Professional Documents
Culture Documents
ANG SERMON
380
“Marilag na ginoo (sa alkalde), lubhang mababait na mga
pari, mga Kristiyano, mga kapatid kay Jesucristo!”
Huminto nang matagal, muling inilibot ang tingin sa mga
nakikinig na nakamatyag at ang taimtim na pananahimik ay
ikinasiya ng kanyang kalooban.
Ang unang bahagi ng sermon ay dapat maging sa Kastila, at
ang isa ay sa wikang Tagalog: Sasalitain nila ang lahat ng wika..5
Matapos ang mga pagtukoy ay huminto at iniunat niya nang
majestic ang kanang kamay na tumuturo sa altar samantalang
tinitingnan ang alkalde; pagkatapos ay dahan-dahang
humalukipkip na walang kasali-salita, ngunit nang makaraan ang
tigil ay kumilos, inilungay sa dakong likod ang ulo,6 tumuro sa
pintong malaki, na mabilis na pinutol ang hangin ng kamao, 7
bagay na inakala ng mga sakristan na iyon ay isang utos kaya’t
isinara nila ang mga pintuan;8 ang alperes ay naligalig at nag-
381
alinlagan, sa kung nararapat ang umalis o maiwan,9 nguni’t ang
predicador ay nagsisimula na sa pagsasalita na ang tinig ay
malakas, buo at matunog:10 tunay ngang ang “ama” ay matalino
sa panggagamot.
“Maliwanag at nagniningning ang altar, malapad ang
pintong malaki, ang hangin ay siyang sasakyan ng banal na
salitang Diyos na lumalabas sa aking bibig, pakinggan nga ninyo
sa tulong ng tainga ng kaluluwa at ng puso upang ang mga salita
ng Poong Diyos ay huwag mahulog sa lupang mabato at kainin sila
ng mga ibon ng impiyerno, kundi ang kayo ay tumubo at lumago,
na parang isang banal na binhi sa bukirin ng ating kagalang-
galang at mala-serafikong si San Francisco! Kayo, mga malalaking
makasalanan, na nakabilanggo sa mga moro ng mga kaluluwa, na
kumakalat sa mga dagat ng buhay na walang katapusan at
nakasakay sa malalaking sasakyan ng katawang tao at mga bisyo
ng buhay na ito, kayong nagagapos ng mga salang kalibugan at
pakiki-apid at sumusunod kayo sa mga bangka ng taga-
impyernong si Satanas, pagmasdan ninyo nang magalang na
pagpapakumbaba ang nanunubos ng mga kaluluwa sa kamay ng
demonyo, ang mapusok na Gideon,11 ang bayaning David, ang
mapagtagumpay na Roldan ng Sangka-kristiyanuhan, ang
guwardiya sibil ng langit, na matapang pa kaysa lahat ng
guwardiya sibil, kahit na pagsama-samahin,” (Ikinunot ng alperes
ang noo)12 “opo, ginoong alperes, lalo pang matapang at
makapangyarihan, na walang baril kundi isang krus na kahoy, at
tumatalo sa walang kapagurang tulisan ng kadiliman at sa lahat
ng kampon ni Lucifer at inutas sana silang lahat, kundi lamang
walang kamatayan ang mga espiritu! Ang mga kahanga-hangang
ito na nilikha ng Diyos, itong dakilang bagay na hindi mangyayari
ay ang pinagpalang si Diego sa Alcala, na kung gagamitan ko ng
pagpaparis, sapagka’t ang pamamaris ay nakatutulong na mabuti
9
Ang pailalim na kahulugan sa aktwasyon ng alperes ay kung aalis siya
o maiiwan na sunod-sunuran sa simbahan.
382
sa pagkakaunawa ng mga bagay na hindi maunawaan, gaya ng
sinabi noong isang tao, ay sinasabi ko nga na ang dakilang banal
na ito ay isa lamang na pinakadukhang kawal, isang tagapagkain
lamang sa aming makapangyarihang corporacion, na mula sa
langit ay pinamamahalaan ng aming mabait na San Francisco,
corporacion na ikinararangal kong kaaniban, na bilang kabo o
sarhento, sa awa ng Diyos.”13
Ang mga hangalan na indio ayon sa tagapagbalita ay walang
nauunawaan sa salaysay na iyon, maliban sa mga salitang
guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco;14 napuna nila
ang pag-asim ng mukha ng alperes, ang anyong palaban ng
nagsesermon at kanilang iniisip na kinagagalitan ni Padre Damaso
ang alperes dahil sa hindi hinuhuli ang mga tulisan.15 Si San
13
383
Diego at si San Francisco na ang siyang gagawa niyon, gaya ng
nakaguhit sa isang larawan na nasa kumbento sa Maynila, na sa
pamamagitan lamang ng kanyang cordon ay napigil ni San
Francisco ang paglusob ng mga Insik noong mga unang taon ng
pagkakatuklas sa mga lupaing ito. Lubha ngang nasiyahan ang
mga mapanata, pinasalamatan sa Diyos ang tulong na ito dahil
sa hindi sila nag-aalinlangan sa paniniwalang kapag nawala na
ang mga tulisan ay isusunod na pupuksain naman ni San
Francisco ang mga guwardiya sibil.16 Lalo nilang pinagbuti ang
taimtim na pakikinig kay Padre Damaso, na nagpatuloy:
“Mga iginagalang na ginoo: Ang mga bagay na malalaki ay
sadyang malaki kahit na mapalagay sa gitna ng mga maliliit, at
ang maliliit ay maliit din kahit na nakatabi sa malalaki. Ito ang
sabi ng Kasaysayan, nguni’t sa dahilang ang kasaysayan ay may
isang tama at siyamnapu at siyam na kamalian sa bawat isang
daang sabihin, dahilan sa ito ay gawa ng tao, at ang mga tao ay
nagkakamali: errare est hominum gaya ng sabi ni Cicero, ang may
bibig ay nagkakamali gaya ng kasabihan sa aking bayan, ay
lumalabas na mayroon pang malaking katotohanan na hindi
sinasabi ng Kasaysayan.17 Ang mga katotohanang ito, mga
iginagalang na ginoo, ay sinasabi ng Espiritu Divino sa kanyang
dakilang karunungan na hindi naunawaan kailanman ng pag-iisip
ng tao magmula pa noong kapanahunan nina Seneca at
Aristoteles, iyang mga marurunong na kaparian ng matandang
panahon, hanggang sa ating makasalanang kapanahunan, at ang
mga katotohanang ito’y hindi iba kundi, ang mga maliliit na bagay
ay hindi parating maliit, kundi, sila’y malalaki, hindi sa piling ng
maliliit, kundi, sa piling ng mga lalong malalaki sa lupa at sa
langit, at sa hangin at sa ulap, at sa tubig at sa himpapawid, at sa
kabuhayan at sa kamatayan!”
“Amen!” ang sagot ng guro ng V.O.T. at nag-antanda.
Ibig ni Padre Damaso na pahangain ang mga nakikinig sa
mga bigkas na ito na kanyang natutuhan sa isang dakilang
prayle.
16
384
predicador sa Maynila,18 at gayon nga ang nangyari, ang kanyang
espiritu santo (tagadiktang prayle) ay napamulala dahil sa gayon
karaming katotohanan ay nangailangang sipain ng paa upang
maalaala ang kanyang tungkulin.19
“Nahaharap at lantad sa inyong mga paningin!” ang sabi ng
espiritu santong tagadikta ni Padre Damaso, mula sa ibaba.
“Patente (Nahaharap) at lantad sa iyong mga mata ang
katunayang tiyak, at hindi mababali, ng kupas na katotohanang
ito! Patente rin iyang araw na kabaitan, at sinabi kong araw at
hindi buwan sapagka’t walang malaking kabuluhan ang
pagkinang ng buwan sa gabi; sa bayan ng mga bulag, ang pisak
ang isang mata’y siyang hari:20 sa gabi ay maaring kuminang ang
isang ilaw, ang isang munting bituin: ang lalong may malaking
kabuluhan ay ang mangyayaring kuminang sa umaga na gaya ng
ginagawa ng araw: gayon ang kinang ng kapatid na Diego, kahit
nasa gitna ng lalong malalaking santo! Nariyang nakaharap at
lantad sa inyong hindi-pananalig ang lalong wastong yari ng
Lumikha upang halayin ang mga malalaki sa lupa, oo, mga
kapatid ko, patente, patente sa lahat, patente!” Ang isang tao ay
tumindig na namumutla at nanginginig at nagtago sa isang
pakumpisalan. Siya ay nagbibili ng alak na nakatulog at
napanaginip na hinihingan siya ng patente ng mga karabinero, at
siya ay wala noon. May nagsasabing ang taong ito ay hindi
lumabas sa kanyang pinagtaguan samantalang may sermon.21
18
385
“Mababang-loob at matimping santo, ang iyong krus na
kahoy (samantalang ang hawak ng larawan ay pilak na krus), ang
iyong dukhang abito ay nagbibigay-karangalan sa dakilang
Francisco na ama naming hinuhuwaran!22 Aming ikinalat ang
iyong banal na lipi sa buong mundo, sa lahat ng sulok, sa mga
siyudad, sa mga bayan, na hindi tinatangi ang maputi sa itim
(pinigil ng Alkalde ang paghinga),23 nagtiis ng mga pagtitimpi at
mga pahirap ang iyong banal na lipi ng pananalig at militanteng
pagsamba (ah, ang hinga ng alkalde),24 na nagpapatuwid sa
mundo at pinigil na mahulog sa bangin ng pagkawasak!”
Ang mga nakikinig, pati na si Kapitan Tiyago, ay unti-unti
nang naghihikab. Hindi iniintindi ni Maria Clara ang sermon;
batid niyang si Ibarra ay kalapit at ito ang nasa isip,
samantalang tinatanaw na kasabay ang pamamaypay ang baka
ng isa sa mga evangelista na ang anyo ay waring isang munting
kalabaw.25
maari siyang makulong o hingiin ng malaking suhol dahilan sa paglabag
sa batas.
22
25
Hindi iniintindi ni Maria Clara ang sermon at ang iniisip niya ay si
Ibarra. Huwag kang masa-shock pag nalaman ninyo mamaya ang
386
“Dapat masaulo nating lahat ang mga Banal na
Kasulatan,26 ang buhay ng mga banal,27 at sa gayong paraan ay
hindi ko na kailangan ang pangaralan kayo, mga makasalanan;
dapat ninyong matanto ang mga bagay na lubhang mahahalaga at
kailangan na gaya ng Ama Namin, kahi’t na ang marami sa inyo ay
nakalimot sa gayon dahil sa pamumuhay ninyong parang
protestante o erehe, na hindi gumagalang sa mga kahalili ng
Diyos, gaya ng mga Insik, ngunit kayo ay mahuhulog sa
impiyerno, lalong kasakit-sakit ang kahihinatnan ninyo, mga
condenado!”
“Aba, cosa ese pale Lamaso, ese (Aba, ano iyan Padre
Damaso, ano iyan)!” ang bulong ni Insik Carlos na tiningnang
pagalit ang nagsesermon, na patuloy rin sa pagbanggit ng mga
salitang na noon din lamang na inisip at nagpapasambulat ng
katakut-takot na sumpa at pagtutungayaw.
“Mamamatay kayo sa loob ng pagkakasala, mga liping
erehe! Kayo ay pinarurusahan na ng Maykapal sa lupa pang ito sa
pamamagitan ng mga kulungan at
bilangguan! Ang mga magkakaanak, ang
28
mga
babae ay dapat lumayo sa inyo, dapat kayong
ipabitay ng lahat ng maykapangyarihan upang
huwag dumami ang binhi ni Satanas sa halamanan ng
Maykapal!29 Sinabi ni Jesucristo: Kung mayroon kayong isang
masamang bahagi sa katawan na nag-uudyok sa pagkakasala, ay
putulin ninyo, inyong itapon sa apoy…” Hilakbot na si Padre
27
Bakit ipinababasa ni Pray Damaso ang ukol sa buhay ng mga banal?
Ito ay dahilan sa sila ang nagtitinda ng mga aklat ukol sa buhay ng mga
santo/santa ng simbahan. Walang pinag-iwan sa ating panahon na ang
mga instruktor ng kolehiyo na ang kanilang mga isinulat na libro na
mismo ang ipinagbibili at ipinagagamit sa kanilang mga mag-aaral.
28
Pinapatutsadahan ang ama ni Ibarra.
29
Nagpaparinig kay Maria Clara na dapat na lumayo ito kay kay Ibarra.
“upang huwag dumami ang binhi ni Satanas sa halamanan ng
Maykapal!”
Saan kaya naroon ang halamanan ng maykapal? Paumanhing muli
dahilan sa ang tamang kasagutan ay dapat na sa Latin.
387
Damaso, nalimot na ang kanyang talumpati at kanyang
retorika.30
“Naririnig mo ba?” ang tanong ng isang nag-aaral na taga-
Maynila sa kanyang kasama, “magpuputol ka ba?”
“Ha! Magputol muna siya!” ang sagot ng isa na itinuro
ang nagsesermon.31
Si Ibarra ay di-mapalagay; tumingin
sa kanyang paligid at humanap ng isang sulok,
ngunit ang simbahan ay punung-puno. Walang
naririnig ni napapakinggan si Maria Clara, na nalilibang sa
pagsisiyasat sa kuwadro ng mga kaluluwa sa purgatoryo , mga
kaluluwang anyong babae at lalake na pawang hubad,
nangakamitra, capelo o toca, na nasusunog sa apoy32 at
nangungunyapit sa cordon ni San Francisco na hindi mapatid
kahi’t na gayong karami ang nakakapit.33
Ang Espiritu Santong prayle (paring tagadikta ni Padre
Damaso), dahil sa pagsambit na iyon ng mga salitang wala sa
aklat, ay nalito at tumalon ng tatlong salaysay, at diniktahan nang
mali si Padre Damaso na humintong humihingal dahil sa sinabing
mga tungayaw.34 “Sino sa inyo mga makasalanang dumidinig sa
akin ang makahihimod sa isang maralita at dungis-dungisang
30
Bakit nanghilakbot si Padre Damaso, pagkatapos niyang banggitin ang
talatang iyon sa Biblia at nalimot na ang kanyang talumpati at kanyang
retorika? KASI SIYA MISMO AY TINAMAAN NG NASABING TALATA SA
BIBLIA at NATATAKOT SIYANG MAPUTULAN NG BAHAGI NG
KATAWAN NA NAG-UUDYOK NG KASALANAN.
31
Malinis ang pagbibiro ni Rizal dito kahit na ito ay mayroong tinutukoy
na kalaswaan. Sinabi ng estudyante na mauna na si Pray Damaso na
magpaputol ng bahagi ng katawan na nag-uudyok sa tao ng
pagkakasala, bago siya. Ngayon alam na ba ninyo kung bakit
nanghilakbot si Pray Damaso noong mabanggit niya ang talata ukol sa
pagpapaputol ng bahagi ng katawan na nagtutulak sa tao sa
pagkakasala.
32
388
pulubi? Sino? Sumagot at itaas ang kamay! Wala! Batid ko
na: tangi ang isang banal na kagaya ni Diego sa Alcala ang
makagagawa noon; kanyang hinimod ang lahat ng kabulukan,35
samantalang sinasabi sa isang nahahangang kapatid na: Ganito
ang panggagamot sa maysakit na ito! O, paglingap Kristiyano! O,
pagkahabag na walang katulad! O, kabaitan ng mga kabaitan! O,
huwarang hindi mapaparisan! O, panghalinang walang dungis…”
At isinunod ang isang mahabang tala na pawang pahanga,
sabay sa paghalukipkip, pagtataas at pagbababa ng mga bisig na
waring may nasang lumipad o makagulat sa mga ibon.
“Bago namatay ay nagsalita siya ng wikang Latin kahit hindi
marunong ng Latin!36 Mangagulat kayo mga makasalanan! Kayo,
kahit na ninyo pinag-aaralan ang Latin at kayo ay nagyayabang sa
pinag-aralan, ay hindi kayo makapagsasalita ng Latin,
mamamatay kayong hindi ninyo masasalita! Ang pagsasalita ng
wikang Latin ay isang biyaya ng Maykapal, kayat ang Iglesia ay
nagsasalita ng wikang Latin! Ako man ay nagsasalita rin ng
wikang Latin. At ano? Maikakait ba ng Diyos sa kanyang ginigiliw
na si Diego ang gayong kaaliwan? Maaari ba siyang mamatay
nang hindi nagsasalita ng Latin? Hindi mangyayari! Kung gayo’y
hindi magiging matapat ang Diyos, hindi siya Diyos! Nagsalita nga
ng Latin at ang bagay na ito ay pinatutunayan ng mga manunulat
ng kapanahunang iyon!
At tinapos ang kanyang pasimulang banggit sa bahaging lalo
niyang pinaghirapan na sinipi sa isang dakilang kinopya kay
Ginoong Sinibaldo de Mas.37 “Binabati nga kita, pinagpipitagang
35
“Batid ko na: tangi ang isang banal na kagaya ni Diego sa Alcala ang
makagagawa noon; kanyang hinimod ang lahat ng kabulukan” Dito
talagang nakatago ang malupit na pag-alimura ni Rizal sa mga prayle.
isang banal na kagaya ni Diego sa Alcala ang makagagawa noon – isang
gaya niyang Pransiskano ang makagagawa noon. kanyang hinimod ang
lahat ng kabulukan – bahala na kayong mag-isip ng lahat ng
nilalabasan ng kabulukan.
36
Sa patawang ito ay naipakita ni Rizal kung papaano nambobola na
lamang ang mga prayle sa kanilang mgasermon. Dahil sa inaakala nila
na ganap ang katangahan ng mga Pilipino.
37
Sinibaldo de Mas – isa sa mga Espanyol na nakarating at nagmasid sa
kalagayan ng Pilipinas at isinulat ang kaniyang mga obsebasyon ukol sa
pamamahala ng Pilipinas sa pamamagitan ng kaniyang aklat na Informe
sobre el estado de las slas Filipinas en 1842 – ang aklat ay nalathala sa
dalawang volume sa Madrid. Ang ikalawang volume ay limitado lamang
ang kopya at ipinamahagi sa mga piling opisyal sa Madrid – sa nasabing
bahagi ay kaniyang hinulaan ang maaring pagkawala ng Pilipinas sa
kapangyarihan ng Espanya.
389
Diego, na kapurihan ng ating corporacion! Ikaw ay huwaran sa
kabaitan, maamo na may dangal; mapagpakumbabang dakila;
masunuring may may kalakasan, mahinahong may hangarin,
kalabang may pagtatapat, mahabaging nagpapatawad; kabanalang
may budhi; puno ng pananampalataya at panata; mapaniwalaing
may tapat na loob; mapagtimping may pag-ibig; walang kibong
may lihim; nagbabatang may pagtitiis; matapang na may takot;
mapagpigil na may loob; pangahas na may buo ang loob;
masunuring nagpapasailaim; mahiyaing may pagmamataas;
masinop sa kanyang ari, na may pagkamapawalang-halaga; sanay
na may kasapatan; maayos na may pinag-aralan; matalinong may
katalasan; mahabaging may awa; maingat na may kahihiyan;
mapaghiganting may katapangan; maralita dahil sa kasipagan na
may pagsang-ayon; bulagsak na may pagtitipid; masipag na may
pagkapabaya; matipid na mapagbigay; walang malay na may
pagkaalam; mapagbago na may panuntunan; mapagwalang-
bahala na may nasang matuto, nilikha ka ng Maykapal upang
makadama ng mga tibok ng malinis na pag-ibig… Tulungan mo
ako sa pag-awit ng iyong mga kadakilaan at pagtatampok sa
pangalan mo na mataas pa kaysa mga bituin at lalo pang
maliwanag kaysa tunay na araw na umiikit sa iyong paanan.
Tulungan ninyo ako, hingin ninyo sa Diyos ang sapat na
inspirasyon sa pagdarasal ng Aba Ginoong Maria!”
Ang lahat ay nagsiluhod at nadinig ang alingawngaw na
parang haging ng isang libong bubuyog. Hirap na ibinaluktot ng
alkalde ang isang tuhod, samantalang masama ang loob na
iginagalaw ang ulo at ang alperes ay namumutla at waring
nagsisisi.
“Putris na pari!” ang bulong ng isa sa mga binatang galing
sa Maynila.
“Huwag kang maingay,” ang sagot ng isa, “madinig tayo ng
kanyang babae.”38
Samantala naman ay hindi ang pagdarasal ng Aba Ginoong
Maria ang ginagawa ni Padre Damaso, kundi kinagagalitan ang
kanyang tagadiktang espiritu santo dahil sa nalampasan ang tatlo
hanay ng kaniyang pinakamahusay na sermon;39 kumain ng
38
Kinatatakot ng kasamahan ng pangahas na estudyante na baka
marinig siya ng babae ni Padre Damaso. Subalit ang takot ng
kasamahan ng mapangahas na estudyante ay mayroong katotohanang
historikal, dahilan sa palaging sa kronolohiya ng mga prayle, ang mga
sinaunang pag-aalsa ng mga Pilipino ay palaging ipinagkakanulo ng mga
babae na malapit sa mga prayle.
39
390
dalawang merengge at uminom ng isang basong alak-Malaga,
sapagkat nananalig siya na ito ay nagbibigay inspirasyon na
nararapat sabihin kaysa lahat ng espiritu santo, kahoy mang
anyong kalapati o laman na nasa anyo ng ng isang tatanga-
tangang prayle.40
Sisimulan na niya ang sermon sa wikang Tagalog.
Binigyan ng isa pang kutos ng matandang babaeng
mapanata ang kanyang apo, na nagising, na masama ang loob at
tumanong nang: “Iiyak na ba?”41
“Hindi pa, huwag kang matulog, condenada!” ang sagot ng
mabait na lola.
Ukol sa ikalawang bahagi ng sermon, na wikang Tagalog, ay
wala kami kundi kaunting tala. Si Padre Damaso ay
nagtatalumpati nang biglaan sa wikang ito, hindi dahil sa lalo
siyang matatas dito, kundi sa dahilang ipinalalagay niyang ang
mga Pilipinong taga-lalawigan ay walang muwang sa retorika, at
hindi siya nangangamba na makapagsalita ng mali sa harap nila.
Sa Kastila ay iba: nakadinig siya ng usapang tungkol sa mga
tuntunin ng pananalumpati, at sa mga dumidinig sa kanya ay
mangyayaring magkaroon ng isang nakapag-aral, marahil ang
alkalde mayor; kayat isinusulat niya ang kanyang mga sermon,
inaayos, nililinis, at pagkatapos ay isinasaulo at sinanay niya ng
mga dalawang araw muna.
Nabalitang sinuman sa mga kaharap ay walang
nakaunawa ng kabuuan ng sermon: napakababaw kasi ng
kanilang pang-unawa at ang nagtatalumpati ay napakamalalim,
gaya ng sabi ni Hermana Rufa, 42 kaya ang mga nakikinig ay natira
na lamang sa pag-aantay ng tamang pagkakataon sa pag-iyak, at
ang masamang batang apo ng matandang banal ay muling
natulog.
Gayunman, ang bahaging ito ng sermon ay nagkaroon ng
halaga, kung di man sa lahat, ay sa ilang nakikinig, gaya ng
391
makikita natin sa huli. Nagsimula sa isang Mana kapatir kon
kristiyano na sinundan ng isang bugsong sambit na hindi
mabibigyang pakahulugan; tinukoy ang kaluluwa, ang impiyerno,
ang mahal na santong pintakasi, ang mga makasalanang Indio, at
ang mababait na paring Pransiskano.
“Menche!” ang sabi ng isa sa mga walang-galang na taga-
Maynila na kasama, “sa ganang akin ay wikang Griyego ang
ibinibigkas na iyan (ibig sabihi’y hindi maintindihan), aalis na
ako.”43 At nang makitang nakasara ang mga pinto ay lumabas sa
pinto ng sakristiya, bagay na kinamuhian ng mga tao at ng
nagsesermon, na namutla at huminto sa gitna ng isang salitang
binibigkas; hinintay ng ilan ang isang matinding pag-alimura,
ngunit sinundan na lamang siya ng tingin ni Padre Damaso at
pagkatapos ay ipinagpatuloy ang kanyang sermon.
Naibulalas ang mga sumpa na laban sa kapanahunan, laban
sa kakulangan sa paggalang, sa umuusbong na pagpawalang-
halaga sa pananampalataya. Ang salaysaying ito mandin ang
kanyang pangunahing pinapaksa, sapagkat nagpakita ng init ng
kalooban at ang pagbigkas ng pananalita ay malakas at
maliwanag. Tinukoy ang mga makasalanang hindi nagkukumpisal
na nangamamatay nang walang sacramento sa mga bilangguan,
ang mga magkakaanak na isinumpa, ang mga mesticillo na
mapagmalaki at hambog, ang mga binatang sabihondo, filosofillo o
pilosopillo, ang mga abogadillo, estudiantillo, atbp.44 Kilalang-kilala
na ang kaugalian ng marami kapag inuuyam ang kanilang mga
kalaban: ang lahat ng banggit ay kinakabitan ng illo, sa dahilang
parang wala nang lumabas sa isip kundi iyon na lamang, at sa
gayong paraan ay nasisiyahan na sila.
Ang lahat ng iyon ay naririnig ni Ibarra at nararamdaman
ang mga parunggit.45 Siya ay nagwawalang-bahala at hinahanap
ng tingin ang Diyos at ang mga maykapangyarihan, ngunit doon
392
ay wala kundi larawan ng mga santo,46 at ang alkalde ay nag-
aantok.47
Samantala ay higit na nag-uulol ang init ng kalooban ng
nagsesermon. Tinutukoy ang matatandang kapanahunan, noon
kapag nakasalubong ng isang pari ang sinumang Pilipino ay nag-
aalis ng sumbrero, iniluluhod sa lupa ang isang paa at humahalik
ng kamay. “Datapwa’t ngayon,” ang dugtong niya, “ay nag-aalis na
lamang kayo ng salakot o ng sumbrerong kastorilyo, na inilalagay
ninyong pakiling sa ulo, upang huwag magusot ang buhok!
Nasisiyahan na kayo sa pagsasabi ng: magandang araw po
among! At may mga mapalalong estudiantillos de poco latin,48
na sa dahilang nakapag-aral sa Maynila o sa Europa ay nag-
aakalang nararapat nang kami’y kanilang kamayan at huwag
halikan ng kamay…”
“Ah…ang araw ng paghuhukom ay nalalapit na, ang
mundo’y natatapos na; maraming banal ang humula ng gayon,
uulan ng apoy, bato at abo upang parusahan ang inyong
kapalaluan!”
At pinangaralan ang bayan upang huwag gumaya sa mga
salbaheng iyon, kundi bagkus pa ngang sila’y layuan at kamuhian
sapagka’t silay mga excomulgado.
“Pakinggan ninyo ang sinasabi ng mga santong concilio!”
anya, “kapag natagpuan ng isang Indio sa lansangan ang isang
kura ay iyuyuko ang ulo at ihahain ang leeg upang ang among ay
makapangalalay; kung ang kura at ang Indio ay kapwa
nangangabayo, ang Indio ay titigil, magalang na mag-aalis ng
salakot o sumbrero; sa kahuli-hulihan, kung ang Indio ay
46
Inilalarawan si Ibarra sa loob ng simbahan
“Siya ay nagwawalang-bahala at hinahanap ng tingin ang Diyos,
ngunit doon ay wala kundi larawan ng mga santo .” - Isang masakit na
biro o pang-aasar ni Rizal sa simbahan – wala doon ang Diyos kundi
larawan ng mga santo. Bakit pa nga pupunta ang Diyos sa simbahan
na puno ng mga santo na kinatawan niya at kumakatawan sa mga tao.
47
Ipinakita ni Rizal sa simbolismo ang kaayusan ng pamahalaan sa
katauhan ng alcalde na kumakatawan sa pamahalaan ay nag-aantok o
walang paki-alam.
48
Mag-aaral na bahagya lamang ang nalalaman sa wikang Latin.
Sa bahaging ito ay makikita na hindi nakakalimutan ni Rizal ang
kaniyang unang karanasan sa paaralan ng Binan noong tanungin siya
ng kaniyang guro na si Justiano Aquino-Cruz kung may alam siya sa
latin ay sumagot siya sa kaniyang guro ng “en poco.” Dahilan sa
nasabing kasagutan ay tinukso siya ng kaniyang kaeskuwelang
nagngangalang Pedro na anak ng guro. Dahilan sa hindi ito nagustuhan
ni Rizal ay nakipag-away siya kay Pedro.
393
nangangabayo at ang kura ay naglalakad, ang Indio ay lulunsad sa
kabayo at hindi sasakay na muli hanggang hindi siya
pinagsasabihan ng: sulong ng kura, o kaya’y malayung-malayo na
ito. Ito ang sinasabi ng mga banal na konsilyo at ang hindi
sumunod ay eskomulgado.”
“Paano kung ang sinasakyan ng isang tao ay kalabaw?”
tanong ng tagabukid sa kanyang tabi.
“Kung gayon ay… tuloy tayo at huwag pansinin!” sagot ng
tinanong na isa namang mapanuri.49
Datapwa’t kahi’t na anong sigaw at kumpay ng
nagtatalumpati ay marami ang nangakakatulog o nalilibang, sa
dahilang ang mga pangaral na iyon ay ang dati ring ginagamit
sa lahat ng pagsesermon:50 tinangka ng ilang mapanatang babae
ang magbubuntung-hininga at humikbi-hikbi dahil sa kasalanan
ng mga walang pananampalataya, ngunit naghinto rin sila sa
gayon sapagkat walang gumaya. Sampung si Manang Puti ay iba
rin ang iniisip. Isang lalakeng nakaupo sa kanyang tabi ay
nahimbing at nabuwal sa ibabaw niya at nilukot ang kanyang
abito: sinunggaban ng mabait na manang ang kanyang bakya at
ginising sa palo ang lalake, na kasabay ang sigaw na:
“Ay! Layo, salbahe, hayop, damunyo, kalabaw, aso,
condenado!”
Nagkaroon ng kaguluhan dahil. Tumigil ang nagsesermon,
itinaas ang kilay na nagtataka sa gayong malaking pagkakaingay.
Nalunod ng galit ang kaniyang lalamunan dahil sa galit, wala
siyang nagawa kundi umungal at sinuntok ang gabay ng pulpito.
Nagkaroon ng resulta, ang bagay na iyon: binitiwang bumubulong
ng matandang babae ang bakya at matapos makapag-antanda
nang makailan ay lumuhod nang taimtim. 51
“Aaa! Aaa!” ang sa huli ay naisigaw ng napopoot na pari na
nakahalukipkip at pinatatangu-tango ang ulo. “Kaya ko ba ako
nangangaral dito sa inyo sa buong umaga ay upang umasal nang
ganyan, mga salbahe! Sa bahay ng Diyos ay nag-aaway kayo at
nagsasalita ng masasama, mga walang-hiya! Aaaa! Wala na
49
Ang tagabukid, kahit na hindi nakapag-aral ay may likas na talino
upang mamilosopo sa sinasabi ni Pray Damaso.
50
394
kayong iginagalang…! Ito ang nagagawa ng kalibugan at
kalaswaan sa kasalukuyan! Sinasabi ko na, aaa!”52
At nagpatuloy ang pagsesermon tungkol sa bagay na iyon sa
loob ng kalahating oras pa. Naghihilik na alkalde, si Maria Clara
ay nagyuyukayok: hindi mapigil ang pag-aantok dahil sa wala
nang larawang masuri ni sukat mapaglibangan.53 Hindi na
pinupuna ni Ibarra ang mga salita at mga pasaring; 54 ang nasa
isip niya ay isang munting bahay sa taluktok ng isang bundok
at namamalas si Maria Clara sa halamanan.55 Ano kung ang tao
ay gumagapang sa kanilang mga karima-rimarim na bayang nasa
kapatagan!
Dalawang ulit na ipinatugtog ni Padre Salvi ang
kampanilya, nguni’t ito ay parang kahoy na dumadagdag pa ng
gatong: matigas ang ulo ni Padre Damaso at hinabaan pa ang
sermon.56 Si Pray Sibyla ay nakakagat-labi at makailang inayos
ang kanyang salamin sa mata na may kulob na ginto:57 si Pray
52
Pinagalitan ni Padre Damaso ang nag-aaway dahilan nagmumurahan
… pero siya mismo ang nagmura ng “walang hiya” – ginamit ang pulpito
para magmura. Maging sa makabagong panahon ay may mga
mangangaral ng kasulatan na nagmumura habang nagtuturo ng mga
“salita ng Diyos.”
53
“dahil sa wala ng larawang masuri ni sukat mapaglibangan”
Inantok si Maria Clara natapos na niyang pagsawaan na tingnan ang
larawan ng mga hubad na kaluluwa sa purgatoryo. Napakahaba nga
talaga ng sermon, isipin mong maubos mong tingnan ang lahat ng mga
larawan sa loob ng simbahan.
54
395
Manuel Martin ang tanging parang nasarapan sa pakikinig
sapagkat nakangiti.58
Sa huli ay sinabi ng Diyos na husto na, napagod din ang
mananalumpati at pumanaog sa pulpito.
Nangagsiluhod na ang lahat ng tao upang magpasalamat
sa Diyos.59 Kinuskos ng alkalde ang kanyang mga mata, iniunat
ang isang kamay upang mag-inat at bumitiw ng isang ah! na
lubhang malalim na kasabay ang paghihikab.
Ipinatuloy ang misa.
Nang inaawit ni Balbino at ni Chananay ang Incarnatus
est, samantalang ang lahat ng tao ay lumuluhod at itinutungo ng
mga pari ang kanilang mga ulo, ay isang lalake ang bumulong sa
tainga ni Ibarra: “Sa pagbabasbas ay huwag kayong lalayo sa
kura, huwag kayong papanaog sa hukay, huwag kayong lalapit
sa bato, nakasalalay ang inyong buhay!”
Nakita ni Ibarra si Elias, na matapos masabi ang gayon ay
nawala sa gitna ng karamihan ng tao.
58
Napangiti si Padre Martin dahilan sa lumabas ang tunay na kulay at
kahinaan ng kaniyang karibal sa kahusayan sa pagsesermon.
59
Isang pasaring na ang pagluhod ng mga tao ay bilang pagpapasalamat
sa Diyos, dahilan sa tapos na ang mahaba at tila walang katapusang
sermon ni Pray Damaso. Maging si Rizal ay inireklamo niya ang isang
napakahabang sermon na kaniyang narinig noong siya ay bata pa na
labis niyang kinainisan at ito ay ukol sa pagpapaliwanag ng Santisima
Trinidad.
396