You are on page 1of 28

Tekstong Paglalahad o

Ekspositori
1. Depinisyon

 Pagbibigay ng kahulugan sa mga salita upang


mabigyan ito ng linaw.
 Mayroong tatlong uri: pagbibigay ng sinonim,
intensib at ekstensib
Tatlong Bahagi
1. Terminolohiya – ang salitang binibigyan ng
kahulugan
2. Kaurian – saan nabibilang o ano ang uri nito
3. Kaibahan – mga katangian na ikinaiba ibang salita
Gawain 1:

Tukuyin sa sumusunod ang tatlong


bahagi ng depinisyon. Ilahad sa
ganitong paaraan ang sagot.
1. a. Terminolohiya:
b. Kaurian:
c. Kaibahan:
1. Ang penggunting o pegudad ay seremonyang
ginagawa pitong araw pagkapanganak na kung
saan ay naghahandog ang mga magulang ng
kanduli. Ang binibinyagan o pinararangalan ay
binibigyan ng pangalan ng isang pandita
pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok
ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig
ang pinutol na buhok.
2. Ang kanduli isang salusalo bilang pasasalamat sa
pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan ang
mga kaibigan, kamag-anakan at pandita. Naaayon
sa antas ng kabuhayan ang inihahanda.
3. Ang buaya ay kakaning korteng buaya na gawa sa
kakanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at
pinakalaman ng niyog ang ginagawang ngipin.
4. Ang aqiqa ay karaniwang nagkakatay ng hayop,
kambing o baka bilang paghahandog ng
pagmamahal at pasasalamat.
Gawain 2:

Tayahin kung tama o mali ang sumusunod na


depinisyon:
1. Isang pagdiriwang ng simbahan ang pasko.
2. Ang T’nalak Festival ay ipinagdiriwang
tuwing Hulyo sa Koronadal.
Gawain 3:

Bigyan ng kahulugan ang alinman


sa sumusunod ayon sa intensib na
depinisyon:

1. Edukasyon
2. Notre Dame of Marbel University
Pag-iisa-isa
Pag-iisa-isa

Nag-aayos ng mga detalye.


Tinatawag din itong paglilista o enumerasyon.
Isinasaayos ang detalye ayon sa bahagi.
Dalawang uri: Simple at komplikado
Gawain 4:

Tukuyin ang paksa at ang


mga inisa-isa sa teksto.
“Bless this car, O Lord, we pray”

Sa kabilang dako naman, sa gitna ng kanyang


paghihirap at nakalulunos na paghihikahos sa
buhay na karaniwang “isang kayod, isang tuka,”
ang Pinoy ay hindi nakalilimot sa Poong Maykapal.
Lagi niyang dinadasal ang “Hail Mary, Mother of
God”. Kasama niyang lagi ang larawang “De
Colores” ng Cursillo. Talagang maka-Diyos ang
Pinoy. Puspusang relihiyoso. Sa larawan ng pag-
ibig: “ Batid ng Diyos Labis Kitang Minamahal.” Sa
larangan ng pag-awit: “ Lagi Kong Dasal sa
Maykapal na Lumigaya Ka”.
tabing: Sa Ngalan ng Ama at ng Anak”. Sa kanyang
pagmamaneho: “Bless this car, O Lord, we pray:
Make it safe by night and day”. Tuwing may
madaraan siyang simbahan, hindi makakalimutan
ang mag-antada ng krus. At kung siya ay
nagkakamali:”Susmaryosep!”(Jesus, Maria, Josep).
-Mula sa “Ang Pampasaherong
Dyipni at ang Ugaling Pinoy” ni
Florentino T. Timbreza
Gawain 5:

Isa-isahin ang mga pangarap


ninyo sa inyong buhay.
Pagsusunod-sunod
Pagsusunod-sunod

Inaayos ang detalye ayon sa


pagkakasunod-sunod ng pangyayari,
hakbang o proseso.

Dalawang Uri:
1. sikwensiyal-kronolohikal
2. prosidyural
Gawain 6:

Mamili sa dalawa at isagawa ang pagsusunod-


sunod.

1. Ibalita ang mga pangyayari sa


Hinugyaw/Pasko/Bagong Taon/Pagkuha ng
Pagsusulit.

2. Ilahad ang proseso ng pagluluto ng pagkaing


laging niluluto sa inyong bahay.
Paghahambing at Pagkokontrast
Paghahambing at Pagkokontrast

Nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng


dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya.
Ginagamit ito upang maipakita ang namumukod-
tanging katangian ng paksang tinatalakay.
Gawain 7:

Pumili ng isang paksa sa ibaba. Ipakita sa loob ng


Venn Diagram ang pagkakatulad at pagkakaiba ang
alinman sa sumusunod:

1. Ama at Ina
2. Paaralan at Tahanan
3. Puso at Utak
Problema at Solusyon
Problema at Solusyon

Pagtalakay sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng


kalutasan ang pokus ng huwarang ito.
Gawain 8:

Tumukoy ng isang suliranin at


bigyan ito ng mga karampatang
solusyon.
Sanhi at Bunga
Sanhi at Bunga

Paglalahad ng suliranin at mga naging epekto


nito.
Gawain 9:

Tumukoy ng isang suliranin at


ibigay ang mga epekto nito.
Pagsusulit!

Pumili ng dalawang gawain sa mga pahina 57 hanggang 67 ng


inyong aklat at isagawa ito. Ilahad ang sagot sa grapikong
pantulong na makikita sa bawat gawain. Pagkatapos, ilahad ang
mga naitala sa grapikong pantulong sa loob ng isang talata.
Isaalang-alang ang katangian ng bawat hulwaran ng tekstong
paglalahad. Isulat sa isang buong papel.
Pamantayan:
Kalinawan -5
Katiyakan –5
Kohirens – 5
Empasis – 5
Kabuuan- 20

You might also like