You are on page 1of 23

URI NG PAGBABAGONG

MORPOPONEMIKO
1. Asimilasyon. Sakop ng uring ito ang mga
pagbabagong nagaganap sa /ŋ/ sa posisyong
pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang
kasunod nito.
May dalawang uri ng asimilasyon: a)
asimilasyong parsyal o di- ganap at b)
asimilasyong ganap.
Ang asimilasyong parsyal o di-ganap ay yaong
karaniwang pagbabagong nagaganap sa
ponemang /ŋ/ at nagiging /n/ o /m/ o
nananatiling /ŋ/ dahil sa kasunod ng tunog.
Bukod dito ay wala nang ibang pagbabagong
nagaganap.

Kung ang isang panlapi o salita ay nag tatapos


san /ŋ/ at ikinakabit sa isang salitang-ugat na
nagsisimula sa /p/ o /b/, ang /ŋ/ ay nagiging /m/.
ŋ = ng = P/B = m
= ng = d, l, r, s, t = n

Halimbawa: Pangbata = pambata


pangpunas = pampunas
panglalaki = panlalaki
pangpulitika = pampulitika
pangkuha = pangkuha

Ganap: pangkuha = pangkuha = panguha


pangpunas = pampunas = pamunas
Pansinin ang Halimbawa

[pang-] + bili→pambili
[labing-] + pito → labimpito

Ang huling ponemang /ŋ/ ng isang


morpema ay nagiging /n/ kung ng
ang kasunod
ay aliman sa mga sumusunod
na ponema: /d,I,r,s,t/
Mga Halimbawa:

[pang-] + dalaga →pandalaga

[pang-] + lalaki → panlalaki

[pang-] + reyna → panreyna

[pang-] + siyam → pansiyam

[pang-] + tatay → pantatay


Sa asimilasyong ganap,bukod sa pagbabagong
nagaganap sa ponemang /n/ ayon sa punto ng
artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala
rin ang unang ponema ng nilalaping salita
dahil sa ito’y inaasimila o napapaloob na sa
sinusundang ponema. Halimbawa:
pang + tali = pantali = panali
pang + punas = pampunas
= pamunas
May mga salitang maaaring gamitan ng
alin man sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit
may mga salitang nakasanayan nang gamitin
lamang ang asimilasyong parsyal. Sa ibang salita,
hindi na nagaganap ang pagkawala ng unang
ponema ng ikawlawang morpemang isinasama sa
pagbuo ng salita.
Mga Halimbawa:
Yaong maaring gamitan ng dalawang uri ng asimilasyon.
Di-ganap Ganap
[pang-] + kuha → pangkuha → panguha
[pang-] + tabas → pantabas → panabas

Yaong hindi ginagamit ng asimilasyong ganap:

[pang-] + bansa → pambansa (hindi maaari ang pamansa)


[pang-] + luto → panluto (hindi maari ang panuto)
2. Pagpapalit ng Ponema. May mga ponema
nababago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita.
Kung minsan, ang ganitong pagbabago ay
nasasabayan ng pagpapalit ng diin.
/d/ → /r/
Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal
ng salitang nilalapian ay karaniwang
napapalitan ng ponemang /r/ kapag
patinig ang huling ponema ng unlapi.

Mga Halimbawa:

ma- + dapat → marapat


ma- + dunong → marunong
ma- + dangal → marangal
Mapapansing sa unang halimbawa, ang
pagpapalit ay sapilitan at hindi opsyonal. Hindi
sinasabi ang madapat.
May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa
posisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito
ay hinuhulipian ng [-an] o [ in],ang /d/ ay
karaniwang nagiging /r/.

Mga Halimbawa:
lapad + -an → lapadan → laparan
tawid + -in → tawidin → tawirin
Bagama’t opsyonal ang pagpapalit, higit na
gamitin ang anyung may /r/ sapagkat higit
naaayon sa likas na hilig ng tao na gawing
lalong madali para sa kanya ang pag bigkas.
Samantala, sa halimbawang

ma- + dunong → madunong ~ marunong


Mapapansing maaring magkapalitan ang /d/
at /r/.
Pansinin na ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ ay
nagaganap kapag ang /d/ ay nakapagitan sa
dalawang patinig .
Bagama’t maaring gamitin ang alin man sa mga
salitang madunong at marunong, higit na
palasak ang ikalawang anyo sapagkat ito ang
lalong magaan at madulas bigkasin.

May mangilan-ngilang pagkakataon na nag


nabubuong mga salita ay magka iba ,tulad ng
madamdamin ( full of feeling) , at maramdamin
(sensitive). Sa mga ganitong pagkakataon ,
hindi masasabing maaaring magkapalitan ang
/d/ at /r/ .
/h/ → /n/
Sa ilang halimabawa, ang /h/, bagama’t hindi binabaybay o
tinutumbasan ng titik sa pagsulat, ay nagiging /n/ .
Halimbawa:
/tawah/ + -an → tawahan → tawanan
/o/ → /u/

Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na


hinuhulapian o inuulit ay nagiging /u/.
Sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati
lamang ng mga salita .
Halimbawa:
dugo + -an → duguan
kaso(h) + -an → kasuhan
3.Metatesis. Kapag ang salitang-ugat na
nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginigitlapian ng [-in-]
ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi
ay nagkakapalit ng posisyon
Halimbawa:
-in- + lipad → linipad → nilipad
-in- + yaya → yinaya → niyaya

Pansinin na ang /-in/ ay nagiging /in-/.


Karaninwang ng yayari ito kapag ginigitlapian
ang mga salitang nag sisimula sa /l/ o /y/ (Ampil,
Breva & Mendoza, 2010).
Kung sabagay, may gumagamit din ng linipad at
yinaya ngunit higit na gamitin ang nilipad at niyaya
May mga salitang nagkakaroon ng pagkakaltas ng
ponema bukod sa pagkakapalit ng posisyon ng
dalawang ponema.
Halimbawa:
atip + -an → atipan → aptan
Takip + an - takipan - takpan
tanim + -an → taniman → tamnan
4.Pagkakaltas ng Ponema. Nagaganap ang
pagbabagong ito kung ang huling ponemang
patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa
paghuhulapi dito.
Halimbawa:
takip + -an → takipan → takpan
bigay + -an → bigayan → bigyan
5.Paglilipat-diin. May mga salitang
nagbabago ng diin kapag nilalapian.
Maaring malipat ng isa o dalawang pantig
ang diin patunong huling pantig o maaring
malipat ng isang pantig patungong unahan
ng salita.
Halimbawa:
Basa(h) + -in → baSAhin
Ka- + Sama(h) + -an → kasamaHAN
laRO’ + -an →laruAN
6.Reduplikasyon. Pag-uulit ito ng pantig ng salita.
Ang pag-uulit na ito ay maaring mag pahiwatig ng
kilos ng ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa
ng kilos o pagpaparami (Benales, et al.,2011).

Halimbawa:
kain = kakain
mahaba= mahahaba
maglako = maglalako
punta = pupunta
masaya = masasaya
naglaba = naglalaba
Tandaang maaring may dalawa o higit pang
pagbabagong morpoponemiko ang magaganap sa
isang salita.Pansinin ang mga halimbawa sa ibaba:
a. mang - + dagit

mandagit - Asimilasyong parsyal

mandadagit – Republikasyon

Mandaragit – Pagpapalit ng ponema /d/ → /r/
b. ka- + sarili(h) + -an

kasarilihan - pagkakaltas
ng ponema /i/

kasarinlan - metatesis /I/

kasarinlan – metatesis /l↔ n/
Pagbabagong morpoponemiko
Mang+dagit = PS
Mandagit = AP
Mandadagit = Red.
Mandaragit = d/r
Pagbabagong morpoponemiko
Sang+in+sukob+an = PS
Sansinukoban = AP
Sansinukuban = o/u

You might also like