You are on page 1of 16

KOREA

CHOSON- LUPAIN NG MAPAYAPANG UMAGA


Kasaysayan
KOREA
   WIKA
    Ang wika ng Timog Korea ay ang Wikang
Koreano, ito ang opisyal na wika ng
parehong Hilagang Korea at Timog Korea. Ito
rin ang isa sa dalawang opisyal na wika
sa Nagsasariling Prepekturang Koreano ng
Yanbian sa Tsina. Sinusulat ito sa
alpabetong Hangeul.
KASUOTAN
    Ang Hanbok ay ang tradisyunal na damit ng
Korea. Binubuo ang pambabaeng hanbok ng
naibabalot sa   o palda at ng isang tila bolerong
jeogori o tsaketa. Binubuo naman ang para sa
kalalakihan ang maiksing jeogori at ng baji o
pantalon. Kapwa maaaring patungan ang
pambabae at panlalaking hanbok ng isang
mahabang abrigo, ang durumagi, na may katulad
na gupit o yari.
PAGKAIN
    Naiiba ang Korean food sa ibang cuisines
dahil sa iba't ibang klaseng side dishes
(banchan) na inihahanda tuwing kumakain.
Maaaring umabot mula 2 hanggang 12 ang
mga side dishes tuwing handaan, at may iba't
ibang sangkap ang mga ito.
    -Kimchi, alam ng karamihan na
ang kimchi ay gawa sa fermented na repolyo,
ngunit ang totoo ay pwede ding gamitin ang
ibang gulay, tulad ng daikon radish at pipino.
Bilang national dish sinisabay ng
mga koreano ang kimchi sa pagkain ng fried
rice, sopas at iba pa.
    -Banchan, hindi matatawag na korean
meal ang kanin kung wala ito o iba't ibang klase
ng side dishes. Kimchi, namul, at jeon ang
mga karaniwang klase ng banchan.
ANG HATOL NG KUNEHO
PABULA NG KOREA
Pagpapanuod ng Video
 Nahulog sa hukay ang isang tigre.
 Mayroong taong napadaan at ito ay pinakiusapan ng tigre
na siya’y tulungan ngunit nagdadalawang-isip ang tao na
baka siya ay kainin nito.
 Nangako ang tigre na hindi niya gagawin ito.
 Tinulungan siya ng tao at akmang kakainin siya ng tigre
ngunit nakiusap siya at hingin ang opinion ng puno ng Pino.
 Ngunit pumayag naman ang puno na kainin ito.
 Dumaan din ang baka at nagmakaawa na kunin ang opinion
nito ngunit payag din ito na kainin siya ng tigre.
 Sa bandang huli, dumaan ang kuneho at ipinasadula nito
ang pangyayari kaya naman nakabalik sa hukay ang tigre.
Ang mga hayop ay hindi lamang mga
nilikhang gumagala sa kapatagan at
kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong
ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan
nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan
ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at
kuwentong bayan .
Aral:
Huwag kang basta-basta magtitiwala at kilalanin ng lubos ang tao sa
iyong paligid. Pag-aralang mabuti ang mga sitwasyon bago ka gumawa ng
hakbang upang hindi ka mapahamak.

Ang Korea tulad ng ilang bansa sa Asya ay ilang beses


ding sinakop ng mga dayuhan. Nakikita sa kanilang
pamumuhay ang impluwensiya ng Tsina at Hapon, ang ilan sa
mga bansang sumakop sa kanila. Sa likod nito ay mahigpit pa
rin nilang napananatili ang pagpapahalaga sa kanilang
kultura, tradisyon, kasaysayan, edukasyon, at pamilya.
Dahil sa kapaguran, napag-isipan nilang
mga Koreano na iwasan munang
makipagsalamuha sa ibang bansa upang
mapagtuunang pansin ang pagpapatibay at
lakas ng kanilang kultura.

You might also like