You are on page 1of 3

Filipino 4 Inihanda ni: Bb.

Nina Cruz
a. Layunin Sa hulihan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na: PAGBASA PANGKAALAMAN 1. nakapagpupuno ng salita o mga salitang bubuo sa detalye ng tula. 2. naibibigay ang pinakamalapit na kahulugan ng salita. 3. nailalahad ang mga elemento ng isang tula. 4. natutukoy kung tama o mli ang mga pahayag batay sa binasa. PANDAMDAMIN 1. nakapagsasaad ng mga patunay ng pagtitiwala sa sarili 2. napahahalagahan ang sariling kakayahan anuman ang kasarian o kalagayan sa buhay. 3. napahahalagahan ang mga taong nagtagumpay sa kabila ng kanilang mga kapansanan. PANGKASANAYAN 1. nakasusulat ng isang talata tungkol sa kahalagahan ng pagtitiwala sa sarili. 2. nakapagsasagawa ng isang mabisang panayam o interview gamit ang mga natutuhan sa pakikipanayam. 3. nakagagawa ng dula na tumatalakay sa tagumpay ng mga taong may kapansanan. 4. nakasasagawa ng isang interbyu sa isang taong may kapansanan. b. Paksa PAGBASA Pamagat: Si Butsi, Ang Asong Bayani Sanggunian: Pluma 4, dd. 112 Kagamitan: papel na hugis buto, kartolina, pentel pen c. Pamamaraan: GAWAIN BAGO BUMASA B. Pagganyak Bawat hanay ay bibigyan ng guro ng isang papel na hugis buto.

Sa hudyat ng guro, magsusulat ang bawat hanay sa papel ng mga salita/parirala patungkol sa kanilang alam tungkol sa aso. Pagbabahagi ng bawat hanay. Pagbabahagi ng guro ng ilan pang trivia tungkol sa mga aso. C. Pagganyak na tanong: Bago ang katanungan magpapakita ang guro ng handicap sign sa klase at itatanong kung para saan at para kanino ang tanda na ito. Bakit kaya naging bayani si Butsi? (Title Talk)

D. Paghahawan ng sagabal Punan ng wastong titik ang kahon upang malaman ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.

1. Madalas mapagdiskitahan ng mga asong gala si Butsi. 2. Nahihimbing na ang mga mag-anak nang biglang tumahol si Butsi. 3. Malakas na tahol ang sa pagkakahimbing nila ay pumukaw. 4. Binundol ni Butsi ang pinto upang makapasok sa kwarto. 5. Nagmamasid ang marami sa mga ginawa ni Butsi. E. Paggamit sa sariling pangungusap ng mga kahulugan ng bawat salita. GAWAIN HABANG BUMABASA A. Pangungunahan ng guro ang pagbabasa ng tula. B. Sabayang pagbabasa ng tula, bawat hanay isang saknong. C. Magsasagawa ng talakayang pangkaisipan tungkol sa detalye ng tula. Pagsagot sa tanong na Paano Kaya? - kung si Butsi ay isang normal na aso - hindi naganap ang aksidente - hindi niya niligtas si Buknoy D. Paglalahad ng mga iniisip at nadarama ng mga mag-aaral hinggil sa pagmamalaki at paggalang sa mga taong may kapansanan. PAGLALAGOM

Paglalahad ng kanilang saloobin sa klase patungkol sa katanungan: Ano ang inyong nadarama habang binabasa ang tula? Takdang-aralin Mag-interbyu o maghanap ng isang artikulo na patungkol sa isang taong may kapansanan at isulat sa papel kung paano niya hinaharap ang hamon ng buhay?

You might also like