You are on page 1of 117

Aspeto ng

Pandiwa

MTB 2 Q3
Ano ang aspeto
ng pandiwa?

MTB 2 Q3
Ano ang iyong napansin sa
larawan?
MTB 2 Q3
Sa iyong palagay, tungkol
saan kaya ang larawan?
MTB 2 Q3
Anong karanasan kaya ang
nabuo ng bata sa larawan
mula sa gawaing
pinagkakaabalahan nila?
MTB 2 Q3
“Ang Kasoy”
Ni: Ghia C. Ureta

MTB 2 Q3
Buwan ng Mayo nang
maisipan ni Pedrong
maglibot sa bakuran.
Nakakita siya nang buto
ng kasoy, itinanim niya ito
sa tabi ng bakod.

MTB 2 Q3
Araw-araw niya
itong dinidiligan at
inaalagaan
hanggang sa
lumaki at naging
puno.
MTB 2 Q3
Limang taon ang
nakalipas, ang
butong itinanim ni
Pedro ay lumago
at nagbunga.

MTB 2 Q3
Sa tuwa ng pamilya, sama-
sama nilang pinitas ang
mga bunga at inihain sa
hapag-kainan. Masayang
pinagsaluhan ng pamilya
ang mga bunga ng kasoy.

MTB 2 Q3
“Anak, ang mga
buto ng kasoy ay
maaring ibilad at
isangag upang
makain”, wika ni
Nanay.
MTB 2 Q3
“Sige po Nanay, bukas na
bukas din ay ibibilad ko
po ang mga buto ng kasoy
na aking naipon” sagot ni
Pedro.
Ibinilad ni Pedro ang mga
buto ng kasoy.
MTB 2 Q3
Pagkatuyo ng buto binuksan at
isinangag ito ng kaniyang
Nanay. Ihahain ito ni Pedro at
magsalo-salo ang buong
pamilya. Ibabahagi ng pamilya
ang mga bunga at buto ng
kasoy sa mga kapitbahay.

MTB 2 Q3
Sagutin ang mga
tanong. Isulat ang
letra ng tamang
sagot sa sagutang
papel.
MTB 2 Q3
1. Ano ang pamagat ng
salaysay?
a. Ang Puno
b. Ang Buto
c. Ang Tanim
d. Ang Kasoy
MTB 2 Q3
2. Sino-sino ang mga tauhang
nabanggit sa salaysay?

a. sina Pedro, Nanay, Kuya at Perla


b. sina Pedro, Nanay, Tatay, Ate at
Kuya
c. sina Kuya, Ate at Ana

MTB 2 Q3
3. Ano ang nakita ni Pedro sa
bakuran?

a. buto ng papaya
b. buto ng kalabasa
c. buto ng kasoy d. buto ng manga

MTB 2 Q3
4. Ano ang araw-araw na ginawa
ni Pedro sa kaniyang tanim?

a. dinidiligan at inaalagaan
b. kinakausap at dinidiligan
c. binubungkal at inaalagaan

MTB 2 Q3
5. Ano ang ginawa nila sa mga
pinitas na bunga?

a. ipinamigay sa mga
kapitbahay
b. inihain sa hapag kainan
c. pinabulok sa tabing daan
MTB 2 Q3
6. Ano ang balak nilang gawin sa
mga inani nilang buto ng kasoy?
a. iihawin
b. ibibilad at isasangag
c. papakuluan
d. ibebenta

MTB 2 Q3
Ang karanasan ay
tumutukoy sa mga
pangyayari sa iyong
buhay na naganap o
natapos na.

MTB 2 Q3
Masasabing ang mga
nagawa, naisip, pati ang
naamoy, nalasahan,
nahawakan, nadama at
narinig mo ay
mapapasama na sa iyong
karanasan.
MTB 2 Q3
Halimbawa, may tinulungan
kang isang tao.
Nagpasalamat siya sa iyo.
Dahil dito, nakadama ka ng
kakaibang saya sa iyong
ginawa.

MTB 2 Q3
Alam mo na ngayon
ang pakiramdam ng
nakatutulong sa iba
at tapat na
pinasasalamatan.

MTB 2 Q3
Ang mga karanasan ay
tumutukoy sa mga
kaalaman na nakuha
mula sa paggawa ng
isang bagay o gawain.

MTB 2 Q3
Ang iba’t ibang
aspekto ng pandiwa
ay maaring gamitin
sa paglalahad ng
iyong karanasan.
MTB 2 Q3
Ang karanasan ay
maaring
maipahayag sa
salaysay, kuwento, o
tula.
MTB 2 Q3
Paano nga ba
isinasalaysay ang
isang simpleng
karanasan?
MTB 2 Q3
Punan ang bawat
patlang ng angkop na
salita mula sa kahon.
Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

MTB 2 Q3
niluto kinain nagtanim
inani nag-alaga
Ang Aking Pamilya
Ngayong pandemya magkakasama ang
aming pamilya. Gumawa kami nina
Ate at Kuya ng iba’t-ibang gawain sa
bahay.
MTB 2 Q3
niluto kinain nagtanim
inani nag-alaga
(1)____________ si Tatay ng
maraming gulay. Tinulungan ko sya
na alagaan ang mga ito. Masaya
naming (2)_____________ ang mga
gulay. May talong, okra, talbos, sitaw
at iba pa. MTB 2 Q3
niluto kinain nagtanim
inani nag-alaga

(3)_________ iyon ni Nanay at naging


ulam namin sa tanghalian. Si ate at
kuya naman ay (4) _____________ng
manok.
MTB 2 Q3
niluto kinain nagtanim
inani nag-alaga

(5)__________ ko naman ang mga


itlog. Kahit may pandemya pamilya
ko’y malusog dahil sa mga tanim
namin na gulay sa bakuran.

MTB 2 Q3
Quarter 3
MTB
Week 5
Day 2 MTB 2 Q3
Paano
nagsasalaysay ng
isang karanasan?

MTB 2 Q3
Ang iyong mga natutuhan
tungkol sa pandiwa ay
tutulong sa iyo sa paglalahad
mo ng iyong karanasan. Ito ay
hakbang upang mapagyaman
ang iyong kaalaman sa
gramatika.

MTB 2 Q3
Natatandaan mo pa ba ang
mga pangyayaring naganap
sa iyong buhay? Kaya mo
bang isalaysay ang mga iyon?
Alam mo ba
ang tawag sa mga ito?

MTB 2 Q3
Sa pagsasalaysay mo ng
mga simpleng karanasan at
sa pagsunod sa panuto,
madalas na gumagamit ka
ng salitang kilos o
pandiwa.

MTB 2 Q3
Kung maaalala mo,
tinatawag na pandiwang
pangnagdaan ang tawag
dito. Nangangahulugan na
tapos na o naganap na.

MTB 2 Q3
Paano nga ba
isinasalaysay ang
isang simpleng
karanasan? Basahin
mo ang halimbawa sa
ibaba.
MTB 2 Q3
Sa Aming Bakuran

“Napakaganda ng aking
umaga,” wika ni Annie.
Pumasyal ako kasama si Nanay
Bing sa halamanan bago pa
sumikat ang araw. MTB 2 Q3
Nakita kong namumukadkad na
ang bulaklak na rosal na
itinanim namin noong isang
buwan. Hinawakan ko ang
bulaklak.

MTB 2 Q3
Inilapit ko ito sa aking ilong.
“Napakabango pala ng amoy ng
rosal,” nasabi niya.
Diniligan ko rin ito upang mas
maging maganda at malusog.

MTB 2 Q3
Tingnan muli ang mga
salitang may salungguhit.
Ang mga salitang
pumasyal, nakita, itinanim,
inilapit, nasabi, at diniligan
ay mga kilos na naganap
na.
MTB 2 Q3
Paano mo papahalagahan
ang mga karanasan mo?

MTB 2 Q3
Sa pagpapahayag ng
sariling karanasan,
pandiwang naganap na ang
dapat gamitin
Punan ang patlang ng
angkop na pandiwang
naganap na upang mabuo
ang diwa ng pangungusap.
Isulat ang mga sagot sa
sagutang papel.

MTB 2 Q3
Sabado na naman, araw ng
gawaing bahay. Araw ni
Ana upang tumulong kay
Nanay.

MTB 2 Q3
1. Pagkagising sa umaga,
(ayos) ang higaan.
(nag-ayos, ayos
nag-aayos, mag-aayos)
MTB 2 Q3
2. (walis) ng mga
dahon sa bakuran.
(magwawalis, walis
nagwawalis, nagwalis)
MTB 2 Q3
3. (hugas) ng
pinagkainan.
(naghugas, hugas,
huhugasan, naghuhugas) MTB 2 Q3
Quarter 3
MTB
Week 5
Day 3 MTB 2 Q3
Sa pagpapahayag ng
sariling karanasan,
pandiwang naganap na
ang dapat gamitin.

MTB 2 Q3
Pagkatapos ng araling ito,
inaasahang nakagagamit ka
ng mga salitang kilos sa
pagsasalaysay ng mga
simpleng karanasan at sa
pagbibigay ng mga panuto.

MTB 2 Q3
Nagkakaroon ka rin ng
karanasan mula sa pagsunod sa
mga panuto. Kapag sinabing
panuto, maiuugnay ito sa
direksyon o mga hakbang
upang magawa ang isang
bagay.
MTB 2 Q3
Upang maging mas
malinaw, gumagamit
tayo ng mga salita na
nagsasaad ng
pagkakasunod-sunod ng
mga dapat gawin.

MTB 2 Q3
Ang hindi pagsasagawa ng
isang hakbang ay
magdudulot ng
pagkakamali. Sa huli,
maaaring hindi matamo ang
nais na mangyari, maganap,
o magawa.
MTB 2 Q3
Una, pumunta o pumasyal sa
halamanan. Ikalawa, maghanap ng
bulaklak. Ikatlo, ilapit ang ilong dito
pero huwag pipitasin. Sunod, amuyin
ang bulaklak. Panghuli, diligan ang
halaman.

MTB 2 Q3
Sa araw-araw mong karanasan ay
may mga panuto kang sinusunod.
Maaaring hindi mo lamang ito
napapansin. Halimbawa nito ay ang
ginagawa mo pagkagising.

MTB 2 Q3
Pagkagising ay una mong ginagawa na
iligpit ang iyong hinigaan. Pangalawa
ay nagsisipilyo at nag-aayos ng sarili.
Pangatlo ay kakain ka ng agahan.
Maaaring maiba ito ayon sa iyong
nakasanayan.

MTB 2 Q3
Ikuwento sa
mga kaklase ang
di malilimutang
karanasan.
MTB 2 Q3
Mahalaga rin ang
pagsunod sa mga
panuto?

MTB 2 Q3
Buuin ang tula sa
pamamagitan ng
pagsulat ng
pandiwang naganap
na sa patlang.

MTB 2 Q3
Piliin ang angkop na
salita mula sa kahon
at isulat sa sagutang
papel

MTB 2 Q3
Kumain naglakad naglaro
Bago magpandemya
Puso ko’y puno ng galak
Sa bawat araw na namamasyal
(1) __________sa parke
(2) _________sa palaruan
(3) ________sa restoran
Kasama ang kaibigan at pamilya.
MTB 2 Q3
Quarter 3
MTB
Week 5
Day 4 MTB 2 Q3
Paano nga ba
isinasalaysay ang
isang simpleng
karanasan?

MTB 2 Q3
Ngayon naman ay
ipagpapatuloy mo ang
paggamit ng salitang
kilos upang
magbahagi ng mga
pangyayari sa iyong
buhay.
MTB 2 Q3
Basahin ang mga
pangungusap sa ibaba. Ayusin
ito sa pamamagitan ng
pagsulat ng letra sa sagutang
papel na aakma sa
pagkakasunod-sunod ng mga
larawan.

MTB 2 Q3
MTB 2 Q3
Mga Tagubilin Ni Ina

A. Pangatlo, kumain
ng masustansyang
pagkain. upang maging
malusog at matalas ang
isipan.
MTB 2 Q3
B. Panlima, magmano kay
nanay at tatay bago umalis
ng bahay.

C. Una, maligo upang


katawan ay luminis at
maging mabango.

MTB 2 Q3
D. Pang-apat, magsepilyo
upang ngipin ay luminis.

E. Pangalawa,
magbihis ng malinis na
uniporme.

MTB 2 Q3
Mahalaga rin ang
pagsunod sa mga
panuto sa pagluluto.
Marunong ka na
bang magsaing ng
bigas?

MTB 2 Q3
Mainam na habang
bata ka pa ay
marunong ka na
nito. Tingnan ang
mga panuto sa
ibaba.
MTB 2 Q3
Pagsasaing ng Bigas
Mga Panuto:

A.
Panghuli, hinaan ang
apoy upang main-in
ang kanin. MTB 2 Q3
B. Pangatlo, hugasan ng
hanggang dalawang
beses ang bigas gamit
ang malinis na tubig.

MTB 2 Q3
C. Pagkatapos, isalang ang
lutuan sa kalan at hayaan
itong kumulo.

D. Una, linisin ang bigas


upang tanggalin ang mga
maliliit na bato o ano mang
dumi.
MTB 2 Q3
E. Sumunod ay lagyan ng
tubig ayon sa dami ng
bigas.

F. Pangalawa, ilagay sa
kaldero o lutuan ang
bigas.
MTB 2 Q3
Makikita na ang may
salungguhit ay mga
salitang kilos. Ang mga
may bilog naman ay mga
salitang pananda ng
pagkakasunod-sunod.

MTB 2 Q3
Napansin mo bang hindi
sila nakaayos nang tama?
Ano kaya ang mangyayari
sa sinaing kung ito ang
susundin? Malamang
walang malulutong kanin.

MTB 2 Q3
Ang tamang
pagkakasunod-
sunod ay:
D, F, B, E, C,
A.
MTB 2 Q3
Punan ang bawat
patlang ng tamang
aspekto ng salitang-
kilos ayon sa
larawang ipinakita.

MTB 2 Q3
Piliin ang tamang
sagot mula sa kahon
sa ibaba at isulat sa
sagutang papel.

MTB 2 Q3
kumakanta
kumanta
kakanta
1. Si Ana
ay_________ kanina
sa bahay.
MTB 2 Q3
kumakanta
kumanta
kakanta
2. Si Ana
ay__________
ngayon sa plasa.
MTB 2 Q3
kumakanta
kumanta
kakanta

3. Si Ana ay
_____________mamayang
gabi sa patimpalak.
MTB 2 Q3
Ano ang
natutunan nyo sa
araw na ito?

MTB 2 Q3
Piliin ang letra ng dapat
na kasunod na gagawin.
Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.
Paliligo
MTB 2 Q3
1. Basain ang buong katawan.
2. Magsabon at mag-shampoo.
3. _________________
A. Magbanlaw
B. Maghilod
C. Magsepilyo

MTB 2 Q3
Panonood ng balita
1. Basahin ang ulo ng balita.
2. Pakinggan ang sinasabi ng reporter.
3. _________________
A. Takpan na ang TV.
B. Hintayin ang iba pang balita.
C. Tingnan ang suot ng reporter

MTB 2 Q3
Quarter 3
MTB
Week 5
Day 5 MTB 2 Q3
Paano nagsasalaysay
ng isang karanasan?

MTB 2 Q3
Matutuhan mo sa
araling ito ang paggamit
ng salitang kilos sa
pagsasalaysay ng
karanasan.

MTB 2 Q3
Nakilala mo rin ang
mga salitang pananda
ng pagakaksunod-
sunod ng mga panuto o
hakbang.

MTB 2 Q3
Ang pandiwa ay mga
salitang nagpapahayag ng
mga kilos o galaw. Ito ay
mayroong tatlong aspekto,
ang naganap, nagaganap at
magaganap.
MTB 2 Q3
Ang pangnagdaan o
naganap ay mga
salitang kilos na ginawa
na, tapos na o nakalipas
na.
MTB 2 Q3
Ang pangkasalukuyan o
nagaganap ay tumutukoy
sa mga kilos na ginagawa,
nangyayari o ginaganap sa
kasalukuyan.

MTB 2 Q3
Ang panghinaharap o
magaganap ay mga
salitang kilos na hindi pa
nagaganap at gagawin pa
lamang.

MTB 2 Q3
Ang mga sumusunod ay
mga halimbawa ng
pandiwa o salitang kilos
na nagpapakita ng
tatlong aspekto: naganap,
nagaganap at
magaganap.
MTB 2 Q3
MTB 2 Q3
Ang mga karanasan
ay tumutukoy sa mga
kaalaman na nakuha
mula sa paggawa ng
isang bagay o
gawain.

MTB 2 Q3
Ang iba’t ibang
aspekto ng pandiwa
ay maaring gamitin
sa paglalahad ng
iyong karanasan.

MTB 2 Q3
Ang karanasan ay
maaring
maipahayag sa
salaysay, kuwento,
o tula.

MTB 2 Q3
Kapag nasa loob ng silid-aralan

1. Pakinggang mabuti ang sinasabi


ng guro.

2. Hintayin kung may itatanong o


ipagagawa ang
guro.
MTB 2 Q3
3. ______________________
A. Makipag-usap sa katabi
B. Matulog C. Itaas ang kamay bago
sumagot

MTB 2 Q3
Piliin ang kilos na HINDI
dapat gawin sa susunod na
sitwasyon. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa iyong
kuwaderno.

MTB 2 Q3
1. Pagsagot sa mga gawain sa
modyul

A. Gumawa nang
tahimik.
B. Magpatulong kung
kinakailangan.
C. Ipagawa sa nanay.
MTB 2 Q3
2. Pagkain ng hapunan

A. Magpasalamat sa
biyaya.
B. Kunin ang ulam ng katabi.
C. Magdahan-dahan sa
pagnguya.
MTB 2 Q3
3. Bago matulog

A. Kumain ng kendi
B. Magsepilyo
C. Magdasal

MTB 2 Q3
1. Ang mga pandiwa ay
maaaring gamitin sa
pagpapahayag ng
sariling karanasan.

MTB 2 Q3
2. Sa pagpapahayag ng
sariling karanasan,
pandiwang naganap na
ang dapat gamitin.

MTB 2 Q3
3. Ang pagmamahal sa
pamilya ay higit na
naipakikita sa pagbibigay
halaga sa mga karanasan
at kaugaliang
nakasanayan na.

MTB 2 Q3
Lagyan ng tsek (✓) kung ang may
salungguhit ay salitang pananda
sa pagkakasunod-sunod ng
hakbang sa panuto.
Lagyan naman ng ekis (X) kung
hindi ito pananda. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
____1. Una ay basain ang kamay gamit
ang tubig.

_____2. Pangalawa, lagyan ng sabon


ang kamay.

_____3. Susunod ay kuskusing mabuti


ang kamay.
MTB 2 Q3
_____4. Pagkatapos ay banlawan ng
tubig ang kamay.

_____5. Panghuli ay patuyuin ang


kamay gamit ang
malinis na tela.

MTB 2 Q3

You might also like