You are on page 1of 39

Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa

Aralin 1
Ang mabuting karunungan ng
nakaraan at ngayon ay tanda ng
pagsasapraktika ng wikang
gamit sa kasalukuyan, ito’y
sapagkat ang wika at kultura ay
repleksyon ng isat-isa.
Ang labis na pagkiling sa nakaraan ay
maaring maging hadlang sa progreso ng
isang bayan; gayong ang malabis na
pagkiling sa kasalukuyan ay magiging
tanda ng paghanap sa kaakuhan; ngunit
tinuran na nang marami na ang di lumingon
sa pinanggalingan ay walang patutunguhan
at sa huli, sa alikabok ang hantungan.
Sa ganitong kalagayan maaaring
tanawin ang kalagayan ng wikang
pambansa, ang Filipino. Filipino ang
wikang nagpapakita ng pagsasanib ng
nakaraan at ngayon na tanda ng
pagsasapraktika sa kasalukuyan.
“Napatunayan ng (wikang) Filipino na
kaya itong tanggapin sa iba’t ibang
rehiyon at gawing katuwang ng wika
ng rehiyon dahil ang komposisyon ng
Filipino ay hindi nalalayo sa naturang
wika”
-Anonuevo 2018
Ngunit marami ang nais na ang
pambansang wika ay dapat na purista
lamang at di ang may varayti. Ang
nais ng iba, isang wikang rehiyonal
na di naman kasasalaminan ng
pagkakaiba ng mga lahing Pilipino.
Ang multilinguwal na Pilipinas

-binubuo ng ng humigit kumulang


pitong libo at walumpu’t tatlong
pulo.
-isandaang (100) wikain.
-Idinikta ng topograpiya ang
pagiging multilinguwal ng Pilipinas.
Buhat sa malawak na kasaysayan ng Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay kinikilala sa
kasalukuyan ang sampung pangunahing mga
wika ng bansa na kinabibilangan ng:

 Ilokano
 Pampango
 Pangasinense
 Tagalog
 Bikol
 Hiligaynon
 Sebwano
 Waray (Samar-Leyte)
 Maranaw o Maguindanaon
 Tausug
Marami pang bansa ang
Multilingguwal;
 Aruba
Maliit lamang na bansa ang Aruba na isa sa mga
bansang bumubuo sa kaharian ng Netherlands at
malapit sa Venezuela.
Dutch- opisyal na wika; tinuturo sa lahat ng
paaralan.
Ingles at Kastila- pangangailan din sa edukasyon
dahil ang mga mag-aaral ay kababakasan ng
kahusayan rito.
 East Timor (Timor-Leste)
Isang bagong bansa ang Timor-Leste.

 Timoris- tawag sa mga mamayan dito.


 Tetum- ang wikang lokal ng bansa.
 Portugese at Ingles- may kabihasaan din ang mga
tao rito.
 Indonisyan- nakakunawa sila ng wikang
Indonisyan bagamat di preperensiyang gamitin
ng marami.
 India

 Hindi at Ingles- opisyal na wika ng India at gamit


ito ng mga nakapag-aral at naninirahan sa
siyudad.
 Ingles ang higit na gamit sa Timog-India.
 Hindi at Ingles ay takda ring opisyal na wika ang
dominanteng lokal na wika ng isang estado.
“This means that a majority of educated Indians
are at least trilingual, and people who move
between states may have a working knowledge
of additional languages. So although they might
not have fluency in each one, many Indians are
able to communicate and understand four or
more languages.”
 Luxembourg

 Luxembourgish ang wika ng maliit na bansang


ito.
 Aleman (German)- may malaking impluwensiya
sa wika ng bansa .
 Luxembourgish, Pranses at Aleman ang opisyal
na wika ng bansa at sinasalita ng lahat ng mag-
aaral kasama ang pang-apat na wika, ang Ingles.
 Pranses- Opisyal na wikang pang-transaksiyon
ng kanilang Gobyerno.
 Malaysia

 Malay- opisyal na wika ng Malaysia gayong mas


maraming wika ang umiiral dito kaysa sa
Singapore.
 Bihasa ang mga Maleysian sa wikang Malay at
Ingles na parehong itinuturo sa paaralan at
malawakang ginagamit sa lungsod.
 Barayting Manglish- karaniwang ginagamit sa
kalsada.
 Dagdag sa Malay at Ingles ay nakapagsasalita rin
ng wika ng kanilang mga magulang ang mga
anak ng. Indiano.
 Mandarin- itinuturo sa mga paaralan para sa mga
lahing Tsino at may gumagamit din ng Katonis,
Hoyen at Hakka sa bahay maging sa lansangan.
 Mauritius
Ang islang ito ay palaging itinuturing na bahagi ng
Africa.
 Pranses at Ingles- wika sa paaralan ngunit
alinman sa dalawa ay di ginagamit sa karaniwang
usapan.
 Mauritian Creole- wikang umusbong sa Pranses
ngunit di maiintindihan ng nagsasalita ng
Pranses.
 May mga mula sa lahing Indian ang nagsasalita
ng wikang Bhojpuri isang diyalekto ng Hindi .
 Singapore

 Ingles,Mandarine, Chinese at Tamil ang


opisyal na wika ng Singapore.
 Gayunpaman ay hindi kakikitaan ng kahusayan
ang mga Singaporean sa pagsasalita ng mga
nabanggit na wika maliban sa Ingles.
 Singlish- karaniwang wika sa kalsada. Maari
itong makilala o maunawaan ng mga
mananalita ng wikang Ingles ngunit hirap sa
mga hiram na salita mula sa malay at dagdag
gramitika mula sa Intsik.
 South-Africa
May labing isang (11) opisyal na wika ang South
Africa.
 Afrikaan ang wikang ginagamit sa Timog at
Kanlurang bahagi ng kontinente.
 Zulu at Xhosa- pawang mga wikang lokal ni
Nelson Mandela.
 Alinmang wika na dominante sa lugar na
tinitirhan ng isang Aprikano ay may nabubuong
wika.
 Suriname
Bansang nasa hilagang Amerika.

 Dutch- wika sa bansang ito na gamit maging sa


edukasyon, kalakaran at midya.
 Sranan Tongo (Sranan) ang wikang may
impluwensiya ng Dutch.
 Ingles- wika ng mga lokal.
 Napkalaki ng populasyon ng bansang ito kung kaya’t
marami pa rin ang gumagamit ng wikang Hindi.
 Mayroon din namang gumagamit ng Javanis at
Tsaynis.
 Marami ang wika na sinasalita sa isang
bansa, mapapansin sa lahat ng mga
bansang nabanggit ang patuloy na
paggamit sa wikang may tatak ng
pagkalahi. Sakupin man ng ibang lahi
ang isang bansa, mananaig at
makapangyarihan ang sariling wika.
Ang Pagsibol ng Wikang
Pambansa
 Pang. Manuel L. Quezon ang “Ama ng wikang
Pambansa” na may ideyang isilang ang suriaan
ng wikang pambansa upang dahilan na nabuo ang
Filipino at pagyabungin ito hanggang sa
kasalukuyan.
 Sa tatlong (3) magkakaibnag panahon ng
pagbabago ng Konstitusyon ng Pilipinas,
binigyang-turing ng Kongreso noong 1935 ang
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
sa isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiiral na katutubong wika sa Pilipinas.
 Tagalog ang makapangyari rito mula sa mga
datos na nakalap hango sa makabuluhang
pananaliksik “The Language Problem in the
Philippines” nailathala noong 1935.
 Sa Brosyur na na “Madalas Itanong Hingil sa
Wikang Pambansa” na nailathala at ipinamahagi
ng Komisyon ng Wikang Filipino, sinasabing
naitala sa pananliksik ni Rojo ang mga dahilan ng
pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang
pambansa;
1. Surveys show that Tagalog enjoys advantages,
like in number of books and periodicals, over
it’s two principal rival Iloko and Bisaya;
2. Tagalog has the most highly developed
Literature of all dialects.
3. Linguistically, as well as geographically, Tagalog
occupies an intermediate position among the
dialects of the islands; at
4. Tagalog combines all the factors enumerated by
Otto Jesperson which are conducive to the
unification of dialects, like efficient communication
which promote mobility of population and ideas,
religious festivals and games which occasion great
gatherings, well developed literature of nationwide
fame ,
conscription of soldiers, strong national
government, and the rise of great towns for
centralized industrial and commercial activities.
 Masalimoot man ang pinagdaanan ng Tagalog, sa
kabutihang-palad ang wikang pambansa na noon
ay wala pang pangalan ay naitakdang maging isa
sa mga opisyal na wika ng bansa sa bisa ng
Commonwealth Act 570 , na itinadhana noong
1940.
 Sa pagsapit naman ng panahon ng Hapon, noong
1942 ay inihayag ng Komisyong
Tagapagpaganap ng Pilipinas (Philippine
Executive Commission) ang;
 Ordinansa Militar Blg 13 – nagtatakda na kapwa
Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal
na wika sa buong kapuluan (Anonuevo, Diaryo
Filipino)
 Napawalang bisa ito sa pagsapit ng Panahon ng
Amerikano at sa bisa naman ng Kautusang
Pangkagawaran Blg 7 na nilagdaan ni Jose E.
Romero.
 Itinakda sa Konstitusyon ng 1973 na itinalaga ng
Pambansang Asemblea ang hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na adapsiyon ng wikang
pambansa na makikilalang Filipino.
 Kaalinsabay nito ang implementasyon ng
Edukasyong Bilingguwal, gayundin ang mga
kautusan na pagtibayin ang Filipino sa
pamamagitan ng pagtanggap sa umiiral na mga
katutubong wika at diyalekto at maging sa mga
salita mula sa mga dayuhang wika.
 Sa Konstitusyon ng 1987 kinikilala na ang
Filipino bilang umiiral na Wikang Pambansa.
Taong 2013, sa bisa ng Kapasiyahan Blg 13-05
ng KWF, binigyan ng definisyon ang Filipino:

Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa


buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon sa
isa’t isa ng mga pangkating katutubo. Katulad ng
alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumadanas
ng paglinang at
Pagpapayaman sa pamamagitan ng mga
panghihiram sa mga katutubong wika ng
Pilipinas at mga di katutubong wika at sa
pamamgitan ng mga pagbabago sa nagiging
paggamit ng Filipino sa ibat-ibang sitwasyon at
pangyayari, pasalita man o pasulat na pahayag
ng ibat-ibang pangkating panlipunan at
pampolitika, sa loob at labas ng kapuluan, at sa
iba’t ibang paksain at disiplinang akademiko.
Ang hamon ng Mother-Tonge-
Based Multilingual Education
 Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco- naluklok na
pansamantalang punong Komisyoner ng KWF.
 Naging direksiyon ng ahensiya ang pagtangkilik
sa multilinguwalismo, katuwang ang kongresista
a representatibo na si Magtanggol Gunigundo ng
Valenzuela, isang abogado.
 Ang orihinal na House Bill Blg. 3719 na
humihikayat na ipagamit ang unang wika ng mga
mag-aaral bilang midyum ng pagtuturo ay unang
isinumite sa Senado noong 2008 na ang paksa ay
ang pagpapagamit sa unang wika bilang midyum
ng pagtuturo sa mga basikong edukasyon.
Kinatigan ito ng Kagawaran ng Edukasyon at
Isports sa pamamagitan ng paglabas ng
Ordinansa Blg. 74 na nagtatakda sa
pagsasaintitusyon ng paggamit ng unang wika ng
mga mag-aaral.
 Batay sa GMA News Online na nailathala noong
May 1, 2008 rasyonale ng mga probisyong ito
ang ss na banggit ni Representatibo Gunigundo:

“Using the langguage the child understands not


only affirms the value of the child to immediately
master the lessons in the school curriculum and at
the same time facilitates the acquisition of Filipino
and English.”
“ Language scholars around the world unanimously
say that children learn best in their own languages,
not in a foreign language, and students taught in the
mother tongue appeared to be more active and were
able to learn more.”

Napakalaki ng naging epekto ng pagsasakatuparan


ng Mother-Tongue-Based Multilingual Education o
MTB-MLE. Isa ito sa mga naging bagong
direksiyon sa pag-iimplementa ng K-12 na naging
tatak ng administrasyong Benigno “Noynoy”
Aquino III. Sa talumpati ng dating pangulo sa Third
COCOPEA National Congress, na ginanap noong
Pebrero 11, 2010 at nailathala rin sa mga pahayagan
sa Pilipinas.

Medium of Instruction Rationalized:


UNESCO has proven that young children learn best
in their mother tongue before moving on to English
in higher grades.
“ LEARN ENGLISH WELL AND
CONNECT TO THE WORLD.
LEARN FILIPINO WELL AND
CONNECT TO OUR COUNTRY.
RETAIN MOTHER-TONGUE
AND CONNECT TO YOUR
HERITAGE.”
 Sa unang sipat ay tunay namang mabuti ang
intensiyon sa pagbuhay sa mga unang wika sa
isang pook o rehiyon at pagpapagamit sa mga
mag-aaral upang matiyak ang literasiya, ngunit
laking malas ng mga nasa tersyaryong antas
sapagkat muntik sumapit ang panahon na ang
kaunting espasyo sa kolehiyo para sa pagtalakay
gamit ang wikang Filipino, ang Wikang
Pambansa, ay kitlin ng isang memorandum buhat
sa Komisyon sa lalong mataas na
pag-aaral o Commission on Higher Education at
mas kilala bilang CHED. Sa isang tula ni Propesor
Arlan Camba ng PUP, dalawang tula ang sinipi na
may kaugnayan sa isyu sa muntik nang
pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

You might also like