You are on page 1of 11

Ang

Kalakalang
Galyon
Paano ba nakatulong ang Kalakalang Galyon sa
pag-usbong ng damdaming makabayan ng mga
Pilipino?

Nakatulong din nang malaki ang Kalakalang Galyon


sa pagnanais ng mga katutubong Pilipino na lumaya
mula sa pamahalaang kolonyal.
Ang Kalakalang Galyon ay kilala na Kalakalang
Maynila-Acapulco. Ang Acapulco ay isang siyudad
sa Mexico sa Gitnang Amerika. Ang Mexico noon
ay isa ring kolonya ng Espanya at tinawag na
Nueva Espanya o Bagong Espanya.
Ginamit ang Kagubatan at Yamang-
Tao ng Bansa
Tinawag ito na Kalakalang Galyon o
Galleon Trade dahil ang mga barkong
ginamit sa pagdala ng mga produkto ay
mga galyon o galleon.
Ang galyon ay malaking barko (1,700
hanggang 2,000 tonelada) na ginawa sa
Cavite, Cebu at ilan pang bahagi ng
bansa. Kaya nitong magdala ng
maraming produkto at mga isang libong
pasahero.
Matitibay ang mga barko dahil yari ito sa matitigas na kahoy
na matatagpuan lamang sa kagubatan ng bansa.Kaya nitong
maglayag nang matagal sa malawak at mapanganib na
karagatang Pasipiko. Ang mga trosong ginamit sa paggawa ng
mga galyon ay pinutol ng mga polista mula sa malalagong
kagubatan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Mga Pilipino ang pinagputol ng malalaki at matitigas na punong
kahoy sa kagubatan. Sila rin ang nagdala ng mga troso sa
Cavite at sa Cebu at sa iba pang lugar kung saan naroon ang
pagawaan ng barko.
Ang mga galyon ay naglayag dalawang beses sa isang taon sa
mga buwan ng Nobyembre hanggang Marso kung kailan bibihira
ang bagyo sa karagatang Pasipiko. Karga ng mga Galyon ang
mga kalakal -porselana, seda at mga panrekado mula sa China,
panrekado mula Moluccas, pabango mula sa Arabia tela mula
sa India, ginto, bulak, perlas at beeswax mula sa Pilipinas.
Mula sa Maynila lalabas ang barko sa dulong
hilaga ng Samar babagtasin ang Karagatang
Pasipiko patungong sa Guam hanggang sa
Acapulco sa Mexico.
 Inaabot ng apat na buwan ang biyahe patungo
sa Mexico at tatlong buwan naman ang pabalik sa
Maynila.
Sa paglalayag, mga tripulanteng Pilipino ang
naging manlalayag at tauhan ng mga barko.
Bahagi pa rin ito ng sapilitang paggawa o polo y
servicios. Sobrang mapanganib ang paglalayag.
Marami sa mga galyon ang lumubog dahil sa mga
bagyo. Mayroon ding mga pirata na sumalakay sa mga
galyon. Maraming mga tripulanteng Pilipino ang
namatay sa paglubog ng mga barko at pagsalakay ng
mga pirata. Kaya bago umalis ang galyon, isang
misa(Te Deum) ang idinaraos upang ipagdasal ang
kaligtasan at ihabilin ito sa patron, ang Nuestra de
;la Paz y Buen Viaje(Birhen ng Kapayapaan at
Mabuting Paglalakbay na nasa Antipolo na ngayon).
Ang pagdating nang maluwalhati ng barko sa Maynila
ay ipinagmimisa ng pasasalamat.
Natigil ang Kalakalang Pilipino- Asyano
Mula 1565 hanggang 1815 naging monopolyo ng mg
Espanyol ang kalakalan sa Pilipinas. Bago pa dumating
ang mga Espanyol, mayroon nang masiglang kalakalan sa
pagitan ng mga Tsino, Arabe at mga Pilipino.
Sa ilalim ng pamahalaang kolonyal, natigil ang
kalakalang pinagkakitaan ng maraming Pilipino sa mga
daungan ng bansa. Ang mamamayang Pilipino at mga
Espanyol.
Natigil din ang paglaganap ng mga produktong Pilipino
sa mga pamilihan ng ibang bansa sa Asya sa loob ng
mahigit dalawandaang taon.
Mga Espanyol lamang ang pinayagang mangalakal
sa Kalakalang Galyon. Sila ang mga opisyal na
pamahalaan, prayle at iba pang Espanyol.
Siningil sila ng boleta para sa espasyo o bahagi
ng galyon na gagamitin para sa kanilang
produkto. Nagbayad din sila para sa karapatang
mangalakal.
Pagdating sa Acapulco hiningan muli sila ng
bayad doon. Sa ganitong paraan, kumita ang
pamahalaan at kumita rin ang mga mangangalakal
na Espanyol.
Mga Epekto ng Kalakalang Galyon
Kumita nang malaki ang pamahalaan sa Kalakalang
Galyon at nakadagdag ito sa gastusin ng pamahalaang
kolonyal at sa kita ng Korona ng Espanya.
 Ngunit nakasama naman ito sa pamamahala sa bansa.
Maraming opisyal ng pamahalaan ang natuon ang pansin
at panahon sa kalakalan at kinalimutan na ang kanilang
esponsibilidad bilang pinuno sa pamahalaan.
Napabayaan ang pagpapaunlad ng iba pang mga
industriya dahil sa kalakalan. Naging daan din ito sa
paggawa ng mga gawaing labag sa batas kagaya ng di
pagdedeklara ng tamang dami ng produktong ikinakarga
sa galyon.
Ang Kalakalang Galyon ay tumagal nang 250 taon. Nagamit ng
mga Espanyol ang mga likas na yaman at yamang-tao ng bansa
upang makamit ang kanilang layunin. Samantala, ang mga
paghihirap na dinanas ng mga Pilipinong polista at manlalayag
ay nakadagdag sa damdamin laban sa mga kolonyalista.
Humina ang kapangyarihan ng Korona ng Espanya sa
pagkakatatag ng isang pamahalaang republikano sa Espanya
noong 1868 at nagbago na rin ang pananaw ng mga tao ukol sa
kolonyalismo at merkantilismo.
Noong 1869, nabuksan ang Suez Canal sa Kanlurang Asya. Mas
maigsi ang rutang ito mula sa Asya patungo sa Europa at
pabalik. Mas kaunti ang gastos sa paglalakbay. Mas mabilis
ding dumating sa Pilipinas at lumaganap ang mga bagong ideya
at pilosopiya mula sa Europa. nagising ang kamalayang
makabansa at sumidhi ang pagnanais ng mga kolonya na
makalaya mula sa mga sumakop na ba bansa.
Sagutin ang mga
Katanungan?
Ano ang Kalakalang Galyon?

Paano nakatulong ang Kalakalang Galyon


sa pag-usbong ng damdaming makabayan
ng mga Pilipino? at bakit ito natigil?

You might also like