You are on page 1of 8

Seksuwal na

panliligalig

Ang seksuwal na panliligalig (Ingles: sexual


harassment) ay isang pananakot
(intimidasyon), paghahari-harian
(pagmamaton), o pamimilit (koersiyon o
pamumuwersa) na may katangiang
seksuwal o pampagtatalik, o ang hindi
kinagigiliwan, hindi pinahihintulutan, o hindi
nababagay o hindi marapat na pangako ng
mga pabuya bilang kapalit ng mga biyaya
o pabor na seksuwal.[1] Sa pinaka
modernong pambatas na mga diwa o
konteksto, ang panliligalig na seksuwal ay
ilegal. Ayon sa pagpapakahulugan ng
Equal Employment Opportunity
Commission (EEOC) ng Estados Unidos,
hindi makabatas na ligaligin ang isang
(isang aplikante man o empleyado) dahil
sa kasarian ng taong iyon). Ang panliligalig
ay maaaring kabilangan ng "panliligalig na
seksuwal" o hindi kinasisiyahang mga
pagsugod na seksuwal, mga kahilingan
para sa mga pabor na seksuwal, at iba
pang mga panliligalig na sinasabi o pisikal
na may katangiang seksuwal.
Ang panliligalig ay hindi kinakailangang
may katangiang seksuwal o likas na
seksuwal, at maaaring kasangkutan ng
nakapananakit na mga pananalita hinggil
sa kasarian ng isang tao. Halimbawa,
ilegal na ligaligin ang isang babae sa
pamamagitan ng paggawa ng mga punang
nakasasakit ukol sa kababaihan sa
pangkalahatan.

Ang biktima at ang nanliligalig ay maaaring


isang babae o kaya isang lalaki, at ang
biktima o manliligalig ay maaaring
magkapareho ng kasarian.
Bagaman hindi ipinagbabawal ng batas
ang payak na panunukso, pagbibiro, o
panunudyo, biglaang mga kumento, o
nakabukod na mga insidente na hindi
talaga seryoso, ang panliligalig ay ilegal
kapag ito ay madalas o malubha na
nakalilikha ito ng isang mapoot o
nakapananakit na kapaligirang
panghanapbuhay o kapag nagresulta ito
sa isang masalungat o masamant
pagpapasyang pangpaghahanapbuhay
(katulad ng pagsisisante o paggawad ng
demosyon sa biktima).

Ang manliligalig ay maaaring ang


superbisor ng biktima, isang superbisor sa
ibang lugar, isang kasamahan sa trabaho,
o isang tao na hindi empleyado ng
nagpapahanapbuhay, katulad ng isang
kliyente o isang kostumer.[2]

Kabilangan dito ang isang kasaklawan ng


ugali mula sa tila maamo o malumanay na
mga transgresyon (pagsuway o paglabag)
at mga pagkayamot hanggang sa talagang
pang-aabusong seksuwal o seksuwal na
pagsalakay.[3] Ang seksuwal na panliligalig
ay isang uri ng ilegal na diskriminasyon sa
trabaho sa maraming mga bansa, at isa
itong uri ng pang-aabuso (seksuwal at
sikolohikal) at pagiging siga. Para sa
maraming mga negosyo at iba pang mga
organisasyon, ang pagsawata sa
panliligalig na seksuwal, at pagtatanggol
ng mga empleyado mula sa mga
pagsasakdal na panliligalig na seksuwal,
ay naging mga susing layunin ng legal na
paggawa ng mga kapasyahan.

Mga sanggunian
1. Paludi, Michele Antoinette; Barickman,
(1991). Academic and Workplace Sexual
Harassment (https://archive.org/details/ac
ademicworkplac0000palu) . SUNY Press.
pp. 2 (https://archive.org/details/academic
workplac0000palu/page/2) –5. ISBN 0-
7914-0829-9.
2. "Sexual Harassment" (http://www.eeoc.go
v/laws/types/sexual_harassment.cfm) .
U.S. Equal Employment Opportunity
Commission.
3. Dziech et al. 1990, Boland 2002

Ang lathalaing ito na tungkol sa


Seksuwalidad at Batas ay isang usbong.
Makatutulong ka sa Wikipedia sa
pagpapalawig (https://tl.wikipedia.org/w/in
dex.php?title=Seksuwal_na_panliligalig&acti
on=edit) nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Seksuwal_na_panliligalig&oldid=2025601"
Huling pagbabago: 08:11, 12 Hunyo 2023. •
Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like