You are on page 1of 2

-PANGKAT 5-

Ang wika ay nakabatay sa kultura. Ang kultura


ay tumutukoy sa isang Sistema kung saan ang mga
taong kabilang sa lipunan ay kabahagi ng
paniniwala, pananaw, kaalaman, pag-uugali, at
pagpapahalaga. Ang wika ay nabubuo kalakip ng
isang kultura. May mga salitang banyaga na
walang eksaktong kahulugan sa Filipino dahil hindi
ito parte ng kultura ng bansa.

*Paniniwala
*Pananaw
*Kaalaman
*Pag-uugali
*Pagpapahalaga
Pangkat 7
Ang wika at kaisipan ay hindi mapaghihiwalay. Ang wika
ay sentro ng karanasan bilang tao. Ang lahat ng
konseptong tinataglay ng tao hinggil sa mga bagay-bagay
sa mundo ay nagmula sa kaniyang wikang ginagamit.
Masasabing ang wika ang humuhulma sa kaisipan ng tao
sapagkat gamit ang wika, naipapakita ng tao kung paano
niya nakikita ang mundo o ang kaniyang lipunang
kinabibilangan. Ang wika ay instrument ng pag-iisip.
Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan. Sa
pag-unlad ng kaisipan ay umuunlad ang wika.

You might also like