You are on page 1of 5

Bakit laging politikal ang mga editorial cartoon?

Posted by Andang Juan Ano ang editorial cartoon at bakit ito politikal?

Borlongan Ayon sa panayam na binigkas ni Ding Loguibis sa mga mag-aaral ng Polytechnic University of the Philippines-College of Communication noong Hulyo 2009, ang editorial cartoon ay isang ilustrasyon o comic strip na naglalaman ng opisyal na posisyon ng buong editorial board. Maaaring maging imahe[n] ito ng nakasulat na editorial, o kayay maaari itong maging isang hiwalay na editorial na tumatalakay sa iba pang usaping panlipunan. Posisyon o tindig hinggil sa isang mahalagang isyung panlipunan ang tinutukoy dito. Samakatuwid, ang editorial cartoon ay naglalaman, hindi ng personal/indibidwalistang opinyon ng kartunista (o journalist), kundi ng kolektibong pananaw ng editorial board hinggil sa isang paksa. Itimo rin sa isip na ang kartunista ay isang journalist na mayroong tungkuling magbigay-hugis sa boses ng malawak na mamamayan. Naisasakatuparan niya ang tungkuling ito sa pamamagitan ng paglikha ng editorial cartoon. Nakaangkla sa batayang karapatan sa impormasyon (right of the people to know) ang paglikha ng editorial cartoon (Loguibis, 2009). Ibig sabihin, ang editorial cartoon ay hindi isang biswal na representasyon lamang ng napagkasunduang tindig. Ang editorial cartoon ay may kakayahan ding magbigay ng impormasyong makakatulong sa paghuhubog ng opinyon at kamalayan ng publiko. At dahil biswal, madali nitong napupukaw ang atensyon ng mambabasa at madali rin itong nauunawaan ng mambabasa. Makapangyarihan ang editorial cartoon at itoy diyalektikal. May kakayahan itong ihugis ang kamalayan ng mamamayan batay sa kahingian ng uring nagsasamantala at para sa

pagpapanatili ng kasalukuyang kairalang pinakikinabangan ng uring ito. Sa kabilang banday may kakayahan din itong imulat at ipaunawa sa sambayanan ang tunay nilang kalagayan. May kakayahan itong mag-ahita at nakatutulong din sa pagpapalakas ng diwang mapanlaban ng mga mamamayan.

Gernale Sa proseso ng panlipunang pagbabago, malaki ang nagiging ambag ng editorial cartoon. At kasaysayan ang makapagpapatunay nito. Sa mga editorial cartoon na nalikha noong panahon ng Batas Militar, halimbawa, karaniwan nang nagsisilbing repleksyon ng pampolitika at pang-ekonomiyang kondisyon ang mga ito. Pero bago pa man maipataw ang Batas Militar, ang kasaysayan ng Pilipinas ay dumanas na ng tatlong mahahalagang yugtong may kinalaman sa editorial cartoon bilang protest/revolutionary art (Guillermo, 2001). Ang una ay noong panahon ng Unang Kilusang Propaganda at ng Rebolusyong 1896. Binitbit ng mga Propagandista, (lalot higit ng mga akda nina Bonifacio at Jacinto) ang mga isyung tumuturol sa nagkakaisang layunin ng bayang Pilipinasang makalaya mula sa 300 daang-taong pagkakagapos sa kleriko-pasistang mananakop na Kastila. Ang ikalawang yugto ay naganap sa panahon ng Kolonyalismong Amerikano hanggang noong 1940s. Anti-imperyalista ang popular na paksa ng mga likhang sining, partikular sa mga dula (zarzuela at drama simbolicos), maging sa mga akdang pampanitikan (Guillermo, 2001). Bagamat kasamang kinasangkapan ng naghaharing pwersa ng bagong kolonyalistang Amerikano ang mga alagad ng sining-biswal para unti-unti at sistematikong gawing kolonyal ang kulturat kamalayan ng mga Pilipino (pangitangpangita ito sa mga pintura ni Amorsolo at ng kanyang mga kakontemporanyo; sa kanyang mga gawa, madalas na itinatanghal ang masayang sitwasyon ng mga magsasaka). At ikatlong yugtoy tumutukoy naman sa panahong katatapos pa lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ayon kay Guillermo (2001), this period saw the rise of labor

unionism and the mass mobilization of workers to struggle for their rights. Sa panitikan at sining-biswal, ito rin ang panahong sumibol ang social realism na siyang ubod naman ng editorial cartoon. Isa sa pinakamatitingkad na yugtong pangkasaysayan ng editorial cartoon (at social realism na rin) ang panahon ng Batas Militar. Naging makapangyarihan at epektibong instrumento ang editorial cartoon (at ang sining-biswal sa pangkalahatan) sa paglalantad ng tunay na kondisyon ng bansa sa ilalim ng batas na bakal. Sa katunayan, the Nagkakaisang Progresibong Artista at Arkitekto 71 was reorganized as NPAA 72 to adapt to the conditions consisted of paintings, the NPAA 72 made a more active effort to work in popular forms, such as posters, comics, and cartoons for peoples publications. They aimed for greater visual impact and wider accessibility in art that supplemented propaganda calls related to current issues (Guillermo, 2001). Sinikil ni Marcos ang maraming mga pahayagan, gayonman, lalong naging aktibo ang mga kartunistat artista ng bayan sa paglikha at paglalathala ng kanilang mga editorial cartoon na pumapaksa at nagbibigay ng kongkretong imahen sa malawak na represyong politikal na naganap sa panahong ito. Sa kasalukuyan ay mayroong tinatawag na Ikalawang Kilusang Propaganda o ang pagpapatuloy ng Unang Kilusang Propaganda at Rebolusyong Pilipino. Matagumpay na napalayas ng mga naunang rebolusyonaryo ang mga Kolonyalistang Kastila. Ngunit agad na humalili ang mga Kolonyalistang Amerikanong nakinabang sa yaman ng ating bansa at patuloy na nagpapasasa sa ilalim ng mapanlinlang na mga neoliberal na patakarang pang-ekonomiyang kilala natin ngayon sa bansag na globalisasyon (basahin: imperyalismo). Sa ganitong kondisyon, tungkulin ng kartunista na ipakita ang hindi ipinapakita sa/ng telebisyon at iba pang popular na midya. Tungkulin ng kartunistang ilantad ang tunay na kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng mga dibuhong nagpapakita/nagpapahayag ng mga partikularidad ng kasalukuyang kairalan. (Halimbawa, education budget cut.) Ang kartunista ay dapat na magpalalim pa ng kanyang kaalaman hinggil sa kasaysayan (naganap na at kagaganap pa lamang na kasaysayan) ng bansa. Dapat din niyang armasan ang kanyang sarili ng matalas at makabayang ideolohiyang makakatulong sa kanyang pagsusuri. Sapagkat ang kanyang dibuho ay dapat na naglalaman ng kanyang obhetibong pagsusuri sa lipunan. Ang obhetibong pagbasa sa lipunan ay matatamo sa pamamagitan ng paglubog sa publiko, sa masang mambabasa, sa masang pinaglilingkuran ng mga kartunista. Paano ba gumawa ng editorial cartoon? Para maging epektibo ang dibuhong lilikhain, alamin muna ang mga obhetibong kalagayan ng uri o kolektibong kinabibilangan. Kung ang paksa, halimbawa, ay may kinalaman sa isyung kinaharap ng mga estudyante, ang kartunistay dapat na lumubog sa kolektibong karanasan ng mga estudyante. Dapat lang na ang kartunista ay mulat din sa kalagayan ng kanyang mga mambabasa. Ito ay magagawa kung hindi inihihiwalay ng

kartunista ang kanyang sarili (o ginagawang detached ang sarili) mula sa uring kanyang pinagmumulan. Kinakalap ng kartunista ang mga hilaw at kolektibo ngunit hiwa-hiwalay na mga karanasan ng mamamayan. Sinusuri at inoorganisa niya ito sa paraang madali itong mauunawaan ng kanyang mga mambabasa (ng masa). Ang paraan ng kanyang pagoorganisa ay nakabatay sa antas ng kamulatan ng mga mambabasa/masa. Kayat sabay niyang dapat na pinatatalas din ang kamalayan ng mga mambabasa/masa habang pinauunlad naman niya ang kanyang napiling midyum/instrumento. Linyang masa ang tawag dito.

likha ng mga Russian cartoonist Wika nga ni Mao: Works of literature and art, as ideological forms, are products of the reflection in the human brain of the life of a given societyThe life of the people is always a mine of the raw materials for literature and art, materials in their natural form, materials that are crude, but most vital, rich and fundamentalthey provide literature and art with an inexhaustible source, their only source. Ang buhay at karanasan ng masa ang nagsisilbing balong pinagkukunan ng ideya ng kartunista. Pero kailangan niyang tipunin at pinuhin ang mga ideyang ito para lubos na tumagos sa pandama at pang-unawa ng mambabasa/masa. Hindi kinakailangang maging napakagaling sa pagguhit para makagawa ng editorial cartoon. Ang kailangan ay kakayahan sa masining na pagpepresenta sa napiling isyu o paksa. Gawing eksaherado ang hitsura ng mga imahen. Gumamit ng mga hayop o bagay na maaaring sumisimbolo sa ideyang gustong ipahiwatig. Ang susi dito ay kung paano gagawing kongkreto ang isang cerebral na ideya para mapukaw ang damdamin at kaisipan ng mambabasa/masa.

mula sa Pinoy Weekly Dapat ring alalahanin ng kartunista ang mag-edit (ayon kay Loguibis, 2009). Tanggalin ang mga bagay na nakasasabagabl sa malinaw na pagsasabi ng mensahe sa mambabasa/masa. Gawing simple ang ilustrasyon. At higit sa lahat, tanungin ang sarili kung ano ang posibleng reaksyon ng pinatutungkulan (Loguibis, 2009). Lagi ring isaalang-alang ang pagpapaibabaw sa kapakanan at interes ng mambabasa/masa. Kung magtatagumpay ang kartunista sa gawaing ito, magsisilbing isang malakas na sipa sa naghaharing puwersa ang kanyang tinta at drawing. Mga sanggunian Guillermo, Alice. 2001. Protest/Revolutionary Art in the Philippines 1970-1990. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press. Kartilya Political Journal: Ang Tungkulin ng Ikalawang Kilusang Propaganda. Setyembre 2010. College Editors Guild of the Philippines. Loguibis, Ding. 2009. Gearing Towards a New Beginning: Cartooning in Journalism. Panayam na binigkas sa PUP College of Communication.

You might also like