4. Nakabuti ba sa bunsong anak ang pagkuha agad ng
kanyang mana?
5. Paano nilustay ng bunsong anak ang nakuha niyang
mana?
6. Ano ang ibinunga ng kanyang pagtatakwil sa
magulang? May kilala ka bang anak na ganito ang
kinahinatnan ng buhay dahil sa pagiging alibugha?
7.Makatarungan ba ang ginawa ng amang
pagtanggap sa kanyang anak na muling nagbalik?
Kung ikaw ang nasa katayuan ng ama, ganoon din
kaya ang iyong gagawin?
8.Masisisi mo ba ang anak na panganay na
maghinanakit sa kanyang ama? Kung ikaw ang
nasa kanyang katayuan o kalagayan, ganoon din
kaya ang iyong gagawin?
9. Kung ikaw ang nakatatandang kapatid,
ano ang sasabihin mo sa iyong ama at sa
iyong nakababatang kapatid upang
mabawasan ang bigat ng iyong
damdamin.

You might also like