You are on page 1of 127

ARALIN 1: Ang Asya sa Daigdig

Mahalaga sa ating mga buhay ang salitang Asya. Batis natin na ang ating lupalop na
kinatatayuan ay ang Asya. Pamilyar tao sa mga hitsura ng mga nakatira rito maging ang
mga anyong lupa at anyong tubig na naririto. Hindi rin iba sa ating paningin ang mga
nagtataasang gusali at istrukturang panrelihiyon. Pamilayar ka ba sa Asyang
pinaninirahan mo? Ano ang Asya para sa iyo? Ito ba ay isa lamang lupalop o mayroong ka
pang ibang ibig ipakahulugan sa salitang Asya?
Asya bilang Konseptong Heograpikal
• Ang asya ay isa sa pitong lupalop o
kontinente sa daigdig. Ito ang
pinakamalaking lupalop na may sukat
na 44,579,000 kilometrong kwadrado.
Ito ay halos ikatlong bahagi ng
kabuuang kalupaan ng daigdig. Mas
malaki ang Asya kaysa sa pinagsama-
samang sukat ng mga lupalop ng
Australia, Europa, at Western
Amerika. Ang Asya rin ang may
pinakamahabang baybayin ng
mayroon sukat na 62, 800 kilometro.
Pinaghati-hating Lupalop
• Dahil sa laki nito, ang Asya ay hinati rin sa maraming paraan. Hinati ang Asya ayon
sa mga kardinal na lokasyon, kagaya ng hilaga, kanluran, silangan, timog, at timog-
silangan. Hinati rin ang Asya sa paraan na ang oryentasyon ay ang Europa kaya
naman mayroong malapit na silangan, gitnang silangan, at malayong silangan.
Nariyan din ang pagkakahati na batay sa mga magkakalapit na mga bansang lubos
na magkakaugnay ang ekonomiya at pamumuhay. Nariyan ang bahagi ng Asya-
Pasipiko at ang bahagi ng bayan ng mga Arabo bilang ilang halimbawa. Nagbunga
ang paghahating ito sa iba’t-iba, at kadalasang nakalilitong, mga katawagan.
Nagpapatunay lamang ito na ang Asya bilang bahagi ng daigdig ay tunay na
malaki at komplikado.
Asya bilang Konseptong Kultural
• Ang pangalang Asya ay nagmula sa salitang Griyego na Asie. Mula ito sa pangalan ng isang nimpa ng
karagatan sa mitolohiyang Griyego na pinaniniwalaang nagmula sa dulong silangan ng Europa. Ayon pa
sa mitolohiya, siya ay asawa ni Prometheus, isang Titan na lumilikha sa sangkatauhan. Ang pangalan
namang ito ay pinaniniwalaang hango sa salitang Akkadian na asu na ang ibig sabihin ay lumabas at
bumangon, marahil dahil sa bahaging ito namamataang sumisikat ang araw. Si Herodutus, ang ama ng
kasaysayan, ang unang sumulat at tumukoy sa bahaging ito ng daigdig bilang Asya noong 440 BKP.
• Ang mga pangkat ng tao at mga pamayanang dati nang naninirahan sa bahaging ito ng daigdig
ay may sari-sariling tawag sa kanilang maliliit na lupain. Hindi pa nila lubos na nababatid na sila
ay nasa isang lupalop at hindi rin nila ito tinatawag na Asya noon.
• Sa mahabang panahon, kaakibat ng Asya bilang konseptong kultural ang mga katangiang
kakaiba sa pananaw ng mga taga Europa, tradisyunal, at ispiritwal. Naririyan din ang mga
tradisyon at disiplinang panlipunan, pampamilya, at pangdaigdigang relihiyo. Kaakibat na ng
pag-unlad ng kasaysayan ng Asya ang mga ganitong uri ng pagpapakahulugan.
Katangian ng Kultura ng Asya
• Nagbigay ang historyador na si Colin Mason ng mga higit na kapuna-
punang katangian ng Asya bilang konseptong kultural. Ayon sa kaniya,
ang Asya ay kakikitaan ng mga ekonomiyang kolonyal. Maaaring may
ilang mga bayan at bansa nang bumabangon na mula rito, ngunit
nariyan pa rin ang mga bayan at bansang nakasandig sa mga
malalakas na ekonomiyang dating sumakop sa kanila.
• Mayroong yugto sa kasaysayan ng Asya na halos lahat ng bansa at
bayan dito ay nasakop ng mga makapangyarihang mga bansa
• Dito, sila ay nagdala ng kanilang mga batas at alituntunin, mga
paniniwala at relihiyon, mga tradisyon at pagpapahalaga.
• Buhay na buhay parin ang mga sistemang naiwan at sadyang napakahirap ng
baguhin o hindi naman kaya ay ibalik sa dati. Ang kabuhayan at ekonomiya
ng Asya sa kasalukuyan ay mayroong ganitong katangian.
• Ikalawa sa mga kapuna-punang katangian ng Asya ay ang malaking agwat sa
pagitan ng mga mayamang mamamayan at mahihirap na mamamayan ng
isang bansa. Maaaring bunga ito ng pagkakaroon ng kolonyal na ekonomiya
ng maraming bansa at bayan sa Asya. Umuusbong ang hindo
pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa Asya. Ilan sa mga tuwirang
dahilan ng agwat na ito ay ang:
• Hindi pantay na sahod ng mga manggagawa sa isang bansa at sa iba pang mga bansa;
• Hindi pantay na pagtrato at pagbibigay ng opotunidad sa mga manggagawang walang
kasanayan at sa mga manggagawang mayroong kasanayan;
• Polisiyang nilikha ng pamahalaan at pagbubuwis; at
• Edukasyon at iba pang institusyong panlipunana.
Asyanong Pagpapahalaga
• Pagkakabuklod- buklod ng mga miyembro, mapa-pamilya man ito o
mapalipunan. Nais ng mga Asyano na laging magkakasama tungo sa iisang
hangarin o mithiin.
• Pangkalahatang kapakinabangan ang iniisip ng mga Asyano. Kahit ang sariling
kapakanan ay handa nilang isakripisyo para sa ikaaayos ng lahat. Ganito rin
ang inaasahan sa lahat ng miyembro ng pangkat o lipunan.
• Mataas ang pagpapahalaga ng mga Asyano sa edukasyon. Ito ang nagbibigay
kapangyarihan sa kanila upang maabot ang mithiin. Dito rin nag-uugat ang
pagnanais ng mga Asyanong maisulong ang teknolohiya.
• Ang mga Asyano ay kilala sa pagiging masinop. Sila ay laging nag-iipon at
naghahanda para sa mga makabuluhang bagay.
Asya bilang Konseptong Politikal
• Mayroong humigit-kumulang na limampung bansa sa Asya, Ang mga bansang ito
ay mayroong iba’t ibang anyo, ideolohiya, at pamamaraan ng pamamahala. Iba-
iba rin ang mga anyo ng kani-kanilang mga batas at alituntunin. Mayroon mga
kaharian sa Asya. Mayroong ding mga republika, sosyalista, sultanato, at nasa
ilalim ng diktadurya at pamahalaang totalitaryanismo.
• Kahit ang konsepto ng demokrasya ay banyaga sa Aysa. Kay naman nag ito ay
dumating sa lupalop ng Asya, binigyan ito ng mukha. Ang kapangyarihan mula sa
mamamayan ay nalimitahan. Ang kalayaang pangako ng demokrasya, ay
nagkaroon ng karampatang bigat ng responsibilidad at tungkulin. Ilan sa mga
ideolohiyang pampamahalaan at pang-ekonomiya ang binigyan ng bagong mukha
sa Asya.
ARALIN 2: Katangiang Pisikal ng Asya at mga
Likas na Yaman Nito

• Ang lupang ating tinatapakan at nilalakaran ay bahagi ng lupalop ng


Asya. Ang mga bahaging papataas at pababa, maging ang mga
bahaging mayroong tubig at ang uri ng panahon sa ating kapaligiran
ay ang mga katangian nito. Ano-ano naman ang mga anyong lupa at
anyong tubig ang iyong makikita sa iyong kapaligiran? Alam mo ba
ang mga anyong lupa at tubig na ito? Sa paanong paraan ka
naapektuhan sa mga ito?
Mga Hangganan at Pagkakahati ng Asya
• Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ang lupain nito ay katumbas ng 30
porsyento ng kalahatang lupain na mayroon ang ating dagidig. Sa lawak ng lupain ng Asya ay
matatagpuan dito ang iba’t ibang anyong lupa at tubig na nagbibigay rilag sa kontinente.
Mararanasan rin dito ang iba’t ibang uri ng panahon na nakaaapekto sa mga taong
naninirahan rito.
• Ang karagatang Artiko ang nagsisilbing hangganan ng Asya sa hilagang bahagi nito.
Matatagpuan sa hilagang Asya ang Siberia, ang pangalan ng rehiyon ng bansang Rusya na
matatagpuan sa kontinenteng ito. Halos umaabot na sa Hilagang Polo ang pinaka-hilagang
bahagi ng Asya. Ang Karagatang Indyano naman ang nagsilbing hangganan ng kontinente sa
katimugang bahagi ito. Isa pang karagatan ang nagsisilbing hangganan ng Asya at ito ay ang
Karagatang Pasipiko na matatagpuan naman sa silangang bahagi ng kontinente. Ang
hangganan ng kontinente sa kanlurang bahagi nito ay nagsisimula sa Dagat na Pula at kanal
ng Suez. Ito ay nagpapatuloy sa Dagat Mediterano, Kipot ng Bosporus, Dagat ng Marmara,
Dagat Itim, Kabundukan ng Caucaso hanggang Bulubundukin ng Ural.
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya
• Ayon sa pag-aaral ng heologo, nagsimulang mabuo ang kontinento ng Asya noong
panahon ng Precambrian o apat na bilyong taon na ang nakalipas sa
pamamagitan ng paggalaw ng mga tectonic plates. Ang Asya ay binubuo ng iba’t
ibang mga tectonic plates na gumugalaw at siyang humuhulma sa pisikal na
katangian ng kalupaan ng kontinente. Ang malaking bahagi ng Asya at halos
kabuuan ng Europa ay nasa ibabaw ng Eurasian plate. Ang ibang parte naman ng
Asya ay nasa ibabaw ng iba pang mga tectonic plates tulad ng Indian plate sa may
bandang timog, Arabian Plate sa may bandang timog-kanluran, at Philippine Plate
sa may bandang Silangan.
Mga Anyong Lupa
• BiIang isang malawak na kontinente, matatagpuan sa Asya ang ibat rbang ura ng
anyong a anyong tubig. Isa na rito ay ang bundok mataas na anyong lupa. Sa Asya
mataragpuan ang ilan sa pinakamatataas na bundok sa daigdig rulad ng Bundok
Everest na pinakamataas daigdig at K2 na pangalawa naman sa pinakamataas sa
mundo. Ang grupo ng mga bundok na ito ay tinatawag na bulubundukin ar
maraming ganitong uri ng anyong lupa ang matatagpuan sa Asya. Halimbawa na
lamang ay ang bulubundukin ng Himalayas na matatagpuan sa Timog Asya at
itinuturing na pinakamataas na bulubundukin sa mundo.
• Maraming aktibong bulkan ang matatagpuan sa Asya. Karamihan sa mga aktibong
bulkan na ito ay matatagpuan sa Silangang Asya na bahagi ng tinatawag na Pacific
Ring of Fire.
Mga Anyong Tubig
• Dalawang karagatan ang nakapaikot sa kontinente ng Asya. Ito ay ang
karagatang Pasipiko na pinakamalawak na karagatan sa daigdig na
matatagpuan sa silangan at ang karagatang Indiano na matatagpuan
naman sa katimugang bahagi ng kontinente. May mga dagat din na
nakapalibot at matatagpuan sa Asya. Ilan dito ay ang Dagat
Mediteraneo Dagat Pula ar Dagat Itim, at Dagat Arabo sa kanluran.
Samantalang ang Dagat Silangang Tsina. Dagat ng Hapon, Dagat
Kanluran Pilipinas, at Dagat Pilipinas ay matatagpuan sa Silangan Sa
Timog naman ay matatagpuan ang Dagat Andaman.
Mga Klima sa Asya
• Dahil sa lawak ng Asya, ibat ibang uri ng klima ang maaaring maranasan sa kontinente. Sa
pinakahilaga ng kontinente ay mararanasan ang klimang Polar kung saan halos buong taon ay
taglamig at ang kalupaan ay nababalot ng yelo.
• Ang klima sa rehiyong tundra ay may mahabang tag-lamig ngunit mayroon itong maikling
panahon ng tag-araw.
• Pagkatapos ng rehiyong tundra ay matatagpuan ang rehiyong taiga na mas nakararanas ng mas
matagal na tag-araw.
• Maliban a malalamig na lugar. may mga lokasyon din sa Asya na mas mahaba naman ang panahon
ng tag-init. Ang ilan sa mga rehiyon ng kontinente tulad na lamang ng kanluran at gitnang bahagi
ay nakararanas ng matagal na panahon ng tag-init. Sa sobrang tagal at tindi ng panahon ng tag-
init ay halos disyerto na ang kalupaan.
• Tropikal na rehiyon naman ang lupain na nakararanas ng matagal na panahon ng tag-ulan at
kalimitang matatagpuan malapit sa ekwador.
Mga Likas na Yaman ng Asya
• Sa lawak ng kontinente ng Asya ay iba’t ibang likas na yaman ang
matatagpuan dito. Ang mga likas na yaman na ito ay nagmumula sa
ilalim ng lupa, sa mga kakahuyan, o sa mga malalalim na anyong
tubig. Likas na yaman din ng kontinente amg matabang lupa nito na
pinagtatamnan ng iba’t ibang mga produktong agrikultural.
• Yamang Lupa
• Yamang Tubig
• Langis at Mineral
Mga Kilalang Produkto mula sa Asya sa
Kasaysayan
• Mula pa noong sinaunang panahon ay may mga kilalang produkto na
ang Asya na inaangkat mula sa iba pang lupalop. Maraming
manlalayag, manlalakbay, at mangangalakal mula sa ibat ibang bahagi
ng mundo ang sinasadya ang Asya upang makuha ang mga kakaibang
produkto nito. Nagkaroon pa ng ruta mula Europa o Aprika patungong
na tinawag na Daang Sutla or Silk Road. Ito ay ruta ng kalakalan na
ipinangalan sa isa a pinakakilalang kalakal ng Asya.
• Nagkaroon pa ng ruta mula Europa o Aprika patungong na tinawag na
Daang Sutla or Silk Road. Ito ay ruta ng kalakalan na ipinangalan sa isa
a pinakakilalang kalakal ng Asya.
• Naging tanyag din ang Asya dahil sa mga produkto na pampalasa. May
isang lugar sa kontinente na tinatawag na Pulo ng Pampalasa o Spice
Island kung saan dito tumutubo ang mga halamang pampalasa. Dahil
dito lamang tumutubo ang mga halamang ito noon, naging mahal ang
halaga nito sa pandaigdigang komersyo. Ang paghahanap ng ruta
mula Europa hanggang sa Pulo ng Pampalasa ang naging dahilan ng
ilang mga pangyayari na bumago sa kasaysayan hindi lamang ng
dalawang lupalop kundi ng buong daigdig.
Mga
Bansa sa
Asya at ang
Mga Asyano
Ang larawan ay isang bilugang
representaysong ng daigdig.
Ipinakikita nito ang Asya at ang
posisyon nito sa daigdig. Makikita rin
na dahil da laki at lawak ng lupalop
na ito, binubuo ito ng hindi lamang
isang bayan at bansa. Bagkus,
maraming bayan at bansa ang
mamatgpuan dito. Sa katunayan, ang
mga bayan at bansa pa nga ay
pinangkat-pangkat sa mga rehiyon.
Sa paanong paraan makakatulong
ang paghahati-hato sa Asya sa mga
rehiyon? Gaano ka kapamilyar sa
mga rehiyon ng Asyang ito?
Kanluran at Gitang Asya
Nasa limampung mga malalayang bansa ang matatagpuan sa Asya. Ang mga bansang ito ay
napapangkat sa limang pagkakahati sa nakabatay sa heograpiya, kultura, at politika. Ang mga
rehiyong ito ay ang Kanlurang Asya, Gitnang Asya, Timog Asya, Timog-Silangan Asya, at
Silangang Asya.
Kanlurang Asya
• Ang Kanlurang Asya ang pinakamalapit sa mga lupalop ng
Europa at Aprika. Dahil sa lokasyong heograpikal at pagiging
daanan ng mga umaalis at pumupunta sa tatlong lupalop,
tinawag ang rehiyon na sangangdaan ng mga kabihasnan o
crossroads of civilizations. Maliban sa Kanlurang Asya,
tinatawag din itong Southwest Asia, Near East, at sa
makabagong panahon Middle East.
• Dito matatagpuan ang Dagat na Itim, disyerto ng Dash-e
Kavir at Dash-Lut na naghihiwalay nito sa Gitnang Asya. Ang
Suez Canal naman ang naghihiwalay sa rehiyon sa lupalop ng
Aprika. Mainit at tagtuyot ang klima sa rehiyon. Nagbibigay
naman ng tubig sa tuyot na kapaligiran ang ilang ilog at
lawa. Sa rehiyong ito matatagpuan ang kambal na Ilog ng
Tigris at Euphrates at Ilog Jordan. Ganun din ang mga lawa
tulad ng Dead Sea at Dagat ng Galilee.
• Kilala ang rehiyon sa produkto nitong langis at natural na
gaas at itinuturing na may pinakamalaking deposito nito sa
daigdig. Nagdala ang langis ng kaunlaran sa rehiyon at
tinawag itong black gold.
Gitnang Asya at Siberia
Nasa bandang gitna ng lupalop ang Asya ang
Gitnang Asya o Central Asia. Maliban sa
kaugnayang heograpikal ay malakas din ang
ugnayang politikal ng mga bansang kasama
rito. Walo sa siyam na bansa sa Gitnang Asya
ay dating sakop ng bansang Unyong Sobyet.
Naging malaya ang walong bansa noong
taong 1991 nang bumagsak ang Unyong
Sobyet.
Ang mga kabundukan ng Ural at Caucaso ang
naghihiwalay sa rehiyong ito sa lupalop ng
Europa. Ang pangunahing topograpiya ng
rehiyon ay kapatagan, kabundukan, at
disyerto. Sa rehiyong ito matatagpuan ang
pinakamalaking lawa sa mundo - ang Dagat
Caspian. Islam at Kristiyanismo ang mga
dominanteng relihiyon sa rehiyong ito.
Timog Asya
Matatagpuan ang Rehiyon ng Timog Asya sa
katimugang bahagi ng kontinente. Tinatawag din
na Indian subcontinent ang rehiyon dahil ayon sa
mga heologo ay hindi ito nakapatong sa Indian
tectonic plate at hindi rin kasama sa Eurasian
Plate. Matatagpuang sa hilaga ng rehiyon ang
kabundukan ng Himalayas na siyang
naghihiwalay nito sa Silangang Asya.
Dahil sa pagiging malalupalop ng rehiyon ay
matatagpuan dito ang iba't ibang produkto,
ngunit mas kilala ang rehiyon sa produktong
bulak at tela. Kilala rin ang rehiyon sa mga
naglalakihang pabrika ng iba't ibang produkto. Sa
rehiyon nagmula ang ilang sa pangunahing
pananampalataya tulad ng Hinduism, Budhism,
Sikhism, at iba pa.
Silangan at Timog-Silangang Asya
Ang Silangan at ilang bahagi ng Timog-Silangan Asya ay tinatawag sa kasaysayan bilang Orient, Far East dahil sa
layo nito sa Europa. Ang karagatng Pasipiko ang hangganan nito sa silangan, samantalang ang Disyerto ng Gobi na
painakamalamig na disyerto naman ang hangganan ng rehiyon sa kanluran at naghihiwalay nito sa Gitnang Asya.

Silangang Asya
Ang hilaga ng rehiyong ito ay ang Siberia. Sa rehiyon matatagpuan ang ilog tulad ng Yangtze at Hunag Ho. Ang
klima ng rehiyon ay temperate at nakararanas ito ng apat na panahon. Hindi lamang heograpikal ang nagbubuklod
sa rehiyon ngunit pati narin kultural. Ang pangunahing pananampalatay sa rehiyon ay Budismo, Confucianismo, at
Taoismo. Pangunahing produkto sa rehiyon ay produktong pang agrikultura. Kilala rin ang rehiyon na ito sa
produktong elektroniko at makina na inaangkat ng ibang mga bansa. Tinaguriang tiger economy ang mga
ekonomiya ng mga bansa sa rehiyong ito dahil sa bilis ng kanilang pag-unlad. Sa rehiyong ito matatagpuan ang
Tsina, ang bansa na may pinakamataas na populasyon.

Timog-Silangang Asya
Tinatawag din itong Indotsina dahil sa malakas na impluwensiya ng India at Tsina sa iba't ibang aspekto ng
pamumuhay sa rehiyong ito. May dalawang pagkakahatng heograpikal ang Timog-Silangan Asya, ito ay ang
tangway na bahagi o Peninsular Southeast Asia at ang kapuluam na bahagi o Insular Southeast Asia na tinatawag
din Maritime Southeat Asia.
Ang Asyano
Hindi lamang lupa, tubig, hayop, at mga halaman ang bumubuo sa Asya. Ang lupalop ng
Asya ay binubuo rin ng mga tao. Ang mga Asyano ang mamamayan ng lupalop nito.
Mahalagang bahagi ng Asya ang tao at ang mga pamayanan dito. Ang mga Asyano ang
humuhubog sa lupalop na ito sa pamamagitan ng pakikinabang sa mga yamang likas na
naririto.

Populasyon at ang Yamang Tao sa Asya


Ang kabuuang populasyon ng Asya sa kasalukuyan ay higit sa apat na bilyong katao. Ito ay
katumbas ng apat na kalahating bilyong katao na higit sa kalahati ng populasyon ng buong
daigdig. Hindi malayong may mga malalawak na lupain sa Asya na walang naninirahang
tao. Noong 1970, ang populasyon ng Asya ay higit sa dalawang bilyong katao. Noong 1970
naman, naging tatlong bilyong katao. At ngayon, meron tayong humigit-kumulang 4.6
bilyong katao na naninirahan sa Asya. Sa taong 2030 naman inaasahang magiging limang
bilyon na ang bilang ng tao sa lupalop.
Ang bansang India at Tsina ang nangunguna sa may pinakamalaking bilang ng populasyon
sa loob ng Asya. Ang bansang India ay mayroong humigit-kumulang 1.8 bilyong katao na
naninirahan. Sa bansang Tsina naman mayroong humigit-kumulanhg 1.6 bilyong katao.
Iba't Ibang Uri ng Pamayanan at Kaunlaran
Maraming tao ang naninirahan sa Asya. Ang bawat tao rito ay may sariling kakayahan na lubos na kakaiba.
Kahit na mayroong mga pagkakataong magkakamukha o magkakahawig ang mga Asyano, sila pa rin ay
magkakaiba. Dahil dito, Ang Asya rin ay binubuo ng maraming pangkat ng tao. Ang mga pangkat na ito ay
madalas na ituring na pamayanan sapagkat ang mga miyembro nito ay mayroong magkakaparehong mga
katangian. Ang mga katangiang ito ay maaaring pinanggalingan, wika, pagkakakilanlan, o pananampalataya.

Mga Pangkat-Etniko sa Asya


Isa sa mga pinakamahahalagang pagpapangkat sa mga taong naninirahan sa Asya ay ang pagpapangkat batay
sa wikang sinasalita. Ang wiksa ay salamin ng mundo ng nagsasalita nito. Iti ang nagbubuklod sa maraming tao
sapagkat sa parehong wika sila nagkakaunawaan, Dahil sa laki ng Asya, marami ang wikang sinasalita rito.
Ang kanlurang Asya, ang wika at kultura sa rehiyong ito ay Arabo, Assyrian, Kurds, Persian, at Turko. Sa Gitnang
Asya naman Islam at Budismo dominanteng relihiyon. Sa Timog Asya, ang mga pangunahing relihiyon dito ay
Hinduismo, Budismo, Jainismo, at Sikhismo. Sa Silangang Asya naman ang mga pangunahing relihiyon dito ay
Confucianismo, Budismo, at Taoismo. Dahil sa laki ng populasyon ng Tsina, ang mga mamamayang Tsino nito
ay mayroong malaking impluwensiya sa kultura ng bahaging ito ng Asya. Sa Timog-Silangang Asya naman,
Budismo, Kristiyanismo, at Islam ang mga pangunahing relihiyon. Malaki ang naging epekto ng mga Tsino at
Indyano sa paghubog ng mga pamayanan sa Timog-Silangang Asya.
Prehistorikong
Asya at ang
Paghubog
ng Sinaunang
Kabihasnan
nito
Ang Daigdig sa Yugto ng Quartenary
• Nagsimula ito noong 2.6 milyong taon ang
nakalilipas at nagpapatuloy hanggang sa
kasalukuyan.
• Ang daigdig sa Yugto ng Quartenary ay binubuo ng
mga malalawak na karagatan at mga bahagi ng
pagkakawatak-watak ng malaking lupalop ng
Pangaea.
• Nahahati ang Yugto ng Quartenary: Pleistocene at
ang Holocene. Ang Pleistocene ay bahagi ng yugto
ng Quartenary, kung saan pasalit-salit na
lumawalawak at lumiliit ang mga nagyeyelong
bahagi ng daigdig sa mga rehiyong polar. Ang
tawag sa prosesong ito ay glaciation o panahaon ng
yelo. Ang Holocene naman ay ang pagtatapos ng
huling malawakang pagyeyelo sa mundo. Sa
pangyayaring ito, tuluyan nang natunaw ang
malaking bahagi ng mga yelo at tumaas nang husto
ang lebel ng tubig-dagat hanggang sa maabot nito
ang kasalukuyang anyo nito.
Panahong Prehistoriko sa Asya
Mula sa Aprika
Ang panahong prehistoriko sa Asya ay ang panahong nagsimula ilang milyong taon na ang nakalilipas
bago maimbento ang anumang pagsusulat ng mga pangyayarri. Ang tangi nating ebidensya sa ating
kaalaman sa panahong ito ay nakabatay sa mga pag-aaral at pagsusuri sa mga labi ng mga sinaunang
tao.

Ang mga Unang Toa sa Mundo


Hindi lubusang tiyak kung saan at paano nagsimula ang buhay ng tao sa mundo. Hindi pa kaya ng
kaalaman natin sa kasalukuyan ang pagtukoy sa ating tunay na pinagmulan. Ngunit mahalaga ang
mungkahi mula sa agham sapagkat ang kanilang batayan ay mga patotoo mula sa kanilang pagsisiyasat.

Ipinapanukala na ang mga tao ay nagmula sa mga may buhay na binubuo lamang ng isa i iilang mga
selyula o cell. Mula sa mga sinaunang mag buhay na ito, umunlad ang mga selyula na ito at naging
komplikadong may buhay. Ang isang selyula ay naging mga sinaunang hayop at mula rito ay nagsanga-
sanga na ang iba't ibang uri nito.
Labing-apat na milyong taon ang nakalilipas nang lumitaw ang mga lahi
ng unngoy na pinagmulan ng tao. Ayon sa agham na genetics, sa mga
lahi ng matsing na ito unang natgpuan ang mga katangian at pagkilos
ng tao. Anim sa milyong taon naman ang nakalilipas nang ang pagtayo
gamit lamang ang dalawang paa ay naisasakilos na ng mga matsing na
ito. Ang lahing ito ng mala-taong matsing ay tuluyan nang humiwalay
rito at tinawag na mga hominid. Nakita na rin sa panahong ito ang
lubos na nilang pagkakaiba sa matsing. Mas malaki na ang kanilang mga
ulo sapagkat lumaki rin ang kanilang mga utak. Ilan sa mga patunay nito
ang nahukay na labi ng mga Australopithecus sa silangang bahagi ng
lupalop ng Aprika.
Pagdating ng mga Homo Erectus
Ang Homo Erectus georgicus ang pinakamatandang uri ng taong namuhay sa
Asya. Ito ay nahukay sa Dmanisi sa bansang Georgia. Ang labi ng Homo erectus
georgicus ay mayroong mga katabing labi ng ilang hayop gaya ng mga lobo,
tigre, ata marami pang iba. Mayroon ding mga natagpuang kagamitang bato
malapit dito. Nagpapatunay ang mga ebidensyang ito na namuhay ang uri ng
taong ito sa bahagi ng Asya sa mga panahong ito.
Ipinanukala na ang Georgia, bahagi ng Gitnang Asya, ay nagsilbing daanan ng
mga sinaunang tao noong sila ay nagsimulang mandarayuhan mula sa lupalop
ng Aprika. Mula sa pandarayuhang ito, umusbong ang mga bagong pamayanan
sa Asya. Ilan sa mga dahilan ang pandarayuhan ay ang pagbabago ng klima,
pagkaubos ng mga kapakinabangan o pinagkukunang-yaman, at marahil ang
paghahanap ng mas mainam na tahanan.
Sa panahong ito, 2 hanggang sa 1.8 milyong taon na ang nakalilipas, ang Asya
ay mas malaki ang lawak ng lupain kaysa sa kasalukuyan. Mayroong mga
bahagi ng lupa noon na hindi pa lumulubog sa tubig ng mga karagatang
nakapalibot dito. Malamig din ang klima ng kalakhang Asya, sapagkat sa
panahong ito, ang panahong Pleistocene, ay madalas na makaranas ng tag-
yelo. Sa mga panahong natutunaw naman ang yelo, nagkakaroon ng mga lawa
at malalawak na mga ilog.
Homo Erectus
• Ang Yugto ng Quartenary ay tinatawag
ding panahon ng mga tao, sapagkat
kabilang sila sa mga mammal na
lumaganap sa panahong ito.
• Umunlad ang tao noong 1.9 million years
na ang nakalipas sa Aprika at dito
umusbong ang mga Uri ng Homo Erectus.
• Ang ibig sabihin ng Homo Erectus ay taong
nakakatayo ng tuwid.
• Sila ay nagsimulang mandarayuhan at
manirahan sa maraming bahagi ng
daigdig; Homo erectus georgicus; Peking
Man; Java Man.
Paglalakbay ng Homo erectus sa Asya
Makalipas ang dalawa hanggang tatlong milyong taon, naabot na ng mga sinaunang tao ang Silangan at Timog-Silangang Asya. Ang ating
mga patunay na silay ay nandayuhan ay ang nahukay na mga labi ng mga Homo erectus sa Tsina at sa Indonesia. May edad na 1.6 milyong
taon ang Homo erectus o mas kilala sa tawag na Taong Java. Nahukay ang mga labi nito sa Pulo ng Java sa bansang Indonesia.
Pagdating at Pagdami ng Modernong Tao
Isang daang libong taon naman ang nakalipas nang ang modernong tao, ang Homo sapiens, ay
namuhay at nandarayuhan sa lupalop ng Asya mula rin sa Aprika. Makalipas lamang ang apatnapung
taon, kumalat na ang mga ito sa halos lahat ng sulok ng Asya, maging sa mga kapuluang bahagi nito.
Ang Homo sapiens
Ang Homo Sapiens ay maaaring umunlad mula sa uri ng Homo erectus, ngunit maaari din namang
magkaiba sila ng uri ng sinaunang tao na umunlad sa magkaibang panahon. Ang teoryang ito ay
pinagtataluan parin ng mga eksperto hanggang sa ngayon. Homo Sapiens ang pangalang binigay sa
uri ng tao na galing din sa Aprika na nagsimulang umusbong isang daan libong taon na ang
nakalilipas. Mas malaki ang utak ng mga Homo sapiens kaysa sa mga Homo erectus.
Tinagurian din ang mga ito bilang modernong tao sapagkat ang mga Homo sapiens ang tuwirang mga
ninuno ng mga tao sa kasalukuyan. Halos lahat ng hayop at halaman ay kinakain ng mga Homo
sapiens. Pinaniniwalaan rin sila na mayroon nang kakayahaang makipag-usap at maipahayag ang
kanilang mga kaisipan sa wikang hindi pa lubos na nauunawaan ng mga kasalukiyang mga pag-aaral.
Sila rin ay nandarayuhan sa Asya at Europa mula sa Aprika.
Cro-Magnon ang tawag sa mga unang Homo sapiens sapiens na namuhay sa daigdig. Itinuturing ang
mga ito bilang modernong tao. Ang mga labi nila ay matatagpuan sa ilang bahagi ng Europa, at iba
pang mga bahagi ng daigdig.
Homo Sapiens
• Ang Homo Sapiens ay maaaring umunlad mula sa
uri ng Homo Erectus, ngunit maaari din naman
magkaiba sila ng uri ng sinaunang tao na umunlad
sa magkaibang panahon.
• Homo Sapiens ang pangalang binigay sa uri ng tao
na galing din sa Aprika na nagsimulang umusbong
isang daang libong tao na ang nakalilipas.
• Tinagurian din ang mga ito na bilang modernong
tao sapagkat ang mga Homo Sapiens ang tuwirang
mga ninuno ng mga tao sa kasalukuyan.
• Halos Lahat ng halaman at hayop ay kinaknila nila.
• Pinaniniwalaang ang mga Homo Sapiens ay meron
ng kakayahang makipagusap at maipahayag ang
kanilang mga kaisipan sa wikang hinid pa lubos na
nauunawaan ng mga kasalukuyang mga pag-aaral.
Mga Sinaunang Pamayanan sa Asya
Panahong Paleolitiko at Mesolitiko
Ang mga panahong Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko ay mga panahon kung saan ang mga pangunahing
kagamitan at kasangkapan ng mga sinaunang tao ay gawa sa bato. Ang ibig sabihin ng Paleolitiko ay panahon ng
lumang bato sapagkat ang yugtong ito ay nagsimula sa panahong natutong gumamit ang mga sinaunang tao ng
mga kagamitan at kasangkapan gawa sa bato.
Ang layunin lamang sa paggamit ng mga ito ay upang maisakatuparan ang pagpatay, pagdurog, o pagputol sa
pagkain. Sa panahong ito, ang mga sinaunang tao at ang kanilang mga kapamilya ay nagbubuklod-buklod upang
bumuo ng maliliit na pangkat. Ang kanilang mga pangunahing pinagkukunan ng pagkain ay sa pamamagitan ng
pangongolekta ng mga halamang pagkain, pangangaso, at pangingisda. Sa panahong kakaunti na lamang ang
kapakinabangan, sila ay lilipat na ng tirahan. Sa panahon ding ito natuklasan ang paraan ng paglikha at
paggamit ng apoy sa maraming bagay.
Ang panahong mesolitiko naman ay ang panahon na nasa pagitan ng Paleolitiko at Neolitiko. Sa panahong ito,
unti-unti nanag lumalaki at dumarami ang mga pangkat ng tao. Patuloy pa rin ang kanilang pagpapalipat-lipat
ng tirahan upang makahanap ng mapagkukunan ng pagkain. Mas tumaas ang kompetisyon kaya naman lahat
ng maaaring kainin ay sadyang mahalaga. Hindi na lamang simpleng pagpukpok ang kanilang ginagawa sa
pagkuha ng pagkain. Ang layunin ay upang mapabulis ang gawain.
Panahong Neolitiko
Ang ibig sabihin ng Panahong Neolitiko ay
panahon ng mga bagong bato sapagkat sa
panahong ito, nagkaroon ng lubos na maraming
gamit ang mga kagamitang bato. Ginagamit na
nila ito sa pagtatanim. Ginagamit na nila ang
kanilang kagamitang bato sa pagbubungkal at
paghuhukay ng lupa. Natutunanan na nilang mga
tanim ng halamang pagkain, at pag-aalaga ng
mga hayop. Dahil dito, hindi na nila kinailangan
pang magpapalit-palit ng tirahan.
Sa Panahong Neolitiko unang naranasan ng
daigdig ang isang rebolusyo, ang rebolusyong
agrikultural, kung saan biglaan ang pagdami ng
mga pamayanang nagtatanim ng mga halamang
pagkain. Dahil dito, unang umusbong ang mga
malalaking pamayanan na unti-unting nabuo
bilang mga lungosd at estado.
Panahon ng Metal
Ang pinakahuling yugto sa pag-unlad ng teknolohiya
sa panahong prehistoriko ng daigdig ang Panahon ng
Metal. Hindi kagaya ng bato, ang metal ay hindi
basta-basta matatagpuan sa kapaligiran. Ang mga
metal ay nakahalo sa mga malalaking bato o hindi
naman kaya ay nahuhukay sa ilalim ng lupa. Mas
mahirap ang pagkuha ng materyales na ito sapgakat
ang metal ay minimina. Mahabang proseso,
kinakailangan nang mataas na uri ng pag-iisip at
kasanayan upang makagawa ng kagamitang gawa sa
metal.
Ang Panahong Metal ay panahon din sa pag-usbong
at paglago ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Ang bawat yugto ring ito ay naghuhudyat ng pag-
unlad naman sa paggawa ng mga kasangkapan at
paggamit ng mga bagay na gawa sa iba't ibang metal.
Pagtatanim at Paglago ng Pamayanan

Naging malaki ang epekto ng pagkatuto ng mga tao na magtanim. Itinuturing ito
bilang ang pinakaunang malawakan at mabilis na pagbabagong kultural. Dahil sa
pagtatanim, maraming mga suliranin ng mga tao ang nasolusyonan. Nabawasan
ang hirap ng paglipat-lipat na pamumuhay, pagkamatay ng mga tao dahil sa sakit,
pagbabago ng klima, at pag-atake ng mababangis na hayop. Dahil din dito,
nagkaroon ang mga tao ng ilang sobrang oras sa isang araw upang makagwa
naman ng iba pang bagay tulad ng sining. Higit sa lahat, dahil sa pagtatanim,
dumami ang populasyon. Hindi na lamang yungib ang naging mga tirahan nila,
kundi pati na ang mga kapatagang malapit sa mga bahagi ng tubig na mainam
pagtamnan. Mula sa mga pangkat ng taong agrikultural na ito, uusbong naman ang
mga sinaunang pamayanan sa Asya.
Paghubog ng Sinaunang Kabihasnan
sa Asya
Kabihasnan: Mga Dahilan at Katangian Nito
Ang sinaunang kabihasnan ay umusbong dahil sa pag-unlad ng
pamumuhay ng mga pamayanan. Ang salitang "kabihasnan" ay nagmula sa
ugat na salitang "bihasa," na ang ibig sabihin ay mayroong sapat na
kasanayan. Ang kabihasnan ay tumutukoy sa mataas na uri ng pamumuhay
bunga ng pagiging bihasa ng mga mamamayan nit sa maraming bagay.
Mayroong nang sapat na kasanayan ang mga mamamayan sa pakikipag-
ugnayan sa kanilang kapaligiran, pagtatanim, at paghahayupan kaya naman
hindi na problema ang pagkain. Mayroong sapat na kasanayan din ang ilang
miyembro ng pamayanan sa pagkuha, paggawa, at paggamit ng mga
kasangkapan gaya ng kahoy, tela, bato, palayok, at metal.
Mga Katangian ng Kabihasnan
Matutukoy kung ang isang malaking pamayanan ay isang kabihasnan kung kakikitaan
ito ng mga sumusunod na mga katangian.
(1) Isa sa mga pinaka-unang katangiang uusbong bunga ng pag-unlad ng mga
kasanayan sa pamumuhay ay ang pagkakaroon ng sentralisadong pamamahala ng
mga kapakinabangan.
Kinakailangan nang magkaroon ng maayos na pamamahala sa mga kapakinabangan
ito upang hindi agad maubos, masira, at maipagpatuloy pa ang masaganang ani.
Kadalasang ang pamilyang mayroong pinakamaraming kapakinabangan ang
tinitignang pinakamatagumpay sa pamamahala ng mga ito. Ang kanilang mga
pamamaraan sa pagsasaka at paghahayupan ang gingaya. Ang pinuno ng pamilyang
ito ang kadalasang naaatasang mamuno rin sa pangangalaga sa iba pang mga
kapakinabangan. Magdudulot ang pag-unlad sa pamamahalang ito sa pagkakabuo ng
mga lungsod-estado, kung saan ang naunang naging pinuno ay ang magiging hari.
(2) Kakikitaan din ang isang kabihasnan ng pagkakaroon ng sistemang pangkabuhayan.
Ang ilang pamilya ay itutuon ang atensyon sa pagtatanim, ang iba naman ay sa
paghahayupan. Mga pamilya rin ang makakaisip ng iba pang mapagkukunan ng
kapakinabangan. Uusbong ang pagpapalitan ng mga produkto at komersyo. Magdudulot ang
bagong sistemang pangkabuhayang ito sa lubos na pagkakahati-hati at epesyalisasyon ng
trabaho. Mayroong mga pamilya na itutuon ang atensyon sa pagkuha at paggawa ng mga
palayok. Mayroon namang gagawa ng mga tela at iba pang mga kasangkapan. Uusbong na rin
ang mga paggawan ng mga kasangkapan at sandatang gawa sa metal.
Magsisimulang makita ang pagkakaiba-iba ng mga pamilya ayon sa dami ng kapakinabangang
mayroon sila. Sa kapakinabangan, kasanayan, at mga ugnayan ng mga pamilyang ito mag-
uugat ang pagkakaiba-iba ng kani-kanilang mga estado sa lipunan. Sa pag-unlad ng
pamumuhay ng pamayanan, magkakaroon ng mga paraan ng paninirahan. Ang mga
pamilyang gumagawa at nagbibili ng mga palayok ay magkakasama. Uusbong din ang mga
pamilihan, ang mga lugar kung saan ginaganap ang komersyo, at iba pang mga transakyon.
Maipapagawa sa mga bahaging ito ng pamayanan ang mga malalaking mga arkitektura na
nagsisilbing taguan ng mga kapakinabangan. Ang mga pinuno at iba pang mga pamilyang
mayroong mga kakayahan ay makapagpapagawa rin ng kanilang mga bahay.
(3) Isa rin sa mga katangian ng isang kabihasnan ay mataas na uri ng
paniniwala at pananampalataya. Hindi lubos na maunawaan ang mga
mamamayan ng isang pamayanan ang mga nangyayari sa kapaligiran kaya
naman sila ay bubuo ng kani-kanilang mga paniniwala.

Maiimbento ang mga paraan ng pagsusulat at pagkatuto upang maitala ang


mga transakyon, utang, at iba pang mga kaganapan sa mga pamilihan.
Ganoon din naman upang masihuradong maipapasa sa susunod na
henerasyon ang kanilang mga kaalaman sa halos lahat ng aspekto ng
pamumuhay sa isang kabihasnan. Mula naman sa pagsulat at pagkatuto na
ito, kasabay ng pagkakaroon ng mga mamamayan ng pamayanan ng labis
na oras, uusbong ang mga likhang sining.
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Ang Mesopotamia ang tinaguriang lundayan ng kabihasnan
ng buong mundo. Ito ay matatagpuan sa mga kasalukuyang
bansa ng Iraq at Iran sa Gitnang Asya. Nabuo ang mga
lungsod-estado na ito sa kambal-ilog ng Euphrates at Tigris.
Ang dalawang ilog na ito ang nagsilbing pinagkukuhaan ng
mga tao ng kapakinabanagan. Ito rin ay nagpapataba sa mga
lupain angkop sa pagtatanim.

Lundayan ng Kabihasnan
Ang mga pinakaunang pamayanan na nanirahan dito ay an
mga Sumer. Labindalawa ang kanilang mga naging lungsod-
estado at bawat isa nito ay may sariling pamahalaan na
pinamumunuan ng hari. Ang kanilang pamahalaan at
paniniwala ay lubos na magkaugnay kaya naman ang hari
nila ay ang kanila ring pari. Ang hari ang namumuo sa mga
gawaing politikal at ispiritwal. Ziggurat ang tawag sa templo
na tinutuloyan ng Hari. Meron mga ilang alitan at mga
digmaan ngunit sa pangkalahatan, naging matagumpay ang
ugnayang ito at napanatili ang kapayapaan sa mga Maramig bagay ang naimbento ng mga taga-Sumer.
pamayanan sa mahabang panahon. Naimbento nila ang kalendaryo, and metal na pangbunkal
ng lupa, sundial na nagsilbing orasan sa isang araw, at
ang pagbibilang na nakabatay sa animnapu. Ang isa sa
mga mahahalagang ambag ng mga taga-Sumer ay ang
pagsulat sa luwad sa anyong cuneiform. Mayroong
pangkat ng tao, na tinatawag na mga eskriba, na ang
trabaho ay magtula at magsulat lamang.
• 2300 BKP nang lumakas nang husto ang kapangyarihan at puwersa ng lungsod-estado ng Akkadia. Si Haring Sargon
ang namuno at hindi naglaon sinakop ng kaniyang kaharian ang iba pang lungsod-estado sa Mesopotamia.
Pagkamatay ni Haring Sargon, bumagsak din ang kaniyang imperyo. Ang mga Amorite na mula naman sa Syria ang
sumunod na nanakop sa lupaing ito. Ginawa nilang sentro ang lungsod-estado ng Babylonia. Mas lalo pang nakilala
ang mga taga-Babylonia nang maging pinuno nito si Haring Hammurabi noong 1790 BKP. Ikinakatuparan niya ang
pagsasaayos ng pamamahala sa buong lupain sa pamamagitan ng pagtatala ng lahat ng kanilang batas at ang
pagkakaroon ng maayos na pangongolekta ng buwis.

• Natalo nila ang mga nanakop na taga Asyria at muling ibinalik sa Babylonia ang sentro ng kapangyarihan. Tinawag
nila ang kanilang bagong imperyo bilang Chaldea. Lubos din nilang napalaki ang nasakupan. Isa sa mga kilalang
pinuno nito ay si Haring Nebuchadnezzar na nagpatayo ng maraming malalaking arkitektura sa kaharian.

• Sa ibang bahagi naman ng Kanlurang Asya, mayroong iilang kabihasnan pa ang nabuo. Sa pagbagsak ng mga Hittie,
umusbong ang mga taga-Lydia sa kasalukuyang bansa ng Turkey, mga taga-Phoenicia at ang mga Israelita sa
kasalukuyang mga bansa ng Israel, Lebanon, at Syria. Sila ang unang pangkat ng tao na itinigil ang sistemang barter
at sa halip ay gumamit ng pananalapi, sa anyo ng mga barya, sa pakikipagkalakalan. Ang mga taga-Phoenicia ay
kilalang mga mandaragat na mangangalakal na nag-ugnay sa mga maraming lungsod-estado at pamayanan sa Dagat
Mediterano. Kilala rin silang nakaimbento ng isang palatitikan na kanilang ginamit sa pakikipag-ugnayan.

• Noong 540 BKP naman, nasakop naman ng Chaldea at ang iba pang mga katabing kaharian sa Kanlurang Asya ng
mga taga-Persia, na mula sa Gitnang Asya, sa pamumuno ni Haring Cyrus.
Ang pinakakilalang pinuno ng Imperyong Persia ay si Haring Darius. Sa panahon ng kaniyang pamumuno, lumawak nang husto ang
imperyo at naisaayos ang pamamahala ito. Ang sentro ng kaniyang pamahalaan ay kaniyang pinatayo sa Persopolis sa kasalukuyang bansa
ng Iran. Sa panahon ni Haring Xerxes, anak ni Haring Darius, unti-unting bumagsak ang Imperyong Persia.

Lambak ng Indus

Nagsimula namang mabuo ang kabihasnan sa Lambak ng Indus, sa kasalukuyang mga bansa ng India at Pakistan, noong
2500 BKP. Ang mga pamayanang nabuo rito ay ang pamayanang Dravidian na lumaki at nabuo bilang ang kambal-lungsod
ng Harappa at Mohenjo-Daro. Harrapa ang mas malaking lungsod at kakikitaan ng mga maaayos na daanan, sistema ng
mga imburnal, at mga bahay na gawa sa mga laryo. Ang kabihasnang nabuo rito ay mayroong mataas na kasanayan sa
pagtatanim ng palay at trigo bilang pagkain, at bulak sa pananamit. Mayroon din silang paraan ng pagsusulat na hanggang
sa ngayon hindi pa lubos na naiintindihan ng mga eksperto. 1500 BKP nang bumagsak ang kabihasnang ito dahil sa
kalamidad at pananakop.
Nagmula sa Gitnang Asya ang mga Aryan na sumakop at nanatili sa Lambak ng Indus sa Timog Asya. Dala ng mga Aryan ang
kanilang wikang Sanskrit na kanilang ginagamit sa pagbigkas ng mga tula. Ang mga tulang ito ay kanilang tinipon at sinulat
noong sila ay nasa Timog Asya na. Tinawag nila itong Vedas na naging batayan ng kanilang magiging relihiyonm ang
Hinduismo. Upang maiwasan ang pag-aalsa ng mga nasakop nilang mga Dravidian, nagpatupad ang mga Aryan ng
sistemang Caste kung saan striktong inuuri ang bawat mamamayan ayon sa pinanggalingan nitong pamilya. Ang nasa itaas
ng sistemang panlipuanang ito ay ang mga brahman o mga pari, na susundan naman ng mga kshatriyas na kinabibilangan
ng mga pinuno at mandirigma, at ng mga vaisyas o mga malalayang mamamayan. Lahat ng naririto sa mga pangkat na ito
ay pawang mga Aryan, samantalang ang mga Dravidian ay nasa pinakamababang pangkat, ang mga pariah o mga alipin.
Hindi maaaring mabago ang uri ng isang mamamayan sa lipunang Aryan. Ang pag-uuring ito ay nakaugnay rin sa kanilang
relihiyon na mayroong mga alituntunin at tungkuling dapat magampanan.
Gitnang Kaharian
Kasabay ng pag-unlad ng mga kabihasnan sa Kanlurang at Timog Asya, umuusbong na rin ang kabihasnan sa Tsina.
Dalawang pangkat ng tao ang nanirahan sa Ilog Huang Ho sa mga panahong ito, sila ang mga Yangshao at mga
Longshan. Sa ilang tala, mayroong binabanggit na Dinastiyang Xia, ngunit wala pa itong paraan ng pagsusulat kaya hindi
matukoy ang mga detalye ng kanilang pamumuhay. Ayon sa mga patunay, noong 1700 BKP, nang tuluyang mabuo ang
kabihasnan sa Tsina, sa pamumuno ng mga Shang. Ang Shang dynasty ang unang dinastiya sa Tsina na lumakas ang
kapangyarihan at pinamunuan ang kalakhang bahagi ng Tsina. Sa panahong ito, nakaimbento rin sila ng kanilang paraan
ng pagsusulat. Sila rin ay naging bihasa sa paggawa ng mga bagay at kasangkapan mula sa bronse, sutla, at puting
luwad o porselana. Bumagsak ang dinastiyang Shang at napalitan ito ng Dinastiyang Zhou.
Ang Dinastiyang Zhou ang pumalit bilang makapangyarihang dinastiya sa Tsina noong 1028 BKP. Sentralisadong
pamamahala sa ilalim ng kanilang dinastiya ang sistema ng kanilang gobyerno at napalawak nito ang kaniyang
nasasakupan. Sa pamumuno, ginamit nila ang prinsipyo ng Mandato sa Langit (Mandate of Heaven) na nagbibigay ng
kapangyarihan sa hari na mamuno dahil pinaniniwalaang siya ay sugo ng mga diyos na kanilang sinasamba. Dahil dito,
ang dinastiyang ito ang pinaka-nagtagal na dinastiya sa buong kasaysayan ng Tsina. Naimbento ng Dinastiyang Zhou ang
crossbow isang mataas na uri ng pana, at ang paggamit ng mga jabayo sa pakikidigma. Nakaimbento rin sila ng metal
na pangbungkal ng lupa at napaunlad ang kanilang patubig sa mga pananim. Bumagsak ang Dinastiyang Zhou noong
250 BKP dahil sa pagkakahati-hati ng mga lungsod sa ilalim ng kanilang pamumuno.
Hindi naglaon ay napag-isa ang mga ito sa maikling pamumuno ng Dinastiyang Qin noon 221 BKP. Sa dinanstoyang ito
nagmula ang pangalan ng bansang Tsina. Si Qin Shihuandi, ang pinuno ng dinanstiyang ito, ay itinututing ang kaniyang
sarili bilang unang emperador ng Tsina. Sa panahon din ng dinastiyang ito nagkaroon ng iisang pananalapi ang Tsina.
Sinaunang Pamumuhay at
Paniniwala sa Asya, at
Si mga Kabihasnan
Ambag ng
sa Asya
Sa Asya nagmula ang ilan sa mga malalaking
relihiyon sa kasalukuyan. Kilala ang mga Asyano
bilang mga mamamayan ng mundo na
mapagnilay at ispiritwal. Mahalaga ang
gampanin ng paniniwala at pananampalataya sa
kanilang pamumuhay. Dito sila kumukuha ng
lakas at pag-asa sa mga mabubuti at mga hindi
kanais-nais na panahon.
Sinaunang Karunungan at Paniniwala sa
Asya
Nagsimula ang ispiritwal na paniniwala ng mga sinaunang kabihasnan sa
Asya sa animismo. Kanilang pinaniniwalaan na mayroong mga hindi
nakikitang nilalang na mayroong mhga kapangyarihan makasakit sa tao at
makapagdulot ng sakuna sa kanilang lupain. Nagbibigay din ito, sa kanilang
paniniwala, ng mga kapakinabangan.

Nabuou ito sa Mesopotamia sa Kanlurang Asya.

Halimbawa na lamang ay ang paniniwalang shintoism sa Hapon na


lumaganap noong 200 KP. Sumasamba sila sa kami, mga ispiritu ng
kalikasan at mga hindin nakikitang nilalang.
Kapag ang mga paniniwala ay nagkaroon na ng istruktura at
organisasyon, ito ay maituturing nang ganap na relihiyon.

Marami sa mga paniniwala sa Asya noon ang mga pamahiin at ilang


paraan lamang ng pagdarasal. Hanngang sa nabuo na ang mga
paliwanag sa pinagmulan ng mundo, ng tao, at ng mga bagay.

Meron na din nakaayos na mga detalye ng mga paraan ng tamang


pagsamba at wastong pakikiayon sa iba. Relihiyon nang maituturing ang
ganitong uri ng organisadong paniniwala.
Mga Relihiyon sa Asya
Ang relihiyon ay mayroong mahahalagang gampanin sa lipunan.
Binibigyang-katwiran nito ang pamunuan at ang mga namumuno sa
isang bayan. Dahil sa katwirang sila ay karapat-dapat na mamuno sila ay
nakapangongolekta ng buwis.

Nagpapanatili ang mga relihiyon ng kapayapaan at kaayusan sa isang


pamayanan. Nariyan ang relihiyon upang masigurong ang mga hindi
magkakakilalang pamilya at tao sa isang kabihasnan ay maayos ang
pakikisama sa isa't isa.
Mga Uri ng Theism
A. Politeismo (Polytheism) - Paniniwalang marami ang diyos o diyosa ang mayroon.

Halimbawa: Hinduismo, pinakamatandang relihiyon sa mundo. Mula sa kaalaman


ng lahing Aryan. Ang mga Veda ang mga kauna-unahang tipunan ng mga kaalamang
ito na naisulat. Sa relihiyong ito, sila ay naniniwala sa maraming diyos.

Kaakibat ng Hinduismo ang sistemang caste, paraan ng pag-uuri ng mga tao ayon sa
kaniyang tungkulin at kalagayan sa lipunan.

Ang apat na mahahalagang konsepto sa relihiyong Hinduismo ay ang tintawag na


Purusarthas, o mga tunguhin ng buhay. Ito ay ang Dharma (kabanalan), Artha
(gawain), Kama (nais), Moksha (kalayaan), Karma (kahihinatnan), Samsara
(Pagsilang Muli), at Yoga (paraan upang matamo ang kalayaan.)
B. Monoteismo (Monotheism) - Paniniwala na merong isang diyos.

Halimbawa: Zoroastrianismo ang pinakamatandang relihiyon kung saan ang


sinasamba ay iisang diyos. Itinatag ni Zoroaster noong 600 BKP sa Mesopotamia.
Tatlong konsepto ang kanilang pangunahing itinuturo sa relihiyong ito, Humata, o
mabuting pag-iisip, Huktha, o mabuting pananalita, at Huvarshta, o mabuting gawa.
Ang Judaism o Judaismo ay naniniwala at sumasamba rin sa iisang diyos. Nabuo ito
mulay kay Abraham na umalis ng Mesopotamia at tumungo sa Israel.
Ang Kristiyanismo ay isa ring halimbawa ng monotheistic na relihiyon. Si Jesus, ang
pinagmulan ng relihiyong ito at itinuturing na isa mga propeta ng relihiyong
Judaismo.
Ang Islam naman ay isang relihiyon ng kapayapaan ayon sa mga nanampalataya
dito. Nag-uugat din ang relihiyong ito sa relihiyong pinagmulan ni Abraham. Ito ay
nagsimula sa tangway ng Arabia sa mga lungsod ng Mecca at Medina .
Mga Ambag ng mga Kabihasnan sa Asya
Kung ano ang mayroon ang Asya at ang buong daigdig sa kasalukuyan
ay utang natin sa mga sinaunang kabihasnang umusbong at lumaganap
sa lupalop ng Asya. Ang mga sinaunang kabihasnang ito ay nagdulot ng
napakaraming mahahalagang pagbabago sa daigdig.
Matutukoy mo ba ang mga ambag na mga kabihasnang ito? Sa anong
paraan ka naaapektuhan ng mga impluwensiyang ito? Paano mo
mapahahalagahan ang mga ambag na ito?
Sinaunang Sining at Kultura
Sining at Kultura ang bunga ng mahabang panahon
ng kapayapaan at kasaganahan ng isang
pamayanan, kaharian, at imperyo. Natunghayan
natin sa kasaysayan na maramaming kaharian at
imperyo sa mga sinauang kabihasnan sa Asya ang
nakaranas ng mahabang panahon ng kapayapaan at
kasaganahan. Tinawag ang mga ito bilang
ginintuang panahon sapagkat maraming pag-unlad
na dito ay naganap.
Sining at Lipunan sa Tsina
Sa pagsimula ng kabihasnan sa Tsina, sila ay
gumagawa ng mga likhang sining sa pamamagitan
ng jade at bronse.
Sa Dinastiyang Sui at Tang sa Tsina, mas lalong
yumabong ang kanilang mga likhang sining. Sa
panahong ng mga Dinastiyang Sui at Tang
lumaganap nang husto ang pagpipinta, at ang
paggawa ng mga porselana.
Sinaunang Panitikan sa Asya
Ano ang panitikan? Ito ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa
isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o
patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw,
at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may
punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating
pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng
pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak
at pangamba
• Epiko ng Gilgamesh na mula sa Mesopotamia
• Veda ang tipunan ng mga banal na awit at tula ng mga Aryan.
• Ang epikong Ramayana at Mahabharata ay mga pinakatanyag na panitikan sa kulturang
Hindu.
Kolonyalismo
sa Timog Asya,
at Ang
Pagusbong ng
Nasyonalismo at
Paglaya ng mga
Bansa sa Timog
Asya
Ano nga ba ang Kolonyalismo (Colonialism)
Ang Kolonyalismo ay ang pag-angkin, pagsakop o pang-aagaw ng lupain
p teritoryo ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa o lupain
na nagsimula noong ikalabing-limang siglo o 15th century.

Madalas nagaganap ang pangongolonya sa pamamagitan ng dahas


kung saan ang bansang mananakop ay gumagamit ng mga modernong
armas pangdigma. Ang mga mananakop ang nagiging naghaharing-uri
samantalang ang mga tao na nakita sa bansa o sa lipunang sinakop ay
nagiging mga alipin sa sarili nilang lupain.
Dahilan at Paraan ng Kolonyalismo
• Noong sinaunang panahon pa man, kilala na ang Asya bilang pinanggagalingang mga mamahaling
produkto tulad ng seda, porselana, ginto, at pampalasa. Ang mga produktong ito ay hindi lamang
ginagamit sa lupalop kundi ikinakalakal din sa iba pang mga lupalop lalo na sa Europa.
• Silk Road - Daanan ng pangangalakal
• Natigil ang mga pangangalakal ng dalawang lupalop dahil sa kaguluhan noong Dark Ages.
• Muling Napukaw ang pagnanais ng mga Europeo sa kalakal at sa kung ano ang meron sa Asya
noong panahon ng Krusada.
• Maliban sa kalakalan ay naging masidhi rin ang pagnanais ng mga Europeo na maipakalat ang
pananampalatay ng Kristiyano sa iba pang lupain.
• Naging pagligsahan din ang pangongolonya ng ibang lupainna mas lalong nagpapalawak sa
mananakop na kaharian.
• Mas kilala sa tatlong salita na Gold, God, at Glory ang pwersang nagtulak sa mga Europeo para
simulan ang kolonyalismo.
• Ang bansang Portugal at Espanya ang nagsimula ng kolonyalismo sa Asya.
Naghahanap sila ng ibang ruta patungog Asya upang makapangalakal.
• Merong dalawang ruta (1) ikutin ang Africa sa timog hanggang makarating sa
Asya sa silngan habang (2) pakanluran gamit ang Karagatang Atlantiko.
• Nahati ang daigdig sa pamamagitan ng Kasunduan ng Tordesillas noong 1494
at napunta sa Portugal ang karapatang sakupin ng nasa silangang ruta
samantalang sa Espanya naman ang karapatan sa teritoryo sa kanlurang ruta.
• Noong mga panahong ito ay kakaunti lamang ang alamg ng mga Europeo sa
heograpiya ng daigdig.
• Ngunit dahil sa panahon ng panggagalugad ay unti-unting nasagot at
nalinawan ang mga tao sa heograpiya ng daigdig. Sa madaling sabi, ang
Panahon ng Panggagalugad o Age of Exploration ay ang simula ng Panahon
ng Kolonyalismo o Age oc Colonization.
Panahon ng Pagtuklas at Panggagalugad
• Ang mga bansang Portugal at Espanya ang may
parehong baybayin sa Karagatang Atlantiko ata ang
dalawang bansang nanguna sa pangagalugad. Sa
dawalang abansa ang Portugal ang mga naging
masigasig na marating ang India na nasa Timog Asya
gamit ang silangang ruta. Sa pangunguna ni Henry the
Navigator nakapagpatayo sila ng paaralan para sa mga
manlalayag.
• Dahil sa nais ng Portugal na makipagkalakalan at
sakupin ang India, nagpadala sila ng mga manlalayag.
Isa si Bartolomeu Dias na siyang nakatuklas sa dulong
bahagi ng Aprika na tinatawag na Cape of Good Hope.
• Noong 1497, pinadala nila si Vasco da Gama upang
marating ang India. Sa taong 1498, narating ni Vasco
da Gama ang kasalukuyang lungsod ng Calicut,
lungsod sa India.
Ang Pagdating ng iba pang Europeong Mananakop sa
Timog Asya
• Nakasalisi ang mga Olandes mula sa Netherlands noong
1605, nakuha nila mula sa Portuges ang ilang kuta at ang
pulo ng Ceylon noong taong 1656.
• Ang Olandes (Dutch) ay merong pagkakaiba ng
pananakop, sila ay sinusuportahan ng isang kompanyang
nagngangalang Duth East India Company.
• Sumuno sa mga Olandes ang mga Ingles noong 1611 sa
ilalim ng sarili nilang English East India Company na
pinalitan bilang British East India Company.
• Ang mga Ingles ang sumakop sa halos kabuuang rehiyon
ng India.
• Huling dumating sa India ang mga Pranses noong 1668 at
sumakop sila ng teritoryo sa silangang bahagi ng rehiyon.
• Lumakas at lumawak ang kolonya ng mga Briton sa
Timog Aysa matapos ang Labana sa Plassey noong 1757.
Ang Britanya at British Raj
• Masalimuot ang kolonyal na pamamahala ng mga Briton sa kanilang kolonya sa
India. Noong nasa kamay pa ng British East India Company ang pamamahala
sa kolonya ay may dalawang uri ng teritoryo. Ito ang teritoryo na hawak mismo
ng kompanya at ang isa naman ay ang mga tinatawag na mga Princely state o
mga teritoryo na sakop ng Britanya ngunit may sariling mga hari o pinuno.

• Ginamit ng Mga Briton ang alitan ng pangkat ng lipunan upang mapatagal ang
kanilang kapangyarihan sa India.

• Sa pananatili ng mga Britons sa India, ipinatatag nila ang Serbisyong Sibil o Civil
Service sa India. Ito ay paraan upang mapili nila kung sino ang pweding bigyan
ng pagkakataon na makasali sa pamahalaang kolonyal.
Ang India bilang Kolonya ng Monarkiya
• Isa sa mga naging malaking hamon ng pamamahalang kolonyal ng Britanya sa India ay
Sepoy Rebellio noong 1857. Ang Sepoy ay ang mga Indyanong Sundalo na bumubuo sa
hukbong sandatahan ng Britanya sa India.
• Nagsimula ang rebelyon dahil sa pagkakaroon ng taba ng baboy at baka sa grasa na
ginagamit sa bala ng baril. Maaalala na banal na hayop para sa mga Hindu ang baka.
Samantala, ipinagbabawal naman sa mga Muslim ang baboy. Dito nagsimula ang
rebelyon, na higit pang lumuwak ng sumali ang ilang mga lokal na hari na nawalan ng
kapangyarihan dahil sa mga Briton.
• Dahil dito natanggal ang kompanyang British East India Company at isinailalim ang India
mismo sa monarkiya.
• Sa pamamahala ng monarkiya, Nagkaroon ng pagbabago sa India. Mas napabilis ang
pagpapatupad ng mga teknolohiya mula sa Britanya. Dahil din dito, napatay ng
modernisasyon ang mga maliliit at tradisyunal na kabuhayan sa India.
Mga Salik at Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong at
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Timog Asya

Simula pa lamang ng kolonyalismo ay nagsimula na agad ang pagtutol


dito ng mga taong sinakop. Kadalasan ay nauuwi sa labanan at digmaan
ang pagtutol na ito. Sa kasamaang palad, dala na rin ng iba’t ibang salik
ng lipunana at panahon ay nagtagumpay ang mga mananakop na
gawing kolonya ang halos buong Timog Asya.
Ang unti-unting pagnanais na makalaya sa mga mananakup ay
lumaganap na ito sa iba’t ibang hibla ng bayan. Mula rito nabuo ang
ideya ng Nasyonalismo.
So ano nga ba ang Nasyonalismo?
• Ang Nasyonalismo ay ang kolektibong damdamin at kaisipan ng grupo ng tao na
mayroong magkakaugnay na kultura, tradisyon, paniniwala, at pananampalataya na
matagal nang naninirahan sa isang teritoryo.
• Nasyonalismo rin ang pakikipaglaban ng mga tao sa isang kolonya upang lumya ang
bayan mula sa kamay ng mananakop.
• Ang Nasyonalismo ay ang pagmamahal sa bayan.
Ano kaya ang mga dahilan bakit umusbong ang ideya Nasyonalismo?

Ang Kilusang Nasyonalismo sa Timog Asya


Mas lalong lumaganap ang nasyonalismo sa Timog Asya noong itatag ang Pambansang
Kongreso ng mga Indyanon o Indian Nationa Congress. Ipinaglaban ng mga Indiano ang
kanilang kalayaan. Pinanawagan nila na babaan ang buwis na ipinapataw at itigil na ang
pagsali sa mga Sepoy sa mga digmaang kinasasangkutan ng Britanya sa ibang parte ng
daigdig.
Bumuo rin ng samahan ang mga Muslim na tinawag na All India Muslim League,
ipinaglalaban din nila ang pantay na karapatan sa kolonya.
• Naging matagumpay ang kilusang nasyonalismo ng rehiyon. Nagkaroon ng sariling
kongreso noong 1909 na binubuo ng mga Indyanong nahalal sa pamamagitan ng
demokratikong pamamaraan.
• Naging tuloy-tuloy na rin ang pagkakaisa ng India simula nang ilipat noong 1910
ang kabisera sa lungsod ng Delhi sa gitnang bahagi nito.
• Noong matapos ang digmaan at dahil sa pagsuporta ng mga Indyano sa Britanya
ay ipinatupad nito ang Government of India Act. Ang batas na ito ay tuluyang
nagbigay sa mga Indyano ng kapangyarihan na pamahalaan ang kanilang bayan.
• Dahil sa hidwaan sa pagitan ng mga Indyano at mga Britons nangyari ang
Amritsar massacre. Sa masaker na ito ay pinaputukan ng mga sundalong Briton
ang mga dumadalo sa isang politikal na pagpupulong na pinagbabawal ng
pamahalaang kolonyal kung saan halos apat na raan ang namatay at umabot sa
isang libo at dalawang daan ang sugatan.
Ang Kilusan para sa Kalayaamn, mga Pamamaraan para Makamit ito,
at ang Pagbuo ng mga Bansa sa Timog Asya

Matapos ang masaker sa Amritsar ay mas lalong naging mainit ang sitwasyon sa India. Gayunpaman, ay
nanawagan Si Mohandas Ghandi na huwag itong sagutin ng karahasan ng mga Indiyano.
Mula sa pananawagan ni Ghandi ay nabuo ang tinatawag na ahimsa (non-violence) sa pagkamit ng kalayaan sa
India.
Nagsagawa si Ghandi ng civil disobedience sa pamamaraan ng pag boycott sa iba’t ibang paraan. May mga
hindi pumasok sa tanggapan ng pamahalaan na nagdulot nag pagkatigil ng operasyon nito.
Kasama rin sa boycott ang hindi pagbabayad ng buwis
Kaniya ring sinuportahan ang mga Indyanong nabubuhay dahil sa paggawa ng asin sa pamamagitan ng Martsa
patungong Dagat o Salt March.
Nagpasya ang Britanya na ibigay na ang kalayaang hinihingi ng India ngunit hindi it natuloy dahil sa
pananawagan ng mga Muslim na magkaroon sila ng sariling bansa. At Nahati ang rehiyon sa dalawang bansa,
ang India para sa mga Hindu at ang Pakistan para naman sa mga Muslim.
Sabay silang naging malayang bansa noong August 15, 1947.
Kolonyalismo at
Imperialismo sa Gitnang
Asya
Ang pukos ng ating aralin ay una ang mga Imperyong Islamiko at
Imperyong Rusya at ang mga papel nito sa Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Kanluran at Gitnang Asya. Pangalawa, ang epekto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanluran at Gitnang Asya.

Sa pagdaloy ng ating aralin, makikita natin ang dahilan at paraan ng


kolonyalismo sa kanlurang Asya, masusuri natin ang transpormasyon ng
mga pamayanan at estado sa Timog Asya sa pagpasok ng mga kaisipan
at impluwensiyang kanluranin, at matataya natin ang epekto ng
kolonyalismo sa Kanlurang Asya.
Ang mga Imperyong Islamiko at ang Papel nito sa
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Kanluran at Gitnang
Asya
• Kilala ang Kanluran at Gitnang Asya bilang sangandaan ng kabihasnan dahil dito
nagtatagpo ang tatlong lupalop ng Asya, Aprika, at Europa. Dito dumadaan ang iba’t
ibang kalakal, gayundin ang mga kaisipan mula sa mga nasabing lupalop. Maliban
dito ay nasa rehiyon ding ito ang mga banal na lugar para sa mga relihiyon tulad ng
Kristiyanismo, Islam, at Judaismo. Sa kadahilanang ito, ang sinumang may hawak sa
rehiyong ito ay nagkakaroon ng yaman at kapangyarihan dahil sa heograpikal na
halaga nito.
• Matapos bumagsak ang Imperyong Romano, iba’t ibang kaharian na ang naging
dominante sa Kanluran at Gitnang Asya. Isa sa mga nakasakop sa lugar ay ang
Imperyong Ottoman na nagmula sa Anatolia o ang makabagong Turkey ngayon.
Itinatag ni Osman ang imperyo noong 1350 at unti-unting sinakop ang ibang
kalupaan. Noong 1453 ay nagawa nitong mapabagsak ang Imperyong Byzantino sa
pamamagitan ng pagsakop sa lungsod ng Constantinople.
Ang Imperyong Ottoman
• Kasabay ng pagbagsak ng Imperyong Byzantino
noong 1453 ay tuluyan ng isinara ng Imperyong
Ottoman ang ruta na dumadaan sa teritoryo nito
mula sa Europa patungong Asya. Isa ito sa rason kung
bakit napilitan ang mga bansang Europeo tulad ng
Portugal at Espanya na maghanap ng ibang ruta
patungong Asya.
• Naging banta ang gustong pananakop ng imperyong
Ottoman sa Europa ngunit hindi ito naging
matagumpay.
• Lumawak ng lumawak ang kaharian ng Ottoman,
nasakop nila ang Syria, Canaan na kung saan makikita
ang Herusalem, at ang Jordan. Isa si Suleiman the
Magnificent sa maraming rason kung bakit mas
lumawak ang kaharian ng Ottoman. Nasakop din ng
Ottoman Empire ang Medina at Mecca.
• Nakamit ng Ottoman ang tagumpay nila
dahil sa kanilang hukbong pandigma.
Tinatawag nila ang kanilang mga sundalo
na Ghazi, naniniwal ang mga ito na kung
sila man ay mamamatay sa mga banal na
digmaan, ang kanilang kaluluwa ay
mapupunta sa tirahan ni Allah.
• Malibam sa Ghazi ay may isa pang
pangkat ng mandirigma ang hukbo ng
Ottoman at ito ay ang mga janisaryo o
janissaries.
• Sa pamamagitan ng devshirmi ay
kailangan magbigay ng mga batang lalaki
ang mga Kristiyanong pamayanan sa
imperyo bilang alay. Ang mga batang ito
ay pinalalaking Muslim at sinasanay
bilang mga mandirigma.
Ang Imperyong Safavid
• Nagmula ang pangalan ng Safavid sa
isang kilalang propeta ng Islam na si
Safia Al-Din. Parehas man na Islamikong
imperyo ay mortal na magkaribal ang
Imperyong Ottoman at Safavid at halos
nakikipagdigma sa bawat isa sa buong
panahon na nakatayo ang kani-kanilang
mga imperyo.
• Magkaibang uri ng Islam ang
pinaniniwalaan ng dalawang imperyo.
Sunni ang pinapalaganap ng Ottoman
samantalang Shia naman ang sa mga
Safavid.
Ang Imperyong Mughal
• Itinatag ito ni Babur, ang Tigre, o Babur the Tiger sa
Kabul, sa makabagong Afghanistan ngayon.
• Mughal ang pangalan ng imperyong ito dahil ayon
kay Babur ay kamag-anak niya ang dakilang
mananakop na Mongol tulad ni Tamerlane.
• Islam man ang pananampalataya ng imperyong ito ay
hinid nila ito ipinilit sa mga Hindu na kanilang
nasakop.
• Mas lalong lumawak ang kanilang kaharian sa
pamumuno ni Akbar the Great.
• Si Shah Jahan, isa sa kilalang pinuno ng imperyong
Mughal ang nagpatayo ng Taj Mahal para sa libingan
ng kanyang asawa na si Mumtaz Mahal.
• Unti-unting humina ang imperyo sa kamay ni
Aurangzeb hanggang sa dumating ang mga
Europeong mananakop sa Timog Asya.
Ang Imperyong Rusya at ang Papel nito sa
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Gitnang Asya
• Masasabi mang Europeong kaharian ang Rusya, ngunit malawak na bahagi ng Imperyo nito ay
nasa Asya, lalo na sa gitna at hilagang bahagi nito. Nagsimulang maging makapangyarihang
kaharian ang Rusya sa ilalim ng mga tsar o czar nito na nagmula sa pamilya ng Romanov.
• Sa pamumuno ng ilang magagaling na tsar at tsarina tulad ni Ivan the Terible, Peter the Great,
Catherine the Great ay naging imperyo ang Rusya at ito naman ang sumakop sa mga lupaing
dating sumasakop dito.
• Naging malaki ang bahagi ng pamilyang Stroganovs sa pagpapalawak ng kapangyarihan ng Rusya
sa Siberia. Nais ng pamilya na makuha ng Rusya ang Siberia na tinirhan ng iba’t ibang pangkat
etniko ngunit walang malakas na kaharian. Mula Siberia ay nagtungo rin ang Rusya sa Alaska sa
Timog Amerika ngunit kalaunan ay ibinenta nila ito sa Estados Unidos noong 1867.
• Maliban sa malakas na pwersang pandigma ay nagawa rin ng Rusya na mapalawak ang imperyo
nito dahil sa paghina ng ibang imperyong may hawak sa mga teritoryong sinakop. Pagsapit ng
taong 1860 ay nasakop na ng Rusya ang mga dakilang lungsod ng Samarkand, Bokhara, at
Tashkent sa teritoryo ng Uzbek.
Ang Epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Kanlurang Asya
Hindi maiiwasan na pag-agawan ang mga teritoryo sa Kanluran at Gitnang
Asya sa maraming dahilan. At dahil dito naging kolonya ang iba’t ibang parte
ng nasabing teritoryo. Marami ang naging epekto ng mga pananakop, una,
ang pagiging mailap ng kapayapaan sa rehiyon dahil sa labana ng iba’t ibang
mga imperyo at kaharian upang makontrol ang rehiyon. Dahil sa kaguluhan
na ito maraming tao ang namamatay ay maraming pamayanan at lungsod
din ang nasira.

Naagaw din ng mga mananakop ang mga likas na yaman ng kanilang na-
kolonya. Hindi nagkaroon ng pagkakataong maging malaya ang mga taong
may ibang kultura at paniniwala mula sa imperyong sumakop sa kanila.
Nasyonalismo at ang Pagkabuo ng
Bansa sa Kanluran at Gitnang Asya
Ang bansa ay isang politikal na yunit sa
mundo na pinamumunuan ng isang lider.
Pinamumunuan ng lider na ito hindi lamang
ang lupain ng kaniyang teritoryo, bagkus pati
ang mga mamamayang naninirahan dito.
Tungkulin ng bawat isang miyembro na
ipagtanggol ito.
Sa pagdaloy ng araling ito, maipapahayag
natin ang pagpapahalaga sa bahaging
ginagampanan ng nasyonalismo sa Kanlurang
Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa
imperyalismo.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Kanluran at
Gitnang Asya
Malaki ang naging role ng Unang Digmaang Pandaigdig sa nasyonalismo at pagkabuo ng
mga bagong bansa sa Kanluran at Gitnang Asya. Hindi man sa bahaging ito ng Asya
naganap ang pinakamalaki at mapinsalang labanan ng digmaan ay malaki ang
pagbabagong naidulot ng sigalot na ito sa rehiyon.
Bago matapos ang ika-20 siglo ay nakamit na ng mga Imperyong Kanluranin ang rurok ng
kanilang gustong tagumpay. Napasakamay na nila ang malalawak na kalupaan sa mga
lupalop tulad ng Asya, Aprika, at Australya. Panahon din ito ng pag-unlad ng teknolohiyang
nagpalaki sa mga pabrika, nagpabilis sa transportasyon, at nagpalakas sa mga armas
pandigma.
Isa sa mga naging alitan ng mga imperyong Europeo ay ang hannganan ng kani-kanilang
mga lupaing nasasakupan. May mga pagkakataon naman na nais makuha ng isang imperyo
ang hawat na teritoryo ng iba pa. Naging paligsahan sa mga imperyo ang pagpapalawak ng
teritoryo at handa silang makipagdigma alang-alang sa kadakilaan ng kanilang bansa.
• Dahil sa mga paligsahang ito ay nagsimula
nang magkaroon ng kampihan ang mga
imperyong Kanluranin. Ang kampihang ito o
alyansa ay mga kasunduan kung saan ang
isang parte ng isang imperyo na aatakihin ay
ituturing na pag-atake - Alliance.
• Kasabay ng pagpapalawak ng teritoryo ay ang
pagpapalakas ng kanilang mga hukbong
sandatahan kung saan ang mga imperyo ay
nagkaroon ng paligsahan sa pagpaparami at
pagpapalakas ng armas o arm race.
• Halimbawa ng alliance, ay ang tinawag na
Holy Alliance ng Imperyong Austria-Hungary
at Impeyrong Rusya na muling nabuhay noong
1873 sa pagitan ng tatlong bansa na
pinangalanang Samahan ng Tatlong
Emperador o League of the Three Emperors.
Dakilang Digmaan o Great War
• Nagsimula ang digmaan na tinatawag ding Dakilang Digmaan o Great War sa
rehiyong Balkan sa Silangang Europa. Ang rehiyong ito ay tirahan ng mga
etnikong Slaviko at malaking parte ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng
Imperyong Austria-Hungary. Nais ng Kaharian ng Serbia na mapalaya ang
ilang teritoryong Slaviko na nasa ilalim ng imperyong Austria-Hungary upang
sumanib sa kanila.
• Ng bumisita ang tagapagmana ng trono ng Austriya-Hungary na si Archduke
Franz Ferdinand sa Sarajevo, siya ay binaril ng nasyonalismong Serb na si
Gavrilo Princip. Itinuro ng Austria-Hungary ang Kaharian ng Serbia bilang
utak sa pagkamatay ng tagapagmana nito sa trono.
• Dahil sa assassination nagpadala ng ultimatum ang Austria-Hungary sa Serbia
Mas lalo pang lumawak ang digmaan nang sumali na rin ang Britanya kahanay ang Pransya at Rusya
at tinawag na Pwersang Alyado o Allied Powers. Sa Allied din kumampi ang Italya. Samantalang
nadagdag naman sa Alemanya at Austria-Hungary ang Imperyong Ottoman at Kaharian ng Bulgarya
na tinawag naman Pwersang Sentral, o Central Powers.
Ang mga Pagbabago sa Timog,
Kanluran, at Gitnang Asya
Sa Pagdaloy ng ating aralin, maiuugnay nating ang
mga kasalukuyang pagbabagong panlipunan at
pang-ekonomiya na naganap sa Timog at
Kanlurang Asya sa kalagayan ng mga bansa dito,
masusuri natin ang kaugnayan ng iba’t ibang
ideolohiya sa balangkas ng mga pamahalaan sa
bansa sa Timog at Kanlurang Asya, Matataya natin
ang kinalaman ng edukasyon, relihiyon, at
paniniwala sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay;
at matataya natin ang pagkakaiba-iba ng antas ng
pasulong at pag-unlad ng Timog at Kanlurang
Asya.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Dahil sa lawak at bigat ng pinsala na naidulot ng Unang Digmaang
Pandaigdig, marami ang nag-aakala na hindi na ito masusundan pa.
Maliban dito, naitatag din ang League of Nations upang maging
tagapamagitan sa mga bansang maaaring magkaroon ng alitan.

Mas malawak ang naging saklaw ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Dagdag pa rito na mas mapinsala at mas maraming tao ang namatay. Sa
ikalawang pandaigdigang labanan na ito ay nasaksihan ng sangkatauhan
ang iba’t ibang karumal-dumal na kayang gawin ng tao at nagamit ang
pinakamalakas na sandatang pandigma.
Ano ang mga Dahilan bakit nangyari ang
WWII?
• Kahirapan ng buhay sa pagitan ng mga taong ng 1920 at 1930 ang isa sa dahilan
ng pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig - 1929 Great Depression
• Pagtitiwala sa mga lider na nangangakong gagawa ng paraan upang
makapagbigay ng kabuhaya, mga pinuno na Fascist
• Adolt Hitler sa Alemanya, Benito Mussolini sa Italya
• Nationalism
• Pananakop ng mga Hapon sa Silangang Asya kung saan sinakop nito ang
malaking bahagi ng Tsina simula taong 1931.
• Tripartitet Agreement - alyansa ng tatlong bansang Germany, Italy, at Japan o
tinawag na Axis Power
April 9, 1940, Germany simultaneously invaded Norway and occupied Demark, and
the war began in earnest. On May 10, German forces swept through Belgium and
the Netherlands in what became known as “blitzkrieg,” or lighting war.
Hitler vs. Stalin: Operation Barbarossa
• By early 1941, Hungary, Romania and Bulgaria had joined the Axis, and German
troops overran Yugoslavia and Greece that April. Hitler’s conquest of the Balkans
was a precursor for his real objective: an invasion of the Soviet Union, whose vast
territory would give the German master race the “Lebensraum” it needed. The
other half of Hitler’s strategy was the extermination of the Jews from throughout
German-occupied Europe.
• On June 22, 1941, Hitler ordered the invasion of the Soviet Union, codenamed
Operation Barbarossa. Though Soviet tanks and aircraft greatly outnumbered the
Germans’, Russian aviation technology was largely obsolete, and the impact of
the surprise invasion helped Germans get within 200 miles of Moscow by mid-
July. Arguments between Hitler and his commanders delayed the next German
advance until October, when it was stalled by a Soviet counteroffensive and the
onset of harsh winter weather.
World War II in the Pacific
With Britain facing Germany in Europe, the United States was the only nation
capable of combating Japanese aggression, which by late 1941 included an
expansion of its ongoing war with China.
December 7, 1941 360 Japanese aircraft attacked the major U.S. naval base at
Pearl Harbor in Hawaii, taking the Americans completely surprise and the
claiming the lives of more than 2,300 troops. On June 22, 1941, Hitler ordered
the invasion of the Soviet Union, codenamed Operation Barbarossa. Though
Soviet tanks and aircraft greatly outnumbered the Germans’, Russian aviation
technology was largely obsolete, and the impact of the surprise invasion helped
Germans get within 200 miles of Moscow by mid-July. Arguments between Hitler
and his commanders delayed the next German advance until October, when it
was stalled by a Soviet counteroffensive and the onset of harsh winter weather.

You might also like