You are on page 1of 7

Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan.

Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa


noong nakaraang buwan. Kapansin – pansin rin ang
tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong
kasinlinaw ng Kristal. Di – gasino mang maingay
dito wala man ang ingay na matagal ko ng
kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko
tuloy ang pook na pinasyalan naming ni inay noong
bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at
ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi ri ng
bulak ang buhangin.
Akala ko iyon ang una at huling araw na
makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa
mura ko kasing edad noon, alam nko na ang hirap
na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan
akong magbanat ng buto kahit wala sa panahon.
Buti nalang kinaawan ako ng Poong Maykapal.
Inalis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako
sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at
nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala
mang ang panahon ko dito, batid ko na sa aking
pagpupursige kasama ng aking pamilya ay
mababalik ako dito upang manirahan.
DALAWANG URI
NG
PAGHAHAMBIN
G
1. PAGHAHAMBING NA
MAGAKATULAD
■ ginagamit ito kung ang dalawang pinaghambing ay may
patas na katangian.
■ ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing,
magsing, magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,
tulad, paris, kapwa at pareho.
2. PAGHAHAMBING NA DI -
MAGKATULAD
■ ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay
may magkaibang katangian.
DALAWANG URI NG
PAGHAHAMBING NA DI -
1. MAGKATULAD
PASAHOL – kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit ito
ng mga salitang tulad ng lalo, di – gaano, di – totoo, di – lubha o di –
gasino.

2. PALAMANG – kung ang pinaghahambing ay mas malaki o


nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang
higit, labis at di – hamak.
PAGTATAYA

You might also like