You are on page 1of 16

TANAGA

Pananaliksik
Problema sa lipunan
Ay ating pag-aralan
Upang ang katanungan
Mabigyan kasagutan
Grado
Mahalagang numero
Na sinulat ng guro
Nakikita ng klaro
Ng batang pursigido
Diksyunaryo
Ating malalapitan
Kapag nahihirapan
Ito’y maaasahan
Bigay ay kahulugan
Pag-aaral
Ang kabataan ngayon
Humaharap sa misyon
Ito ay isang hamon
Nang sila’y makaahon
Aklat
Ito ay babasahin
Lahat ay lilibangin
Hatid ay saya sa ‘tin
May impormasyon na rin
Tandang
Nagsisilbing orasan
Sa ating kabahayan
Sila’y maaasahan
Pagdating sa gisingan
Bukid
Sobrang sariwang hangin
Dito ay lalanghapin
Ang probinsyang gawain
Sa bukid lalasapin
Puyat
Sa aking pagpupuyat
Mata ay imumulat
Aaralin ko lahat
Kasama ng salabat
Pagmamahal
Bigay ay kalakasan
Pwede ding kahinaan
Pwedeng pangmatagalan
O mawala biglaan
Migraine
Ulo ay sumasakit
Hilo’y paulit-ulit
Naiinis at galit
Dahil sa tinding sakit
Sardinas
Ito ay binebenta
Bente kanyang halaga
Nakalagay sa lata
Saya hatid sa mata
Umaga
Sa umaga’y kakanta
Tatanggalin sa mata
Mga tuyo na muta
Dito sa ‘ming kubeta
Mansanas
Isa ‘tong panghimagas
Ito’y isang mansanas
Isa sa mga prutas
Hatid ay isang lakas
Salapi
Ito ay mahalaga
Bunga ng isang gawa
Maaaring sa tama
O isang maling gawa
Regla
Puson namimilipit
Sa taglay nitong sakit
Sabayan ng pagsirit
Ng pula na malagkit

You might also like