You are on page 1of 24

Mapagpalang Araw sa inyo !..

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik
Teksto

 Babasahin  Piksyon
Akda Di Piksyon
 Daluyan  obhetibo
ng mensahe subhetibo

 Istruktura batay sa
Gramatika
MGA URI NG TEKSTO
1. Impormatib 4. Persweysib
2. Deskriptib 5. Argumentatib
3. Naratib 6. Prosijural
7.Referensiyal
IMPORMATIB
 Nagbibigay at nagtataglay ang ganitong uri ng teksto ng
tiyak na impormasyon patungkol sa bagay, tao, lugar, o
pangyayari.
Ito rin ay kadalasang sumasagot sa mga tanong
na ano, sino, at paano tungkol sa isang paksa.
 Hindi nagbibigay ng opinyong pabor o sumasalungat sa
posisyon o paksang pinag-uusapan.
Ang tono ng tektong impormatibo ay obhetibo (objective).
IMPORMATIB
 Gumagamit ng mga respetado o
mapagkakatiwalaang mga sanggunian ang
tekstong impormatibo
• Kaugnay ng batas hinggil sa Intellectual
Property Rights, banggitin ang sumulat o ang
sangguniang pinagmulan ng tekstong
impormatibong gagamitin
DESKRIPTIB
 Ito ay naglalaman ng mga
impormasyong may kaugnayan sa
mga katangian ng tao, bagay, lugar, at
pangyayaring madalas nasasaksihan
ng tao sa paligid.
 Obhetibo ang paraan ng
paglalarawan dahil wala itong sangkot
na damdamin.
 Subhetibo ang paglalarawan dahil
naglalaman ng damdamin at pananaw.
DESKRIPTIB
• Karaniwan
-Ito ay isang paglalarawang hindi sangkot
ang damdamin. Sa ganitong anyo, ang
paglalarawan ay ayon sa nakikita ng
mata.
• Masining
-Ito ay isang paglalarawang naglalaman ng
damdamin at pananaw ng taong
naglalarawan. Naglalayon itong pukawin
ang guniguni ng mambabasa.
PERSWEYSIB
• Naglalayon itong manghikayat ng mga mambabasa o
tagapakinig.
• Ito rin ay isang mahalagang kasanayang dapat matutunan ng
tao.
• Nararapat na maging maganda ang nilalaman nito upang
makuha ang interes ng mga mambabasa, manonood, at
tagapakinig.
• Ito ay dapat ginagamitan ng mga salitang nakagaganyak, tulad
na lamang ng mga dahilan kung bakit dapat iboto ang isang
kandidato o kung bakit dapat bilhin ang isang produkto.
PERSWEYSIB
Tatlong Paraan ng Panghihikayat Ayon kay Aristotle
1. Ethos - naiimpluwensyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita
ang paniniwala ng mga tagapakinig. Sa ganitong paraan, kailangang
nagtataglay ng sapat na kasanayan sa pamamahayag ang isang manunulat o
tagapagsalita.
2. Pathos - pag-apila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito marahil ang
pinakamahalagang paraan upang makahikayat. Madaling naaakit ang isang
tao kapag naantig ang kanyang damdamin kaugnay ng paksang tinatalakay.
3. Logos - paraan ng paghikayat na umaapila sa isip. Ang paglalahad ng
sapat na katibayan kaugnay ng paksa ay labis na nakakaapekto sa
panghihikayat.
PERSWEYSIB
• Ang tekstong Persuweysib ay iba sa
tekstong Argumentatibo.
• Sa persuweysib, hinihikayat ng manunulat o
tagapagsalita ang mga mambabasa at tagapakinig na
maniwala sa kanilang mga inihahayag na prinsipyo.
• Sa argumentatibo ay naghahain ng isang proposisyon
na maaaring tutulan o sang-ayunan ng manunulat o
tagapagsalita.
NARATIB
 Tawag sa isang teksto kung ito ay nasa anyong nagsasalaysay. Ang
tekstong ito ay tila nagkukuwento patungkol sa tiyak at
pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
Nilalayon din ng tekstong naratibo na magbigay-kabatiran, o
magbigay ng kawilihan sa mambabasa.
Ang tekstong naratibo ay nagpapakita at nagbibigay ng mga
impormasyon tungkol sa isang tiyak na tagpo, panahon, sitwasyon
at mga tauhan.
Ito ay maaaring pasulat o pasalita at nag-iiwan ng isang matibay na
kongklusyon.
NARATIB
Tekstong Naratibong Di-Piksiyon at Piksiyon
• Di-Piksiyon
di piksyon ay mga kwento o akda na naglalaman ng mga tama at
totoong pangyayari o tao.Halimbawa: anekdota, talambuhay
• Piksiyon
Ang piksyon ay mga kwento na nagtatampok ng mga istorya na
galing sa imahinasyon o kathang isip lamang at hindi totoo
Halimbawa: nobela, maikling kuwento at iba pang akdang
pampanitikan
NARATIB
 Ilang mga Elemento ng Tekstong Naratibo
ARGUMENTATIB
 Naglalahad ng paniniwala, pagkukuro, o pagbibigay ng
pananaw tungkol sa isang mahalaga o maselang isyu.
 Layunin nitong mahikayat ang mga mambabasang tanggapin
ang mga argumentong inilalahad sa pamamagitan ng mga
pangangatuwiran.
 Ang ganitong uri ng teksto ay kadalasang sumasagot sa tanong
na bakit.
 Layunin din ng ganitong uri ng teksto na mapatunayan ang
katotohanang ipinahahayag nito.
ARGUMENTATIB
 Mga Bahagi ng Tekstong Argumentatibo
1. Panimula – dito inilalahad ang pangkalahatang paksang tatalakayin at
ang proposisyon. Ang proposisyon ay isang pahayag na naglalaman
ng isang opinyon na maaaring pagtalunan.
2. Katawan - Lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon ay
kailangang organisadong maihanay. Pagmumulan namn ito ng premis
o mga batayan
3. Konklusyon - inilalatag ng sumulat ang kabuuan niyang pananaw
ukol sa kaniyang proposisyon. Kinakailangang matibay ang
konklusyong binuo batay sa mga patunay na nabanggit sa katawan ng
teksto.
ARGUMENTATIB
 Mga Paraan ng Pangangatwiran
1. Pagsusuri - ang paraang ito ay iniisa-isa ang mga bahagi ng paksa upang
ang mga ito ay masuri nang husto
2. Pagtukoy sa mga Sanhi - inuugat ang mga naging sanhi ng mga
pangyayari
3. Pabuod – sinisimulan sa maliliit na patunay tungo sa paglalahat. Maaaring
gawin sa pamamagitan ng pagtutulad, pagtukoy sa mga sanhi ng
pangyayari, at mga patunay
4. Pasaklaw – sinisimulan sa pangkalahatang katuwiran o kaalaman at iisa-
isahin ang mga mahahalagang punto
PROSIDYURAL
 Tekstong Nagpapakita ng Pagkakasunod-sunod
 Ito ay may layunin na sumagot sa tanong na “paano”−−paano
binuo, paano iluto, paano buuin, paano gawin, paano nangyari, at iba
pang mga gawain at pangyayaring lagi nating ikinakabit ang tanong
na paano.
 Ito ay tumutukoy sa mga pamamaraan o hakbang ng
pagsasagawa ng isang gawain at pag-iisa-isa ng mga pangyayari.
 Nagiging mas maayos, malinaw, at naiiwasan ang anumang
kalituhan sa tulong ng mga tekstong prosidyural.
PROSIDYURAL
 Iba't Ibang Tekstong Nagpapakita ng Pagkakasunod-sunod
1. Sekwensyal - tumutukoy sa serye o pagkakasunod-sunod ng mga bagay o gawaing
magkakaugnay sa isa’t isa.
Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang una, pangalawa, pangatlo,
pang-apat, kasunod, at iba pang kagaya.

2. Kronolohikal - tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pahayag. Ang paksa ng


tekstong ito ay mga tao o bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na
baryabol na tumutukoy sa edad, distansya, halaga, lokasyon, bilang, dami at iba pa.

3. Prosidyural - nagtuturo kung paano isasakatuparan ang isang serye ng gawain


upang matamo ang inaasahang resulta. Ang kaayusang ito ang mas madalas na
kinakabitan ng tanong na “paano,” sapagkat ito ang kaayusang nag-iisa-isa ng mga
hakbang o pamamaraan kung paano gawin ang isang bagay.

You might also like