You are on page 1of 11

WELCOME

GRADE 10- ST LORENZO

FILIPINO
MRS. MARITES R. SILVANO
YUNIT 1
MGA PANITIKANG MEDITERRANEAN

ARALIN 1
Panitikan: Cupid at Psyche ( Mitolohiyang Griyego
Dagdag kaalaman :Katangian ng Mitolohiya
Wika :Ginagamit sa Pagpapahayag ng Aksiyon,
Karanasan at Pangyayari
Cupid at Psyche
Isinalin sa ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Mitolohiya
Ang mito o mitolohiya ay kalipunan ng mga tradisyonal na kuwento
ng mga panininwala, pantasya, at kababalagyan na karaniwang umiikot
sa buhay ng mg diyos at diyosa gayundin ang mg apambihira at
mahihiwagang nilalang.

Ang mga gumaganap sa isang mito ay hindi mga ordianaryong


tao,kadalasan ay kakikitaan ito ng mga tauhang diyos at diyosa, o kaya
ay mga nilalang na kalahating diyos at kalahating tao na tinatawag na
Demigod o anak ng mga diyos at diyosa sa mga mortal o mga tao

Ang tagpuan ng mito ay kadalasang sinauna at mahiwaga at


mistikong lugar o pook.Ipinakikita rin ang daigdig ng mga buhay at
daigdig ng mga patay.
Pandiwang Nagpapahayag ng Aksiyon, Pangyayari at Karanasan

1. Aksiyon – Ang pandiwa bilang bahagi ng panalita ay laging


binibigyang-kahulugan bilang isang salita na nagpapahayag ng kilos
o aksiyon.Gayunpaman, masasabi na ang pandiwaay may aksiyon
kung may tagaganap ay isnag tao, hayop, o bagay.Ginagamit ang
mga panlaping makadiwa tulag ng – um,mag,mag-an,mang,maki- sa
pagbuo ng mga pandiwang nagsasaad ng aksiyon.
Halimbawa
a. Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa.
b. Umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang sugat.

2. Karanasan – ang pandiwa ay nagpapahayag ng karanasan o ng isang


personal na pangyayari sa buhay ng tao at magpahayag ng
damdamin.
Halimbawa
a. Nagalit si Venus kay Psyche dahil sa taglay nitong kagandahan.

b. Umiibig si Psyche sa asawa kahit hindi niya nasisilayan ang mukha


nito
3. Pangyayari - ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
Halimbawa
a. Umalis nang hindi umiimik si Cupid pagkatapos niyang matuklasan
ang pagtataksil sa kaniya ng kaniyang asawa.\
b. Humingi ng tulong si Cupid ky Apollo para matigil na ang
pagpaparusa ni Venus kay Psyche
Sagutan ang mga Gawain sa pahina 12,13,14,15,16 at 19
ARALIN 2
ANG MAYAMAN AT SI LAZARO
Parabula – ay isang maikling salaysay na nagtataglay ng
talinhaga.Nagtuturo ng ito ng aral na nagsisilbing pamantayang moral.
Ang salitang parabula ay sinasabing mula sa salitang Griyego na
parabole.Ito’y matandang slita na nangangahulugang pagtatabihin ang
dalawang bagay upang pagtularin.

You might also like