You are on page 1of 8

Basahin natin

ang tula
Kapayapaan
Hanggang kailan ba tayo magiging
ganito?
Hanggang kailan pa ba tayo mag-aantay
para matapos na ito?
Kailan ba darating ang lunas,
Para magkaroon ng maayos na bukas?
Paano nga ba magkakaroon ng maayos
na bukas?
Kung ang mga tao’y may kaniya-
kaniyang paninindigan at hindi
sumusunod sa batas?
Ngayon pa pinairal ang katigasan ng ulo,
Sa panahong dapat tayo ay magkaisa at
iwasan ang gulo?
Away at gulo!
Iyan ang nagpapahirap upang malutas
ang problemang ito.
Anong maitutulong niyan sa mundo?
Mabibigyang solusyon ba niyan ang
pandemyang ito?
Kailan ba tayo magkakaisa?
Gustong malutas ang Corona pero wala
namang disiplina
Kailan natin makakamit ang
kapayapaan,
Mula sa isang sakit na hindi malunasan?
Madami ng hinaing ang pumapalahaw,
Humihingi ng atensyon upang sila’y
mapukaw,
Nais mayakap ang mga taong malayo,
At matuloy ang mga planong napako.
Ang tanging hiling ko lang ay sana,
Magkaroon na ang mga tao ng
pagkakaisa,
Sabay-sabay nating ipikit ang ating mga
mata,
At humiling na sana’y matapos na itong
pandemya.
Group Sharing
Pag-usapan ang
inyong naging
damdamin sa
pagbasa ng tula.

You might also like