You are on page 1of 17

AKO ANG

DAIGDIG
NI: ALEJANDRO G. ABADILLA
ANO NGA BA ANG TULA?
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao.
Ito ay binubuo ng mga saknong at ang
bawat saknong ay binubuo ng mga
taludtod.
AKO ANG DAIGDIG
I ako
ako ang daigdig
ang daigdig ng tula
ako ang tula
ang tula ng daigdig
ako ako
ang daigdig ang walang maliw na ako
ang tula ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig
II ako
ako ang daigdig
ang daigdig ng tula ng tula
ako ako
ang tula ng daigdig
ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula
ako
III ako
ako ang damdamin
ang damdaming ang larawan
malaya ang buhay
ako damdamin
ang larawang larawan
buhay buhay
ako tula
ang buhay ako
na walang hanggan
IV daigdig
ako tula
ang daigdig ako
sa tula
ako
ang daigdig
ng tula
ako
ang daigdig
ako
PANIMULA
Panitikan noong dekada ’40
o Mapalamuti
o May tiyak na kaayusan (hal. Tugma)
Alejandro G. Abadilla
o Isa sa mga pangunahing manunula na nakilala sa paghamon
sa kasalukuyang porma ng mga tula.
o Ang pinaka-sikat sa mga ito ay ang “Ako ang Daigdig”
Ito ay isang tula na isinulat ni Alejandro
Abadilla na nagpapahayag ng sandamakmak
na maaaring maging kahulugan ng tulang ito.
‘Ako ang Daigdig’ ay nagbigay ng daan tungo
sa modernisasyon ng estruktura ng tula.
Sa pagbabasa ko sa tulang ‘Ako ang Daigdig’ ay
nakabuo ng dalawang maaaring maging
kahulugan ng mga salitang inilimbag ni
Alejandro Abadilla: pag-aaklas sa tradisyunal
na sukat at tugma ng isang tula at ang pag-
aaklas laban sa mga mananakop sa bansang
Pilipinas.
2 PAGPAPAKAHULUGAN SA
TULANG “AKO ANG DAIGDIG”

1.)  Pag-aaklas sa Estrukturang Patula


2.)  Pag-aaklas Laban sa Mananakop ng Ating
Bansa
ANO ANG TULA?
 Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan
na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng
saknong at taludtod.
3 URI NG TALUDTURAN
TRADISYUNAL NA TULA – Ito ang katutubong
kayarian ng tulang Pilipino. Binubuo ito ng mga taludtod
na may sukat at tugma.
MALAYANG TALUDTURAN (free verse) – Ito ang
makabagong kayarian ng mga tulang walang sukat at
tugma.
DI TUGMAANG TALUDTURAN o BLANKONG
BERSO (blank verse) – Ito naan ang tulang may sukat
subalit walang tugma.
ELEMENTO NG TULA
SAKNONG - Ito’y isang grupo ng mga salita sa
loob ng isang tula na may dalawa o higit pang
taludtud.
SUKAT - Isa sa mahalagang elemento ng tula.
Ito ang bilang ng pantig sa bawat talutod.
TUGMA – Ito ang pinag-isang tunog sa
hulihan ng mga taludtod.
May 2 uri ng Tugma
Tugmaang Patinig – Paraan ng pagtutugma ng
tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa
patinig.
Tugmaang Katinig - Paraan ng pagtutugma ng
tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa
katinig.
SINING o KARIKTAN – Ito ang paggamit ng pili,
angkop, at maririkit na mga salita. Nagbibigay ito ng
pangkalahatang impresyon sa mga mambabasa.
TALINGHAGA – Tumutukoy ito sa paggamit ng
mga matatalinghagang salita at tayutay.
SESURA (/) - Saglit na paghinto o pagtigil sa
pagbabasa ng tula
TONO – Ito ang diwa ng tula
PERSONA – Ito ay ang tumutukoy sa nagsasalita sa tula:
maaring UNA, IKALAWA o IKATLONG PANAUHAN.
ANYO – Ito ang porma ng tula
SIMBOLISMO - Mga bagay na ginamit sa tula na may
kinakatawang mensahe.
LARAWANG DIWA - Binabanggit sa tula na nag- iiwan ng
malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Mga
nakatagong mensahe sa mga linya ng tula.
GAWAIN 1.1
“TULA KO, SULAT KO”
 PANUTO: Sumulat ng isang tulang tumatalakay sa nararanasan
ngayon ng ating daigdig…ang pandemya. Ikaw ay inaasahang
makasusulat ng isang tulang binubuo ng 4 na saknong at bawat
saknong ay binubuo ng 4 na taludtod.
 PAMANTAYAN
 NILALAMAN - 10
 SINING - 10
 ORIHINALIDAD - 5
KABUOAN = 25

You might also like