You are on page 1of 36

NEW VERSION OF BAHAY-KUBO

Bahay condo, kahit munti, ang mga gadget doon ay sari-sari


Flat scree na TV, blu-ray DVD, Ipod, Ipad, at Iphone
Laptop na Malaki, laptop na maliit at saka meron pang portable MP3
Digicam, videocam, WiFi at HD
Sa paligid-ligid ay puno ng charger
Panuto: Sumulat ng pangungusap o talata upang makabuo ng ng sariling
pagpapakahulugan nito sa pamamagitan ng akrostik. Tiyaking lahat ng pahayag
na isusulat ay may kaugnayan sa konseptong bibigyang kahulugan.

P-
A-
G-
B-
A-
S-
A-
KRITIKAL
NA
PAGBASA

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik- Ikalawang Semestre
PAGBABASA
Isang kakayahan kung saan nakikilala
ng mambabasa ang nakasulat na
simbolo at nauunawaan ang kahulugan
nito.
KRITIKAL NA PAGBASA

Katulad ng pagbabasa, isang ring proseso ang kritikal


na pagbasa dahil mabuting inuunawa ng mambabasa
ang nakasulat na akda. Matutunghayan sa kritikal na
pagbasa ang malalim na na pagsusuri ng mambabasa
tungkol sa mensaheng nais ipahiwatig ng akdang
binasa.
MGA KAKAYAHAN O KASANAYAN NA
KAILANGAN NG MAMBABASA

1. Nakakikilala ng mga salita (Word


Perception/Recognition)
Bukod sa natutukoy ng mambabasa ang bawat titik na bumubuo ng salita, nabubuo at
natutukoy rin niya ang kahulugan kapag pinagsama ang mga titik upang ito ay maging
isang makabuluhang salita. Dagdag pa rito, nababatid din niya na bahagi ang mga salitang
ito ng isang buong pangungusap o teksto. Ngunit, hindi ibig sabihin na dahil nakikilala ng
mambabasa ang salita ay nakababasa na siya. Kailangang alam ng mambabasa ang
kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog upang
masabing tunay niyang nakikilala ang mga ito.
MGA KAKAYAHAN O KASANAYAN NA
KAILANGAN NG MAMBABASA

2. Nakauunawa sa tekstong binabasa (Comprehension)


Sa kakayahang ito, nangangahulugan na nababasa at
nauunawaan ng mambabasa ang mga nakalimbag na tekstong
binabasa kahit mahirap itong basahin. Kabilang ang malawak
na talasalitaan o bokabularyo sa kasanayan na dapat angkin ng
mambabasa upang maunawaan ang tekstong binasa.
MGA KAKAYAHAN O KASANAYAN NA
KAILANGAN NG MAMBABASA

3. Nakauunawa sa bawat salita ng teksto at may katatasan dito


(Fluency)
Sa kakayahang ito, kakikitaang bihasa na ang mambabasa dahil bukod
sa lubos niyang nakikilala ang mga salita, mayroon na ron siyang ganap
na pang-unawa sa bawat salita ng teksto. Nakatutulong ang palagiang
pagbabasa upang maging bihasa sa pagtukoy at pag-unawa sa mga
tekstong nababasa.
MGA KAKAYAHAN O KASANAYAN NA
KAILANGAN NG MAMBABASA

4. Nabibigkas nang wasto ang mga titik na bumubuo sa


salita (Decoding)
Sa kakayahang ito, naipakikita ng mambabasa ang
kaalaman sa tamang bigkas ng mga titik. Sa pamamagitan
nito, natutukoy niya kung paano bibigkasin ang salita na
magbibigay sa kanya ng ideya kung ano ang ibig iparating ng
mga salitang binasa at ang ibig sabihin nito.
MGA KAKAYAHAN O KASANAYAN NA
KAILANGAN NG MAMBABASA

5. Nababatid ang kahulugan at gamit ng salita sa pangungusap o may kakayahang


bokabularyo (Vocabulary)
Sa kakayahang ito, nakikilala ng mambabasa ang salita at natutukoy kung paano ito
bibigkasin. Nababatid din niya ang kahulugan at gamit ng bawat salita sa pangungusap.
Ang pagbabasa ang ikatlo sa apat na kakayahang pangwika (language skills). Napauunlad
ng pagbabasa ang kakayahang pangwika ng mambabasa dahil lumalawak ang kanyang
bokabularyo at nadaragdagan ang mga salitang natutuhan. Bukod sa pagbabasa, kasama
ang pakikinig, pagsasalita, at pagsusulat sa kakayahang pangwika. Sa pamamagitan nito,
mas nagiging bihasa ang bawat isa sa kakayahang pangwika.
MGA KAKAYAHAN O KASANAYAN NA
KAILANGAN NG MAMBABASA

6. Nagpapakita ng pagpapahalaga sa panitikan


(Literary appreciation)
Sa kakayahang ito, naipapamalas ng mambabasa
ang pag-unawa, pagkagiliw, at pagpapahalaga sa mga
tradisyunal o makabagong babasahin na maiuugnay sa
mga napapanahong isyu.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Ano ang suliranin ng pangunahing tauhan? Ipakita ayon sa
kanyang katangian, pananaw at pilosopiya sa buhay.
3. Ano ang mahahalagang pangyayari na nangyari sa akda?
4. Ano ang simbolismong ginamit ng may-akda? Ano ang
sinisimbolo ng pag-ulan? Ng bahaghari? Ng pansit?
5. Gaano nakaapekto ang mga suliraning panlipunan na
nakapaloob sa akda?
MGA TEORYA SA PAGBASA
1. TEORYANG BOTTOM-UP (Rudolph Flesch (1955), Philip
B. Gough (1985), David La Berge, at S. Jay Samuels
(1985)
Sa teoryang bottom-up, nagaganap ang proseso ng
pagbabasa kapag sinusubukan ng mambabasa na
maunawaan ang wika na binabasa sa pamamagitan ng
pagtingin ng kahulugan ng salita o uri ng balarila ng isang
payak na yunit ng teksto.
MGA TEORYA SA PAGBASA
2. TEORYANG TOP-DOWN (Kenneth Goodman (1985) at Frank
Smith (1994)
Sa teoryang top-down, nahihinuha ng mambabasa ang
susunod na pangyayari gamit ang kaligirang impormasyong alam
na niya. Ibinabatay ng mambabasa ang pagproseso ng pang-
unawa sa kung ano ang kanilang narinig o nakita sa teksto.
Tinatawag ding data-driven model o part to whole model ang
teoryang ito dahil nakatuon ang mambabasa sa pagkuha ng
impormasyon mula sa tekstong binasa.
MGA TEORYA SA PAGBASA

3. TEORYANG INTERAKTIBO (David E. Rumelhart (1985),


Rebecca Barr, Marilyn Sadow, at Camille Blachowicz
(1990), Robert Ruddell, at Robert Speaker (1995)
Sa teoryang interaktibo, nagkakaroon ng labis na pag-
unawa sa teksto dahil nagagamit ng mambabasa ang
kaalaman niya sa estruktura o anyo ng wika at sa
bokabularyo habang nagagamit ang dati nang kaalaman o
impormasyong natutuhan.
MGA TEORYA SA PAGBASA

4. TEORYANG ISKEMA (Jean Piaget)


Sa teoryang ito, sinasabing nakaayos ang ating
kaalaman sa maliliit na yunit. Tinatawag na schemata
ang mga nakaimbak na impormasyong ito na
nagtataglay ng ating mga natutuhang ideya.
PANUKATAN O DIMENSYON NG
PAGBASA
1. Unang Dimensiyon (Pag-unawang Literal)
Sa dimensiyong ito, tinutukoy ng mambabasa ang mga ideya
mula sa mga impormasyong nabasa sa teksto sa pamamagitan
ng literal at tuwirang gamit ng salita. Mahalaga ang dimensyong
ito upang matukoy ng mambabasa ang pangunahing kaisipan ng
teksto at mabatid kung ano ang sanhi at bunga ng pangyayari.
PANUKATAN O DIMENSYON NG
PAGBASA
2. Ikalawang Dimensyon (Interpretasyon)
Sa dimensyong ito, nababatid ng mambabasa ang nais ipahiwatig ng may-
akda at nakapagpapamalas siya ng pang-unawa sa mga impormasyong
nakuha. Batay sa interpretasyon, nakapaghihinuha ang mambabasa at
nakapagbibigay ng makabuluhang palagay sa maaaring kahinatnan ng kwento
o pagtalakay. Nakapaghahambing din ang mambabasa ng mga inihaing
kaisipan o detalye at nasusuri ang kahalagahan nito sa teksto.
PANUKATAN O DIMENSYON NG
PAGBASA
3. Ikatlong Dimensyon (Mapanuri o Kritikal na Pagbasa)
Sa dimensyong ito, nakapagbibigay ang mambabasa ng malalim
at malawak na pagsusuri sa tekstong binasa kung saan natutukoy
niya ang tiyak na mensahe o aral na ipinararating ng may-akda. Sa
kritikal na pagbasa, napagtatanto ng mambabasa kung gaano
kahalaga ang mga impormasyon batay sa lawak at lalim ng
pagtatalakay.
PANUKATAN O DIMENSYON NG
PAGBASA
4. Ikaapat na dimensyon (Paglalapat o Aplikasyon)
Sa dimensyong ito, naiuugnay ng mambabasa ang kanyang binasa sa
mga impormasyong nauna nang natutuhan o mula sa sariling karanasan.
Sa bahaging ito, napagninilayan ng mambabasa kung magagamit ba niya
ang mga kaisipan o impormasyon sa pang-araw-araw na buhay. Napag-
iisipan din ng mambabasa kung may kaugnayan ba ang kanyang binasa
sa mga isyung panlipunan at kung may maidudulot itong kabutihan o
solusyon.
PANUKATAN O DIMENSYON NG
PAGBASA
5. Ikalimang dimensyon (Pagpapahalaga)
Sa dimensyong ito, naipakikita ng mambabasa ang impluwensya
ng binasang akda sa kanyang damdamin. Mababanag sa
mambabasa kung paano nakaaapekto sa kanya ang kuwento- kung
siya ba ay naging masaya o malungkot. Nahihikayat at
naiimpluwensyahan din ang mambabasa na kumilos dahil sa
inspirasyon at damdaming nabuo mula sa mga tauhan ng kuwento.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

1. MASAKLAW NA PAGBASA (SKIMMING)


Ito ang pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng
pagbabasa dahil nakatuon ang mambabasa sa pamagat o
heading ng talata at simula lamang ng pangungusap upang
makuha ang pangunahing ideya ng teksto at ang
pangkalahatang layunin nito. Nakapokus ang pagbabasang ito
sa kabuuang nilalaman ng teksto.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

2. Masusing pagbasa (scanning)


Ito ay isang masusing pagtingin sa babasahing
materyal. Ginagamit ang pamamaraang ito kung may
tiyak na impormasyon na nais hanapin ang mambabasa.
Layunin ng mambabasa na makuha ang mahahalagang
detalye o kaisipang ipinahahayag sa teksto.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

3. Pagalugad na pagbasa (Exploratory Reading)


Ginagawa ito kung ibig ng mambabasa na malaman
kung ano ang kabuuan ng isang babasahin. Angkop ito
sa pagbasa ng mga artikulo sa magasin o maikling
kwento kung saan tinitingnan ng mambabasa ang
kabuuang anyo ng teksto.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

4. Mapanuring pagbasa (Analytical Reading)


Kapag nasa Filipino o Ingles ang isang babasahin, sinusuring mabuti ng
mambabasa ang kaugnayan ng mga salita at talata upang mahanap ang
kabuluhan ng ipinahihiwatig na mensahe. Sa agham o sipnayan,
ginagamit ang mapanuring pagbasa sa relasyon ng mga ekwasyon at
pormulang gagamitin upang matukoy ang tumpak na sagot. Nahahasa
nito ang kahusayan ng estudyante sa pamamagitan ng kanyang
mapanuring pag-iisip.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

5. Kritikal na Pagbasa (Critical Reading)


Sa kritikal na pagbasa, masusing sinisiyasat ng mambabasa ang
mga ideya at saloobin ng teksto. Pinag-iisipan niyang mabuti kung
wasto nga ba ang impormasyon. Sa pamamagitang ng kritikal na
pagbasa, masusuri ng mambabasa ang mga kalakasan at kahinaan
ng mga paksa at ang kaugnayan nito sa estilo ng pagsusulat ng
may-akda.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

6)Malawak na pagbasa (Extensive Reading)


Nagbabasa ng iba’t-ibang akda ang mambabasa
bilang libangan at pampalipas-oras. Pinipili niya ang
mga aklat na interesante tulad ng magasin, komiks,
o anumang akda na nakatatawa o magaang basahin.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

7.Malalim na pagbasa (Intensive Reading)


Kailangan ng masinsinan at malalim na pagbasa
kapag nag-aaral o nagsasaliksik bilang paghahanda
sa pag-uulat o pagbuo ng pamanahong papel upang
makakalap ng sapat at makabuluhang impormasyon.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

8.Maunlad na pagbasa (Developmental Reading)


Sumasailalim ang mambabasa sa iba’t-ibang
antas ng pagbabasa upang kanyang mahubog at
mahasa ang mahahalagang kasanayan sa
pagbasa.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

9.Tahimik na Pagbasa (Silent Reading)


Ginagamit ng mambabasa ang kanyang mga
mata sa pagbabasa. Habang nagbabasa, makikita
na ang mambabasa ay nakatutok sa tekstong
binabasa upang ganap itong maunawaan.
MGA URI O ESTILO NG PAGBASA

10.Malakas na pagbasa (Oral Reading)


Sa pagbabasang ito, binibigkas ang teksto o kuwentong
binabasa sa paraang masining at may damdamin. Dapat na
malinaw at malakas ang boses ng nagbabasa. Kailangang wasto
rin ang kanyang pagbigkas at gumagamit ng angkop na tono
habang nagbabasa upang makuha ang atensyon ng mga
tagapakinig.
MGA PROSESO NG PAGBASA

1.PERSEPSIYON O PAGKILALA
Tumutukoy ito sa pagkilala sa mga simbolong
nakasulat at sa kakayahan na makilala ito ng
mambabasa sa pamamagitan ng pagbigkas ng
mga tunog.
MGA PROSESO NG PAGBASA

2. KOMPREHENSYON O PAG-UNAWA
Naipakikita nito na nauunawaan ng mambabasa ang
nakasulat na salita o simbolo batay sa mga nakalap na
impormasyon. Mas magiging malalim ang pang-unawa
ng mambabasa kung mayroong siyang malawak na
kaalaman o karanasan sa iba’t-ibang paksa.
MGA PROSESO NG PAGBASA

3. REAKSIYON
Nakapagbibigay ang mambabasa ng puna, saloobin, pasiya, o
hatol tungkol sa akdang binasa kung ang nilalaman nito ay
kakikitaan ng kahusayan, kawastuhan, at kapakinabangan.
Naipakikita ng mambabasa na lubos niyang nadama at
naunawaan ang akdang binasa sa pamamagitan ng kanyang
reaksyon.
MGA PROSESO NG PAGBASA

4.ASIMILASYON O INTEGRASYON
Tumutukoy ito sa pagsasama, pagsasanib, at
pag-uugnay ng mambabasa ng kanyang mga
nakaraang karanasan gayundin ng mga bagong
karanasan sa buhay.

You might also like