You are on page 1of 28

REPUBLIC ACT NO.

9262
ANTI-VIOLENCE against
WOMEN and their CHILDREN
Act of 2004
ANO ANG ANTI-VIOLENCE AGAINST
WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT
OR ANTI-VAWC LAW?
 Isinibatas ito noong ika-8 MARSO 2004
 Ang Anti-VAWC ay isinabatas upang pigilan ang domestic violence
 Ito ay naglalayong bigyan ng proteksyon ang pamilya at mga kasapi
nito mula sa karahasan at mga banta sa kanilang pansariling kaligtasan
at seguridad
SINO ANG NILALAYONG
BIGYAN NG PROTESKYON NG
ANTI-VAWC LAW?
1. Ang mga KABABAIHAN
 Asawa o dating asawa
 Meron ang taong nang-aabuso na kasalukuyan o nakaraan na sexual o dating relationship
 Meron ang taong nang-aabuso na anak (common child)

2. At ang kaniyang mga MENDOR DE EDAD NA ANAK, kasama dito:


 Mga anak na bagamat nasa wastong taong gulang (18y/o o higit pa) ay walang kakayahan
na pangalagaan ang kanilang mga sarili, gaya ng “special children” o iba pang may mga
pangkaisipan o medical na pangangailangan
 Iba pang anak ng babaeng biktima, hindi lamang ang mga anak nito sa taong nang-aabuso
sa kanya o nasasakdal
MGA TAONG MAARING MAKAGAWA
NG KARAHASAN O PANG-AABUSO?
 Kasalukuyan o dating asawa
 Kasalukuyan o dating live-in partner
 Kasalukuyan o dating naka-date
 Boyfriend
 Girlfirend
 Kasalukuyan o dating nakatalik
 Ama ng anak
ANO ANG KARAHASAN LABAN SA
KABABAIHAN AT KANILANG ANAK
NA TINUTUKOY?
 Ano mang pagkilos o serye ng pagkilos na ginawa laban sa kakabihan o
kanyang mga anak na naganap sa loob man o labas ng pampamilyang
tahanan
 Ang pagkilos o serye ng pagkilos ay nagdulot o inaasahang magdulot
ng:
 pisikal na pinsala o pagdurusa (physical violence)
 sekswal na pinsala o pagdurusa (sexual violence)
 sikolohikal na pinsala o pagdurusa (psychological violence)
 pinansyal na pang-aabuso (economic abuse)
ANO ANG KARAHASAN O VIOLENCE
LABAN SA KABABAIHAN AT
KANILANG ANAK NA TINUTUKOY?
 Iba pang pagkilos o serye ng pagkilos na tinuturing na karahasan:
 Pagbabanta sa paggawa ng mga nasabing pagkilos (threats)
 Pambubugbog (battery)
 Pananakit (assault)
 Pamimilit o pamumuwersa (coercion)
 Panggugulo (harassment)
 Pagpigil sa malayang paggalaw (arbitrary deprivation of liberty)
MGA URI NG KARAHASAN
LABAN SA KABABAIHAN AT
SA KANILANG MGA ANAK
1. pisikal na pinsala o pagdurusa (physical violence)
2. sekswal na pinsala o pagdurusa (sexual violence)
3. sikolohikal na pinsala o pagdurusa (psychological violence)
4. pinansyal na pang-aabuso (economic abuse)
PISIKAL NA KARAHASAN
(PHYSICAL VIOLENCE)
 Iba’t ibang pagkilos na nagdudulot o maaring magdulot ng pinsala sa katwan ng
isang babae o ng kanyang anak, o maging banta sa kanilang buhay, kabilang dito
ang:
a. Pananakit (physical harm) [Sec. 5(a)]
b. Pagbabanta na sasaktan (threat of physical harm) [Sec. 5(b)]
c. Pagsubok na saktan (attempt to inflict physical harm) [Sec. 5(c)]
d. Paglalagay sa isang babae o sa kanyang anak sa isang kalagayan na nagdudulot sa
kanila ng palagiang takot na sila ay biglaang sasaktan (fear of imminent physical
harm) [Sec. 5(d)]
SEKSWAL NA PINSALA O
PAGDURUSA (SEXUAL VIOLENCE)
 Iba’t ibang pagkilos na nagdudulot o maaring magdulot ng pang-sekswal na pinsala sa isang
babae o sa kanyang anak [Sec. 5(g)] tulad ng:
a. Panggagahasa (rape), sexual harassment, pangmomolestya (acts of lasciviousness)
b. Pagtrato na parang “sex object”
c. Sekswal na panghihiya (demeaning and sexually suggestive remarks)
d. Pisikal na pananakit o pag-atake sa sekswal na bahagi ng katawan
e. Pamimilit na manood ng bastos na palabas o babasahin
f. Pamimilit na gumawa ng malalaswang bagay o gawin ang mga ito sa harap ng camera o
video (sex videos o films)
SEKSWAL NA PINSALA O
PAGDURUSA (SEXUAL
a.
VIOLENCE)
Pamimilit sa parehong maybahay at sa kabit/”ibang babae” (mistress o lover) na
manirahan sa iisang bahay (conjugal home) o matulog sa iisang kwarto kasama ang
asawang lalaki
b. Mga bagay na pipilit o naglalayong pumilit na makipagtalik sa pamamagitan ng
pwersa, pagbabanta ng paggamit ng pwersa, pisikal o ano mang pananakit o
pagbabanta nito, o ano mang uri ng pananakit o hindi nararapat na pamimilit (undue
influence to cause or attempt to cause the victim of her child to engage in sexual
activity, which does not constitute rape) [Sec. 5(g)]
c. Pamimilit na magbenta ng aliw (prostitution)
SIKOLOHIKAL NA PINSALA O
PAGDURUSA (PSYCHOLOGICAL VIOLENCE)
 Iba’t ibang pagkilo (act) o kawalan ng pagkilos (omission) na nagdudulot o maaring
madulot ng pangkaisipan o emosyonal na paghihirap (mental o emotional suffering)
sa isang babae o sa kanyang anak [Sec. 5(h) and (i)] kabilang dito ang:
a. Pananakot (intimidation), pangugulo (harassment), hindi nararapat na
pagmamanman (stalking) [Sec. 5(h)(1)]
b. Paninira ng kagamitan [Sec. 5(h)(4)]
c. Pampublikong pangungutya o panghihiya (public ridicule or humiliation), paulit-
ulit na pagsasalita ng masasakit na bagay, pagmumura o pangmamaliit (verbal and
emotional abuse) [Sec. 5(h)(i)]
SIKOLOHIKAL NA PINSALA O
PAGDURUSA
a.
(PSYCHOLOGICAL VIOLENCE)
Paninilip sa bintana o matagal na pamamalagi sa labas ng bahay ng biktima [Sec.
5(h)(2)]
b. Pagpasok o pananatili ng taong nang-aabuso (perpetrator) sa bahay ng biktima o ng
kanyang anak nang labag sa kanilang kagustuhan [Sec. 5(h)(3)]
c. Pagkakait ng pinansiyal na supporta (financial or economic abuse) [Sec. 5(i)] O
kulang na suporta [Sec. 5(e)(2)]
d. Pakikipagrelasyon o pakikipagtalik sa hindi asawa (marital infidelity) [Sec. 5(i)]
SIKOLOHIKAL NA PINSALA O
PAGDURUSA
(PSYCHOLOGICAL VIOLENCE)
a. Pananadiya na masaksihan ang pisikal, sekswal o sikolohikal na karahasan sa ibang
miyembro ng pamilya
b. Pananadiya na masaksihan ang isang kalaswaan (pornography)
c. Pananadiya na masaksihan ang karahasan sa hayop o alagang hayop [Sec. 5(h)(4)]
d. Pagkakait ng Karapatan na mangalaga sa menor de edad na anak (denial of child
custody) o pagpigil na mabisita at makasama ang mga anak (denial of child
visitation or access) [Sec. 5(i)]
SIKOLOHIKAL NA PINSALA O
PAGDURUSA
(PSYCHOLOGICAL VIOLENCE)
a. Pangigipit o pagtatangka na gipitin (compelling or attempting to compel) ang
biktima o kanyang anak upang pilitin sila na gumawa ng isang pagkilos na labag sa
kanilang kagustuhan kahit na may Karapatan silang tumanggi na gawin ito (right to
desist), o pigilan o pagtatangka na limitahan ang kanilang paggalaw o pagkilos
(restricting freedom of movement or conduct), sa pamamagitan ng lakas o pamimilit
(force), banta ng pisikal o iba pang uri ng pananakit (threat of physical or other
harm), o pananakot (intimidation) [Sec. 5(e)]
b. Pananakot ng taong nang-aabuso (perpetrator) na sasaktan ang kanyang sarili [Sec.
5(f)] *Emotional blackmail
PINANSYAL NA PANG-AABUSO
(ECONOMIC ABUSE O FINANCIAL VIOLENCE)

 Iba’t ibang pagkilos (act) o kawalan ng pagkilos (omission) na nagiging dahilan upang
umasa ang isang babe sa taong nang-aabuso o nasasakdal para sa kanyang pinansiyal
na pangangailangan o ng kanyang pamilya (financial dependent), kasama dito ang:
a. Pagbawi ng nang-aabuso ng pinansiyal na suporta sa biktima
b. Pagpiligil sa biktima na humanap o makilahok sa legal na hanapbuhay (lawful
profession) o Negosyo (business) o iba pang gawaing pangkabuhayan, maliban na
lamang kung may makatwirang kadihalan upang tumutol dito [Sec. 5(e)(4)]
PINANSYAL NA PANG-
AABUSO
(ECONOMIC ABUSE O

FINANCIAL VIOLENCE)
Pagbawi o pagbabanta ng pagbawi ng pinagkukunang pinansiyal (financial
resources), ong Karapatan na gumamit at makinabang sa pampamilyang ari-arian
(conjugal, community or common property)
 Paninira ng gamit sa bahay
 Pagkokontrol sa pera o ari-arian ng biktima, o hindi pagpayag sa biktima na
mikalahok sa pag-control ng pampamilyang ari-arian [Sec. 5(e)(4)]
ANO ANG MAARING GAWIN NG
BABAENG BIKTIMA O KANYANG
ANAK SA ILALIM NG ANTI-VAWC
LAW?
 Sa ilalim ng batas, ang biktima ay maaring magsampa ng CRIMINAL
ACTION o mag-apply ng PROTECTION ORDER na maaring
independent action o kasama ng civil o criminal action at iba pang
remedies
COMPLAINT O

PAGREREKLAMO
Sino ang pwede magreklamo o sampa ng kaso?
 PUBLIC CRIME: kahit sinong tao na may personal na kaalaman sa mga kaganapan
o sirkumstansya ng karahasan o pang-aabuso ay maaring magsumiti ng complaint
sa paglabag ng Anti-VAWC Law
 Saan dapat isumiti ang reklamo?
 Sa Regional Trial Court na itinalagang Family Court kung saan nagawa ang krimen
 Ano ang parusa sa paggawa ng VAWC?
 Ang mga nasasakdal na napatunayan na nagkasala ay maaring mapatawan ng:
pagkakakulong ng mula 1 month and 1 day hanggang 20 years, pagbabayarin ng
P100,000.00 hanggang P300,000.00 bilang damages, at magsasailalim sa
mandatory psychological counseling o psychiatric treatment
PRESCRIPTIVE PERIOD
NG REKLAMO NG VAWC
 HANGGANG KAILAN MAARING MAGREKLAMO ANG BIKTIMA?
a. Sec. 5 (a) to (f) – PHYSICAL HARM, threat of physical harm, attempt to inflict
physical harm, placing victim in fear of imminent physical harm; at
PSYCHOLOGICAL OR FINANCIAL ABUSE to control or restrict the conduct
or movement of the victim or her child – 20 YEARS
b. Sec. 5 (g) to (i) – Attempt to INTIMDATE VICTIM or her child into engaging in
SEXUAL ACTIVITY not constituting rape – 10 YEARS
c. Acts causing or tending to cause EMOTIONAL OR PHYSICAL DISTRESS,
including FINANCIAL ABUSE and DENIAL OF CHILD CUSTODY or
ACCESS – 10 YEARS
ANO ANG PROTECTION
ORDER?
 Isang kautusan na ilalabas sa ilalim ng batas na naglalayong pigilan ang lalo
pang pang-aabuso sa isang ababe at sa kanyang anak
 Nagbibigay ng iba pang tulong o lunas (relief) upang proteksyonan ang mga
biktima mula sa higit pang pinsala, bawasan ang pag kakaabala sa kanilang
pang-araw –araw na pamumuhay at tulong upang maibalik sa mga biktima
ang pamamahala o control sa kanilang sariling buhay
MGA URI NG PROTECTION
ORDER
 BARANGAY PROTECTION ORDER (BPO)
 Barangay ang nag bibigay; effective for 15 days
 TEMPORARY PROTECTION ORDER (TPO)
 Korte ang nagbibigay; ex-parte; effective for 30 days
 PERMANENT PROTECTION ORDER (PPO)
 Korte ang nagbibigay; notice and hearing; effective hanggang sa bawiin ng
korte
SINO ANG MAARING
MAGHAIN NG PETISYON PARA
SA PROTECTION ORDER?
 Ang BIKTIMA (offended party), kanyang mga MAGULANG O TAGAPAG-ALAGA
(guardian), o iba pang malapit na KAMAG-ANAK (hanggang 4th degree)
 Mga OPISYAL NG GOBYERNO, gaya ng DSWD o LGU Social Worker, police
officers, Punong Barangay o Brgy. Kagawad
 Mga TAONG NAGBIBIGAY NG PROPESYONAL NA TULONG sa taong nag
pepetisyon, gaya ng abogado, counselor, therapist o health care provider
 2 RESPONSABLENG MAMAMAYAN NA MAY MALASAKIT SA BIKTIMA
(concerned responsible citizen) mula sa lugar kung saan naganap ang pang-aabuso at
may personal na kaalaman (personal knowledge) ukol rito
MGA KILOS NA NASAKOP
NG PRORECTION ORDER
 Maaring pagbawalan ang nasasakdal mula sa paggawa o patuloy na
paggawa ng mga particular na bagay upang matigil ang karahasan
laban sa mga biktima
 Maaring bigyan ang biktima ng mga particular na Karapatan para sa
kanyang proteksyon at kapakanan
ANG PROTECTION ORDER AY MAARING
PUMIGIL SA NASASAKDAL MULA SA:

 Paggawa ng mga kilos na itinuturing na VAWC (physical, sexual, psychological


or economic abuse) o pagbabanta nito
 Panggugulo (harassing), pambubuwisit (annoying), pagtawag sa telepono, ano
man uri ng pakikipagugnayan sa biktima, direkta man o hindi direkta
 Pagtira o pamamalagi sa bahay ng biktima, sino man ang may-ari dito
 Pasasamahan ng korte sa isang “law enforcement agent” (gaya ng pulis) ang
nasasakdal upang kunin nito ang kanyang mga gamit at ihatid ito palabas ng
bahay biktima
ANG PROTECTION ORDER AY
MAARING PUMIGIL SA
NASASAKDAL MULA SA:
 Paglapit sa biktima at kanyang pamilya
 Paglapit sa bahay, paaralan, lugar ng trabaho o ano pa mang lugar na madalas
na pinupuntahan ng biktima at kanyang pamilya
 Gumamit ng kahit ano mang armas (firearm) o ano mang nakamamatay na
sandata (deadly weapon)
 Tatanggalan ng lisensiya, kailangan isuko ang armas kahit na siya ay isang
law enforcement agent gaya ng pulis
ANG “PROTECTION ORDER” AY MAARING
MAGBIGAY SA BIKTIMA NG KARAPATAN
NA:
 Gamitin ang sasakyan (automobile) at iba pang personal na gamit, sino man
ang may-ari nito
 Pasasamahan ng korte sa pulis ang biktima upang masiguro na makukuha ng
biktima ang sasakyan o ano pa mang personal na gamit mula sa nasasakdal,
o magtanggal ng gamit ng nasasakdal mula sa sasakyan
 Panandalian o permanenting mangalaga sa mga batang anak nila ng nasasakdal
(temporary or permanent custody)
ANG “PROTECTION ORDER” AY MAARING
MAGBIGAY SA BIKTIMA NG KARAPATAN
NA:
 Tumanggap ng pinansyal na suporta para sa biktima at sa kanyang anak
 Ipag-uutos ng korte ang “automatic remittance” mula sa sweldo ng nasasakdal na
nanggagaling sa kanyang employer
 Kumuha ng bayad-pinsala (restitution) para sa aktuwal na pinsala (actual damage) na
direktang dulot ng VAWC, gaya ng bayad medical, bayad sa pinsala sa ari-arian, bayad
sa pangangalaga ng anak at danyos sa perwisyo sa pahkawala ng kita (loss of income)
 Humingi ng tulong sa DSWD o iba pang ahensya ng gobyerno
 Humingi ng iba pang uri ng proteksyon upang masiguro ang kaligtasan ng biktima at
kanyang pamilya
SAAN MAAARING
MAGREKLAMO
 DSWD O LUMAPIT?
 PNP – Women and Children’s Desk
 NBI
 Public Attorney’s Office
 Sa barangay officials
 PGH Women’s Desk
 Iba pang hospital, clinic o health care provider sa Pilipinas
 Women’s Crisis Center and Protection Unit (Quezon City)
 Kalakasan Migrant Women Empowerment Center
 Sa iba’t iba pang Embassy o Consulate ng Pilipinas

You might also like