You are on page 1of 98

Iba’t ibang Uri ng

Teksto
TEKSTONG
IMPORMATIBO
TEKSTONG IMPORMATIBO

“To inform” o sa Filipino, “magpabatid.” Ang


layunin ng tekstong ito ay magbigay ng
paliwanag sa paraang obhetibo o walang
pagkampi na may sapat na detalye at may
hangaring mapalawak ang kaalaman ng
mambabasa sa paraang kawili-wili.
Ligaya Tiamzon-Rubin

Ang uring ito ay nakapagpapaliwanag ng


kahulugan ng ideya at katuturan ng isang salita,
gayundin ay nakikilala at nakikilatis ang
katangian ng isang tao, bagay o pangyayari.
TEKSTONG IMPORMATIBO

Sa mga uri ng teksto, ang tekstong


impormatibo ang pinakanakasalig sa mga
totoong impormasyon at datos at hindi
nakabatay sa opinyon ng manunulat.
TEKSTONG IMPORMATIBO

Halimbawa ng mga tekstong impormatibo ay:


pahayagan, magasin, manwal, artikulo sa
journal at ilang website.
TEKSTONG IMPORMATIBO

Nasasalig sa tatlong batayan ang pagsusulat ng


isang mabisang tekstong impormatibo:

1. Sino ang mambabasa o tagapakinig;


2. Ano ang nais ipabatid; at
3. May pangunang kaalaman ba ang tagapakinig
o mambabasa? (Badayos 83)
Mga Anyo ng Tekstong
Impormatibo
1. Pagbibigay-kahulugan o depinisyon

Layunin ng tekstong ito na maipaunawa ang


kahulugan ng salita, o maaaring ideya,
konsepto, o pangyayari.

Binibigyan nito ng katuturan ang mga hindi


malinaw na kaisipan.
1. Pagbibigay-kahulugan o depinisyon

Kabilang din sa uring ito ang tekstong


naglalahad ng mahahalagang impormasyon
tungkol sa hayop, tao, bagay at iba pa.
A. Pagbibigay ng Halimbawa

Minsan ay hindi nakasasapat ang isang


maikling pahayag lamang upang mabigyan ng
kahulugan o katuturan ang isang konsepto,
salita, o pangyayari. Magiging malinaw ito
kung makapagbibigay ng mga halimbawang
magpapakita ng ninanais na sabihin o ipabatid
sa mambabasa o tagapakinig.
B. Paggamit ng Analohiya o Pagtutumbas

Kung hindi nakasasapat ang pagbibigay lamang


ng halimbawa, maaaring maging teknik sa
paglilinaw ang nais sabihin o ipahayag ang
paghahambing ng binibigyang-kahulugan sa isa
pang bagay.
C. Pagkokompara

Hindi maisasantabi ang katotohanang ang isang


salita ay mayroong iba’t ibang kahulugan batay
sa kung sino ang tumitingin o nagbibigay-
katuturan dito. Sa ganitong paraan, naipakikita
ang maraming panig ng kahulugan at
napatitindi ang “dating ng pagpapakahulugan”
(Badayos 94).
D. Paghihindi

Pangunahing layunin ng paraang ito ang


malinawan ang mambabasa o tagapakinig sa
mga hindi napagkakasunduang pagpapaliwanag
o kahulugan sa isang salita. Sa pamamagitan
din nito, naipaparating ang madalas na
naipagkakamali sa isang konsepto o pangyayari,
at nailalatag ang tunay na kahulugan nito.
E. Pagsusuri ng Sanhi at Bunga

Sa paraang ito, nailalatag at nahihimay ng


manunulat ng teksto ang mga detalye o
impormasyong naging dahilan sa pagkalikha o
pag-iral ng isang bagay o paksa.
F. Iba pang paraan sa pagbibigay ng
kahulugan o depenisyon
Maliban sa mga nabanggit, maari ring magamit
ang paraang siyentipikong ulat, suring basa o
rebuy, at maging ang sanaysay.
2. Paglalahad ng mga Totoong Pangyayari

Sa anyong ito ng tekstong impormatibo,


inilalahad lamang ang mga totoong pangyayari
tulad ng isang pagtatala. Maaaring ito ay
pasalaysay ng isang kaganapang nasaksihan ng
isang tao tulad ng isang mamamahayag o
historyador.
2. Paglalahad ng mga Totoong Pangyayari

Nasasagot ang mga batayang tanong


1. Ano (ang nangyari)
2. Saan (nangyari)
3. Sino (ang may kaugnayan sa pangyayari)
4. Kailan (nangyari)
5. Paano (nangyari)
6. Bakit (nangyari)
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang tekstong deskriptibo ay isang uri ng


tekstong naglalayong maglarawan ng isang tao,
pook, bagay, pangyayari o iba pang paksaing
pupukaw sa interes ng mambabasa.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Kinakailangan malinaw ang deskripsyon sa


napiling ilarawan upang makuha ang
damdaming nais ipahayag ng manunulat.
Nararapat na mayaman at wasto ang gamit sa
bahagi ng pananalitang esensyal sa deskripsyon
– ang mga panuri o pang-uri.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Kadalasang nagiging bahagi ang tekstong


deskriptibo ng isa o higit pang uri ng teksto.
Mahalagang malaman na ang tekstong ito ay
kailangan upang higit na mapayaman ang
nilalaman ng komposisyon o artikulo.
Mga Uri ng
Paglalarawan
1. Karaniwang Paglalarawan

Sa karaniwang paglalarawan, ang manunulat ay


nagbibigay lamang ng tiyak na impormasyon o
detalye na inilalarawan. Gumagamit ng payak at
tiyak na pananalitang panlarawan sa
deskripsyon.
2. Masining na Paglalarawan

Matulain ang pagpapahayag ng mga damdamin


at ginagamitan ng mga tayutay sa paglalarawan.
Sa pamamagitan ng mga ito ay tunay na
maipadama ang mga damdamin na nais
ipahiwatig
Balik-aral sa mga
Panuring: Pang-uri
PANG-URI

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita. Ito ay


mga salitang naglalarawan na siyang
nagbibigay hugis, anyo at kulay sa mga
pangngalan o panghalip.
Magiging epektibo lamang ang mga pang-uri
kung gagamitan ng wastong pang-angkop.
na, -ng, at -g
Kayarian ng Pang-uri

1. Payak – binubuo lamang ng salitang-ugat


2. Maylapi – ginagamitan ng salitang-ugat at
panlapi. ma-, kay-, maka-, mala-, ka-
3. Inuulit – may pag-uulit ng salitang-ugat o
salitang maylapi.
4. Tambalan – binubuo sa pamamagitan ng
dalawang salitang pinagsama.
Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay – pang-uring nasa karaniwang anyo.


2. Katamtaman – gumagamit ng mg salitang
medyo, bahagya, nang kaunti at iba pa upang
ipahayag na tumaas ang antas ng paglalarawan.
Maaari ring ulitin ang salitang-ugat.
3. Masidhi – pinakamataas na antas ng pang-uri.
Hambingan ng Pang-uri

Hindi maiiwasan na sa paglalarawan ng isang


bagay, ikinokompara o inihahambing natin ito
sa iba. Layunin nitong magpakita ng
pagkakatulad o pagkakaiba. Tinatawag itong
pang-uring pahambing at pang-uring pasukdol.
Kohesyong Tekstwal sa mga Tekstong
Deskriptibo
Tinitiyak ng manunulat na ang kanyang
paglalarawan ay malinaw at hindi maligoy. Sa
pagsulat ng teskstong deskriptibo ay
nangangailangan ng kasanayan sa paggamit ng
cohesive device. Layunin nito na magkaroon ng
maayos na kaugnayan ang mga salita o pahayag
sa teksto.
1. Mga Pangunahing Uri ng Cohesive
Reference
a. Personal na Reperensiya
Sa ganitong uri ng reperensiya, kadalasang
ginagamit ang mga panghalip bilang panghalili
sa mga pangalan tulad ng “siya” at ng mga
panghalip na nagpapahayag ng pag-aangkin
tulad ng “kanya, akin, iyo, atbp.”
1. Mga Pangunahing Uri ng Cohesive
Reference
a. Reperensiyang Demonstratibo
panghalip na nagpapahayag ng lapit o
lokasyon naman ang tinutukoy ng
reperensiyang demonstratibo o demonstrative
reference.
“ito, iyon, iyan, dito, doon, diyan atbp”
1. Mga Pangunahing Uri ng Cohesive
Reference
a. Reperensiyang Komparatibo
Nagpapahiwatig naman ng pagkokompara
ang reperensiyang komparatibo. Sa uring ito,
ginagamit ang mga paghahambing sa pang-uri.
2. Paggamit ng Endophoric Reference

Ito’y isa sa mga reperensiyang maaaring


gamitin upang hindi maging paulit-ulit ang
paggamit ng pangngalan.

Tinatawag na anaphora at katapora.


2. Paggamit ng Endophoric Reference

Anapora
Ang sulyap na pagbalik ang tawag sa mga
panghalip na ginagamit sa hulihan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng
pangungusap o talata.
2. Paggamit ng Endophoric Reference

Katapora
Ang sulyap na pasulong naman ang tawag sa
mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang
pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng
pangungusap o talata.
TEKSTONG
NARATIBO
TEKSTONG NARATIBO

Layunin nito ay ang magsalaysay o


magkuwento. Naglalaman ang tekstong naratibo
ng mga magkakaugnay na pangyayari, nasa
kronolohikal mang pagkakasunod o hindi, na
nakabatay sa tunay na pangyayari o sa malikot
na imahinasyon ng manunulat.
TEKSTONG NARATIBO

Maraming uri ng tekstong naratibo. Nakabatay


ito sa paksa, nilalaman, anyo ng pagkakasulat o
pagkukuwento, at iba pa. Isa lang kanilang
pagkakatulad – nagkukuwento at
nagsasalaysay.
Mga Elemento ng
Tekstong Naratibo
1. Paksa

Karaniwan nang nagsisimula ang isang


manunulat sa pag-iisip o pagikha ng paksang
susulatin. Bagaman maaaring isulat ang
anumang bagay na naisin, mainam pa ring
paglimian o pagnilayan ang lalamanin ng akda.
1. Paksa

Napapadali ang pagsasalaysay kung ibabatay sa


sariling karanasan o sa karanasan ng taong
malapit sa’yo o kakilala mo. Sa pamamagitan
nito ay makabubuo ng sariling estilo ang
manunulat.
Maaari ring sakyan ang mga nauuso o nagiging
isyu sa isang partikular na panahon.
2. Banghay

Ito ay tumutukoy sa balangkas o istruktura ng


isang kuwento o salaysay.
Karaniwang ang banghay ay nasa kronolohikal
na pagkakawing-kawing lalo na ang mga
kwentong sumusunod sa tradisyunal na
naratibo.
2. Banghay

Banghay na sinusunod sa tradisyunal na naratibo:


Panimulang Pangyayari
Pataas na Aksyon
Kasukdulan
Pababang Aksyon o Kakalasan
Katapusan o Wakas
3. Tauhan

Tumutukoy ito sa mga kumikilos sa isang


tekstong naratibo, na may mahahalagang papel
na ginagampanan sa pag-usad ng salaysay.
Uusad lamang ang kuwento sa pamamagitan ng
kanyang mga kilos at desisyon. Siya rin ang
lulutas ng suliranin at humaharap sa mga
balakid.
4. Tagpuan

Tumutukoy sa pook na pinangyarihan ng


salaysay. Kabilang din sa tagpuan ang panahong
ginagalawan ng mga tauhan. Malaki rin ang
gampanin ng tagpuan sapagkat kung hindi
magiging matibay ang pagkakatha rito ay
maaring magdulot ito ng kalituhan sa
mambabasa.
5. Paningin

Tumutukoy ang paningin sa “pananaw na


pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang
katha.” Sa pamamagitan nito nagiging malinaw
sa mambabasa ang daloy ng mga pangyayari na
nakabatay sa paraan ng pagsasalayasay ng
tauhan.
5. Paningin

Paningin sa Unang Panauhan


Ang pangunahing tauhan ang nagsasalayasay.
Madali itong makikita sa paggamit ng panghali
na “ako.”
5. Paningin

Paningin sa Ikalawang Panauhan


Dito tila kinakausap ng manunulat ang
tauhang pinagagalaw sa kuwento. Gumagamit
ito ng panghalip na “ikaw” o “ka.”
5. Paningin
Panlahat na paningin
isang paningin na kung saan ang nagsasalaysay ay
nakikita ang lahat ng pangyayari.
oMala-Diyos na panauhan – nalalaman niya ang kinikilos at iniisip
ng bawat tauhan
oLimitadong panauhan – nalalaman niya ang iniisip ngisang
tauhan lamang at hindi ang lahat.
oTaga-obserbang tauhan – hindi niya batid ang kinikilos at iniisip
ng tauhan ngunit nailalarawan niya ang mga pangyayari sa loob
ng teksto.
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng
Tekstong Naratibo
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag – sa tuwirang
pagpapahayag, mismong ang tauhan ang
nagsasabi ng kanyang saloobin o damdamin.
Ginagamitan ito ng panipi.
2. Di-Direkta o Di-Tuwirang Pagpapahayag – may
isang tagapagsalaysay na siyang naglalahad ng
lahat ng sinasabi, saloobin at damdamin ng
isang tauhan.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Tekstong Naratibo
1. Ang pagbalanse sa katangian ng nilalaman
at anyo ang susi sa mahusay na katha o
akda.
2. Ayon kay Genoveva Edroza-Matute, isang
premyadong manunulat, sa pagbuo ng
banghay o balangkas ng tekstong isnusulat
ay may mga bagay na dapat alahanin.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Tekstong Naratibo
Mga bagay na dapat alahanin sa pagbuo ng balangkas:
• Ang bawat pangyayari, kilos, usapan o tauhan ay
dapat magpasulong ng kuwento patungo sa kalutasan
ng suliranin;
• Ang pagpasok ng suliranin sa simula pa; at
• Ang pagtiyak na kailangang may mangyari sa
kuwento
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Tekstong Naratibo
3. Maging maingat sa paglalarawan ng tauhan.
Ingatang hindi maging tila karikatura ang
bubuuing tauhan tulad ng ang bida ay mabuti at
ang kontrabida ay ubod ng sama. Maging
eksperimental sa pagbuo ng mga tauhan lalo na
sa kanilang pagkatao.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Tekstong Naratibo
4. Mainam din ang paggamit ng simbolismo o
sagisag sa iyong susulating katha.

5. Malaki ang tulong sa higit na pagkaunawa sa


pagsususlat ng tekstong naratibo ang pagbabasa ng
iba’t ibang anyo o uri nito. Sa tulong nito ay
mapapalawak ang kaalaman sa estilo, paraan ng
pagkakasulat, estilo at iba pa.
TEKSTONG
PROSIDYURAL
TEKSTONG PROSIDYURAL

Sinasabing ang tekstong ito ay mabibilang sa


tekstong impormatibo dahil nagbibigay ito ng
kabatiran sa mga mambabasa.
Mahihinuha na ang tekstong prosidyural ay
nagsasaad at nagpapaliwanag ng proseso o
hakbang sa paglikha ng isang bagay.
TEKSTONG PROSIDYURAL

Nagbibigay ito ng gabay para makuha ang awtput


na inaasahan sa pinakamabilis o maaari rin namang
sa komlikadong paraan.
Inaasahan ang malawak na kaalaman ng manunulat
sa lilikhaing tekstong prosidyural. Mahalaga rin
ang sapat na impormasyon at wastong pagkasunod-
sunod upang maiwasan ang pagkamali.
TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang kapayakan o kasimplehan ng paglalatag ng


mga detalye sa mga hakbang na dapat gawin ay
isa ring mahalagang salik para maunawaan ang
mga dapat gawin ng mamababasa.
Hindi maiiwasan ang mga teknikal na termino
kung kaya’t kinakailangan itong lakipan ng
pagpapaliwanag.
Mga Teknik sa Paggamit
ng Kohesyong
Gramatikal sa Pagsulat
ngTekstong Prosidyural
1. Paggamit ng Salitang Nagpapahiwatig
ng Paglilista
Sa pagsulat ng teskstong prosidyural,
mapapansing may isinasagawang paglilista o
pag-iisa-isa. Kung nagsusulat ng mga hakbang
na nasa kronolohikal na pagkakaayos, mainam
na gumamit ng panandang pamilang para sa
wastong pagkakasunod0-sunod.
1. Paggamit ng Transisyunal na Salita o
Parirala
Mahalaga ang paggamit ng mga transitional
device sa pag-uugnay ng mga ideya sa sunod-
sunod na mga pangungusap. Nagsisilbi itong
mga tulay sa maayos na pagkakaunawa at
ugnayan ng mga pangyayari sa sinusulat na
pangungusap at maging ng mga talata.
TEKSTONG
PERSUWEYSIB
TEKSTONG PERSUWEYSIB

Ang tekstong persuweysib o


pagmamatuwid/pangnagatwiran ay isang uri ng
tekstong nagpapakita o nagpapatunay sa isang
katotohanan.
Tungkulin ng manunulat na mapaniwala niya
ang mambabasa, manonood o tagapakinig.
TEKSTONG PERSUWEYSIB

Malaya ang ganitong uri ng tekstong


persuweysib, hindi maaaring isantabi ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman upang
makapangatwiran.
Hindi sapat ang emosyon sa pangungumbinsi
kundi ang lohika o ebidensya sa magsusulong
ng iyong posisyon.
Mga Anyo ng
Panghihikayat o
Pangangatwiran
1. ETHOS

Tumutukoy ang ethos sa katangian, karakter o


kredebilidad ng isang manunulat o
mananalumpati. Ginagamit ito upang maging
karapat-dapat siyang mabasa o pakinggan.
Kalimitan, naipakikita ang ethos sa
pamamagitan ng tamang paggamit g wikang
nakabatay sa mga manood.
2. PATHOS

Ginagamit ang pathos upang makakuha ng


simpatya o awa mula sa nagbabasa o nakikinig.
Maaring maipakita ang pathos sa pamamagitan
ng paggamit ng madamdaming mga pahayag,
kuwento, o maging himig.
3. LOGOS

Isa sa pinakamabisang paraan ng panghikayat


ang paggamit ng ebidensya. Sa logos, ang
pagpapahayag ng katotohanan ay nakabatay sa
inilalatag na mga impormasyon o datos mula sa
mapagkakatiwalaang batis o source.
Iba Pang Anyo ng
Panghihikayat
Pagkokompara

Sa pamamagitan nito, naipakikita ang


magagandang katangian ng panig na
kinakatawan.
Testimonyal

Higit na naging kapani-paniwala ang isang


panig kung napatutunayan ng isang sikat na
personalidad ang bias o katotohang taglay nito.
Paglilipat o Transfer

Mayroon ding teknik kung saan ang kasikatan


ng isang bagay o produkto o halaga ng isang
nagaganap na isyu o kalagayan ay ginagamit
upang maiugnay ito sa isa pang produkto.
TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Ang argumento ay tumutukoy rin sa pahayag na


naglalatag ng mga punting nais sabihin ng isang
tao.
Ang argumento ay isang proseso sa
pakikipagtalastasan kung saan mayroong pagkiling
sa paggamit ng lohika upang maimpluwensyahan
ang ibang tao ngunit hindi ito mahihiwalay sa
damdamin o emosyon.
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Nakabatay ang argumento sa mga


kongklusyong nagmula sa katotohanan o
premises na matagal nang kinikilala.
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng
tekstong may layuning baguhin ang isang
umiiral na paniniwala o lumikha ng panibago.
Gamit ng Tekstong
Argumentatibo
1. Para sa Adbokasiya o Kampanya

Ang adbokasiya ay ang pagganap sa mga


gawaing sumusuporta sa isang usapin o ideya.
Lumilikha ang isang tagapagtaguyod ng mga
pahayag na may layuning hikayatin ang mga tao
na maniwala sa kanyang sinusuportahan o
ipinaglalaban.
2. Para sa Propaganda

Tumutukoy ang propaganda sa organisadong


panghihikayat upang maimpluwensyahan ang
pag-iisip at pagkilos ng iba.
Sa ganitong teksto, kinakailangang maglangkap
ng mga argumento, maramdaming appeals,
impluwensya ng kilalang tao, at mapanghikayat
na wika.
3. Para sa Pananaliksik at Pag-iimbestiga

Nagsasaliksik tayo upang mahanap ang


katotohanan. Ang isang tekstong baglalaman ng
mga argumento ay may ganito ring layunin. Sa
una ay mayroong mga hinuha o haka-haka na
dapat ay patotohan o pasinungalingan sa
pamamagitan ng pananaliksik o pag-iimbestiga.
4. Sa mga Talakayan o Debate

Malimit na idinidikit ang pakikipag-argumento


sa pagdedebate. Ito ay sapagkat naglalatag ng
isang tao ng mga pahayag na suporta o
makikipagtunggali sa paksang nililinaw.
Kinakailangang lohikal ang paglalatag ng mga
argumento kung nakikipagdebate at ito rin ang
pinakapuso nito.
5. Sa mga Kritisismo

Naitutuwid ang mga mali sa pamamagitan ng


mga puna. Ang tekstong argumentatibo ay isang
mainam na espasyo sa pamumuna ng mali.
Nagsisislbi rin itong ebalwasyon para makabuo
at makapaglatag ng mga solusyon upang
maitama ang anumang kapuna-puna sa ating
kapaligiran.
Istandardisasyon ng Argumento para sa
Tekstong Argumenatibo
Tumutukoy ang istandardisasyon ng argumento
sa palalatag ng mga premise sa malinaw na mga
paraan bago ang pagpapahayag ng
kongklusyon.
Lohikal ang ganitong kombensyunal na ayos
bagaman may mga pagkakataong nauuna ang
kongklusyon bago ang premise.
Istandardisasyon ng Argumento para sa
Tekstong Argumenatibo
Malaki ang maitutulong ng istandardisasyon sa
mas mabisa o episyenteng pagrerebyu ng mga
nailatag na premise at kongklusyon.
Nahihiwalay rin nito ang mga karagdagang
impormasyong nagsisilbing backgrounder ng
isyung tinatalakay.
Mga Dapat Iwasan sa
Pagsusulat ng Tekstong
Argumentatibo
1. Argumentum Ad Hominem

Nangangahulgan ito bilang “laban sa tao.” isa


itong anyo ng pakikipag-argumento kung saan
ang pinupuna ay ang taong nagpapahayag at
hindi ang nilalaman ng sinasabi nito. Sa
ekspresyong Pilipino, tinatawag nila itong
“pamemersonal.”
2. Argumentum Ad Misericordiam

Nangangahulugang “panghihikayat sa awa.” sa


halip na maglatag ng mga matitibay o
obhetibong patunay, ginagamit ang emosyon ng
mambabasa upang mahikayat ito.
3. Pagbabalik sa Gintong Nakalipas

Paggamit ng mga pangyayari sa nakaraan na


sinasabing mas mabuti o mas mainam kaysa
kasalukuyan, habang kinakanti ang
pagpapahalaga ng mambabasa sa mga alaala.
4. Argumentum Ad Baculum

Pananakot o paggamit ng ideya ng dahas kaysa


ang pakikipag-argumento.
5. Tu Quoque

Pagsagot sa argumento sa pamamagitan ng


pagsisi sa katunggali na may sala rin o pag-
aakusa sa katunggali na pabago-bago ang
sinasabi.
6. Ang Dalawang Mali ay Lumilikha ng
Tama
Pangangatwiran ng isang maling bagay ay
tanggap sapagkat nagawa na ito ng iba.
7. Panlalahat

Panlalahat batay lamang sa limitado o


kakaunting ebidensya.
8. Bilang

Paggamit ng malalaking bilang upang


mahikayat ang mambabasa na totoo ang isang
argumento.
Kohesyong Gramatikal
sa mga Tekstong
Argumentatibo
1. Muling paggamit ng paksa sa
magkakasunod na mga pahayag
Hindi ito nangangahulugang magsisimula ang
isang pangungusap sa pare-parehong salita o
parirala. Sa pamamagitan rin ng pag-iiba-iba ng
istruktura ng pahayag, naipakikita ang emphasis
o diin na nais makamit ng manunulat.
2. Paggamit ng kasingkahulugan ng salitang
ginamit na sa mga naunang pahayag
Isa pa sa mga teknik na maaaring gamitin sa
kohesyon ay ang paggamit ng synonyms o
salitang kasingkahulugan ng nagamit na ring
salita. Maging maingat lamang dahil maaaring
magdulot ito ng kalituhan kung hindi
magagamit nang wasto.

You might also like