You are on page 1of 18

Lingguwistikong

Komunidad at Uri ng
Wika
• Salik ng Lingguwistikong Komunidad
• Homogenous at Heterogenous na Wika
• Barayti ng Wika
Lingguwistikong Komunidad
• Termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong
gumagamit sa iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga
ispesipikong patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.
• Nagkakasundo ang mga miyembro sa kahulugan ng wika at interpretasyon
nito, maging ang kontekstong kultural na kaakibat nito.
• Kaisahan na tila may iisang mukha, wika, kilos, o tunguhin ang bawat
kasapi.
Etimolohiya

Lingguistiko or Linguistics
(Linguist) + (-ics)
• Ang linggwistiko ay ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang linggwista ang mga
dalubhasa dito.
Komunidad
(comunidad) Espanyol
• Ang pamayanan o kumunidad ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o
pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak, o pamamahay
(kabahayan) na may pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na
pagsasamahang panlipunan.
Mga Salik ng Lingguwistikong
Komunidad
• May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba. (Chomsky,
1965; Lyons, 1970)
• Nakapagbabahagi at malaya ang kasapi sa tuntunin ng wika at
interpretasiyon nito. (Hymes, 1972)
• May kaisahan hinggil sa gamit ng wika. (Labov, 1972)
Homogenous na Wika
 Iisang gamit ng wika sa isang tiyak na pangkat, grupo, kompanya o
lupon.
• Sektor – mga manggagawa
• Grupong pormal – Bible study group
• Grupong impormal – barkada
• Yunit- team ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.
Multikultural na Komunidad
“Pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba.”
• Lahi
• Kasarian
• Paniniwala
• Pananampalataya
• Estado sa buhay at kasaysayan
Heterogenous na Wika
 Maraming wika na ginagamit dahil sa multikultural nating katangian,
identidad, at pinagmulan.
• Internasyunal- United Nations; UNICEF; at iba pa
• Rehiyunal- European Union; ASEAN;at iba pa
• Pambansa- Pilipinas, Indonesia, Japan at iba pa
• Organisasyonal- Microsoft, Google, Nestle; at iba pa
Barayti ng Wika
 Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal
at grupo, maging ng kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at
iba pa. May dalawang dimensyon ang baryabiliti nito: heograpikal at
sosyal (Constantino, 2006)
DAYALEK/DIYALEKTO
• Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
Halimbawa :
 Ang isang bisayang nagsasalita ngTagalog o Filipino ay may tonong hawig sa Bisaya
at gumagamit ng mga leksikon o ilang bokabularyong may pinagsamangTagalog at
Bisaya na tinatawag ding “TagBis”. Pinapalitan ang panlaping “um” ng “mag”.
 MAGkaon (mokaon) tayo adto sa mall- (Tagalog- Bisaya)
 kUMain tayo sa mall- (Tagalog sa Maynila)
IDYOLEK
Ito ay estilo o paraan ng paggamit ng wika na sinasalita ng pangkat o tiyak
na mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa.
Halimbawa:
 Noli De Castro- “Magandang gabi Bayan”
 Mike Enriquez- “Hindi kayo tatantanan”
 Ruffa Mae Quinto “Todo na to!”
SOSYOLEK
Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o
dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Halimbawa:
Wika ng Beki o Gay Lingo
Churchchill- sosyal Indiana Jones- nang- indyan Bigalou- malaki
Givenchy- pahingi Juli Andrew- mahuli
Coñoc (Coñoctic o Conyospeak)
“Let’s make kain na.” “Wait lang. I’m calling pa kasi ni Ana.”

JOLOGS 0 “JEJEMON”
Nandito na ako- “D2 na me” Kamusta?- “MuZtaH?”
I miss you- “ iMisqcKyuH” Ako ito- “aQcKuHh iT2h”
ETNOLEK
Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko.
Halimbawa:
Vakkul- Pantakip sa ulo  Payew- Hagdan-hagdang Palayan (Ifugao)
Banas-  mainit, maalinsangan Kadal Herayo- Sayaw ng Kasal (Kalinga,
Apayo)
REGISTER 
 Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri
ng wikang ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.

Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang


kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan,
nakakatanda, o hindi niya masyadong kakilala.
Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari
tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga
talumpati, sa korte, sa paaralan at iba pa.

Di- pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap kaibigan,
malalapit na pamilya, mga kaklase, o mga kasing edad, at matagal na
kakilala.
SALITA LARANGAN KAHULUGAN
Stroke Medisina Isang uri ng sakit na nakakmatay
Sports Istilo ng paglangoy ng isang tao
Hardware Teknolohiya Parte ng kompyuter na
nahahawakan
Kalakalan Dito nabibili ang mga materyales
Lobe Agham Parte ng utak
Agrikultura Parte ng dahon
Pidgin
Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala
ninuman” o “ nobody’s native language”. Ginagamit ito sa mga tao na
nasa ibang lugar o bansa.
Halimbawa:
Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
Creole
Ito ay isang wika na unang naging Pidgin ngunit kalaunan ay naging likas
na wika (nativized).
Halimbawa:
Chavacano (Zamboanga)- Hindi masasabing purong Kastila dahil sa
impluwinsya ng ating katutubong wika sa istruktura nito.
Mi nombre – Ang pangalan ko
Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?

You might also like